Agad silang napahinto. Kita kong nanlaki ang kanilang mga mata nang makita akong biglang nalang sumulpot mula sa kanilang unahan.
Nagmamadali akong naglakad patungo sa kanila at walang pagdadalawang isip na pinakawalan ang pagkalakas lakas kong sampal sa magkabilang pisngi ni Cairo.
Kita kong nabigla at namutla si Kourtnee. Wala itong nagawa dahil alam niya kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Dahil bukod sa ganda at talino ko ay marunong din ako sa Martial Art and Taekwondo, which she doesn't learned kaya hindi nalang ito umimik.
"How dare you para pagmukhain akong tanga kakatawag at kakahintay sa'yo dito sa Airport. Tapos ito? Iba pala ang isasama mo sa pag alis mo? F*ck!" Malakas ko itong sinuntok sa kaniyang dibdib ngunit hindi man lang ito natinag. Wala siyang imik at tiningnan lang ako sa mga mata habang umiiyak.
"Don't you dare cry in front of me dahil hindi ako maaawa sa manloloko. How can you do this to me? And you as well!" Sabay kung turo sa kanilang dalawa.
"Do you even have an idea kung ano at sino ang pinakawalan at binitawan ko para lang piliin ka? D*mn!" Tuluyan na akong napa hagulhol. Dahil sa bawat katagang sinasambit at pinapakawalan ko ay naaalala ko ang sinabi sa akin ni Ate Sabrina.
"I'm sorry." Ang kaniyang tanging saad at dahan dahang lumapit sa akin at inabot ang aking kanang kamay ngunit hindi ko ito hinayaan.
"Wag na wag mo akong hahawakan. Nasusuklam! Nandidiri at nagsisisi akong binuhos ko sa'yo ang pagmamahal, oras at tiwala ko." Sabay tulak ko sa kaniya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto kong sumigaw ng pagkalakas lakas dahil ramdam kong parang sasabog na ang aking dibdib sa sobrang sakit na aking nadarama sa mga oras na ito.
I trusted him. And for the second time I tried opening my heart again with the high hope that he isn't like those guy na nakilala ko dati-but I'm a fool. Ito na siguro ang pinaka tangang desisyon at pinaka bobong nagawa ko sa buhay ko, ang mas piliin ang lalaking tulad niya kaysa sa mismong pamilya ko. Tapos ngayon? Ito pala? Wow, Sabina! Ang bobo mo!
"Ang tanga tanga ko at mas pinili kita kaysa sa sariling pamilya ko! Ang tanga tanga kong inisip na iba ka sa kanila at ang tanga tanga kong umasa na ikaw na ang lalaking pakakapag pabago sa pananaw ni Mama at Ate sa lahat ng kalalakihan, pero tama pala sila! Men only want us in bed! And you're not an exception. P*ta ka!" Hindi na ako nakapag pigil pa.
"At ikaw naman makating linta ka. I hope na hindi ka matulad sa akin. Dahil sa landi mong 'yan paniguradong hindi rin siya tatagal sa'yo. And what you think makes you far greater or better than me? Look at me! I almost have all the boxes checked that most people called me perfect pero pinagpalit parin ako, ikaw pa kaya? Kung ako sa'yo matakot ka, dahil maaaring sa mga susunod na araw ay magaya ka rin sa akin." Sarkastikong hinarap at pinangaralan ko si Kourtnee. Wala na akong pakialam kong masaktan man siya dahil totoo ang lahat ng sinasabi ko at gusto ko lang na hindi siya matulad sa akin-though I still hated her for becoming the reason kung bakit kami nahiwalay ni Cairo.
"Tang*na n'yong dalawa. Losers are on their way to the America!" Sigaw ko na may kasamang halakhak sabay talikod sa kanila at itinaas ang aking kanang kamay habang naka F*ck you sign.
An'sakit!
"Ma'am? Saan po tayo?" Tanong ng Taxi Driver nang makapasok na ako sa Taxi.
Panandalian akong lumutang sa ere nag iisip kong saan na ako pupunta? Oo alam kong hindi galit si Ate at kahit anong oras ay puwede akong bumalik sa bahay naming pero ngayon wala pa akong sapat na lakas ng loob upang muli siyang harapin matapos ko siyang iwanan para sa isang hampas lupang lalaking manloloko.
"Victoria's Hotel po." Ika ko saka sumandal sa upuan ng kotse habang pinupunasan ang aking mga luha at ilang sandal pa ay mismong si Manong Driver na ang nag abot sa akin ng Tissue.
Hindi na ako umarte pa at inabot ko na ang tissue. Pinatay niya rin ang ilaw sa may bandang likuran para magkaroon ako ng privacy.
Buti pa ang matatanda may malasakit at marunong makiramdam. Saad ko sa aking isipan saka inayos na ang aking sarili.
