THIRD PERSON'S POV
"Welcome home honey!" Salubong ni Don Arthur sa asawang si Donya Eloisa.
"It's good to be back honey, there is no other place like home," aniyang iginala ang paningin sa kabuuan ng mansion. Wala pa rin iyong ipinagbago.
"Magpahinga ka na muna. See you later honey, may importante akong meeting today," paalam niya sa asawa.
"Don't worry I'll be fine," tugon naman ng donya.
Ang totoo n'yan umuwi lang talaga ang donya dahil sa report ng private investigator niya na may lead na siya sa napakatagal nang paghahanap sa kaniyang panganay na anak. Hindi alam ng Don ang ginagawa naiyang patuloy na pagpapahanap sa anak dahil pagbabawalan lamang siya nito. Naapektuhan kasi ang kaniyang kalusugan nang walang tigil siyang naghahanap noong bago pa lamang na nawala ang bata. Hindi na raw kakayanin ng Don kung pati siya ay mawala pa kaya ipinadala sila nito sa Amerika para maiwas sa stress. Ayon pa sa Don ay siya na raw ang bahalang maghahanap sa nawawalang anak. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay patuloy na ipinahanap ng Donya ang nawawalang anak. Nag-hire siya ng private detective para maghanap. At nitong huli nga ay nakatanggap siya ng magandang balita mula rito kaya nagdesisyon siyang umuwi para siya mismo ang pumunta sa bahay ampunang sinasabi ng detective.
Dahil sa natanggap na tawag kay Mr. Valle ay sinadya ni Don Arthur ang opisina nito para personal na magbigay ng utos para sa tauhang naliligaw ng landas.
"Bring her alive!" Pagdidiin ng Don nang makausap si Mr. Valle.
"Susubukan kong kausapin, pero kung talagang matigas ay wala tayong magagawa kung hindi sundin ang batas ng organisasyon," dagdag pa niya.
"Yes sir!" tanging naisagot na lamang ni Mr. Valle. Kahit na labag sa kalooban ay nag-assign siya ng ibang tauhan para maghanap kay Violet. Kilala niya ang batang iyon, napakabait at kahit na nasa ganoong linya ng trabaho ay alam niyang patas si Violet. Kaya nga ito nag-resign ay dahil hindi nito kayang pumatay ng inosente.
"Good! Tawagan mo agad ako kung may balita!" iyon lamang at tumalikod na ang Don kasama ang tatlong bodyguard nito.
Naiwang natitigilan si Mr. Valle. Napapailing na lamang na kinuha ang personal na telepono at nag-dial ng numero.
"Hello, mag-iingat ka, hinahanap ka na nila," aniya saka agad ding ini-off iyon.
Inaasahan na ni Violet ang unang hakbang ng kanilang mga boss sa ginawa niya kahit pa hindi siya balaan ni Mr. Valle. Magsisimula na siyang tumakbo at magtago para sa sarili niyang kaligtasan. Hindi siya natatakot pero may mga taong natatakot siyang madamay sa laban niya. Naisip niya si Alex, alam nilang bigo ang misyon niya rito kaya hindi malabong mag-utos sila ng iba para patayin ito. Inilabas niya ang cellphone para tawagan ito.
"Alex, listen to me," aniya nang marinig na sinagot nito ang tawag niya.
"They are coming for you, papatayin ka nila Alex kailangan mong mag-ingat," walang gatol niyang pahayag kahit na hindi pa man nakakapagsalita si Alex sa kabilang linya.
"Baby what are you talking about? Bakit napaka-aga mong umalis?" tanong nito sa kaniya.
"Okay makinig ka. Inutusan ako ng Alpha na patayin ka Alex," simula niya at isinalaysay ang naging koneksyon niya sa Alpha at ang balak na pagpapa patay sa kaniya ng mga founders ng organisasyon. Pero hindi niya sinabing siya si Violet.
"What? Are you kidding me?" hindi pa rin makapaniwala si Alex sa narinig.
