Chereads / DSS: TRAP / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

VOILET'S POV

"VIOLET will lead the second team!" malakas na pahayag ng isa sa magiging trainor namin na magsisilbi ring mentor namin sa susunod na mga taon.

"First and second year ay focus sa pag-build ng inyong physical abilities!" Muli niyang pahayag. Mataman lamang kaming nakikinig sa anumang sasabihin niya. Kasama ang iba pa naming magiging guro ay ipinaliwanag nila ang magiging set-up ng aming training. Tatagal raw ng apat na taon, pero madaragdagan pa depende sa bilis naming matuto.

Hindi ko pa rin maitindihan kung anong klaseng army ba kami. Nang sa wakas ay binigyan kami ng pagkakataong magtanong. Halatang istrikto ang mga guro ka naman nag-aalangan akong isatining ang katanungang kanina ko pa gustong itanong.

"Yes Violet?" nahalata yata ang pagdadalawang-isip ko.

"Sir, anong pangkat ng army po ang sasalihan namin kapag gumraduate na kami?" nag-aalalangan ngunit diretso ko namang naitanong.

"Well, depende sa inyo sa matututunan n'yo rito at sa abilidad n'yo," makahulugan niyang sagot.

"Ang ALPHA ang magbibigay ng trabaho sa inyo tulad ng nasa kontratang pinirmahan ninyo," sabi niya.

"Walang magaganap na kompetisyon sa pagitan ng inyong pangkat! Ang kaniya kaniya ninyong abilidad ang magiging batayan ng inyong rank," at tumingin siya sa cctv na nakatutok sa amin na tila ba sinasabing walang mandaraya dahil nagmamatyag lamang sila.

"Ang inyong Sabado at Linggo ay para sa inyo as long na natapos ninyo ang mga nakatalagang gawain," pagtatapos niya saka isa isa kaming itinalaga sa anim na nakahilerang kubong naroon. Nakatayo paharap sa malawak na buhanginan at sa likod ay malawak na kasukalan. Gawa iyon sa kahoy at pawid ang bubong. Dalawang tao sa bawat isang kubo. Nakasama ko si Vera, ang magiging lider ng kabilang team. Mukha naman siyang mabait kaya pumayag na rin akong makasama siya.

"Taga saan ka Violet?" maya maya ay tanong niya sa akin habang inaayos namin ang mga damit at uniform na bigay sa amin na magagamit namin sa training.

"San Juaquin," maiksing sagot ko.

"Taga Conception naman, nandoon ang pamilya ko," malungkot na sabi ni Vera. Nilingon ko siya. Nakita kong nagpapahid siya ng luha sa mga mata. Bahagya naman akong naawa. Kahit pa ngayon lang kami nagkakilala ay parang may simpatya na ako sa kaniya. Dahil na rin siguro sa matagal na panahaon na wala akong naging kaibigan.

"Kung hindi sana kami naging mahirap sana ay kasama ko pa sina mama at papa at mga kapatid ko," aniyang tila maiiyak na naman.

"Isipin mo na lang ginagawa mo 'to para sa kanila," sabi ko, pero sa totoo lang ay hindi ko naman naiintindihan ang pakiramdam ng malayo sa pamilya dahil wala naman ako niyon. Nakakatawa, pero kung susumahin mas kawawa naman ako dahil bukod sa lumaki ako sa ampunan ay wala rin akong pamilyang mauuwian gumraduate man kami rito.

Kumpleto na rin ng gamit ang kubo namin. May kuryente naman pero ang lutuan namin ay talaga namang paghihirapan pa, well siguro ay kasama na rin ito sa training.

Ang una naming ginawa ngayong araw ay ang maghanap ng mga tuyong kahoy sa gubat para magamit namin sa aming pagluluto. Para lang kaming nasa camping. Ginalugad namin ang kakahoyan sa bandang likuran ng aming kampo. Malawak pala iyon, may bundok rin sa kabilang bahagi ng Isla kaya puro bangin ang papunta sa kabilang dako ng Isla.

Pagkatapos naming magluto at kumain ay kaniya kaniyang ligpit na ng mga gamit dahil maaga kaming matutulog at maaga rin ang gising bukas.

Alas kuwatro pa lang kinabukasan ay tumunog na ang aming wake up call. Mabilis kaming nag-ligpit at humanda na sa pang-umaga naming pagsasanay.

Mabilis kaming humanay tulad ng utos ng aming commander. Nagsimula kaming mag jogging sa buhanginan hanggang sa kabilang dulo ng isla. Tantiya ko ay nasa limang kilometro papunta at lima pabalik ang haba ng aming tinakbo kaya humihingal kami nang maka balik sa aming kampo. Ang ilan ay hindi masyadong sanay sa physical excersice kaya medyo nahirapan sila.

Tulad ng regular na training ng mga sundalo ay ganoon rin ang aming naging pagsasanay.Minsan isang buwan ay nakakapunta naman kami sa Maynila, kailangan rin kasi naming ma-expose sa syudad lalo na at dito naman kami magtatrabaho pagkatapos ng aming training.

