Chereads / DSS: TRAP / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

"Lucy," ulit niya.

"Nice name," muling sambit niya habang abala ang mga kamay sa paghaplos sa maseselang bahagi ng katawan ko. 'Manyak talaga ang hay*p!'

Isinandal niya ako sa hood ng kotse niya at mabilis hinablot ang suot kong sando. Dahil manipis ang tela nito ay madali lamang itong napunit.

"Wow! Nice one baby," aniyang tila hayok sa laman habang isinubsob ang mukha sa dibdib ko.

Habang patuloy sa sa pagmasahe at tila batang pagsipsip niya sa mga n*pples ko ay ibinaba ko ang garter ng kaniyang jogging pants at hinawakan ang kaniyang nagyayabang na pagkalalaki. Malaki iyon dahil matangkad siya. Hinaplos ko ng pababa at pataas na lalong nagpa-init sa kaniya. Ramdam ko ang dila niyang naglalakbay sa leeg ko. Ang mahigpit na hawak niya sa beywang ko ay tila nagtutulak sa akin na mahulog sa sarili kong patibong. Hindi ako maka galaw kaya malaya niyang sinibasibng halik ang mga labi ko. Hindi pala madaling goyohin ang lalaking ito. Gumanti rin ako mapupusok na halik, lumambitin ako sa batok niya at idiniin ang harap ko sa matigas na matigas nang alaga niya.

"Oh, sh*t! You making me crazy lady," aniyang tila hindi na makapag pigil.

"Come on, this is what you want right?" Sabi kong halos hingalin na sa haba ng mga halik n'ya.

"Ahhhh.. Let's do it right here, now!" sabi niyang ibinaba ang haplos sa tiyan ko. At bumaba pa sa harap ko. Hindi pa nakuntento ay bahagyang ibinaba ang suot kong pantalon at mabilis pinaghiwalay ang mga hita ko. Marahas niyang hinila pababa ang suot kong panty kaya tumambad sa kaniya ang kanina pa niya gustong matikman. Nagulat ako nang bigla niya iyong haplusin saka dahan dahang ipasok ang gitnang daliri sa kaibuturan ko.

"Uhhh," napaungol ako. Hindi naman ako bato para hindi maramdaman ang sarap sa ginagawa niya. Hindi pa rin ako maka buwelo dahil naka sandal ako sa kotse niya, nanatiling naka angkla ang mga kamay ko sa leeg n'ya habang nilalabas pasok ang gitnang daliri sa pagitan ng mga hita ko. Napapaliyad ako sa sensasyong dulot niyon pero hindi iyon sapat para kalimutan ang pakay ko sa lalaking ito.

"Come on, do it now.. uhmm.." nilambingan ko ang boses ko. Muli kong hinaplos ang napakatigas niyang pagkal*l*ki. Bahagya niya akong binitiwan para ihanda na ang kaniyang sandata sa pagpasok sa akin. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para magpalit kami ng puwesto.

"It's my turn honey, hayaan mo akong paligayahin ka," sabi kong nagkunwaring yumuko at hinalikan siya sa tiyan pababa sa kaniyang puson.

"Ahhh.. This is what I wanted uhmm," ungol niyang tila sarap na sarap. Dahan dahan kong hinugot ang dagger knife sa suot kong boots. Bumaba ang labi ko sa kaniyang puson, ramdam ko ang excitement niya nang masagi ng dila ko ang puno ng kaniyang pagkalalaki.

Bigla akong tumayo at diretsong itinarak ang matulis na dagger knife sa kaniyang kaliwang leeg. Sakto sa pagitan ng kaniyang collar bone at leeg, bahagya ko pang inuga para siguruhin ang kaniyang biyahe patungo kay san pedro. Nabigla siya, akmang dadakutin niya ako nang bigla ko iyong hugutin. Kitang kita ko ang mataas na sirit ng dugo mula sa kaniyang leeg.

