Chereads / Dare to Love Again / Chapter 6 - CHAPTER 6: THE FACE BEHIND THE BLACK MASK

Chapter 6 - CHAPTER 6: THE FACE BEHIND THE BLACK MASK

Ilang sandali pa at narrating na naming ang kanilang lugar. Sa may bandang entrance pa lang ay talagang maaakit ka na dahil sa sobrang linis at luwag ng frontyard kung saan maraming iba't ibang klase ng bulaklak ang nakatanim na nagmistulang parang isang mini park.

Maganda rin ang Building. Hindi siya gaanon ka engrande tingnan pero ito 'yong matatawag mong simple yet elegant. Kulay Brown with the touch of White tiles ang building at dalawang palapag lang ito.

Hindi rin masyadong maingay at magulo ang mga tenant dito kaya ok na ok ako dito.

"Pasensya ka na po at walang elevator dito." Ika ng kasama kong dalagita.

"Nako, okay lang." Sambit ko saka nagpatuloy na kami sa paglalakad paitaas.

"Ito na lang po ang natatanging dalawang kuwartong available." Kaniyang ituro ang Room number 18 at 19."

"Oh! And'yan ka na pala, Audrey." Tawag ng isang medyo ma-edad ng lalaki sa dalagita.

"Opo, Tito."

"Nako, kinuha na nnoong babae kanina ang Room number 18 kaya 'yang isa nalang ang natitira."

"Ahh, ganoon po ba?" Malimit kong tugon saka binuksan n ani Audrey ang pintuan at pumasok na kaming tatlo.

Maganda siya at Malaki na para sa isang tao. May isa na itong kwarto, kitchen, Comfort Room and Bathroom, mini living room at ang maganda pa ay may mini balcony din ito na mayroon ding naka display na mga halaman.

"I like this." Hindi na ako nagpa tumpik tumpik pa.

"Sigurado ka ba Hija? Eh lalaki kasi ang katabi mong Kuwarto iyong number 20, pero wag kang mag alala mabait naman at matulungin si Lance." Pagpapaliwanag ng matandang lalaki.

Hay nako, kung alam lang nila kung gaano ako ka desperado makanahap ng malilipatan siguradong hindi na nila sasabihin pa ang mga katagang iyon at agada gad na lang akong itutulak papasok dito.

Lance, parang may natatandaan akong kapangalan niya. Saad ko sa aking isipan saka muli na kaming lumabas.

"Hay! Salamat, Lord!" Malakas kong hiyaw sa loob ng aking room ng matapos na akong mag linis at mag arrange ng aking mga gamit.

Agada gad din akong tumayo at nagmamadaling nagtungo sa may balcony upang pagmasdan ang mga bulaklak. Mula kasi pagka bata ay pag tatanim na talaga ang aking nakahiligan dahil parati akong sumasama kay mama na magtanim at mamitas ng iba't ibang uri ng mga bulaklak upang kaniyang ibenta sa kaniyang flower shop.

"Wow!" Laking gulat ko nang makitang may Sunflower silang tinatanim. Ang pinaka paborito kong bulaklak.

"Huh?" Agad akong napa atras patalikod nang may biglang parang isang kurtinang tumakip sa aking buong pagmumukha na amoy sabon na may halong detergent or downy na amoy na hindi ko maintindihan.

"Ayst ano ba 'to?" Marahan kong tinanggal ang ano mang nakatakip sa akin ulo at hindi napigilang maghihiyaw ng malamang isa pala itong…Boxer!

"Eww! Eww! Yucks!" Pagsisigaw ko at mas lalo pa akong nagulat na galing pala sa Room number 20 ang underwear na ito kung saan sangkatutak na mga underwear at damit ang nakasampay sa kaniyang balcony.

"Yucks!" Muli ko pang sigaw at ilang sandal pa ay sumulpot na sa balcony ang lalaking nakatira sa Room 20 at…

"IKAW!"

Sabay naming sigaw habang tinuturo ang isa't isa.

D*mn! Hindi ko alam na siya nga talaga ang Lance na tinutukoy ng matandang may ari.

"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko.

"Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan!" Sigaw niyang pabalik.

"I am out of your business at kaya wag mo akong ma question question!" Padabog kong wika saka muling bumalik sa aking kwarto at isinara ang pintuan ng balcony nang makita kong dala dala ko pa rin sa kaliwa kong kamay ang boxer na napadpad sa mukha ko kanina.

