Chereads / DSS: TRAP / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

VIOLET'S POV

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko! Oo, balak kong akitin ang Alexander na 'yun pero hindi ganito kabilis. Hindi ko napigilan ang sarili kong tugunin ang mga halik niya. Parang wala ako sa katinuan kanina, nagpaubaya ako sa lalaking hindi man lang alam ang pangalan ko. Alam kong sinamantala ko ang pagkakataon na makalapit ng mabilis sa kaniya pero wala sa isip kong ipaubaya ang katawan ko sa unang pagkikita namin. Pero nangyari na at wala na akong magagawa doon. Mabuti na rin 'yun para hindi na matagalan ang assignment ko. Mas mabilis akong mag-imbestiga kapag mas malapit kami. Baka kasi maghinala na ang ALPHA sa mga ginagawa ko.

"I will not hesitate to do this again kapag sinabi mo ulit iyon," sabi pa niya kanina nang halos sabay kaming makarating sa sukdulan. I never felt satisfied before na katulad ng naramdaman ko kay Alex kanina. Partida, sa lamesa pa lang iyon. Paano pa kaya kapag sa kama na?

"Pero okay lang dahil gustong gusto kong maulit ito kahit pa araw arawin Miss beautiful," sabi niya habang naka upo pa rin ako sa lamesa at nasa harap ko pa rin siya.

"Lucy, my name is Lucy," sabi kong matapang na tumitig sa kaniya. Ngayon pa ba ako mahihiya na naisuko ko na ang lahat sa kaniya?

"Your name is just like you, tasty" tugon niya at muli akong hinahalik halikan sa mukha habang inayos niya ang damit kong bahagyang nakababa sa bandang dibdib. HIndi pa rin ako maka galaw dahil nasa pagitan pa rin siya ng dalawang hita ko.

"Hindi ako papayag na hanggang dito lang ito," aniyang kumindat pa saka ako binuhat at ibinaba mula sa lamesa. Ramdam ko ang malapot na umagos sa mga hita ko na bunga ng kapusukan namin kanina kaya tumingin ako sa kaniya. Tila naintindihan naman niya at itinuro niya ang maliit na banyo sa isang sulok ng opisina.

"I have to go," sabi ko nang maka labas ako ng banyo.

"Let's go," nakangiting tugon niya. Kumunot ang noo ko.

"To?" tanong ko.

"Where do you want to go, ihahatid na kita. And once again I'm so sorry hindi ako katulad ng iniisip mo. Nagkataon lang na napaka importanteng tao ng hinahabol ko nang mga panahong iyon," aniyang bakas naman sa mukha niya ang senseridad.

"Okay, ihatid mo na lang ako sa labas at magtataxi na lang ako" nagmatigas pa rin ako.

"As you wish," aniyang hindi na nakipagtalo pa.

"Call me, please..." Pakiusap niya at inabot ang isang calling card. Hinatid niya ako sa labas at hinintay na maka sakay sa taxi. Kumaway pa siya bago makalayo ang sinasakyan ko.

Ilang araw na rin mula nang may nangyari sa amin ni Alex. Wala pa rin akong lakas ng loob para tawagan siya. Nakatitig lamang ako sa card na binigay niya na tila ba naroon ang mukha niya. Bakit parang namimis ko ang mga labi niya? Bakit gabi gabi kong pinapangarap na sana nasa tabi ko s'ya? Hindi na ako naka tiis at tinawagan ko na siya.

"Hello," sagot mula sa kabilang linya.

"H-hello," nag-aalangan kong sagot.

"Lucy? Oh my God! Bakit ngayon ka lang tumawag?" Aniyang bakas ang pag-aalala sa tinig. Hindi ko alam kung nagkamali lang ako ng pandinig pero feeling ko nag-aalala yung boses niya.

"H-ha?" Naguguluhang tugon ko. Bakit naman mag-aalala sa akin ang kumag na 'to?

"I want to see you..." tila nahihirapang sambit niya. Hindi ako umimik dahit maging ako ay nasasabik ring makita siya.

"Lucy... I said I wan to see you," ulit niya. Muli ay hindi ako tumugon.

"Send me you location I'll come and pick you up," sabi niya bago ibaba ang telepono.

Hindi ako mapakali, hindi ako makapag desisyon kung ibibgay ko ba sa kaniya ang address ko. Pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan kong makita siya kaya bandang alas siete ng gabi ay nag-send ako ng message sa kaniya laman ang address ko. Wala pang tatlumpong minuto ay tumatawag na s'ya. Nasa baba na agad siya kaya nagmamadali na akong bumaba. Bawal kasi ang pumarada ng matagal sa driveway ng building.

"Hi!" Bati ko sa kaniya nang mamataan kong naka tayo siya sa tabi ng kaniyang sasakyan.

"Hi! You look gorgeous!" Puri niya habang ipinagbukas ako ng pinto.