"F*ck you! What did you do?" Galit na tanong niya sa akin habang sapo ang kaniyang sugat.

"Let's say napag-utusan lang akong maningil ng pautang," naka ngising sagot ko.

"F*ck! F*ck! F*uck!" Sunod sunod na mura niya. Nagsimulang Umagos ang dugo sa kaniyang ilong at bibig dahil siniguro kong putol ang mga ugat niya papunta sa puso niyang puro dugo lang ang laman.

Tumingin ako sa naka labas pa ring ar* niya. Hinawakan ko iyon at inisang tagpas lang. Wala na siyang palag dahil unti unti na siyang natumba. Ipinahawak ko iyon sa kaniya saka iniwan. Siguradong makikita agad siya pagsapit ng liwanag bukas. I doubt it kung may mag-aaksaya ng panahon usyosohin ang kotse niya ngayong gabi dahil bukod sa napaka dilim ng lugar ay bihira rin ang dumadaan dahil bako bako at under renovation pa lang ang kalsada.

Hinubad ko ang suot kong itim na gloves dahil puro dugo na iyon. Ipinunas ko ng bahagya sa duguan ding dagger knife saka ibinalik sa lalagyang nakatago sa mga binti ko sa ilalim ng suot kong boots. Ibinulsa ko naman ang gloves, sayang puwede pa namang labhan. Isinuot ko ang jacket na hinubad ko kanina at mabilis na pinaharurot pabalik sa syudad ang motorsiklo na tila walang nangyari.

Naglinis lang ako ng katawan at nilinis ang mga gamit ko nang maka uwi ako. Pagkatapos ay humiga ako sa kama pero bago pa ako dalawin ng antok ay nilamon na naman ako ng malalim na pag-iisip. Tinubuan na ba ako ng konsensya? Why I ended up here, kung tutuusin ay lumaki ako sa simbahan. Alam kong mali ito, pero ano naman ang ipinagkaiba sa akin ng mga sundalo at pulis na pumapatay rin naman para sa kabutihan. Para sa akin ay hindi mo kailangan ng lisensya para ipagtanggol ang mga naaapi.

Napakalaki ng impluwensya ng mahigit limang taong training sa kampo. Na-brainwashed ako ng masasamang nagyayari sa paligid. Hindi ko naman kinalimutan ang magagandang aral sa akin ng mga Sister sa bahay ampunan pero natutunan kong mali rin pala ang labis na pagpapakumbaba dahil aabusuhin ka ng mga nakaka-angat sa lipunan. Sa tingin ko naman ay nasa tamang landas pa rin ako dahil nagbibigay naman ako ng hustisya sa mga kawawang biktima at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili nila. Bahala na kung pagkatapos nito at masunog ang kaluluwa ko sa impyerno. Ang importante ay matigil na ang mga taong nagbibigay impyerno sa buhay ng iba.

MR.CHAVEZ POV

'DON ARTHUR CHAVEZ' pangalang namamayagpag sa business world. Dominante at makapangyarihan sa paningin ng lahat pero ang hindi nila alam ay patuloy na dinudurog ang puso ko sa pagkawala ng panganay kong anak na si Ariah Chavez.

Paano ko ba makakalimutan ang kawalan ng hustisya at tugon ng mga nasa kapangyarihan sa pagkawala ni Ariah?

"Sir hindi lang po ang anak n'yo ang kasong hawak namin, marami pang ibang krimen at mga batang nawawala rin," natatandaan kong sinabi sa akin ng officer na humahawak sa kaso ni Ariah dati. Simula noon ay hindi na ako nagtiwala sa mga pulis. Ginawa ko ang lahat para hanapin si Ariah. Nag-hire ako ng mga private detective pero kahit isa sa kanila ay hindi man lang naka hanap ng lead kung nasaan ang anak ko.