"Patay!" Ang tangi kong nasambit at muling lumabas ng balcony upang ibalik ito sa kaniya pero wala na ito doon. Pati ang kaniyang sangkatutak na mga sinampay ay wala na rin.

"Bilis ahh!" Saad ko. At muli nalang bumalik ng kwarto at nilagay sa may mesa ang boxer niya.

Ilang sandali pa ay nag desisyon akong lumabas at kumain na lang sa may malapit na kainan dahil wala akong dalang anumang puweding lutuin para sa gabing ito.

"Ay kabayo!" Mabilis kong wika sabay atras sa likuran nang sabay kaming magbukas ng aming pintuan.

"Hindi mo ba talaga ako tatantanan?" Pagtataray ko. Ayan lumabas na naman muli ang aking sungay dahil nakakairita talaga siya.

"Excuse me po, may bibilhin lang po ako sa labas, Po." Pagliliwanag niya saka nauna ng naglakad pababa at parang ako naman ngayon ang sunod ng sunod sa kaniya.

"Baka gusto mong sumama, papunta din ako sa may malapit na tindahan," Imbeta niya.

"No need. Kaya kong mag lakad." Pag reject ko sa kaniyang offer saka mabilis na nag martsa paunahan.

"Sige, ikaw bahala. Total matapang ka naman, diba po?" Pahabol niyang sigaw saka tuluyan ng pumasok ng kotse at pinaandar na ito at saka ko lamang napagtanto ng makalagpas na siya sa akin na wala palang masyadong nagdadaan na sasakyan dito at medyo wala na ring tao kahit ang aga pa naman dahilan upang kumaripas ako ng takbo paunahan at bigla nalang napasigaw ng bigla niyang buksan ang ilaw na kotse niya.

"Oh! Mukhang hingal na hingal ka po? May naganap bang takbuhan?" Ito na naman siya. Nang iirita naman. Nakangiti ito sa akin halatang saying saya sa kaniyang nakikita.

"Wala kang paki!" Pagmamaldita ko.

"Ah, okay!"

"Hoy!" Tawag ko sa kaniya nang sinarado na nitong muli ang bintana ng kaniyang kotse.

"Po?" Nakangisi nitong usisa.

"Hindi mo ba nakikitang may pasahero ka dito!" Padabog kong wika para itago ang pagkahiya ko sa kaniya matapos kong tanggihan ang alok niya kanina.

So, ayun na nga mga Mare, napilitan na akong mag taxi ng wala sa oras at lugar. Tahimik lang ako sa kabuan ng byahe. Nagtatanong siya kung saan daw punta ko pero hindi ko ito sinasabihan ng eksaktong lugar dahil ayukong palaging may parang anak na palaging nakalambitin sa likuran ko.

"Dito nalang!"Saad ko ng marating naming ang isang Korean Restaurant. Masyadong maraming tao dito at mukhang dadayuhin talaga dahil sa bukod tangi nitong mga menu at mala-Korean vibe na style na desinyo.

Inabutan ko ito ng pasahe pero hindi niya tinanggap dahil dito rind aw talaga ang sadya niya. Oh ang bait 'no?

Nauna na siyang pumasok at mula noon ay hindi ko na siya Nakita pa dahil sa sobrang dami ng tao ay para na akong nasa Divisoria o 'di kaya sa may ukay ukay. May mg abanda ring kumakanta sa may mini stage na nasa bandang kaliwa ng restaurant kung saan mismong Korean ballad song din ang kanilang kinakanta.

"Annyeong hasaeyo! May I take your order ma'am?" Tanong sa akin ng isang lalaking crew habang pumipila ako at wala sa malay na nakikinig sa magandang boses ng babaeng kumakanta.

"Ahh, can I have one order of Bulgogi, samgyeopsal and Makgeolli please."

"What number of tables are you sitting, ma'am?" Tanong niyang muli. Nag ikot ikot ako sa paligid upang humanap ng mauupuan pero wala ni kahit na isang bakante. Ni kahit isang upuan ay wala kang makikita dahil sa sobrang dami ng tao.

"Table 38," Nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita galling sa aking tagiliran at Nakita ko ang isang lalaking naka mask, naka sombrero at jacket. Dahan dahan nitong tinanggal ang kaniyang mask at bululaga sa akin ang nakangiting demonyong mukha ni Felix Chad Galileo.