"You heard me right, I quit kaya pareho na tayong hinahanap ng mga tauhan nila," dagdag pa niya.
"Where are you? Are you okay?" nag-aalala pa ring tanong niya sa nobya sa kabila ng mga nalaman nito.
"H-hindi ka ba magagalit sa akin?" nag-aalangan pa rin si Violet. Inaasahan niyang magagalit sa kaniya si Alex dahil sa nalaman pero tila balewala lamang dito ang sinabi niya.
"Of course galit ako! Pero nag-aalala ako Lucy, mahal kita at kahit pa anong rason mo ay hindi no'n mababago ang nararamdaman ko!" Bulyaw niya sa dalaga. Tila natauhan naman ito at sandaling tumahimik. Maya maya pa ay narinig niya ang buntong hininga ng nobyo sa kabilang linya.
"Look, matutulungan tayo ng mga pulis at-"
"No! Hindi mo kilala ang binabangga mo Alex," putol ni Violet sa iba pang sasabihin ng nobyo.
"Hindi mo sila kilala. Sa ngayon ay mag-iingat ka na lang muna," aniya saka ibinaba na ang telepono. Tinatawagan siya ni Alex subalit hindi na niya iyon sinagot.
Gamit ang nabili niyang sasakyan ay umuwi ng San Juaquin si Violet. Kahit na nagdesisyon siyang dumistansya muna sa ampunan ay hindi niya mapigilan ang sarili sa pagkakataon ito. Iyon lamang ang tanging tahanan na mayroon siya. Ang mga tao roon ang tanging pamilya niya. Alam niyang sa pagkakataong ito ay sila lamang ang mapupuntahan niya.
"Violet! Mabuti naman at naisipan mong dumalaw," masayang salubong sa kaniya ni Siter Julie.
"Busy ho kasi sa trabaho Sister, kumusta ho kayo rito?" tugon niya.
"Naku eh mabuti naman iha. May naghahanap nga pala sa'yo, ilang buwan na rin mula nang galing s'ya rito," kuwento pa ni Sister Julie. Hindi naman na siya nagtaka sa sinabi nito.
"Talaga ho? Sino naman daw ho s'ya?" kunwa'y tanong niya.
"Si Alex, ang sabi n'ya babalik daw siya sa ibang pagkakataon," tugon ni Sister Julie.
"Sino naman kaya 'yun?" aniyang kunyari ay nag-iisip.
"Huwag mo na munang alalahanin 'yon, magpahinga ka na at mukhang pagod na pagod ka. Nangangayayat ka iha," puna ng butihing Sister.
"S-sige ho Sister," sagot niyang pinipigil ang maluha. Gusto niyang isumbong ang mga problema niya pero lalong lalaki ang gulo kapag ginawa niya iyon kaya minabuti niyang sarilinin na lamang iyon.
Dumiretso si Violet sa apartment niya. Lumingon muna siya sa paligid bago isinara ang pinto. Para siyang daga na nagtatago sa pusa. Dahil sa pagod at puyat nang nagdaang araw ay mabilis na nakatulog si Violet. Nang magising nang sumunod na araw ay hindi siya lumabas ng apartment. Nakamukmok lang siya maghapon. Mabuti na lamang at hinahatiran siya ng pagkain ni Teryo, ang katiwala sa simbahan.
Naguguluhan si Alex. Hindi pa rin ma-absorb ng utak niya ang mga rebelasyon ni Lucy. Alam niyang hindi pangkaraniwan ang Alpha. Hindi niya iyon sinasadyang malaman, nang dahil lamang sa paghahanap kay Violet kaya palihim niyang inalam ang tungkol sa grupo. Ngayon ay malinaw na ang lahat. Kung totoo nga ang sinasabi ni Lucy ay siguradong nasa panganib rin si Violet. Ang dalawang babaeng importante sa kaniya parehong nasa alanganing sitwasyon.