Bukod kay Vera ay marami rin akong naging kaibigan sa klase. Isa na si Eric. Guwapo si Eric kahit medyo sunog sa araw ang balat. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Eighteen na siya kaya dalawag taon ang tanda niya sa amin. Siya ang pinaka ahead sa lahat. Ang iba kasi ay seventeen pa lang at karamihan ay sixteen. Naging malapit ako kay Eric pero nagbabala ang aming commander hindi pwedeng may mamagitan sa kahit na sino man sa amin dahil iyon ang mahigpit na ipinagbabawal ng ALPHA.

Lumipas pa ang dalawang taon, halos gamay na namin ang paakikipaglaban. Nagsimula na rin kaming magsanay sa paggamit ng iba't ibang kalibre ng baril.

Dahil isa ako sa mapalad na may talento sa paghawak ng long range gun ay mani mani lamang sa akin ang pumasa sa mga trainings namin. Hanggang sa isa na ako sa gumagabay sa iba ko pang kasamang trainee. Dito na naging malapit ang loob namin ni Eric, hindi sinasadyang nahulog ang loob namin sa isa't isa kahit na alam naming bawal.

Tumagal ang aming lihim na ugnayan, maging si Vera na kasama ko sa kubol ay walang kaalam alam sa namamagitan sa amin ni Eric.

"Baka mahuli tayo," anas ko habang pigil ang ungol sa ginagawa sa akin ni Eric.

"Hindi, para saan pa ang mga natutunan natin kung hindi natin gagamitin," sabi naman niya habang abalang sinisibasib ang aking dibdib. Abala rin ang isa niyang kamay sa paghaplos sa aking ibabang parte. Kahit na medyo makapal ang suot kong pajama ay dama ko ang init na nagmumula sa kaniyang mga palad.

"Uhmm," hindi ko na mapigilan ang sarili ko nang ipasok ni Eric ang kamay sa loob ng aking pajama.

Naka higa ako sa damuhan habang naka patong naman siya sa akin. Walang kuryente sa Isla kaya naka off ang lahat ng surveillance camera. Sa ganitong pagkakataon lamang kami nagkakaroon ng chance para magkita ni Eric ng sarilinan. Mahigpit rin kasi ang mga taga bantay namin dito sa Isla.

"I love you Violet!" bulong ni Eric habang paulit ulit na umuulos sa ibabaw ko. Gusto kong hilahin at yakapin siya ng mariin para damhin ang luwalhating dulot ng aming ginagawa subalit nauna na siyang nakarating sa rurok. Hindi na lamang ako umimik, mahal ko naman si Eric kaya ayos lang na siya na lang muna ang masiyahan. Siguro ay dulot lamang ng takot kaya siya nagmamadali. Pero halos pulos ganoon naman simula nanng unang may nangyari sa amin. Nineteen na ako at Twenty-one naman siya. Ilang taon na lamang ay graduate na kami.

Balak naming bumuo ng pamilya kapag naka-ipon na kami. Siguro naman ay papayag ang ALPHA kahit isa lamamg sa amin ang patuloy na manilbihan sa kanila.

Patago kaming bumalik sa aming mga kubol. Tulog na tulog na ang mga kasama namin. Wala ni isa ang nakaka-alam sa ginagawa naming pagtatagpo sa kasukalan tuwing brownout.

ERIC'S POINT OF VIEW

"KUYA ERIC!" Sigaw sa akin ng kapatid ko habang mabilis na tumatakbo palapit sa akin.

"Oh, kumusta ang school?" tanong ko. Unang araw niya sa eskwela at alam kong excited siyang mag kuwento sa mga nangyari sa maghapon.

"Sandali at itatali ko lang si Dora sa likod," sabi kong inakay ang kalabaw naming si Dora papunta sa likod bahay. Makapal kasi ang damo roon siguradong makakakain siya ng maayos sa magdamag bago sumabak ng panibagong trabaho bukas.

Ulila na kami at dalawa na lamang kami ng kapatid ko ang namumuhay. Sabay na namatay ang mga magulang namin sa isang aksidente. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at anim naman ang kapatid kong si Erica. Ako ang tumayong magulang sa kaniya. Tumigil rin ako sa pag-aaral para alagaan siya at ipagpatuloy ang naiwang maliit na sakahan ng aming magulang.

"Kuya alam mo ba, ako ang na-elect na president sa klase namin!" masayang kuwento niya. Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin.

"Oh, baka marumihan 'yang uniform mo, sabi ko hintayin mo na lang ako doon," sabi kong inaalala ang puting blusa niya.

"Hindi pa naman ako eksperto sa paglalaba," biro ko.

"Naku kuya, malaki na ako kaya ko na to!" pagmamayabang naman niya.

"Sus, mamaya sumpungin na naman yang sakit mo," paalala ko. May impeksyon sa dugo si Erica, ayon sa doktor ay maaaring maging leukemia ang sakit niya kapag hindi naalagaan ang kalusugan niya. Kaya doble kayod ako sa bukid para may pampagamot ang kapatid ko.