Sa halos limang taong paghahanap kay Ariah ay nawawalan na ako ng pag-asa. Itinayo ko ang Alpha International Security Services. Isang kumpanya kung saan puwedeng mag hire ng mga professional private bodyguards at securities. Mayroon ding private detectives. Minsan ay inalok ako ng isa ring kilalang business tycoon ng partnership. Kasama ang isa pang makapangyarihang tao sa Pilipinas ay itinatag namin ang organisasyon. Isang samahan na nakilala lamang sa underground society.

Ang organisasyon ay layuning makapag bigay ng hustisya sa mga biktimang hindi naka tikim nito. Nag-hire kami ng mga assassin at kalaunan ay nagdesisyong mag sanay at magdevelop ng ilang piling personalidad para sa organisasyon. Sa tulong ni Max ay nabuo ang team. Pero sa kasamaang palad ay anim lamang ang nakarating sa kanila sa finish line.

Sa ngayon ay mas gumanda ang kalidad ng serbisyo ng ALPHA dahil bukod sa well trained ay mga bata pa at maliksi ang ang mga bagong assassin. Mabilis at malinis magtrabaho.

Nagulat ako nang tumunog ang telepono sa tabi ko. Nahulog na naman pala ako sa malalim na pag-iisip.

"Hello," sabi ko nang angatin ang telepono.

"Honey I want to go home," tinig ni Eloisa, ang asawa ko. Sa Amerika na siya naglalagi kasama si Liah ang bunso naming anak mula nang bigo kaming mahanap si Ariah.

"Are you sure about this? Ikaw lang ang inaalala ko Eloisa," mahinahon kong sagot. Hindi kasi naging maganda ang kalusugan niya mula nang mawala si Ariah.

"Liah wants to stay here, gusto na rin n'yang maging independent," aniya.

"Yea, of course dapat matuto na rin s'ya. Pero hindi ibig sabihin ay aalisin ko na rin ang mga bodyguards n'ya," paglilinaw ko. May pagka pilya kasi si Liah, minsan ay hindi masyadong pinag-iisipan ang mga ginagawang desisyon.

"Yeah, she know that," sagot muli ni Eloisa.

"Okay honey, ipapa-ayos ko na ang mga kakailanganin mo," tugon ko.

"Okay, mag-iingat ka," aniya. Hindi alam ni Eloisa ang tungkol sa ALPHA, ang alam lang niya ang security agency na ipinatayo ko years ago. Hindi ko na ipinaalam sa kaniya dahil alam kong makakadagdag lang ng isipin niya.

"Kayo rin mag-iingat kayo lagi. I love you," sagot ko at saka ibinaba ang telepono.

"Good morning sir!" si Mr. Valle, ang matapat at maaasahang empleyado ng ALPHA.

"Good morning Ricky," bati ko rin sa kaniya. Bihira akong maparito, tuwing magpapatawag lamang ng urgent meeting katulad ngayon.

"Darating ba si Jaguar?" Tanong ko habang inaalis ang suot kong amerikana.

"Yes sir. Nag confirm na s'ya kahapon," tugon niya.

Si Jaguar at Leo ang kasama kong nagtatag ng organisasyon. Hindi nila tunay na pangalan ang mga iyon. Ako man ay may sarili ring bansag sa loob ng organisasyon. Drago, iyan ang tawag nila sa akin. Maging mga assassin ay may sariling identity na iba sa kanilang personal na pagkakakilanlan.

"Good!" Sabi ko at dumiretso na sa loob ng malawak na function room.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang dalawa. Sinimulan na rin ni Mr. Valle ang pagsasalita.

"Gentlemen, we know that the organisation runs smoothly from the beggining. But recently ay may mga natatanggap kaming report na may isang taong nagiging interesado sa grupo," mahabang simula niya.

"Tell us directly," sabad kong hindi na makapag hintay. May meeting pa ako sa ibang kumpanya, inuuna ko lamang ito dahil napaka sensitive na issue ang tungkol sa organisasyon.