Hinagilap niya ang directory at hinanap ang numero ng ampunan pero wala iyon sa listahan. Bakit nga ba nakalimutan niyang hingin ang numero ng telepono nila noon? Nalala niya ang simbahan, siguradong may record ito. Mabuti na lamang at naroon ang numero ng Parish of San Juaquin. Agad niyang tinawagan iyon. Hindi naman nagtagal ay may sumagot sa kabilang linya.
"Hello, magandang gabi po! Maaari ko bang makausap si Sister Julie?" magalang na sabi niya.
"Si Sister Julie po ito, anong maipaglilingkod namin sa inyo?" sagot ng kabilang linya. Nakahinga siya ng maluwag nang malamang si Sister Julie iyon.
"Magandang gabi po Sister, si Alex ho ito iyong naghahanap kay Violet. May balita na ho ba sa kaniya?" tanong niya.
"Kauuwi lang n'ya iho. Kung may oras ka eh puwede kang dumaan dito para makita mo s'ya," tugon ni Sister Julie.
"Sige ho Sister pupunta ho ako d'yan, salamat ho at magandang gabi," iyon lamang at nagpaalam na si Alex sa kausap.
Sa lahat ng mga masasamang nangyari ay heto at mayroong magandang balita. Nagmamadali siyang gumayak at bumyahe patungong San Juaquin. Balewala sa kaniya ang pagmamaneho magdamag basta't makita lamang niya ang kaibigang mula pagkabata ay hindi niya kinalimutan. Excited siya sa muling pagkikita nila ng kababata. Natatadaan pa kaya siya nito? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalamang ako si Greene?
Halos paliparin niya ang kotse para marating agad ang San Juaquin. Mag-uumaga na nang sa wakas narating niya ang lugar. Nag-parking lang siya sa harap ng simbahan. Masyado pang maaga para pumasok doon kaya ibinaba niya ang sandalan ng upuan saka pumikit.
Mainit na sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha ang gumising kay Alex. Napasarap yata siya ng tulog. Nag-ayos lang siya ng sarili saka nagmamadaling pumunta sa tanggapan ng ampunan. Naroon naman si Sister Julie.
"Maupo ka iho, ipapatawag ko lang s'ya," aniya.
"Salamat ho," tugon niyang hindi mapakali. Sa tagal ng panahon ay muli niyang makikita ang kababata. Matutuwa si Mia kapag nalaman niyang nahanap na niya si Violet.
Maya maya pa ay parating na si Sister Julie kasama ang isang babae. Naulinigan niya ang pag-uusap ng mga ito hindi pa man pumasok sa munting opisina ang mga ito.
Nagulat siya nang makita ang babaeng kasama ni Sister. Hindi siya agad nakapagsalita.
Tila nawalan naman ng dugo ang mukha ni Violet nang makitang naghihintay si Alex doon. Ang akala kasi niya ay si Vera ang sinasabi ni Sister na kaibigang bisita niya. Alam niyang darating ang pagkakataong ito pro hindi niya inaasahan na ngayon na makikilala ni Alex ang tototong siya!
"What are you doing here?" halos sabay na tanong nila sa isa't isa.
"Violet, Alex maiwan ko muna kayo ha, may mga bisita kasi pupuntahan ko lamang sila," paalam ni Sister Julie sa kanila.
"Bahala ka na muna sa bisita mo iha," baling ni Sister Julie kay Violet.
"S-sige ho salamat," tugon niya.
"Alex why are you here? Sinusundan mo ba ako?" kunwari ay walang kaalam-alam si Violet.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw si Violet?" Naguguluhan pa rin si Alex.
"Sinabi ko naman sa'yo ang dahilan hindi ba?" mahinang tugon niya.
"Hindi na importante kung ako man si Violet, Lucy or Violet wala namang magbabago hindi ba? Ako pa rin ito," aniyang pinipigil ang emosyon.
"Now tell me, bakit sinusundan mo ako hanggang dito?" tanong niyang pilit pinapatatag ang boses.
"It's a big diffirence, Violet is the reason kung bakit ako na involve sa Alpha. Violet, I'm looking for you!" sabi niya sa dalaga.
