ALEX POV
"Kuya! Are you sure you want to stay here?" Tanong sa akin ni Mia.
"Yeah, oo naman," sabi ko habang pinapanood siyang tiklupin ang mga damit niya at isilid sa maleta.
"Hahanapin mo pa rin ba uli s'ya?" Muli niyang usisa at pinukol ako ng makhulugang tingin.
"Hmmm, yeah? Alam mo namang hindi ako sumisira sa pangako," sabi ko. Alam kong hindi na naman ako titigilan ng kapatid ko sa pagtatanong.
"Okay, this time hindi na kita edi-discourage," aniyang itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Lagi kasi niyang kinokontra ang ginagawa ko.
Ihahatid ko na siya sa airport maya maya lamang. Babalik na siya sa Italy kung saan naka base ang adoptive parents namin. Nagpasya naman akong manatili na lang muna rito sa Pilipinas para pamahalaan ang negosyo namin dito.
Pagka-hatid ko kay Mia ay dumiretso na rin akong umuwi, pagod din kasi ako sa pagsunod sa mga hiling niya ngayong bakasyon. Ginawa niya akong driver bodyguard! Napabuntong hininga ako nang ibagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama. At tulad ng dati, tuwing nag-iisa ako ay walang laman ang isip ko kung hindi ang nakaraan.
Tandang tanda ko pa ang araw na lisanin namin ni Mia ang bahay ampunan. Parang kinukurot pa rin ang puso ko tuwing maaalala ko ang iyak ng batang iyon. Nangako ako sa kaniyang babalikan ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinagkan sa noo habang umiiyak din ako.
"Greene!..." napakaganda ng ngiti niya.
"Violet!.." naka ngiti rin ako habang palapit sa kaniya.
"Iiwan n'yo na ako," aniyang pagkuwan ay humikbi.
"Violet, babalikan kita pangako 'yan," sabi kong nanikip rin ang dibdib sa nakikita kong reaksyon niya.
"Violet!" napabalikwas ako, napanaginipan ko na naman siya. Malapit lang ba siya sa akin? Bakit pakiramdam ko ay abot kamay ko lang siya pero hindi ko pa rin siya mahanap.
Tiningnan ko ang oras, ala-una na pala ng madaling araw. HIndi ko na namalayang nakatulog ako. Bukas na bukas ay luluwas ako ng San Juaquin para hanapin ang bahay ampunan kung saan kami nanggaling. Hindi ko alam kung tanda ko pa ang lugar na iyon pero susubukan kong hanapin.
Halos hindi na rin ako nakatulog mula nang magising ako kagabi kaya heto maaga pa ay gayak na ako para pumunta ng San Juaquin. Gamit ang paborito kong sasakyan, ang kulay asul na BiTurbo Ford Ranger ay binagtas ko ang tila walang katapusang kalsada papuntang San Juaquin. Mabuti na lamang at mayroong google map. Napakalaking tulong sa mga direksyon kaya bago gumabi ay narating ko na ang malayong bayan ng San Juaquin. Malapit na yata sa dulo ng Pilipinas! Tingnan mo nga naman paano napadpad ang tatlong batang paslit sa napaka layong lugar na ito. Noong una ay sinubukan kong ipahanap ang kaso ng mga nawawalang bata noong mga panahong iyon pero bigo ako dahil sa napakaraming batang nawawala noon hindi na nila alam kung aling kaso ang sa amin.
"Manong pwede po bang magtanong?" Sabi ko sa mamang nagwawalis sa kalye. Ipinark ko ang sasakyan sa harap ng mini mart sa isang gasolinahan. Napakalaki ng ipinagbago ng lugar. Ang naaalala ko ay pulos kakahuyan at kasukalan ang San Juaquin noon.
"Opo sir, ano po ba ang itatanong ninyo?" Tugon naman ni manong.
"May alam po ba kayong bahay ampunan dito?"
"Mayroon sir, pero doon pa iyon sa kabilang dulo sa may simbahan," turo niya sa mahabang kalsada na medyo paakyat sa isang burol. Oo nga, naaalala ko ang simbahan dati ay nasa isang mataas na bahagi ng bayan. Paborito naming tanawin ang ang mga ilaw sa ibaba tuwing gumagabi.
"Salamat ho manong," nagmamadali kong paalam saka sumakay sa sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa direksyon ng simbahan. Mamaya pa ay nag park ako sa harapan ng simbahan at inilang hakbang ang ilang baitang ng hagdan papasok sa simbahan. Hindi na pamilyar sa akin ang loob ng simbahan sa haba na ng panahong lumipas. I wonder kung makikilala pa ako ng mga Sisters na dating nag-alaga sa amin.
"Good evening ho," bati ko sa isang naglilinis. Medyo gumagabi na at walang misa kaya mangilan ngilan lamang ang nasa loob ng simbahan.
"Magandang gabi naman po sir!" Masiglang bati rin niya sa akin.
"Manong mayroon pa po bang bahay ampunan sa likod nitong simbahan?" Tanong ko.
"Mayroon pa sir, diyan po sa kanan diretso lang po. May maliit na opisina sa bandang dulo, iyon ho ang tanggapan ng ampunan," aniya saka ako tiningnan ng pababa at pataas.