"Well, nagi-imbestiga siya tunkol sa ALPHA," aniya.

"Ang mabuti lang ay hindi siya under ng ano mang kumpanya o government agency," patuloy niya.

"Ayon sa report ng mga tao natin, He is looking for someone. Hindi pa rin alam kung related sa organisasyon ang taong hinahanap niya," mahabang salaysay ni Mr. Valle.

"Let me take care about this," pagbo-buluntaryo ko.

Bago pa natapos ang meeting ay sinabihan kong ipadala ni Mr. Valle ang tauhan naming humawak sa kaso ni Congressman Oranio.

"Yes sir maaasahan n'yo," sabi niya bago ako tuluyang umalis.

Kasama ang isa kong bodyguard ay nagpahatid na lang ako sa opisina ng kumpanya sa Makati. Dito talaga ako pumapasok araw araw. Para lang palipasan ko ng oras ang security agency at ALPHA dahil hindi naman ako gaanong kumikita doon. Pero lately ay biglang lumaki ang hakot na pera ng organisasyon mula nang magsimulang magtrabaho ang unang batch ng private assassin.

VIOLET POV

"Patay si Alvin Castro na anak ni dating Senator Arvin Castro matapos saksakin sa leeg at putulin ang ari nito. Matatandaang na-absuwelto si Alvin sa kaniyang kasong rape kamakailan lamang. Hinihinalang may kinalaman sa kaniyang kaso ang dahilan ng kaniyang pagkakapaslang,"

Kabubukas ko lang ng telebisyon at ito ang bumungad sa akin. Napapa-iling na lamang akong nagtimpla ng kape. Pagkuwan ay tumunog ang cellpone ko. Si Mr. Valle ang caller.

"Hello," sagot ko. Siguradong babatiin at pupurihin na naman niya ako sa napaka-agang oras na ito.

"Congratulatios! Job well done Lucy," aniya.

"Thank you Mr. Valle," tugon ko naman. Hindi pa siya pumalya na batiin ako sa mga accomplishments ko sa ganito kaagang oras.

"Well, alam kong ipinagako ko ang bakasyon mo after this assignment pero ikaw ang napili ng boss na humawak sa isang espesyal na assignment," paliwanag niya. Wala pa naman akong balak magbakasyon kahit na matagal na rin akong hindi naka uwi ng San Juaquin. Gusto ko kasing dumistansya na muna sa kanila dahil sa klase ng trabaho ko.

"Sure Mr. Valle, wala pa naman akong plano," sagot ko.

"Great! Ibibigay ko sa'yo ang background at pangalan taong hahanapin mo," masiglang tugon niya.

"S-sige," sabi ko na lang kahit na nag-aalangan ako sa sinabi niya. Hindi ko pa kailan man nakita ang mga boss ng ALPHA. Hindi ko kilala ang mga tao sa likod ng organisasyong kinabibilangan ko. Jaguar, Drago at Leo tanging mga pangalang ito lamang ang alam ko tungkol sa kanila.

Nang ibaba ni Mr. Valle ang telepono ay napapa-isip na naman ako. Alam kong walang paraan para kumalas ako sa ALPHA kahit pa gaano na kalaki ang ipon ko sa bangko. Iyon ang sinumpaan namin sa organisasyon. Kamatayan ang katumbas ng sino mang magbalak na suwayin iyon. Walang chansa ng pagbabagong buhay sa trabahong ito. Sa ngayon ay hindi ko pa naman naiisip ang tumigil pero paano kung dumating ang pagkakataong kailangan ko nang bumitaw sa samahan? Paano kung kailangan ko na ring gumawa ng sarili kong buhay? Mga tanong na hindi ko pa mahanap ang sagot. Hindi ko pa alam kung kailan mangyayari. Basta ang alam ko lang sa ngayon ay bawasan kung hindi man mapuksa ang mga nagkalat na demonyo sa lupa.