"How are you?" aniya habang kinakabig ang manibela.

"I'm fine medyo busy lang kaya nakalimutan kong tawagan ka," sagot ko pero ang totoo ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan ang card na binigay niya.

"It's okay, akala ko nga hindi mo na ako tatawagan," nakangiting sulyap niya sa akin habang nagmamaneho. Tingin ko ay lalo siyang gumwapo sa simpleng t-shirt at jeans lang.

"Teka, paano mo nga pala nalaman kung saan ako hahanapin noong nabangga kita?" maya maya ay tanong niya.

"Hmm.. Syempre nagtanong ako, saka iyong damit mo may malaking pangalan ng restaurant," natatawang tugon ko nang maalala ko ang itsura niya nang mga oras na 'yun.

"Ang totoo kay daddy ang restaurant na 'yun, hindi ko pa masyadong kabisado ang pasikot sikot kaya medyo stress ako sa mga panahong iyon," aniya at hinawakan ang kamay ko saka marahang pinisil.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

"B-bahala ka, kahit sa turo-turo lang okay na ako," tugon ko.

Napangiti siya. "Okay sabi mo eh," aniya at muling pinisil ang kamay ko. Gusto ko ng kiligin sa mga kinikilos niya pero parang wala naman ako sa lugar para maramdaman iyon. Hindi naman niya ako girlfriend! Sa pangarap oo, pero malayong magkatotoo.

Napatingin siya sa akin nang marinig ang buntong hininga ko.

"Are you okay? Pagod ka ba? Gutom ka na?" sunod sunod na tanong niya.

"H-hindi, okay lang ako," nahihiyang sagot ko. Baka narinig niya ang nagmamarakulyong sikmura ko. Kung bakit kasi napakalakas ng dagundong nito kapag nagugutom.

"Malapit na tayo," aniya habang papasok sa isang tila malaking compound. Sa bandang dulo ay mayroong tila mga kubo. Isa pala itong restaurant na puro mga seafood ang specialty.

"Sir sa number 10 po kayo naka handa na po," salubong sa amin ng isang babae. Maganda ang lugar, parang nasa probinsya ka lang dahil sa mga kubo at maraming punong kahoy ang paligid. Pumunta kami sa itinurong kubo para sa amin.

"Wow! Hindi naman halatang gutom tayo ano?" Natatawang baling ko kay Alex.

"I'm hungry," aniyang hinaplos pa ang tiyan.

Naghugas kami ng kamay sa maliit na lababong naroon dahil magkakamay lang kaming kakain. Hindi siya maarte, ipinagbalat pa niya ako ng hipon at ipinag himay ng alimasag. Ito na siguro ang the best dinner of my life. Hindi dahil sa masarap ang pagkain kung hindi dahil pinagsilbihan ako ni Alex.

Matapos maghapunan ay namasyal muna kami. Naglakad lakad sa malapit na mall at bumili ng ice cream.

"Noong bata ako paborito ko ang cookies and cream, pero lately parang mas gusto ko na ang ube flavor," kuwento ko sa kaniya habang pabalik kami sa kotse.

"Ako naman chocolate na talaga ang paborito ko since birth," biro niya.

"Gusto naman ang ube, lalo na iyong kulay n'ya," dagdag pa niya.

"Bilisan na natin matutunaw na 'to," sabi kong itinaas ang dala kong ice cream. Bumili rin kasi ako ng extra dahil wala na pala akong stocks sa bahay.

Wala pang ilang minuto ay nasa harap na kami ng condo.

"Hindi na kita aayain sa loob medyo late na," sabi kong nag magpaalam ako sa kaniya.

"Next time aagahan ko na," sagot niyang kumindat pa.

Ipinagbukas niya ako ng pinto at hinatid sa entrance ng building. Hinagkan niya ako sa pisngi bago tuluyang bumalik sa kotse.

"Good night," aniyang kumaway pa.

"Ingat ka," tugon ko at gumanti rin ng kaway.

Nagpatuloy ang paglabas labas namin ni Alex hanggang sa nagiging malapit na kami sa isa't isa. Hindi ko talaga kayang sundin at isagawa ang pakay ko sa kaniya. Habang nakikilala ko siya ay lalong nawawalan ako ng dahilan para tuparin ang misyon ko sa kaniya.

"Lucy, gusto kita," isang gabing hinatid niya ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya ang mga ito. Hindi pa ako nakaka baba sa kotse niya at kasalukuyang nasa harap kami ng building kung nasaan ang condo unit ko.

"I mean it, kahit sandali pa lang tayong nagkakasama ay parang matagal na kitang kilala," aniyang hinawakan ang dalawa kong kamay at dinala iyon sa mga labi niya at masuyong hinalikan.

"A-ako rin," nauutal kong tugon. Hindi na yata gumagana ng maayos ang isip ko dahil tanging puso ko na lamang ang naririnig ko.

