VIOLET
Ten million pesos! Nalula ako sa laki ng halaga na naka sulat sa kontrata. Sampung milyon para sa buhay ng demonyong Congressman. Kahit pa siguro libre ay papatayin ko ang hayup na taong iyon!
"Lucy De Guzman," napangiti ako habang binabasa ang bago kong pangalan. Kumpleto ang lahat ng kailangan ko tulad ng sinabi ni Mr.Valle. Maging ang bago kong identity ay animo plantsado rin ang pagkaka plano. Executive secretary ng isang pribadong kumpanya si Lucy, ang bago kong katauhan.
Isang imbitasyon din ang naka lakip sa sobre na ibinigay ni Mr.Valle. Party kung saan ko 'makikilala' si Congressman Oranio.
Sinipat ko ang sarili ko sa salamin saka ngumiti, alam kong sa inosente kong mukha ay bibigay agad ang demonyong congressman. Mga bata at inosente ang kahinaan ng congressman kahit pa kakakasal lang nito sa napaka batang asawa ay alam kong hindi siya makakatanggi sa akin kapag nagkita kami.
"Good evening ma'am!" bati sa akin ng ilang staff ng hotel nang dumating ako sa venue ng gaganaping party. Marami nang tao roon, karamihan ay mga kilalang mukha sa politika at business world.
"Iha! Mabuti naman at nakarating ka!" Nagtataka ako nang isang babaeng nasa mid fifties ang bumati sa akin at humalik sa pisngi ko. Ngumiti naman ako at humalik din sa pisngi niya.
"Good evening po,"
"Ako nga pala si Mrs.Torres ang CEO ng Torres Beauty and Cosmetics Philippines," pakilala niya.
Magsasalita sana ako para magpakilala pero inunahan niya ako, "Lucy, totoo nga ang sinabi ni Mr.Valle napakaganda mo iha!" Aniyang bakas ang paghanga sa kaniyang boses. Ngumiti lamang ako, hindi ko akalain na existed na pala ako bilang Lucy.
"Iha, puwedeng puwede kang maging sususnod na mukha ng Torres Cosmetics," muli kong narinig na sabi niya kahit hindi ako naka focus sa kaniya dahil kanina pa hinahanap ng mga mata ko si Congressman.
"Talaga ho?" Sagot ko namang pina sigla ang boses ko para mag mukhang interesado ako sa sinasabi niya.
"Oo naman iha, kung gusto mo ay pumunta ka bukas sa opisina ko at ayusin na natin ang kontrata," seryosong sabi niya. Napatingin ako sa kaniya, seryoso nga siya! Hindi ko gusto ang publicity dahil alam kong hindi iyon makakatulong sa trabaho ko.
"Naku eh pwede ho bang pag-isispan ko muna?" Alanganing sagot ko. Ayoko talaga ng alok niya. Hindi ko kailangang ilagay sa publiko ang muhka at pangalan ko. Magiging kumplikado ang lahat.
"Heto ang card ko iha, tawagan mo lamang ako kapag nakapagdesisyon ka na," aniya saka hinawakan ang kamay ko at inilagay ang isang calling card.
Magaan ang loob ko kay Mrs.Torres, hindi siya 'yung mayaman na mukhang matapobre. Well, sa suot kong ito hindi naman ako mukhang pobre pero magaan ang approach ni Mrs.Torres.
"Salamat ho sa pag consider sa akin bilang bago ninyong modelo," nahihiyang tugon ko sa kaniya.
"Ma'am excuse me ho, may gustong makipag-usap sa inyo," hindi ko namalayan ang isang babaeng lumapit sa amin. Si Mrs.Torres ang kinakausap niya. Mukhang sekretarya niya ito.
"Ladies and gentlemen, me I have your attention please!" Maya maya pa ay pukaw ng emcee.
"Congressman Oranio ang isa sa mga sponsor ng event na ito!" Pakilala niya sa taong kanina pa hinahanap ng mga mata ko.
Pasimple akong lumapit sa harapan habang busy si Mrs.Torres na nakikipag-usap sa kaniyang secretary at sa isa pang babae.
Hindi naman ako nabigo, nakita kong napako sa akin ang mata ni Congressman habang nagsasalita sa maliit na entablado. Pagkatapos niyang magsalita ay agad niya akong nilapitan at preskong hinapit ako sa beywang. Pakiramdam niya ay kikiligin ang lahat ng babae sa presensya niya. May itsura naman itong si Congressman kaya nga lang ay talagang matanda na ito. Nanliit ako sa kaniya nang maalala ko ang mga krimen niya, gusto kong taniman agad ng bala ang bungo niya pero hindi ito ang tamang oras para rito.
"Hey baby, would you mind joining us tonight?" aniya at pa simpleng pinisil ang isang pisngi ng aking pang-upo. Medyo napapitlag naman ako kahit na inaasahan ko na iyon.
