THIRD PERSON POV
Tinulungan ni Mr.Max si Eric sa pagpapagamot ni Erica sa hospital.
Nakita niya ang potensyal ni Eric para mapabilang sa binubuong private army ng ALPHA kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na alukin si Eric.
"Eric, kung hindi mo mamasamain at sana hindi mo isiping sinasamantala ko ang kalagayan n'yo ng kapatid mo," simula niya habang nasa lobby sila ng hospital, kasalukuyang hinihintay ang resulta ng treatment kay Erica.
"Malaki ho ang utang na loob ko sa inyo, kaya siguro kahit na anong pabor ang hingin ninyo ngayon ay gagawin ko," mapagpakumbabang tugon naman ni Eric.
"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin," maarteng wika ni Mr.Max
"Ito ay kung gusto mo lang naman na maging miyembro ng army ng isang private organization, may training kayo na para ring nag-aaral ng militar pero ang kaibahan lang may suweldo na kayo sa training pa lang," matiyagang paliwanag niya sa mataman pa ring nakikinig na si Eric.
"Sa palagay ko ay magiging sapat ang suweldo mo para sa gamutan ng kapatid mo. Huwag kang mag-alala sa magbabantay sa kaniya dahil marami akong volunteers na nangangalaga sa mga pasyenteng tinutulungan namin," patuloy niya.
Bahagyang nag-isip si Eric, wala na siyang ibang choice kung hindi ang tanggapin ang alok ni Mr. Max. Isa pa sabi naman nitong hindi mapapabayaan si Erica, iyon pa lang napakalaking tulong na.
"Tinatanggap ko ho, kailan po ba magsisimula?" Tanong niya halatang walang ideya sa pinasok.
"Hindi pa naman sa ngayon, pero oras na makumpleto ang mga recruits ay tutulak na kayo papunta sa Isla na magsisilbing training grounds n'yo," sagot naman ni Mr.Max.
"Erica, magtatrabaho si kuya para may pampagamot ka ha?" medyo naluluhang paalam ni Eric sa dose anyos na kapatid na kasalukuyang naka confine pa rin sa hospital. Masyado siyang mahina para i-uwi na sa bahay kaya halos sa hospital na siya nakatira.
"Dadalaw naman si kuya lagi, pangako 'yan, at saka may mag-aalaga naman sa'yo rito," dagdag pa niyang nangingilid na ang luha.
"Okay lang ako kuya, basta promise mo dadalawin mo ako lagi ha?" at inabot niya ang kamay ng kaniyang kuya at marahan iyong pinisil.
"Mag-iingat ka kuya!" aniyang bahagyang ngumiti.
"Oo naman, pangako 'yan!" iyon lang at marahan niyang niyakap ang kapatid.
Para kay Eric, si Erica lamang ang buhay niya. Mawawalan na ng saysay ang buhay niya kapag nawala ang kapatid kaya naman gagawin niya ang lahat para maipagamot si Erica.
Hindi naman nagtagal ay nakumpleto ang recruits. Mga kabataang galing sa iba't ibang parte ng bansa. Ang recruitment ay hindi naman sapilitan pero nakakasilaw ang offered salary kaya kahit na mahigpit ang pagpili sa mga nakakapasok ay mabilis na nakumpleto ang 12 na bubuo sa private army ng ALPHA.
Wala pang malinaw na pahayag ang ALPHA tungkol sa magiging papel ng labindalawang army sa samahan. Kahit si Mr.Max ay hindi rin alam kung ano talaga ang plano ng ALPHA sa kanila. Sa nakalipas ay tanging ang personal na security lamang ng grupo ang mahigpit nilang pinili sa napakaraming aplikante. Ang samahan kasi ay isang sikretong organisasyon na binubuo ng mga matataas na tao sa lipunan. Mga mayayamang negosyante at maging matataas na politiko ay may kasapi rin sila.
Don Arthur Chavez, isa sa tatlong founder ng ALPHA. Layunin niya ang mabigyang katarungan ang mga biktima na hindi kayang bigyan ng importansya ng umiiral na batas sa bansa. Tulad niya, maraming taon na ang nakraraan ay biktima rin ng kawalan ng katarungan. Binuo nila ang samahan para magbigay serbisyo sa mga talunan at nawalan na ng pag-asang makamtan ang katuwiran. Ilang taon pa lamang mula nang binuo nila ang grupo ay marami nang nasampolan ng serbisyo nila. Lalo na ngayong talamak ang mga rapist at adik. May ilang tauhan si Don Arthur na nakatalaga para tumanggap ng mga kaso. Depende sa bigat ng kaso at kung sino ang sangkot dito, kapag malalaking pangalan ay mahal rin ang kanilang sinisingil na kabayaran. Yes, they kill for justice. They invistigate and mark the person involve. Isang pilantik lamang ng daliri ng biktima ay makukuha niya ang hustisyang ipinagkait korte. Ang ilang kliyente ay nagbabayad ng malaki para sa kanilang serbisyo.