"Mag-aampon ho ba kayo?" pabirong tanong niya.
"Naku hindi ho, may hinahanap lang ho ako," magalang kong tugon.
"Halika sir samahan na kita," aniyang nauna na sa direksyong tinuro niya kanina.
"Sister Julie," aniya saka kumatok ng tatlong beses.
"Ano 'yun Teryo?" Tanong ng tinig mula sa loob.
"Sister may naghahanap ho sa inyo," sagot naman ng lalaking napag tanungan ko. Teryo pala ang pangalan niya.
"Tuloy kayo," muli ay sagot ng tinig sa loob.
Binuksan ni Teryo ang pinto saka pumasok.
"Magandang gabi Sister," pagbibigay galang niya.
"Magandang gabi ho," sabi ko naman. Naka ngiting mukha ni Sister ang sumalubong sa amin.
"Magandang gabi rin," aniya.
"Sister maiwan ko muna kayo," si Teryo habang palabas na ng pinto.
"Salamat Teryo," tugon naman ni Sister.
"Ano'ng maipaglilingkod namin sa iyo iho," baling niya sa akin.
"Maupo ka," aniya.
"Sister may hinahanap ho kasi akong bahay ampunan. Sa tingin ko ay ito na po iyon," simula ko.
"Maaari ho bang makita ang records ninyo noong mga taong 1999?" seryosong tanong ko sa kaniya nang maalala kong hindi pa nga pala ako nakapag pakilala sa kaniya.
"By the way Sister, ako po pala si Alex," medyo nahihiyang inilahad ko ang palad ko.
"Ako si Sister Julie," aniyang inabot naman ang kamay ko.
"Pasensya na ho Sister, excited lang ho akong magtanong," hinging paumanhin ko naman nang maka bawi ako.
"Kung 1999 ay labing limang taon na ang nakakaraan. Medyo matagal na pero susubukan kong hanapin iho," aniya.
"Salamat ho Sister, talagang sinadya ko pa po ito mula Maynila," tugon kong nabuhayan ng pag-asa.
"Nakuu, galing ka pala ng Maynila niyan. Siguradong pagod ka, may matutuluyan ka na ba ngayong gabi?" Tanong niya.
"Wala pa nga ho, maghahanap na lang po ako pagkagaling ko rito," sabi ko na lamang.
"Dumito ka na, delikado ang nasa labas sa dis oras na ng gabi," aniyang parang kilala na niya ako.
"Naku salamat ho," tugon ko. Sino ba naman ako para tanggihan pa ang pagmamagandang loob ng taong kumupkop sa amin noong wala kaming mauwiang tahanan.
"Heto," sabi niya habang hinuhugot ang may kalumaan nang log book sa isa sa mga cabinet doon.
"Sino ba ang hinahanap mo iho? Kaunti lamang ang mga bata noong 1999 kaya madali lang nating mahahanap kung sino man iyan," aniya.
"Iyong tatlong bata ho, Greene Red at Violet ang mga pangalan nila," kinakabahan kong tanong.
"Naku, eh oo naman. Pero matagal nang wala rito iyong si Greene at Red," aniya.
"Ibig n'yo hong sabihin nandito pa rin si Violet?" Excited na tanong ko.
"Oo iho, dito na siya lumaki. Nitong nakaraan nga lang ay umuwi siya. Isa na siyang ganap na sundalo, ewan ko ba sa batang iyon napaka delikado ng napiling propesyon," mahabang tinuran niya. Hindi ko na pinansin ang iba pang sinabi niya, ang mahalaga ay narito pa si Violet.
"Bakit mo nga ba sila hinahanap?" Maya maya ay tanong sa akin ni Sister.
"H-ho? Eh.." Utal kong sagot, ayaw ko munang sabihin na ako si Greene, gusto kong si Violet ang unang maka-alam. Gusto ko ring i-sorpresa si Mia.
"Sister, sa apartment ba ni Violet matutulog itong si sir?" Si Teryo. Bigla na lamang siyang dumungaw sa naka bukas pa ring pinto.
"Oo, paki hatid mo na lamang siya mamaya," ani Sister.
"Sige ho," si Teryo na muling naglaho sa paningin namin.
"Iniwan ni Violet ang susi ng inuupahan niyang apartment para raw sa hindi inaasahang guest. Batang 'yon iniisip pa rin ang kapakanan ng ampunan kahit na nasa malayo," nakangiting baling niya sa akin.
Napaka bait naman pala ni Violet.
"Sister maaari ho bang makita ang kahit isang picture lang ni Violet?" Hiling ko kay Sister.
"Oo naman iho," may pagmamalaking iginiya ako sa isang malaking cabinet na naka dikit sa dingding. Puno ito ng malalaking trophies at napakaraming gintong medalya. Sa isang sulok ay mga larawang naka frame, isang dalagitang hawak ang ilang medalya. Nadismaya ako dahil malabo ang mukha niya. Ni hindi man lang makilala.
"Hindi kasi mahilig magpa-picture ang batang iyan, kahit nga ngayon ay wala ring latest picture na kuha sa kaniya. Napaka mahiyain," aniya.