"Violet it's me, Greene. Don't you remember?" Si Alex na pigil rin ang damdamin.
"Napakatagal kitang hinanap Violet," aniyang niyakap na ito. Hindi niya napigilan ang sariling mapaluha.
"Alex," tanging sambit ng dalaga habang humihikbing gumanti ng yakap kay Alex.
"Shhh... Maaayos din natin ang lahat," alo niya sa dalaga habang hinahaplos ang buhok nito. Kahit na kumplikado ay malinaw na kay Alex ang lahat. Walang nagbago sa nararamdaman niya, mahal niya si Lucy o Violet. Kahit na ano pa ang pangalan nito.
"Sumama ka sa akin, I will protect you," bulong niya sa nobya. Pinahid niya ang luha nito at hinagkan sa noo.
"Cheer up pretty woman!" aniya.
"May assassin bang iyakin," bulong niya sa tainga nito.
"Sira ka talaga kahit kailan!" natatawang tugon ng dalaga saka siya pinagkukurot.
"Hindi ako papayag na umalis ka na naman nang walang paalam, isasama kita kahit saan ako mag-punta Violet," pagkuwan ay sumeryoso si Alex.
"Pumunta tayo sa malayo, iyong malayo sa gulo. Magsimula tayo ng bagong buhay na magkasama," dagdag pa niya.
"Oo," tumango tango si Violet. Gusto na rin niyang iwasan ang gulong kinasasangkutan. Alam niyang hindi sya mananalo sa Alpha nang hindi gumagamit ng dahas kaya iiwas na lamang siya.
Magkasama silang bumalik ng Maynila at inayos ang mga kakailanganin sa pag-alis ng bansa. Lalayo sila.
Pero talaga yatang pinaglalaruan sila ng pagkakataon. Paalis na sila papuntang airport nang isang grupo ng armadong kalalakihan ang bigla na lamang huminto sa harapan ng kanilang bahay at pilit na isinakay si Violet sa isang van bago pa man may ibang makakita sa kanila. Nagpanggap na delivery ang mga ito kaya malayang nakapasok sa subdivision. Kumpleto rin ang kanilang mga papel kaya hindi sila kinuwestiyon ng mga guwardya sa lugar. Nang lumabas si Alex ay wala na si Violet bukas ang pito ng sasakyan at nagkalat ang ilang gamit ni Violet. Iniwan lamang niya kanina na nag-aayos ng mga gamit nila sa kotse. Nag-alala siya, mabilis na sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Nakita niya kanina ang delivery van, akala niya ay nagde-deliver lamang iyon sa kanilang kapitbahay.
Itinali at piniringan ang dalaga. Ilang oras din silang bumyahe, kahit ngawit na at masakit na ang kamay na nakatali sa likod ay hindi magawang magreklamo ni Violet. Nag-iisip siya kung paano makakatakas sa mga ito.
Hindi pa rin inaalis ang piring niya kaya halos magkanda tisod siyang naglakad nang pababain siya at ilagay sa isang tagong lugar. Nang alisin ang takip sa kaniyang mata ay nakita niyang nasa isang bodega siya ng mga palay dahil puro dayami at sakong palay ang nasa paligid. Wala na rin siyang naririnig na ugong ng mga sasakyan kaya siguradong malayo na sa kabayanan at highway ang lugar na iyon. Kinapkapan siya at kinuha ang lahat ng kaniyang mga gamit, ang kaniyang relos, kuwintas at maging ang singsing na ibinigay sa kaniya ni Alex ay hindi nakaligtas sa mga ito. Maging ang cellphone na halos durog na ang screen dahil sa pagpupumiglas niya kanina ay kinuha rin nila.
Hindi siya makapagsalita dahil naka plaster pa rin ang kaniyang bibig. Matagal siya sa ganoong kondisyon hanggang sa gumabi at mag-umaga. Paminsan-minsan ay naririnig niyang may kausap sa telepono ang nagbabantay sa kaniya. Hindi niya alam kung ilan ang mga ito dahil nagsasalitan ang mga ito na bantayan siya.