"Aw! Get rid of me!" Pagmamaldita ko at agad na tumayo. Hilong hilo pa ako pero para akong si Son-Goku na biglang nag superpower at lumakas the moment I found out that it was him who caught me before falling.
"Are you okay?"
"No, I'm not! I'm never okay since the day you left me!" Is what I wanted to say but, "No, I'm not!" Is what I was able to say.
Mabilis kong hinablot ang aking bag mula sa kaniya at dali-daling naglakad palabas ng Hospital ngunit dinig ko pa rin ang panyag ng kaniyang mga paa na sa palagay ko ay hinahabol niya ako.
"Sabby, wait?" Pahabol niyang sigaw at saktong may Taxi ring naka park sa unahan ng Hospital at nakatayo pa sa may labas nito ang driver nan aka sombrerong itim.
"Pasok!" Ako pa talaga ang may lakas ng loob upang utusan ang may ari ng Taxi upang ipag drive ako.
"Ma'am, naka reserve na po kasi ang Taxing ito." Marahan niyang angal.
"Shut up! Just f*cking drive and I'll pay you twice, idiot!" Pagmamaldita ng Ate niyo.
Oo, para akong loka loka na tumakbo palabas ng Hospital suot ang aking 5 inches Heels na para bang naka paa lang ako. Para akong biglang sinaniban ng sangkatutak na espirito the moment I saw that bastard. Alam kong sasabihin niyong ang OA ko pero iba kasi ang dating niya sa akin. He is not just an EX to me, dahil siya ang rason kung bakit nasa Hospital na nakalatay ang magpi-pitong taon ng comatose na Nanay ko. And I can never forgive him pag nawala ng tuluyan sa akin si Mama.
"Hey!" Dinig ko paring sigaw niya at kita kong sumusunod pa rin siya sa amin.
"Bilisan mo po, Kuya!" Sigaw ko.
"Wow! Kung maka po wagas!" Para naman akong gulay na biglang nanlanta nang marinig na sumagot sagot sa akin ang Driver na ito.
"Pwe! Wala ako sa mood ngayon so, just shut up and drive fast!" Pagtataray ko. At hindi na ito umimik pa at binilisan na rin ang pagmamaneho.
"Saan po tayo, ma'am?" Usisa niya. Panandalian akong natahimik at nag isip kong saan ng aba ako pupunta.
Ayaw ko munang bumalik sa Hotel dahil gutom na gutom pa ako.
"Sa may lawa." Tugon ko.
"Saan pong lawa?" Pasunod niyang tanong.
Wala akong alam na lawa dito dahil hindi naman talaga ako masyadong nag gagala dito sa Manila at isa pa hindi ko rin alam kong may lawa nga ba dito sa loob ng very densely populated metropolitan area na ito.
"I don't know." Agad siyang lumingon sa akin ng sobrang napakabilis. Halatang naguguluhan na rin siya.
"Sige po. May alam po akong malapit na ilog dito upang makapag muni muni po kayo." Para naman akong agad na nasiyahan sa kaniyang sinambit. Parang biglang nawala ang kung ano mang mabigat na nakadagan sa aking dibdib.
Ilang minuno pa ay bigla na niyang hininto ang sasakyan at nilingon akong muli.
"Nandito na po tayo." He announced. I got out of the car and were completely shocked by how exquisite this place is. Para akong nasa South Korea dahil sa napaka perfect na angle at sight dito. Kitang kita ko ang maliwanag at maingay na Syudad ng Manila habng dito naman ay masyadong tahimik at medyo madilim ng konti na tanging mga ilaw lamang galling sa mga solar powered post ang tanging nagpapaliwanag dito. Maraming puno dito na may tig iisang upuan at mesa sa bawat lilim nito. May mga tao ring naglalakad, yung iba nagja jogging at yung iba gaya ko, mag isa na nagmumuni muni sa tahimik at malamig na sulok ng mala Koreang lugar na ito.
"Thank you for taking me here." Malimit kong saad saka sinara ang pintuan ng Taxi.
"Hey!," Agad akong napalingon sa Taxi Driver at agad itong bumaba mula sa Kotse sabay alis ng kaniyang itim na Sombrero…and f*ck! It's him again. Yung Driver ko last night na siya ring nag sauli ng aking Cellphone sa aking mismong Hotel room.
Well, tama nga siyang hindi bagay na tawagin ko siyang 'po' dahil halatang mas matanda ako kaysa sa kaniya ngunit parang mga isa o dalwang taong lang naman siguro ang agwat namin.
"I'm doing this for living PO, and I don't take thank you as a fare, PO!" Wika niya na parang ini-emphasize pa niya ang word PO. Gago rin 'to no.
"Shut up! Nakalimutan ko lang," I rolled my eyes out. "At isa pa, kung maka PO ka sa'kin wagas. Parang ginawa mo akong Lola mo." Dagdag ko pa.
Dinig kong medyo napatawa siya sa sinabi ko ngunit umubo na lang ito para hindi mahalatang pinagtatawanan niya ako.
"Don't laugh at me just because natawag kitang PO kanina. Nabubuwesit ako!" Pagtataray ko pa saka hinalughog ang aking handbag ngunit hindi ko mahanap ang aking wallet.
"Oh! Ano?"
