Chereads / DSS: TRAP / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

VIOLET'S POV

"Eric!!.." mahina ngunit mariing tawag ko sa pangalan ng lalaking una kong minahal. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero kusa iyong kumawala sa aking mga mata. Labis ang hinagpis at sakit na nararamdaman ko habang tinitingnan ang mga kasama kong wala nang buhay, lalo na ni Eric.

Kasabay ng aming pagtatapos ay nagtapos rin ang buhay ng anim sa mga kasama namin kabilang si Eric. Ang dapat na simula ng mga pangarap namin ni Eric ay naging katapusan pala. Galit ako! Sa sarili ko at sa mga taong pumatay kay Eric. Hindi na pinalabas ng ALPHA ang nangyari sa publiko dahil makakasagabal lamang sa paghahanap ng katarungan sa mga namatay naming kasamahan. Tatlong security, isa sa aming commander at anim sa aming mga graduates ang nawalan ng buhay sa insedenteng iyon kaya naman hindi kami papayag na mabale wala lang ang kanilang pagkamatay. Pagkatapos ihatid sa huling hantungan ang aming mga kasamahan ay binigyan kami ng isang buwang bakasyon para makasama ang mga pamilya namin bago sumabak sa ibibigay na misyon sa amin ng ALPHA.

Umuwi naman ako ng San Juaquin para makita sina Sister sa bahay ampunan. Lalong lalo na si Sister Julie. Si Sister Julie nagturo sa akin ng mga kagandahang asal na hanggang ngayon ay dala ko pa rin naman kahit na puno ng galit ang puso ko. Pero ngayon ay para akong nagiging ibang tao kapag naaalala ko ang mga nangyari sa Isla.

"Vera! kumusta ang bakasyon mo?" sabi ko nang tawagan ko si Vera. Mahigit isang linggo na rin mula nang maghiwa hiwalay kami, umuwi rin siya sa kaniyang pamilya.

"Heto, nag-eenjoy. Alam mo ba? Anlaki na ng ipinagbago dito sa bahay mas lumaki na at hindi na hirap sina nanay at tatay sa kabuhayan namin," masayang balita niya sa akin. Napaka hirap talaga ng buhay ng pamilya ni Vera kaya ito ang nagtulak sa kaniya para sumali sa ALPHA.

"Wow! Mabuti at may nakikita ka nang bunga ng mga pinag hirapan mo, mas lalong gaganahan ka na niyang magtrabaho," biro ko.

"Oo nga eh, sana mapagtapos ko muna ang mga kapatid ko bago ko mahanap si Mr.right!" Tila nangangarap pang tugon niya. Pangarap kasi ni Vera ang magkaroon ng boyfriend na kasing guwapo raw ni John Loyd Cruz. Hindi na ako magtataka kungmagkatotoo nga, ang beauty kasi niya ay may pagka- Bea Alonzo naman, simple pero ma-appeal. Ilan nga ring kasamahan namin sa Isla ang nagpakita ng pagkaka gusto sa kaniya pero sadyang bawal nga lang. Hindi katulad kong nilabag ang bawal para kay Eric.

"Oo na po miss Bea! Hanap-buhay muna bago boyfriend! Sabi ko nang biglang manginig ang cellphone ko.

"Vera, sige na may tumatawag yata. Tawag ka lang kapag wala kang ginagawa," iyon lang at pinindot ko na ang end call button.

Titingnan ko na sana ang tumatawag pero napaka laking 'report asap -ALPHA' ang tumambad sa screen ng cellphone ko. Pinindot ko ang message pero nawala na ito. Wala ring naka-register na sender. Maging sa inbox ko ay hindi ko na rin mahanap ang message.

Nagtataka naman ako, malinaw na isang buwan ang ibinigay na bakasyon sa amin at halos wala pang dalawang linggo ang lumipas.

Ganoon pa man naghanda ako para lumuwas at magreport sa headquarters ng ALPHA.

Dumaan muna ako kay Sister Julie para magpaalam.

"Hindi ba't isang buwan ang bakasyon mo?" Takang tanong ni Sister Julie.

"May emergency ho ata," sabi ko na lang.

"Mag-iingat ka iha. Tumawag ka lang kung kailangan mo ng makaka-usap," sabi ni Sister habang niyayakap ako.

"Opo," sagot kong niyakap rin siya.

"Iiwan ko ho pala itong susi ng apartment ko, baka ho kailangan n'yo ng lugar para sa mga bisita," sabi ko at inabot ang susi sa kaniya.

"Naku! Hanggang ngayon naaalala mo pa rin ang kakulangan natin sa mga silid tuwing may bisita," natatawang sabi niya.

"Sige ho, una na po ako," sabi kong kumaway pa habang bitbit ang maliit na traveling bag.

"Mag-iingat ka," sabi naman nila. Maging ang mga bata ay kumaway rin sa akin.