"Eh Sister, saan ho siya naka destino? Nabanggit n'yo ho kasing isa na siyang sundalo," tanong ko. Sana hindi niya maaalalang tanungin ulit kung bakit ko hinahanap si Violet.
"Nasa Maynila siya, mula noong pinag-aral siya ni Mr. Max Reyes iyong may ari ng Maxx clothing line ay doon na siya naglagi sa Maynila. Bihira kung bumisita siya rito," mahabang paliwanag niya.
"Ahh, ganoon ho ba?" sagot ko, sapat nang impormasyon ang mga iyon para mahanap ko si Violet.
"Oh, lumalalim na ang gabi," ani Sister nang sulyapan ang orasang naka dikit sa dingding.
"Ipapahatid kita kay Teryo para makapag pahinga ka na," aniya.
"Teryo," tawag niya. Agad namang dumungaw sa pinto si Teryo.
"Yes Sister," maliksing sagot niya.
"Paki hatid mo na itong si Alex at makapag pahinga na," sabi ni Sister.
"Oho! Tara sir," aniya at nauna nang maglakad.
"Sige ho Sister, maraming salamat ho," paalam ko kay Sister Julie.
"Malapit lang 'yun sir kaya maglalakad na lang tayo, iwan mo na iyang sasakyan mo d'yan hindi 'yan maaano," si Teryo habang mabilis na naglalakad.
"S-sige," sabi ko na lang habang sinusundan siya.
Sa ikalawang kanto ay pumasok si Teryo sa hindi kalakihang gusali. Nasa ikalawang palapag ang apartment ni Violet. Maliit lang pero mukhang maaliwalan naman.
"Sir mauuna na ho ako magpahinga na po kayo," paalam ni Teryo.
"Salamat," sabi ko at hinatid ko na siya sa pinto.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, napaka payak halos walang makikitang gamit. Kahit na pictures man lang. Hindi ko na kilala ang personalidad ni Violet pero tila may humihila pa rin sa akin na hanapin siya. At heto, narito ako ngayon sa apartment niya. Nararamdaman rin kaya ni Violet ang nararamdaman ko?
Tanghali na nang magising ako kaya agad akong pumunta sa ampunan para magpaalam na kay Sister Julie.
"Sister maraming salamat po," sabi ko sa kaniya. Ipinakilala rin niya ako sa iba pang nangangasiwa roon.
"Babalik ho ako sa ibang araw," sabi ko at tuluyan nang nagpaalam sa kanila.
LUCY'S POV
Pagkagaling ng Baguio ay ipinatawag na rin ng Alpha si Vera para sa kaniyang unang assignment, at katulad ko ay nagkaroon din siya ng bagong pagkakakilanlan. Naging abala rin ako sa sunod sunod na mga assignment na ibinigay sa akin.
"Alvin Castro," basa ko sa laman ng folder na naglalaman ng identity ng bago kong target. Pang anim na yata ito mula nang una kong minarkahan ni Congressman.
Isang guwapong anak ng mayamang negosyante. Rape ang kaso niya at tila nabili ng kaniyang pamilya ang batas. Napawalang sala siya kahit na matibay ang mga ibedensya laban sa kaniya.
"Sayang ang guwapo mo," wala sa sariling sambit ko habang naka tingin sa picture na kalakip ng mga impormasyon tungkol sa kaniya.
Hinanap ko ang mga lugar kung saan siya madalas pumunta. Matiyaga kong sinusundan ang sasakyan niya at pinag-aaralan ang kaniyang routine. Sa isang linggo kong pagsunod sunod sa kaniya ay natyempuhan kong nag-iisa lamang siya sa kaniyang sasakyan. Pauwi na siya matapos ihatid ang isa niyang barkada. Halos paliparin ko ang motorsiklo para lang malampasan siya. Huminto ako isang madilim na bahagi ng kalsada. Inalis ko ang suot kong jacket kaya tumambad ang kaseksihan ko sa suot kong sando at pantalon lang. Pinara ko ang sasakyan niya nang makita kong palapit na ito pero napaka bilis at hindi man lang huminto. Nilapitan ko ang motorsiklo nang masulyapan ko ang kulay pulang ilaw na patay sindi sa di kalayuan. Bumaba ang sakay niyon at papunta sa direksyon ko.
"Hey," aniya. Hindi ko inaasahang hinhinto pa siya.
"Bakit napaka layo mo naman yatang mamasada?" patuloy niya habang palapit pa rin.
Nagulat ako nang makalapit siya ay bigla niya akong hinapit at hinalikan ng mariin sa mga labi. Akala yata ay pokpok ako!
"Wait!" sabi kong kuwari ay itinulak siya.
"What? Walang problema sa presyo, hindi mo ba ako kilala?" aniya at muling sinibasib ng halik ang labi ko kaya wala akong nagawa kung hindi sakyan ang trip niya.
"Let's go to my car," aniya at hinila ako papunta sa sasakyan niyang naka hinto sa unahan. Tahimik naman akong sumunod lang at inihanda ang sarili ko sa anumang mangyayari.