"Teka nga!" Sigaw ko at dali dali ibinuhos palabas lahat ng laman ng bag ko sa may malapit na table at nakitang wala nga dito ang wallet ko and I just remember that I just changed my bag kanina at nakalimutan kong ilipat ang wallet ko dito.
Dinig kong natawa siya. "Ano na?" Oh tataray taray ka pa tapos ngayon wala ka rin naman palang pambayad. Ano? Asan na ang double pay na sinasabi mo?"
Ramdam kong unti unti siyang lumalapit sa akin.
"Stop! Kaya kitang bayaran. Naiwan ko lang sa hotel ang wallet ko!" Pagtatapat ko.
"Oh! Nawala ang angas mo 'no?" Pang iirita niya pa sa akin.
Ano ba 'yan! Imbes na mag muni muni mukhang mas ma e-stress pa ako dito.
"You can come with me to the hotel," Nanggigigil kong saad.
"What? Hindi rin po ako tumatanggap ng bayad na kataw…"
"Shut up!" Taas kilay ko siyang tiningnan sa kaniyang singkit na mga mata. P*ta ang pogi pal ana batugan na ito. "Take me to the hotel after this para masigurado mong makukuha mo ang bayad mo." Wika ko saka sabay lakad papalayo sa kaniya.
"Then, what about my time na masasayang kakahintay sa'yong magmuni muni dito? May bayad din ba?" Pangungulit pa niya.
Hindi ko alam kong sadya bang trip niya akong kulitin o mukhang pera lang talaga ang lalaking ito.
"Babayaran ko rin PO!" Padabog kong lakad saka tuluyan ng lumayo sa kaniya at umupo na sa lilim ng isang kahoy.
Ilang oras ang lumipas at bigla akong nakarinig ng yapak ng paa sa may 'di kalayuan na siyang sabay din ng malakas na ihip ng hangin dahilan upang magsiliparan ang mahahaba kong buhok.
Bigla akong kinilabutan lalo't nang mapansin kong medyo wala ng tao sa paligid. Dali dali kong binuksan ang aking cellphone to check the time and saw that it's already past 10 in the evening. Medyo malalim na rin ang gabi.
Mas lalong palapit na ng palapit ang mga yapak hanggang sa…
"Ahhh!" Wala sa malay kong sigaw na para bang nakakita ako ng multo.
"Buwesit!" I screamed out of my lungs nang malamang ang Taxi Driver lang pala iyon.
Mamula mulang tumawa ito ng pagka lakas lakas habang sinusubo ang kaniyang pagkain. Bigla naman akong inatake ng gutom sa mga oras na Nakita ko siya sinisipsip ang kaniyang milktea.
"Oh…Gutom?" Tanong niya.
Agad akong tumalikod upang hindi magpa halata ngunit ang baliw kong tiyan ay parang tangang biglang nag ingay.
"Stomach never lies." Saad niya. "I ordered for two in case na gusto mo." Malumanay niyang saad ngunit alam kong pinagti tripan lang ako nito dahil tanging burger at milktea lang at burger ang dala dala niya.
"It's in the car," Tugon niya na para bang nababasa niya ang nasa isipan ko.
"Re-really?" Nahihiya kong paninigurado at 'yon nan ga. Muli na naman siyang tumawa.
"Can you do that one more time?" Pang iirita niya.
Akala mo kung sinong ka-close ko kung makapang asar sa akin. Huh! Driver lang kita hindi bestfriend. Pagpipigil kong saad sa aking isipan. Ayoko ko rin naman sabihin 'yon sa mismong harapan niya dahil wala namang malalim na rason para ipahiya or e bad shot ko siya.
"Whatever!" Pagmamaldita ko.
"Tara na." Pag iimbeta niya sa akin. I mean, seriously? May pagkain talaga?
"Seryoso nga…" Dagdag niya saka nauna ng naglakad pabalik sa kotse.
In that moment I felt totally different. Para akong biglang nag iba.
Sabi nga nila, masarap mag isa pero ngayon masasabi kong mas masarap may kasama lalo na kung ang kasama mo ay sing-tanga at sing-ingay mo.
We are nothing but a total stranger to each other, but the way we talked and laughed feels like we've been together for a very long time. Ang sarap niyang kasama dahil mararamdaman mo talagang hindi ka nag iisa, yung tipong sa bawat katagang lumalabas sa aking bibig ay pawang nakatitig lang siya sa akin at sa bawat problemang aking binabanggit ay hindi niya pinapalampas na magbigay ng payo o di kaya posibleng solusyon.
Totoo nga ang kasabihan na ang sarap mag open-up sa stranger.
"Can I ask for his name?" Is what my heart is saying but…
"Don't get yourself easily attached, especially sa lalaki." Is what my brain commanded.
Posible kaya? Posible bang magmahal tayo kahit hindi pa lubusang naghihilom ang sugat na iniwan ng nauna?
Posible bang magmahal habang nasasaktan?
Hindi siguro. At isa pa, ayukong gawing panakip butas ang isa tao para lang makalimot o panandaliang sumaya. I am never that kind of person. At saka nakapag desisyon na ako, I WILL NEVER OPEN MY HEART AND DARE TO LOVE AGAIN. Not anymore, Sabina Blythe Guidotte.