Hanggang napagdesisyunan ng grupo na magtatag ng sariling sandata, iyong sila mismo ang huhubog. Isang maliit na military camp ang ipinatayo sa isang Isla sa dulong bahagi ng Mindanao. Naging matagumpay naman ang pag kumpleto sa labing dalawang recruits.
ALPHA INTERNATIONAL SECURITY SERVICE ang mga titik na na naka sulat sa malaking gusali kung saan naroon ang opisina ng ALPHA. Ngunit ito ay isa lamang front ng samanhan. Totoong nagdedeploy sila ng mga security guard pero kaiba ang tunay na ALPHA sa kumpanyang ito. Iba rin ang namamhala rito, at wala itong kinalaman sa lihim na organisasyon sa ilalim ng pangalang ALPHA.
Kasama si Eric sa labing dalawang recruits ng ALPHA na tumulak sa Isla de Alpha. Sumailalim sa mahigpit na pagsasanay kasama ang ibang recruits. Hindi naging madali ang kanilang buhay dito dahil limitado ang kanilang mga galaw, de numero ang kanilang mga kilos. Hanggang sa mapalapit ang loob niya kay Violet. A smart and beautiful young lady. Akala niya ay hindi siya mapapansin ni Violet, ngunit nang nasa ikatlong taon na sila ng pagsasanay at maitalaga si Violet na tulungan siya sa kanilang long range weapon training ay dito na nagkaroon ng katuparan ang pagtingin niya sa dalaga.
Sa tuwing may dumadaan na sama ng panahon sa Isla ay karaniwan nang nawawalan ng kuryente ang kanilang kampo. Ito naman ang sinasamantala nila para pumuslit at magkita sa gubat malapit lamang sa kanilang kampo.
Ilang beses na ring may namagitan sa kanila ni Violet. Pangarap nilang bumuo ng pamilya balang araw dahil tulad niya wala na ring magulang at pamilya ang dalaga. Lumaki ito sa bahay ampunan.
"Violet, pangako kong ikaw lamang ang mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay," minsan ay sambit ni Eric habang pinagsasaluhan nila ang init ng kanilang munting pag-ibig.
"Shh..we will be together forever..." pa-ungol na saway ni Violet habang patuloy ay marahang indayog sa ibabaw ni Eric. Nakalabas ng bahagya ang malulusog niyang dibdib na siya namang mahigpit na nil*l*mas ni Eric.
"Ohh..I love you Eric!" Si Violet na malapit na sa sukdulan, pero maya maya lamang ay huminto na siya at nawala ang excitement sa kaniyang mukha. Tulad ng dati ay nauna na namang nakarating sa sukdulan si Eric.
"Love, sorry..hindi ko kasi mapigilan," aniya nahihiya sa kasintahan.
"It's okay, hindi mo kasalanan," ani Violet na patuloy sa pagsusuot ng mga nahubad na saplot.
"Let's go, baka abutan pa tayo ng mga bantay," sabi niyang nagpati-una nang maglakad ng halos walang ingay pabalik sa kanilang kubol.
Mabilis na lumipas ang apat na taon, ngunit dahil demand ng ALPHA ay nadagdagan pa ang kanilang pagsasanay. Tinuruan sila ng mga special skills tulad pag hack ng mga computer system at mabilis na paghahanap o pag trace ng mga tao.
Pero kung kailan malapit na sa katotohanan ay saka naman magbibiro ang tadhana sa buhay ni Eric. Ilang araw na lamang at graduation na nila ay dumating ang isang napaka sakit na balita. Pumanaw na si Erica. Hindi na kinaya ng murang katawan ni Erica ang mahabang gamutan at kusa na itong bumigay.
"Hindi, buhay si Erica! buhay pa si Erica!" halos magwala si Eric nang matanggap ang balitang wala na anng pinakamamahal na kapatid. Lagi namang naka-alalay si Violet sa kaniya. Kahit na nahahalata ng kanilang commander ang kakaibang closeness nila. Dumamay rin ang iba pa nilang kasama, panay ang haplos ni Vera sa likod ni Eric dahil halos yumugyog ang balikat nito sa pag-iyak.
Sinamahan nilang lahat si Eric sa paghatid kay Erica sa huling hatungan nito.
Naging parang kapatid na nilang lahat si Erica dahil minsan ay silang lahat ang dumadalaw rito kapag lumuwas sila ng Maynila. Naging kaibigan pa nito sina Violet at Vera kaya masakit din sa kanila ang pagpnaw ng kapatid ni Eric.
Ilang linggo pa ang lumipas ay ang kanilang pagtatapos naman ang kanilang pinaghandaan. Kahit na tila wala pa sa sarili ay pinilit pa ring makilahok ni Eric sa mga paghahanda.
Tulad ng inaasahan, si Violet ang nanguna sa kanilang klase at naka kuha ng pinaka mataas rank. Pangalawa ang kaibigang si Vera. Sa kanilang pagtatapos ay nanumpa rin sila sa ilalim ng organisasyon at tinanggap ang kanilang trabaho bilang army ng ALPHA.
Nagkakasiyahan ang lahat nang biglang tumunog ang alarma sa kanilang kampo. Umilaw ang kulay pulang patay sindi kasabay ng ng malakas na sirena.