"Sure," bulong ko namang inilapit pa ang dibdib kong halos labas na ang kalahati sa suot kong hapit na hapit. Bahagya kong Idinikit ang labi ko sa taenga niya at kita ko ang pagtikom ng kaniyang kamao na tila ba nagpipigil. Alam kong galit na galit na ang alaga ni Congressman dahil hindi lamang ako ang babaeng dumidikit sa kaniya.
Kahit na diring diri ako ay malinis pa rin ang galaw ko para akitin ang demonyong Congressman. Pagkatapos ng party ay inaya kami ni Congressman sa isang bar na pag-aari pala niya. Halos lahat ng mga babae sa party, maliban sa mga CEO at matatanda ay sumama sa kaniya. Kilala kasi ang Congressman sa pagiging galante sa mga babaeng nali-link sa kaniya. Hindi na ako sumabay sa mga sasakyan nila dahil dala ko naman ang sasakyan ko.
Nagsuot lamang ako ng mahabang leather coat ay pinaharurut ko na si kakie, at palihim na sumunod sa kanila. Kakie ang ipinangalan ko sa motorsiklo kong kawasaki ninja na bigay ng Alpha.
Iniwan ko si kakie sa sa parking lot ng isang mall at nag taxi na lamang akong pumunta sa bar. Dahil nga umasta lamang akong costumer ng bar ay mabilis naman akong naka pasok. Walang kahirap hirap akong naka lapit kay Congressman na pinagkukumpulan pa rin ng mga babae. Madilim at mausok ang loob ng bar, tanging mga pulang ilaw lamang na naka tutok sa pinaka gitna nito ang tumatanglaw sa kabuuan ng lugar. Nasa bandang sulok nama ang mesa ni Congressman, kahit na napapaligiran ng mga bodyguards niya ay tamang tama pa rin sa plano ko.
Umupo ako sa mesa nila at kitang kita ko ang mga babaeng salitang nagpapaligaya sa kaniya. Naka luhod ang isa habang binibigyan siya ng bl*w job at wala ring tigil ang mga kamay nila sa paghaplos sa ibat ibang parte ng katawan niya. Ilang babae rin ang nasa pagitan namin, nang isang babae na lang ang nasa pagitan namin at nagkunwari rin akong nakikihaplos sa maseselang parte niya, abot abot ang ungol ni Congressman. Halatang nakapa galing kumain ng babaeng naka luhod sa harapan niya.
Binunot ko ang maliit na rambo knife na naka sukbit ilalim ng suot kong boots. Mabilis kong itinarak iyon sa leeg ng umuungol pa ring Congressman, sinigurado kong putol ang kaniyang carotid artery. Kitang kita ko ang mga kamay niyang bahagyang dumiin sa pagkakahawak sa babaeng naka luhod sa kaniyang harapan. Hinugot ko ang kutsilyo at pasimpleng ibinalik iyon sa sout kong boots. Hindi na siya naka galaw at tanging ungol na lamang ang naririrnig mula sa kaniyang lalamunan dahil iyon sa lason mula gamit kong patalim. Mabilis na paralysis at pagkalason ang epekto niyon. Naka sandal pa rin siya ng medyo pahiga sa kinauupuan kaya hindi agad umagos ang dugo niya sa ibabaw ng kaniyang katawan.
Patay malisya lamang akong naka upo at kunwari ay umiinom. Maya maya pa ay sumingit ang dalawang babae na kanina ay nasa pagitan namin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para umalis na. Kinuha ko ang basong iniinuman ko saka humalo sa grupo ng mga babaeng palabas na may mga dala ring baso. Mayroon din kasing mga upuan sa labas ng bar, para sa mga ayaw sa mausok at maingay.
Paglabas ay dumiretso na akong nag-lakad palayo. Sa di kalayuan ay kumuha ako ng taxi at nagpahatid sa mall kung saan ko iniwan ang motorsiklo. Hindi ko na alam kung paano nila nadiskubreng patay na ang Congressman.
Pagdating ko sa condo ay mabilis akong naligo at nilinis ang kamay kong na mantsahan ng dugo ni congressman. Wala man lamang akong naramdamang konsensya sa ginawa ko bagkos ay tila naka hinga pa ako ng maluwag sa isisping wala nang demonyo ang tatakot sa mga magsasaka at manggagahasa sa mga inosenteng menor de edad.
Kinabukasan ay malakas na ring ng cellphone ko ang gumising sa akin. Nilakasan ko iyon dahil may alarm ako ng alas nueve. Magrereport kasi ako sa heardquarters ng bandang alas dyes. Pero heto at alas sais pa lang ang ginising na ako ng napaka agang caller na ito. Unknown number kaya pinindot ko ang answer button. Hindi ko kasi ugaling mag save ng mga numero ng mga nasa Alpha.
"Congratulations Lucy!" bungad ng nasa kabilang linya. Si Mr.Valle.
"Good morning Mr.Valle," sabi ko sa tinatamad na boses. Mag-uumaga na kasi kanina nang makatulog ako.
