Chereads / Dare to Love Again / Chapter 1 - CHAPTER 1: HINDI LAHAT NG LALAKI AY MANLOLOKO

Dare to Love Again

🇵🇭Welch_Phyxion
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 12.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1: HINDI LAHAT NG LALAKI AY MANLOLOKO

"Baliw ka ba!" Nakakabinging sigaw ni ate Sabrina sa akin. "Why? Have you forgotten already kung gaano ka kamisirable noong iwan ka ni Felix?" Pag papaalala niya sa akin.

"The hell naman, Ate! Why would you have to bring up what's already buried?" Pabalik kong sigaw sabay kamot sa aking mukha.

I just couldn't take how easy for her to bring up the past and mention Felix. The guy who ruined my life. The guy who made my world fall for 7 whole months. And the guy who almost became the reason of my death.

"Wag mo akong ma hell-hell Sabina! I've been in your position 4 years ago and so as you. And I'm bringing the past to make you remember how and what love has made you, I and Mom…Look at us!"

"But this time is different from then. Cairo isn't Felix. He isn't Dad or your husband kaya wag na wag mo siyang ikukumpara sa mga manlolokong iyon!"

"Wow! Where the f*ck did you get your nerve to say na hindi sila magkatulad? Boys are all the same! They just want to f*ck us, exposed us as their new toys tagging that we are their world then threw us like a piece of filthy rubbish when we're no longer entertaining or making them happy in bed. Tandaan mo yan, Sab.."

"Puwede ba Ate? Kung ikaw ganyan na talaga ang paniniwalang nais mong paniwalaan hanggang sa pag tanda, puwes! Ako hindi. Oo, gaga na kung gaga, tanga na kung tanga. Pero walang mali sa magmahal, sumubok at muling buksan ang puso para sa isa pang pagkakataon. I'm taking this chance to prove to you and to Mom na hindi lahat ng lalaki ay manloloko." Kasabay ng aking mala-talumpating kataga ay siya ring pag patak ng aking mga luha.

Alam ko sa sarili ko na mali ang ginagawa ko ngayon dahil hindi ako sigurado kung hanggang saan kami ni Cairo dadalhin ng tadhana. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon, mahal ko siya…at sapat na 'yong rason para sa akin na ipagpatuloy ang aming nasimulang pag-iibigan.

Puweding tama si Ate Sabrina na men only wants us to serve them good in bed pero alam ko sa sarili ko na hindi ganon si Cairo kaya't susugal ako ulit, magmamahal ako ulit. At sana sa pagkakataong ito tama na ang desisyon ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ate Sabrina sabay hatak sa kaliwa kong braso. Panandalian akong tumigil at huminga ng malalim. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at dahan dahang pinawisan ang aking mga luha.

"Don't tell me…"

"Yes," Hindi ko na pinatapos si Ate dahil alam ko naman ang sasabihin niya. "You're right." Agad na napabitaw si Ate sa pagkakahawak sa akin at sabay na tinakpan ang kaniyang bibig ng dalawa niyang mga kamay.

"Forgive me, Ate. But this time, hayaan mo akong piliin ang sa tingin ko ay tama." Hindi ko na pinahaba pa ang aming usapan at patakbong inakyat ko ang ikalawang palapag ng aming bahay upang kunin ang mga gamit ko sa aking kuwarto.

Kasabay ng aking malakas na pag iyak at sigaw sa loob ng aking kuwarto ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan kasabay ang nag wawalang mga kidlat.

It hurts. Sobra. It hurts leaving someone who gave you the second chance to live. My Ate was the one who took care of me sa loob ng pitong buwan 'kong wala sa sarili. I was badly and insanely hurt that time.

I dropped out of school, lose friends, and most importantly my life. I almost lost to someone, after taking bunch of pills wanting to kill myself for that's the only way, I know to escape the pain.

Dahil sa bawat araw at gabi na panandalian akong bumabalik sa aking katinuan ay patuloy kong naaalala ang sakit at hapdi ng sugat na ginawa ni Felix sa akin.

Pero ni isang Segundo ay hindi ko narinig na umangal at nagalit sa akin si Ate Sabrina. She managed to took care of me during daytime while she's looking after Zeeya, her daughter then goes to the hospital at night para bisitahin ang magpi-pitong taon ng nakahigang si Mama na na-comatose dahil din kay Papa. But now, look what I'm doing…I'm becoming ungrateful, I really am. For choosing Cairo over her. The f*ck! It's driving me insane!

Dahan dahan akong bumaba sa aming mala-palasyong hagdanan at nadatnang nakaupo sa sahig si Ate.

Unti unti niyang inaangat ang kaniyang mukha at sabay na tumayo at naglakad patungo sa aking kinatatayuan.