May paparating na mga bangka! Hindi iyon sa kanila at hindi rin nila kilala ang mga iyon kaya tumunog ang alarma. Ito ang unang beses nilang sasabak sa realidad ng pakikipag laban kung sakali.
Kita sa largabista ang mga armadong sakay ng bangka. Alangan ang kanilang commander na lumapit dito nang maka daong na sila sa pampang. Naka tago ang lahat, ngunit hindi pa man naka layo sa kanilang bangka ang mga hindi nakikilalang panauhin ay nagimbal ang lahat sa isang pagsabog! Nagsimulang magkagulo ang lahat.
Mabilis na tumakbo si Violet kung saan naroon ang mga armas na ginagamit nila sa kanilang training. Maliksing kinuha ang isang 45 calibre ng pisto at ilang loaded magasin nito. Isinukbit rin niya sa kaniyang likuran ang isang SSG 69 sniper rifle saka mabilis na tumakbo sa likurang bahagi ng mga kubol. Ilang taon silang nanirahan dito kaya kabisado niya ang pasikot sikot sa Isla. Alam rin niya kung nasaan ang mga land mine na sila rin mismo ang nagtanim para rin sa kanilang security.
Mabilis na narating ni Violet ang mataas na bahagi ng burol, mula roon ay tanaw ang kabuuan ng kanilang kampo. Gamit ang scope ng rifle ay kita ni Violet ang nagkalat nang bangkay ng kaniyang mga kasama. Bahagya siyang nanginig at mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Ngayon pa lamang sila haharap sa totoong laban. Kahit na nagsanay ay iba pa rin kapag nasa totoong sitwasyon na. Habang patuloy sa pakikipag palitan ng putok ang natitira pa niyang kasamahan sa kanilang kampo ay pumwesto siyang naka dapa sa tagong bahagi ng burol at isa isang inasinta ang mga kalabang hindi pa gaanong nakaka layo sa mula sa kanilang bangka. Wala silang pagtataguan sa malawak na aplaya kaya mabilis lamang niyang napatumba ang hindi bababa sa sampu na palapit na sana sa kanilang kampo. Isa pang putok ay sumabog na rin ang bangkang sinakyan ng mga ito.
Tatayo na sana siya matapos i-secure ang kabuuan ng kampo nang may malakas na kamay na dumakot sa kaniyang buhok at pilit siyang itinayo. Ito ang may gawa ng unang pagsabog kanina. Suguro ay gumamit ito ng lubid para akyatin ang bangin mula sa dagat sa kabilang bahagi ng Isla.
Napapikit siya sa sakit ng nabanat niyang anit. Kahit anong palag niya ay sadyang malakas ang lalaki. Maitim at puno ng balbas ang mukha nito, mataas din ito at malaki ang katawan. Kahit na nag-aagaw ang liwanag at dilim ay aninag pa rin niya ang mukha nito. Alam niyang wala siyang laban sa lakas nito kaya naka isip siya ng mas epektibong paraan para talunin o takasan ito.
"Aahh!" sigaw ng lalaki nang kagatin ni Violet ng ubod lakas ang kamay niyang humahawak sa dalaga. Sinamantala iyon ni Violet at sinipa ng patalikod sa pagitan ng mga hita nito. Nang mabitawan siya ng lalaki ay mabilis na nag-dive sa damuhan at hinagilap ang kalibre 45 na nabitiwan niya kanina. Nang mahanap ay mabilis na ikinasa iyon at ipinutok sa tuhod ng palapit na namang lalaki. Bahagyang umatras si Violet nang patuloy pa rin ito sa paglapit sa kaniya. Mabilis itong humugot ng baril sa beywang pero mas mabilis at walang pagdadalawang isip na kinalabit ni Violet ang gatilyo. Tinamaan ito sa noo, alam niyang mamamatay na ito sa tamang iyon pero tila wala sa sariling tinadtad niya ng bala ang lalaking muntik na ring kumitil sa buhay niya.
Mabilis na bumaba si Violet sa kaniyang mga kasama, naka handusay na ang iba. Maging ang ilang security nila ay patay na rin. Nauna na pala silang pinasok ng malaking lalaki kanina bago pa man dumating ang mga naka bangka. Pinasabog nito ang ilang kasamahan nilang magkakasamang nagtago.
"Eric! Vera!" malakas na tawag niya sa kaibigan at sa nobyo subalit si Vera lamang ang mabilis na lumapit sa kaniya na parang tulala pa nga. Payuko pa rin ang lakad nilang pumunta sa mga kasamahang naka handusay. Napapikit siya nang makita ang kalunos lunos na sinapit ng kaniyang mga kasama. Pero mas lalong parang sumabog ang pagkatao niya nang makitang kasama si Eric sa mga naka handusay, lasog ang ibang bahagi ng katawan nito, wala na rin ang isang paa. Naka dapa ito sa mga kasamang wala na ring buhay. Animo tinakpan nito ang mga kasama sa pagsabog pero lahat sila ay hindi rin pinalad na mabuhay.