Sumakay ako ng tricycle na maghahatid sa akin sa istasyon ng bus patungong Maynila.

Kanina pa ako nakatingin sa matayog na gusaling nasa aking harapan. Ngayon lamang ako makakapasok sa gusaling iyon.

'ALPHA INTERNATIONAL SECURITY SERVICES' ang pilak na mga letra na naka dikit sa harap ng gusali.

Kanina pa rin ako tinitingnan ng dalawang security na nakatalaga sa entrance ng building.

Mamaya pa ay pumasok na ako at magalang naman ang dalawanng guwardya na bumati sa akin ng 'good evening ma'am'. Tamango lamang ako bilang tugon. Nang maka pasok na ay iginala ko ang aking paningin, marami pa ring naglalabas masok na mga tao. Nakita ko ang tumpok ng kalalakihang naka suit ng kulay itim, animo mga men in black. Nagbubulungan sila at paminsan minsang tumitingin sa akin. Lumapit ako sa elevator at akmang pipindutin ang button nang harangin ako ng dalawa sa mga lalaki kanina. Iginiya nila ako sa isang medyo tagong sulok at kinuwestyon.

"Ano'ng floor ka pupunta? Sino ang sadya mo? Ilang taon ka na?" Magkakasunod na tanong nila sa akin. Kinalkal kasi nila ang bag ko at nakita ang kalibre kuwarenta'y singko na lagi kong dala saan man ako mag-punta. Mahirap na rin kasi ang bumabyahe ngayon nang wala man lang kargada. Wala iyong lisensya sa akin kaya talagang kuwestyonable. Pero issue iyon ng ALPHA.

Naka taas ang kamay ko dahil kinapkapan rin nila ako at nakuha rin nila ang rambo knife na nakasukbit sa mga binti ko at natatakpan ng mahaba kong medyas. Mukha kasi akong teen-ager na tambay sa suot kong may punit na pantalon at may kalumaan nang t-shirt. Medyo marumi pa ang suot kong sapatos kaya siguro napagkamalan akong outsider.

"I'm here for Alpha," maya maya ay sagot ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Inilahad ng isa ang palad sa akin n tila ba may hinihingi. Naalala ko ang badge na ipinagkaloob sa amin sa araw ng aming pagtatapos. Dinukot ko ito mula sa bulsa ng suot kong jeans at inilagay sa palad niya.

Isang silver badge iyon at may naka hulma na mukha ng isang wolf at naka ukit ang pangalang ALPHA at ang code ko bilang private agent o army nila.

Nagkatinginan sila at ibinalik ang mga gamit ko sa bag.

"Pasensya na po ma'am for security lang po ang checking," hinging paumanhin ng isa. Pagkatapos ay sinamahan ako sa elevator at pinindot ang 38 button sa elevator. Pagdating namin doon ay itinuro sa akin ang isang malaking pintuan. Sa bandang gilid ay mayroong tila isang maliit sa screen na naka dikit sa dingding, inilapat ko ang aking hintuturo at nakita kong naging green ang ilaw niyon hudyat na gumana ito at narinig kong umingit ang pinto, na-unlock na iyon. Hintuturo ang ginagamit ko sa lahat security code sa Isla. Kinuha ko ang maliit na traveling bag na dala ko kanina at pumasok sa malaking pinto. Tumambad sa akin ang malawak na pasilyo at isa pang pinto sa dulo niyon. Kumatok ako at hinintay ay tutugon mula sa loob.

"Come in!" maya maya ay boses mula sa loob.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa napakalaking tanggapan, isang lalaki ang naka upo sa swivel chair sa likod ng mahogany table sa gitna ng opisina.

"Ikinagagalak kong makilala ka ng personal Violet," tumayo ang naka ngiting lalaki, tantya ko ay nasa late fourties na ito.

"Ako si Mr. Valle, ako ang humahawak at pumipili ng agent para sa kliyente ng ALPHA," sabi niya. Tumango lamang ako, sa tono niya ay hindi ko ns kailangang ipakilala ang sarili ko.

"At ikaw ang napili ko para sa mahalagang kasong ito," patuloy niya habang kinukuha ang isang folder mula sa isang vault sa kaniyang likuran.

"Umupo ka," aniya nang mapansing hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko. Umupo naman ako sa upuan sa harap ng mesa niya. Ibinigay niya sa akin ang hawak niyang folder.

Naroon ang pangalan ng isang Congressman at mga kaso nito. Naroon din ang mga litrato niya habang ginagawa ang mga krimen niya. Pumatay siya ng napakaraming magsasaka na ayaw i-give up ang kanilang mga lupain na pilit binibili ng kumpanya nito. Pero ang ikina-init ng ulo ko ay ang gahasain niya ang isang dalagita at naka ngisi na akala mo demonyo sa litrato habang hawak sa buhok ang kawawang bata. Kahit pa hindi pa sinasabi sa akin ang gagawin ko sa taong ito ay gusto ko na siyang patayin! Napaka hayop niya!