"I love you," sabi niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko at marahan idinikit ang labi niya sa labi ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga bago tuluyang sakupin ng malambot niyang labi ang mga labi ko. Napakapit ako sa balikat niya nang lumalim ang halik niya. Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas kahit pa naka upo ako. Dahan dahan niyang inilayo ang mukha sa akin pero naka tingin lang siya sa mga labi ko na tila iniisip ang lasa niyon. Muli niyang binagtas ang pagitan ng aming mga labi at sa pagkakataong ito ay naglilikot na ang dila niya na tila gustong pumasok sa bibig ko. Bahagya kong ibinukas ang mga labi ko upang bigyang puwang ang dila niyang gusto yatang halughugin ang kailaliman ng bibig ko.

"Uhmm..." Ungol na lumabas sa lalamunan ko dahil unti-unti na namn akong nadadala ng halik niya. Para akong idinuduyan ng mga ulap sa kiliting dulot ng dila niyang nakikipaglaro sa bibig ko. Idagdag mo pa ang mainit niyang palad na naka yakap na pala sa akin at marahang minamasahe ang aking balakang. Tulad noong una ay mabilis na kapuwa nag-init ang aming katawan mula sa mga yakap at halik.

Para kaming binuhusan ng malamig na tubig at biglang naghiwalay nang isang malakas na busina ng kotse ang narinig namin mula sa likuran. Sa gulat ko ay mabilis akong bumaba sa kotse niya.

"I-i have to go," sambit ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at patakbong tinungo ang entrance ng building. Alam kong nagulat din siya kaya hindi na nakapag react nang nagmadali akong umalis. Hindi na ako lumingon pero alam kong sinundan pa rin niya ako ng tingin hanggang hindi bumukas ang elevator at maka sakay ako. Narinig ko pa ang pangalawang busina ng kotse sa likod niya. Naka harang kasi siya sa unloading area.

Nang sumunod na mga araw ay naging extra sweet si Alex. Lagi siyang tumatawag para lang i-check kung kumain na ba ako o kumusta na ang sugat ko kahit na alam naman niyang magaling na ito.

Hindi pa rin ako makapaniwala, mahal ako ni Alex at ganoon din ako sa kaniya.

"Movie tayo?" minsan ay inaya niya ako sa bahay nila. Naiinip raw siya dahil may-isa lang siya roon.

"S-sige," sang-ayon ko dahil linggo naman. Busy rin naman si Vera. Nakasanayan na kasi naming magkita tuwing linggo pero parang out of town yata ang assignment n'ya ngayon kaya ilang linggo rin siyang mawawala. Depende kung kailan matatapos ang assignment n'ya.

"Ikaw na rin ang bahalang pumili ng papanoorin natin, kahit cartoons ay okay lang," biro ko. Wala kasi talaga akong alam sa mga movies na 'yan. Crime films at documentaries lang ang pinapanood namin noong nasa Isla kami.

"Sunduin mo ako," para akong batang naglalambing.

"Kailan ba kita hindi sinundo?" sagot naman niyang natatawa rin. Oo nga pala, mula nang magkakilala kami ay laging hatid sundo na niya ako kapag may lakad kami. Hindi ko na ginagamit ang motorsiklo kong si kakie. Sa misyon ko lang kasi siya ginagamit. Mas convinient at mahirap tandaan dahil sa dami na ng naka motor sa lansangan.

"Oo na po, agahan mo ha?" sabi kong diniinan ang salitang 'agahan'.

"Aha! nand'yan na! Dito ka na kaya matulog?" Tumatawang tugon niya.

"Sira ka talaga!" sabi kong tumatawa na rin. Masarap kausap si Alex hindi nauubusan ng tirada.

"Seriously, be ready at Six mamaya susunduin kita" seryoso talaga s'ya.

"Oh sige na mauna na ako at magre-ready na ako!" umirap ako sa kaniya saka binuksan ang pinto ng kotse niya. Katatapos lang naming mag-lunch.

"Ops! Aminin mo excited ka rin!" pang-aasar pa niya.

"See you!" aniya bago pinaharurot palayo ang kotse n'ya. Hindi na ako binigyan ng pagkakataong maka sagot!

Minsan ay nagtataka si Alex dahil mahigit isang buwan na rin nang magkakilala kami ay bakit hindi pa raw ako pumapasok sa trabaho. Sinabi ko kasing isa akong sekretarya at naka-vacation leave lang ako. Pero nitong huli ay sinabi kong nag-resign na ako. Sinabi kong gusto ko munang magpahinga kahit ilang buwan lang bago maghanap ng panibagong trabaho. Kaya dapat ay mag-isip na ako ng dahilan para sa boss ng ALPHA. Alam kong napakalaking gulo nitong pinasok ko. Dapat ay malaman ko na rin kung bakit nage-espiya si Alex sa ALPHA.