"Don't mind what I'd said earlier. Ate mo parin ako. Call me when you need me at wag mong pababayaan ang sarili mo." Marahan niyang hinaplos ang aking mahabang buhok at mahigpit akong niyakap. Sabay kaming humagulhol sa aming mga balikat. Ang sakit sobra.

"Sab…" Tawag niya sa akin bago ako pumasok ng kotse.

Lumingon ako ng hindi umiimik.

"Maaari bang dalawin mo muna si Mama? Saka magpa…"

"I will." Hindi ko na siya pinatapos at agad ng pumasok sa Taxi. Dahil mas lalo akong nasasaktan sa kabutihang pinapakita niya matapos ko siyang bitawan ng ganon ganon na lang dahil sa isang lalaki.

***

"The number you have dialed is unavailable" Paulit ulit kong tinatawagan ang number ni Cairo ng makalabas na ako ng Hospital, pero hindi ito sumasagot.

Kaya't nagtungo nalang ako sa Airport para doon nalang siya hintayin o di kaya hanapin. Baka kasi na lowbat lang siya.

Agad agad din akong naglibot ng marating ko na ang Airport upang hanapin siya ngunit hindi ko parin ito mahanap.

"Hey! Can you look after my bag for a moment? I'll just go to the Comfort room for a second." Paghingi ko ng pabor sa isang dalagitang Americano na naglalaro ng mobile game sa tabi ng upuan ko.

"Okay." Malimit niyang sagot.

Nababaliw na ako kaka-dial at kakapindot ng aking cellphone upang tawagan si Cairo.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng isang CR nang matapos na akong mag wiwi nang may narinig akong isang pamilyar na boses.

"Sino 'to?"

Hindi na muna ako lumabas. Hindi ko alam kong sa anong kadahilanan ay mas gusto kong manatili nalang muna dito sa loob kaysa lumabas.

"The hell, Cairo!"

Agad akong napa atras sabay na tinakpan ang aking bibig.

"Do you have an idea how long I've been waiting for you here? At nagawa mo pang magpalit ng number!" Dinig kong malakas na pagkasabi ng babaeng may pamilyar na boses.

So, he changed his number? For what? Bakit?

Kaya pala hindi ko na siya ma contact.

"Nasaan ka ba pupuntahan kita. Ma li-late na tayo sa flight natin!" Pasunod na sigaw niya saka mabilis na lumabas ng CR. Agad din akong lumabas upang sundan siya. Kung saan man siya pupunta sigurado akong patungo siya kay Cairo.

Hindi na ako nagbalik para sa aking Bagahe at nagmamadaling sinundan nalang ang babae na sa aking palagay ay kilala ko.

Lumabas siya ng Entrance ng Airport at nagtungo sa parting walang masyadong tao at sa di kalayuan ang may Nakita ang isang lalaking nakatayo ng mag isa. Agad akong nagtago sa likod ng isang malaking artificial tree at nakitang unti unting lumingon ang lalaki. Si Cairo nga. At mas lalo pa akong nagulat ng makita ang babaeng sinusundan ko kanina.

"Kourtnee?" Marahan kong saad.

Kourtnee is our Class President. The top 3 student dahil hindi niya ako kayang tapatan. I've been the Class top 2 since freshmen habang si Cairo naman ang aming consistent na Top 1. Never in my entire College life have I seen them talking to each other or discussing something even if it's academic matter pero bakit sila magkasama ngayon?

Magdadalawang taon na kami ni Cairo pero wala naman akong napapansing masama o kaya maling kaniyang ginagawa because Cairo isn't like any other guy who likes wasting time at the bar or at the party o kahit saan mang gala. He's always in the library or at his house pag walang klase.

"Ano bang ginagawa mo. Tanggalin mo nga 'yan!" Galit na inalis ni Kourtnee ang suot-suot na sombrero ni Cairo.

"Akin na yan." Kalmado at marahang saad ni Cairo.

Palapit ng palapit sila sa akin kaya mas kailangan kong galingan ang pagtatago. I need to figure out what's the score between them bago kami magpunta sa U.S. ni Cairo. Dahil ayaw ko ng may kahati sa kaniya. Kahit na long distance pa yan.

"Bakit? Takot kang makilala ng haliparot na babaeng 'yon? Kahit naman anong gawin niya wala siyang panalo sa akin. I got the Ace." Pataray na wika ni Kourtnee sabay himas sa kaniyang tiyan.

So, she's pregnant? I talked to myself.

"I just don't want to make scene or trouble dito. Aalis tayo ng hindi niya nalalaman at walang nagaganap na gulo…"

"Woah! Ang galing!"