"Oh, yeah good morning. I just want to congratulate you, mag report ka na lang sa opisina anytime!" aniya. Tinatamad kong ibinalik ang cellphone ko sa side table at muling bumalik sa pag-tulog. Pero hindi ako dinalaw pa ng antok. Gising na gising na ang diwa ko. Binuksan ko ang telebisyon at kasalukuyang nasa news nga ang pagsabog sa bar ng Congressman. Kumunot ang noo ko, hindi naman ako nagpasabog doon. Ipinakita rin ang wala nang buhay na kongresista na naka upo pa rin sa kinauupuan niya kagabi. Isang bomba ang iniwan sa harap mismo ng bar at ilang tauhan niya ang namatay. Ayon sa balita hinihinalang kalaban sa politika ang may kagagawan nito dahil maraming kaalitan sa politika si Congressman.
Well, siguro ay ibang kalaban naman niya ang may gawa ng pagsabog.
Paalis na sana ako nang muling tumunog ang cellphone ko, isang notification mula sa bangko. Sinasabing successfully transferred ang Ten million pesos sa aking account. May naka plano na para sa mga perang maiipon ko sa pagtatrabaho sa Alpha. HIndi naman habang buhay akong magiging assasin kaya nagplano na rin ako ng para sa kinabukasan ko.
"Congratulations!" muling bungad ni Mr.Valle nang pumasok ako sa opisina niya.
"Nais iparating ng mga big boss ang pagbati nila, kahanga hanga. Halos isang linggo lamang mula nang tinanggap mo ang assignment," hindi pa rin matapos ang papuri niya sa akin. Naiilang naman ako, hindi kasi ako sanay nang pinupuri.
"Magpahinga ka muna Lucy, sa susunod na linggo ay matatanggap mo ang bago mong assignment," aniya.
"Maaari kang umuwi muna sa probinsya mo at mag-relax," dagdag pa niya.
" Heto ang kaunting bonus dahil sa mabilis mong pagkakatapos sa assignment mo," at inabot niya ang may kakapalan ding sobre. Cash ang laman niyon pwede kong magamit sa kung saan ko man gustong pumunta.
Para naman akong tanga kung magbabakasyon lamang akong mag-isa kaya naisip ko si Vera. Malapit na rin namang matapos ang bakasyon niya, aayain ko na lang muna siya kung hindi siya busy. Sa init ng summer dito sa Maynila ay gusto kong malamigan naman kahit papano.
"Vera," simula ko nang marinig ko ang answer button sa kabilang linya.
"Oh, Violet! Kumusta? Tinatawagan kita last week, laging busy ang number mo," aniya.
"Naku pasensya ka na ha, medyo busy kasi ako lately," pagdadahilan ko na lang. Confidential kasi ang mga assignment namin, maging mga kasama namin ay hindi pwedeng maka-alam nito.
"Busy ka ba this week? Unwind tayo," aya ko sa kaniya at agad naman siyang pumayag. Wala na raw kasi siyang kasama sa bahay nila dahil nagsimula na ang pasukan ng mga kapatid niya.
"Seryoso ka ba? Boring na ako rito, may pasok na kasi ang mga kapatid ko sa school," aniya.
"Oo naman, ano, hintayin kita rito sa Maynila?" sabi ko habang nagsimulang mag-scroll ang mga kamay ko para maghanap ng matutuluyang hotel sa Baguio.
"Yes, sige hahabulin ko ang huling flight pa-Manila ngayong araw!" Excited na sagot niya bago ibinaba ang telepono. Nasa parteng Bicol kasi ang lugar ni Vera kaya kailangan pa niyang sumakay ng eroplano para mabilis na maka punta sa Maynila.
Nang hapon na nga ay sinundo ko siya sa airport at nag taxi na lamang kami patungong istasyon ng bus. Sakay ng isang sikat na bus line ay bumyahe kami ng halos anim na oras patungong Baguio. Gabi na nang makarating kami. Kahit na summer ay ramdam namin ang lamig na sumalubong sa amin nang pababa na kami ng bus. Nag check-in kami sa isang hotel sa downtown Baguio.
"Wow! Ang ganda!" Si Vera habang naka tanaw sa bintana ng hotel room namin. Naka harap kasi iyon sa burnham park at tanaw na tanaw ang kabuuan ng syudad. Napaka ganda ng mall na nasa itaas ng isang bundok, at ang ilaw sa parke na tila buhay na buhay.
"First time kong pumunta rito," aniyang naka tingin pa rin sa labas.
"Pangalawa ko na 'to, noong una ay no'ng bata pa ako. May tournament kami noon sa taekwondo, mula noon ay pinangarap ko nang puntahan muli ang Baguio," kuwento ko sa kaniya pero hindi ko alam kung nakikinig pa siya dahil bahagya pa niyang inilabas ang ulo niya sa bintana. Naiiling na lamang akong itinabi ang bag ko sa isang sulok.