Siguro mag ho-hotel na muna ako ngayon. Gusto ko munang mapag isa at makapag isip isip ngayon. Ang dami kong gusting gawin sa buhay ko. Una na roon ang sirain ito dahil alam ko na wala na akong silbi pa. I don't have purpose or reason either to survive. I am just a piece of worthless living individual now, mas makakadagdag pa ako sa problema ng mundo kung mabubuhay pa ako ng mas matagal. Siguro ito na ang tamang oras para tapusin ko na ang lahat ng hinanakit at pasakit na nararamdaman ko. Pagod na ako. Pagod na pagod na.
"Ma'am?"
"Ma'am?"
"Huh!" Wala sa malay kong tugon.
Hindi ko alam kong pang ilang beses na niya akong tinatawag dahil halata namang wala na ako sa katinuan.
"Nandito na po tayo."
"Sige, salamat." Inabot ko na sa kaniya ang pasahe saka nagmamadaling lumabas kalga kalga ang isang malaking stroller bag ko. Daig ko pa ang mag a-abroad nito-mag a-abroad patungong langit.
Ilang minute lang ay nasa kuwarto na ako. Mabilis lang ang transaksiyon at mag booking dito sa hotel na ito kaya gustong gusto ko dito.
Walang pag dadalawang isip ay agad akong naghanap ng kahit anong klaseng matibay na panali pero nalibot ko na ang buong kwarto ay hindi pa rin ako nakakakita ni kahit isa kaya't naisip kong ang mahabang kurtina na lang ang gamitin kong pang pantali upang tapusin ang walang kwentang buhay ko.
Unti unti akong umakyat sa may mesa at pinipigilan ang aking sarili na umiyak. I'm shaking and drastically sweating despite the cooling breeze that the AC is producing. Wala na talaga ako sa katinuan.
Dahan dahan kong tinapat ang aking leeg sa kurtinang nakasabit na ngayon sa may ceiling at unti unting pinakit ang aking mata nang…
"Tok tok!" Isang malakas na katok ang bumulalas sa aking may pintuan.
Galit na galit at padabog akong bumaba mula sa mesa dahil alam kong kahit mag bigti ako ngayon ay hindi parin ako kaagad malalagutan ng hininga at baka makapasok pa ang sino mamng kumakatok sa oras na malaman nitong hindi na maganda ang nangyayari dito sa loob.
"Ano?" Sarkastiko kong tanong.
Hindi ko na masyadong nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan para hindi niya makita ang nasa loob.
"Here's your dinner, ma'am." Sambit ng isang magandang dalagitang staff.
"Hindi ako nag order ng pagkain." Pataray kong wika.
"Ay ano po ma'am. Bale sagot po ito ng hotel once na nag book kayo dito sa VIP room."
Hindi na ako nakipag talo pa at kinuha ko na sa kaniya ang isang maliit na bilog na mesa at dahan dahang pinasok sa loob ng room.
Ano 'to, ritwal? Na kakain muna ako bago mamatay?
Dali dali ko ng sinara ang pintuan at umakyat na muli sa may mesa nang mayroon na namang kumatok sa aking pintuan.
"F*ck!" Sigaw ko sabay padabog na muling bumaba at binuksan ang pintuan.
"Who are you?" Kunot noo kong usisa sa isang maputi, matipuno at may itsurang lalaki na nakasuot ng isang itim na sombrero.
"I was that Driver who drove you home…" He introduced.
"Wala akong paki!" Pang iinsulto kong agad na pinutol ang kaniyang sasabihin. Wala akong pakialam kung gwapo pa siya o kung siya ng aba ang may malasakit na Driver kanina na sinakyan ko. Ang akala ko talaga ay isang matandang manong ang Driver kanina.
"Grave ka naman po. I was just about to return your cellphone po kasi naiwan mo ito kanina." Nahiya naman ako sa aking asal at agad ng kinuha ang aking cellphone mula sa kaniyang kamay. What do you want? Gusto mo pera?
"Hindi ako mukhang pera Miss. Oo alam kong may pinag dadaanan ka ngayon but don't make that as an excuse to disrespect someone who's being generous to you. Binalik ko 'yan dahil pag mamay-ari mo. And I'm not after your money by the way." Agad itong tumalikod sa akin at hindi man lang ako pinagsalita.
Para naman akong agad na natauhan sa kaniyang pangangaral sa akin gamit ang kaniyang British Accent.
"Baliw!" Marahan kong wika saka sinarado ang pintuan.
Ngayon, wag na wag na kayong kakatok sa aking pintuan dahil punong puno na ako. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito.
Mabilis akong umakyat muli sa may mesa saka pinasok ang aking leeg sa naka bitin na kurtina at dali daling pinatumba ang mesa at…
"Ugh!" Ang tanging katagang aking nabanggit bago ako tuluyang mawala sa aking sarili.