"Magaling na ako kuya," aniyang sumimangot pa.

"Oo na, basta mag-iingat ka. Huwag gaanong ngapapagod," sabi ko sa nagpapa-alalang tinig.

"Opo," sabi naman niyang tuluyan nang pumasok sa bahay.

"Ako na magluluto kuya!" pahabol pa niya. Matulungin talaga si Erica kahit na may dinaramdam. Ilang beses ko na rin siyang dinala sa doktor at gumastos ng malaki para sa sakit niya pero ganoon pa rin. Hindi raw basta basta magagamot iyon. Kailangan ng mahabang panahon ng gamutan.

Nakatayo ang bahay namin malapi sa bukid na sinasaka ko kaya medyo malayo ang nilalakad niya papuntang eskwelahan. Marami naman kaming mga kalapit bahay na mga estudyante rin kaya kampanten ang loob kong pinapayagan siyang mag-aral. Ilang beses na rin kasi siyang nahinto sa pag-aaral dahil sa sakit niya. Minsan kasi ay basta na lang siyang nahihilo at hihimatayin na lang kung saan abutan ng pagkahilo.

Katatapos ko lang maglinis ng sarili ko nang makarinig ako ng malakas na kalabog sa kusina. Nag-aalala kong tiningnan ang pinagmulan ng malakas na kalabog at nakita kong naka handusay sa sahig ang namumutlang si Erica, walang malay kasama ang ilang nabasag na gamit sa kusina. Mabuti na lamang at hindi siya bumagsak sa mga basag na pinggan. Mabilis ko siyang pinangko at ipinahiga sa mahabang upuan. Marahan kong tinapik tapik ang kaniyang mukha, maya maya naman ay unti-unti siyang bumalik sa kamalayan. Pina-inom ko siya ng tubig. Sinumpong na naman ang sakit niya. Hinayaan ko na lang siyang magpahinga at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Kailangan ko na namang dalhin sa kabayanan si Erica para ma monitor ang kalagayan niya. Matagal din kasing hindi sinumpong ang sakit niya kaya pinayagan ko siyang mag-enroll at mag-aral.

Si Erica na lang ang natitirang pamilya ko kaya hindi ko siguro kakayanin kung pati siya ay mawawala.

Nang sumunod na Linggo ang lumuwas kami ng Maynila para muling ipagamot ang sakit ni Erica. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na pinayagan ng doktor na maka labas pa ng hospital si Erica. Malala na raw ang sakit niya at kailangan nang obserbahan sa ospital. Mahina rin ang katawan ni Erica kaya na-confine siya. Kailangan ni Erica ng blood transfusion at malaking halaga ang kakailanganin niya sa kaniyang chemo therapy. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko rin alam kung saan kukuha ng ipambabayad sa hospital.

Kanina pa ako rito sa chapel ng hospital, wala akong maisip na puntahan. Kung ibebenta ko naman ang naiwan ng mga magulang naming kapiranggot na lupa ay hindi pa rin sasapat sa mga gastusin ni Erica. Kalalaki kong tao pero sa pagkakataong ito ay hindi ko mapigilan ang mapaluha habang naka luhod sa chapel. Nang mangawit na ako ay umupo naman ako sa isang tabi para mag-isip. Mag-eighteen pa lang ako kaya medyo malabo pa ang matanggap ako sa mga trabaho rito sa Maynila. Isa pa. hindi naman ako nakatapos ng kahit high school man lang. Mataas ang pamantayan nila sa pagkuha ng mga worker kahit na construction lang ay dapat high school graduate.

Nasa malalim na pagmumuni muni pa rin ako nang tabihan ako ng isang lalaking naka-itim. Akala ko goons dahil katulad niya ang mga napapanood ko sa pelikula. Malaki at matikas na lalaki. Pero nagulat ako nang magsalita dahil malambot ang at malumanay ang timbre ng boses niya.

"Baka makatulong ako," aniya nang lapitan ako. Nahihiyang nagpahid ako ng luha. Tinanong niya kung bakit ako naroon kaya nag-aalanagan man ay ikinuwento ko sa kaniya ang kalagayan ni Erica.

"Kung magtitiwala ka ay matutulungan kita," panimula niya.

"Marami rin akong tinutulungang pasyente rito kaya nandito ako ngayon. Kaya kung tatanggapin mo ang tulong ko ay maaari kong isama ang kapatid mo sa mga pasyenteng tinutulungan ng aming kumpanya," mahabang paliwanag niya.

"Ako nga pala si Max pero Mr.Max ang tawag nila sa akin," aniya at inilahad ang kaniyang kamay. Inabot ko naman ang kaniyang kamay at nakipag shake hands. Tinanggap ko ang inaalok niyang tulong kahit na hindi ko alam kung may hihingin ba siyang kapalit ba ito sa bandang huli. Pero kahit ano pa man siguro iyon ay gagawin o ibibigay ko gumaling lang ang kapatid kong si Erica.