Chereads / Dare to Love Again / Chapter 5 - CHAPTER 5: THE OTHER LEFT AND SOMEONE RETURNED

Chapter 5 - CHAPTER 5: THE OTHER LEFT AND SOMEONE RETURNED

"Here!" Marahan kong abot sa kaniya ng pera. Hindi ko na ito binilang pa at inabot nalang sa kaniya.

Dinig kong marahan siyang tumawa saka hinablot ang isang libong pera.

"Aren't you going to take all these money?"

Umiling iling lang siya habang ngumingiti. Agad ko ring binaling sa iba ang aking paningin. Ayaw kong pagmasdan siya ng matagal.

"Sobra na 'to para sa back-and-forth na gasolinang nagamit ko." Paliwanag niya.

Akala ko ba babayaran ko pa pati pagkain at oras niyang nasayang kakahintay sa akin.

"Biro ko lang 'yong kanina." Ayan na naman siya. Kung makasagot daig pa ang manghuhula na nababasa kung ano ang nasa isip ko.

"Okay, ikaw na maysabi niyan." Malanta kong tugon at muli ng binalik sa wallet ko ang aking pera.

"Sige na, hindi na ako magtatagal." Wika niya sabay talikod.

"Wait!"

Agad din siyang huminto the moment he heard me said that.

"Po?" Malambing niyang tanong na siyang agad na nagpabago ng mood ko. Wow! Kung maka Po wagas! Dibale na nga lang.

"Can you please stop that! Hindi pa ako ganoon ka kulubot para e Po mo every time kinakausap kita." I rolled my eyes out and heard him chuckles.

"Sige ba, Ma'am." Aba! Iba talaga. So, Guro na naman ako ngayon?

"Sabby," Pagpuputol ko na medyo nahihiya.

"Nice meeting you, Sabby. Lance nga pala." Oh! What a nice name. Bumagay sa maamo at inosente niyang mukha. But again and again, I have to remind myself not to fall again. At saka never akong pumapatol sa mas bata sa akin, so it's a red flag for Lance.

"Nice meeting you as well and thank you for spending you time with me earlier." Pasasalamat ko.

"No need to. Palagi naman akong nagpupunta doon eh." Ohhh! Well, obvious naman dahil napakaganda ng lugar na iyon. "Sige na." Muli siyang kumaway at tuluyan ng pumasok sa elevator hanggang sa mag sara ito.

"Ahh!" I mourned habang hinihinat ang buo kung katawan. Ramdam kong muli ng dumadaloy ang aking dugo sa aking mga ugat.

Medyo pagod ako ngayon pero hindi po ako masyadong inaantok at biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina. Buti nalang talaga at nandoon si Lance dahil kong hindi, ewan ko kong ano ang gagawin ko sa demonyong Felix na 'yon.

"Hays! Tama na nga kaka-overthink." Marahan kong tinapik tapik ang aking pisngi upang bumalik sa katinuan at inabot na lamang ang remote control at binuksan ang tv nang…

"The legendary Multimedia Superstar and Runway Icon, Felix Chad Galileo is finally home again after spending almost 5 years in the U.S. pursuing his Degree in Acting. His manager confirmed that the Superstar will now be staying in the country and is set to produce more and more projects here which is a big surprise for his fan. And according to the Icon he is…"

Hindi ko na pinatapos pa ang reporter sa kaniyang sasabihin at agad ng pinatay ang TV.

"So, that explains why he's here. D*mn it!" Agad na nag init ang ulo ko na para bang biglaan akong nagka hypertension dahil sa sobrang galit ko sa demonyong 'yon.

Napilitan na akong humiga sa kama at pinikit ang aking mata kahit hindi pa ako inaantok nang biglang nag vibrate ang phone ko.

"Hello Americana Girl? How's life in the U.S.?" Message sa akin ni Ate na muling nagpa-guilty sa akin. I don't know how long I can be able to hide from her and how long I am going to lie.

I flipped the phone and sobbed my face to the soft pillow and turned off the light. Here I am again, feeling the emptiness that's slowly burying me alive.

The serenity of this place is what served as the sad song to my ears na mas lalong nagpapalungkot sa akin. At sa bawat oras na muli akong nag iisa ay muli ring bumabalik at unti unti kong naaalala ang sakit at hapding dinanas ko sa dalawang lalaking minahal ko ng sobra.

Cairo left and that hurts. And now, Felix returned, and it also hurts. Hindi ko na alam kong saan ako pupunta. I have nowhere to go or hide. I have no one to listen and comfort. I only have myself for now kaya wala na talaga akong papel pa sa mundong ito but I don't understand why I'm still alive kahit ilang subok ko nang tinangkang tapusin ang buhay ko. I guess maybe God has better plan for me o kaya may mas masakit pang darating sa buhay ko para muli na naman akong mag lambitin sa sakit.