Halata ang gigil ko nang bumaling ako kay Mr. Valle. Inabot niya sa akin ang isang malaking envelope.

"Narito ang mga kakailanganin mo sa misyon," aniya.

"Heto naman ang magiging sasakyan mo at ang matutuluyan mo," aniya at inabot sa akin ang susi ng isang kawasaki ninja h2 bike at key card sa isang condo.

"Wow, seryoso ba kayo Mr.Valle?" sabi kong hindi maka paniwala. Pangarap ko ang model ng bike na ito at ngayon ay mahahawakan ko na, hindi! Magagamit ko pa!

"Oo naman, basta't malinis ang trabaho ay marami kang matatanggap na mga incentives bukod sa suweldo mo sa iyong assignment," aniya.

"Nariyan na rin sa sobre ang kopya ng kontrata," pagbibigay-alam niya.

"Alpha Condominium, floor 19. Naroon na ang mga gamit mo," aniya.

"Mayroon kang isang buwan para tapusin ang isang assignment, magsabi ka lang kung mayroon ka pang kailangan. Goodluck!" sabi niyang tumayo na.

"Nasa basement 1 ang sasakyan mo," sabi niya bago tuluyang tumalikod.

Wala na akong ibang nasabi. Inilagay ko ang folder at sobre sa bag ko saka lumabas ng kaniyang opisina at tinungo ang elevator. Pinindot ko ang B1 tulad ng sinabi niya kung nasaan ang bike. Una pa man ay hinala ko nang magsisilbi kaming assasin ng ALPHA, sino ba naman ang mangangailangan ng private army sa panahon ngayon? Depende na lang kung nagbabalak kang magrebelde sa pamahalaan. Nasa huling taon na kami ng training nang aksidenteng mapasok ko ang protected site ng ALPHA. Dahil nga tinuruan din kami kung paano mag-hack ng mga device at computer system ng mga kumpanya. Naiwan noong mahina ang security ng site kaya napasok at nabasa ko ang mga aktibidades ng grupo. Pero dahil natakot akong malaman nila ang ginawa ko ay agad kong isinara ang site. Hindi na ako nagtaka sa nakita ko at naka handa na rin naman ako kung sakaling bigyan ako ng misyon. Pero mas lalong ninais kong maging ganap na assasin ng grupo nang mapatay ang mga kasama namin sa Isla kasama si Eric. Gusto kong tumapos ng mga kahayupan at kademonyohan ng mga kriminal na iyon.

Medyo nagulat ako at bumalik sa kasalukuyan ang kanina pa ay lumilipad na isip ko nang bumukas ang elevator, nasa basement 1 na ako.

Hinanap ko ang bike at mabilis ko itong nakita dahil na sa bandang likuran lamang ito ng elevator exit.

Pinaandar ko iyon at parang isang dream come true ang magmaneho ng pangarap kong sasakyan. Mabilis akong nakarating sa condominium na sinasabi ni Mr,Valle. Dumiretso ako sa sinabi niyang floor. Tatlong unit ang naroon. Tiningnan ko ang ibinigay niyang key card. 'A' ang naroon kaya sinubok ko iyon unit A. Gumana naman kaya pumasok na ako at sinigurong naka lock ang pinto. Katamtaman lang ang laki ng unit, may maliit na sala at kusina. Isang bedroom. Mukhang magiging kumportable naman ako sa pagtira rito. Binuksan ko ang closet, namilog ang mga mata ko sa nakita kong mga kasuotan. Sa bandang kanan ay naka hanger ang mga nagseseksihang dress at naka tupi naman ang mga sexy shorts, nasa drawer ang mga sexy bikini at lengerie. Napa-iling na lamang ako habang isinasara iyon. Sa kaliwang bahagi naman ay mga casual clothes at ilang leather jacket at pants, nasa ibaba rin ang ilang boots at sapatos. Mayroon ding heels para sa mga dress.

Kumuha lang ako ng pares ng pajama at saka tinungo ang banyo. Mabilis akong naligo at tinungo ang kusina. May laman naman ang ref kaya nagluto na lang ako. Tinatamad na rin kasi akong lumabas para kumain.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, nagdesisyon akong tapusin agad ang assignment ko kaya una kong pinuntahan ang lugar na naka sulat sa files niya. Hindi nga ako nagkamali, naroon siya. Sa tatlong araw kong pagmamatyag ay may plano agad na nabuo sa isip ko.

At dahil nga mahilig siya sa babae ay napilitan akong magbihis babae talaga, I mean babae naman ako pero medyo astigin kasi ang pormahan ko. Minsan nga ay para rin akong yagit dahil mas pinipili kong isuot ang mga damit kung saan ako kumportable.

Isang napaka iksing dress ang napili kong isuot para sa big night ni Congressman Oranio!