Ano kaya ang masamang nagawa ko at ng pamilya ko sa aming nakaraang buhay kung kaya't para kaming nakasumpa at nagsa-suffer ngayon ng sobra sobra.

Ramdam kong basing bas ana ang aking unan ng aking luha at dama ko na rin ang lamig ng Air-conditioning na siyang dumadampi sa aking balat dahilan upang yakapin ko ang aking sarili sa gitna ng madilim at tahimik na sulok.

Dalangin ko lang ay sana may isang araw na darating sa akin 'yong maramdaman ko naman gaano pahalagahan, ingatan at mahalin. Kahit isang araw lang lord.

***

Kinaumagahan nagising nalang ako sa liwanag ng araw na siyang dumdampi sa aking mukha.

"Ahh!" I yawned like a lazy little cat before jumping off my bed and head to the shower.

This is my second day in this hotel at hindi ko kakayaning manatili dito ng ilang buwan o kahit n ani isang lingo dahil paniguradong mahuhuthot lahat ng laman ng card ko.

Matapos maligo ay nag palit na ako patungo sa isang lose six-pocket pants na kulay itim at nagsuot ng over size na shirt at pinatungan ng isang makapal na black jacket din. Saan punta mo 'te? Korea yarn?

Wala akong paki kung sabihan siyo pa akong badoy dahil alam kong maiintindihan niyo rin kung bakit ito ang napili kong isuot ngayon.

Hindi na ako nag lagay ng kung ano anong palamuti sa aking mukha at itinali naloang ang aking buhok sa medium ponytail saka pinatungan ng itim na sombrero. Sa OOTD kung ito, daig ko pa ang Hollywood Superstar na nagtatago mula sa mga Paparazzi. Parang ganoon na rin ang sa akin dahil kailangan kong magtago sa demonyong nagbabalik sa aking buhay.

"Yan!" Ika ko matapos e-impake ang aking mga gamit. Sa ngayon ay lalabas muna ako dito upang maghanap ng flat na aking malilipatan.

"Excuse me ma'am, may I take your order please?" Malumanay na tanong ng isang dalagitang crew sa coffee shop na ito. Nag desisyon akong kumain muna ng kahit na ano bago tuluyang maghanap ng malilipatan.

"Can I have one Large Americano with more ice and a slice of strawberry cake please?"

"Is that all, ma'am?"

"Ehm." Ang aking tanging sagot sabay tango at agad din siyang bumalik sa loob upang kunin ang order ko.

Sa labas ako nagdesisyong umupo dahil bukod sa less crowded dito ay maganda rin ang paligid dahil maraming mga halamang nakatanim. May Mini tables and umbrellas din sila kaya't hindi gaanong mainit dito.

"Here's your order, ma'am." Wika niya saka marahang binaba na ang isang platter kung saan nakalagay ang aking inorder.

Saktong pagkatapos niyang e-served ang order ko ay biglang tumunog ang kaniyang telepono. Pareho kaming naka Iphone kaya sa una ay akala ko phone ko ang may tawag.

Sandali siyang umupo sa katabi kong Mesa at doon kinausap ang tumawag sa kaniya. Medyo bata siya ng konti sa akin at mukhang nag aaral pa siya at baka part-timer lang siya dito.

"Wala po ba diyan si Tita? Saan daw nagpunta?" Hindi ko sinasadyang narinig ang kanilang usapan.

"Ahh. Bakit need na po ba talaga niyang lumipat ngayon?" Muli na naman akong nakinig sa kanilang usapan.

"Sige po total may dalawa pa namang bakanteng room doon malapit kay Kuya Cutei, papiliin muna po siya at pauwi na rin po ako tito." Saad ng crew

"Ahh! Miss?"

"Yes po, ma'am?" Mabilis niyang response sa akin.

"Ahh, narinig kasi kitang nakikipag usap kanina sa telepono. Ahh-ano eh," Nauutal kong wika.

"Ano ba 'yong bakanteng room na tinutukoy mo?" Medyo nahihiya kong tanong.

"Ahh, apartment room po iyon, ma'am. Pag mamay-ari ng Tita ko."

Para naman akong biglang nabuhayan at agad na tumayo mula sa aking magkakaupo.

"Ahh, may bakante pa ba? Naghahanap din kasi ako ng malilipatan 'yong pang isang tao lang."

"Nako, sakto po. Isa nalang ang 'yon pag kukunin na no'ng lilipat sanang tenant ngayon." Tugon niya.

"Sige na puntahan na natin para makita ko ang room." Nagmamadali kong saad na siyang dahilan upang mapangiti ang dalagita.