Every after class ay ginawa nang responsibilidad ni Kenneth ang pagbubura ng blackboard. Nagsimula iyon nang mapansin niyang wala man lang isa sa mga kaklase niyang lalaki ang gustong magbura sa mga nakasulat sa blackboard bago magsimula ang klase nila. Siguro ay ganoon na ang nakasanayan ng mga ito.
Pero dahil nanggaling siya sa public school at sa dati niyang klase ay may nagbubura ng nakasulat sa blackboard bago magsimula ang susunod na klase ay ginawa na niyang tungkulin iyon sa CPRU. Kahit pa nga sa may bandang likuran na siya nakaupo minsan dahil sa alphabetical ang seating arrangement nila.
Kaya naman nang hapong iyon ay muli niyang ginawa ang tungkulin niya bilang "board manager" at binura ang mga nakasulat sa blackboard bago magsimula ang susunod nilang klase. Nang bigla na lamang may bumato sa kanya.
Napatingin siya sa likuran. Natatawang sunod-sunod na binato siya ng naka-crumple na papel ng kanyang mga kaklase. Isinangga na lamang niya ang kanyang mga kamay bilang pananggalang.
"Tama na! That's enough!"
The next thing that Kenneth knew ay nasa harapan na niya si Sam. Ito na ang sumasangga sa mga crumpled paper na ibinabato sa kanya ng mga kaklase nila. Natamaan pa nga ito sa mukha.
"Ano ba! Tumigil na kayo sabi, eh!"
Tumigil na nga sa pagbato ang mga kaklase nila.
"Ginagawa lang naman namin iyong nakasulat sa likod ni Kenneth," ani Ryan kay Sam. "Ang sabi, tapunan daw siya ng basura."
Tawanan ang buong klase. Naguguluhang napatingin si Kenneth sa mga ito. Nakita naman ni Sam ang confusion sa mukha ni Kenneth. Kinuha nito ang papel na naka-tape sa likuran ng lalaki. Hindi malaman ni Kenneth kung paano ito napunta doon, kaya naman nagulat ito sa nakita lalo na nang mabasa ang nakasulat doon.
Tapunan ng basura.
"O di ba? Tapunan daw ng basura!" At saka tumawa ng malakas si Ryan.
At gumaya na rin ang buong klase. Pakiramdam naman ni Kenneth ay nanliliit siya. Kung sino man ang naglagay noon ay parang consensus iyon ng buong klase. Ganoon pala ang tingin ng mga ito sa kanya. Tapunan ng basura. In short, basura.
"That's not funny!"
Natigil ang mga kaklase nila sa sinabi ni Sam.
"Bullying will never be funny, Ryan."
Napatingin si Kenneth kay Sam.
"Alam mo, ikaw lang naman ang hindi nage-enjoy sa nangyayari. Hindi ba, classmates?" ani Ryan sabay tingin sa kanilang mga kaklase.
Hindi man sumagot ay natawa naman ang mga kaklase nina Sam.
"Well, uh, maybe because you're different. We do not actually know what's going on in your mind. It's like you have your own, weird world…"
Natawa ulit ang mga kaklase nila. Nabahala naman si Kenneth sa nangyayari. Nadadamay na kasi si Sam sa pambu-bully sa kanya ni Ryan pati na ng mga kaklase nila.
Pero parang wala namang kaso iyon kay Sam. Hindi nga ito natinag sa patutsada ni Ryan.
"My own, weird world… What about you, Ryan? What kind of world do you live in?"
Saglit na natigilan si Ryan sa tanong ni Sam. Pero kaagad din siyang nakahagilap ng isasagot dito.
"It's a wonderful world!" anito.
"Oh… really?" Sam asked sarcastically.
Natameme si Ryan sa reaksiyon ni Sam. Si Kenneth naman ay napatingin na lamang kay Sam. First time niyang makita ng ganoon ito kataray. Lagi lang kasing tahimik ito at hindi nagsasalita kung hindi kakausapin ng iba.
"I know what kind of world you live in now, Ryan. Remember? I am Sebastian de Vera's daughter. He knows everything and I also get to know everything that I want to know."
Napalunok si Ryan na tuluyan nang natahimik.
"Alam ko rin na hindi mo tinitigilan itong si Kenneth. Just because pinahiya ka niya sa Math class doesn't give you the right to bully him. So please, stop it, Ryan. Stop bullying Kenneth."
"And what would you do? Isusumbong mo ako sa daddy mo? Your dad is one of the BODs of CPRU, right? And then ipapa-expel ninyo ako?" tanong naman ni Ryan.
"That's what you want, right?" sa halip ay tanong ni Sam, again with full blast sarcasm.
At muli'y napalunok na lamang si Ryan.
"That's why I will not give it to you. Para hindi ka ma-expel. So that you will continue to live in your 'wonderful' world, Ryan. Such a wonderful world."
"Shut up!" Tuluyan nang nagalit si Ryan kay Sam.
"Kung hindi mo titigilan si Kenneth, magtutuloy-tuloy din lang ako. So, you better stop. Bullying. Kenneth. Or else…"
Sa sobrang galit ay nag-walk out si Ryan. Sakto namang paparating ang teacher nila na muntikan pang mabunggo nito.
"What happened here?" tanong ng babaeng guro. Napatingin ito kina Kenneth at Sam sa may harapan.
Si Kenneth na ang nagpaliwanag. After all, siya naman ang punot' dulo ng lahat.
"Ah Ma'am, ano lang po… ahm…" Wala naman siyang nasabi. Hindi niya masabi sa kanilang guro na kasalanan lahat ni Ryan ang lahat, pati na ang mga nagkalat na crumpled paper sa sahig.
"It was Ryan Arcilla's fault, Ma'am." Muli ay si Sam na naman ang sumalo kay Kenneth.
"Ryan again," anang teacher na parang napupuno na rin sa mga kalokohan ng kanyang estudyante. "Oh well, ano na naman ang ginawa niya ngayon?"
"Another prank, Ma'am. Pero wala naman pong nasaktan," sagot ni Sam.
"O sige. Umupo na kayo at nang masimulan na ang klase."
Tumango si Sam sa sinabi ng teacher at saka tumalima na. Nasundan na lamang ito ng tingin ni Kenneth.
"Mr. Olilveros?"
Napatingin si Kenneth sa guro nila. "Ah… Yes, Ma'am."
Nakayukong umupo na si Kenneth sa lugar niya. Hindi niya naiwasang hindi sulyapan si Sam. Hindi siya matatahimik hanggang hindi siya personal na nagpapasalamat dito.
******************************************************************************************
Pagkatapos ng klase ay naglakas-loob si Kenneth na lapitan si Sam. Medyo kinakabahan pa nga siya dahil hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksiyon nito.
"Sam…"
Napaharap ito sa kanya.
"Ahm… ano… gusto ko lang kasing ano… magpasalamat…" Medyo nabubulol pa siya sa kaba. Napayuko siya dahil sa hiya.
"Wala iyon."
Napatingin siya dito.
"Alam ko naman iyong panggugulo sa iyo ni Ryan. Ito namang mga kaklase natin, nag-e-enjoy pa."
Napatingin si Sam sa mga kaklase nila. Lunch break noon kaya lumabas na ang lahat at nagpunta na ng cafeteria.
"Nadamay ka pa tuloy… Sorry talaga."
"Okay lang iyon. Naiinis na rin kasi ako, eh. At least, natulungan kita."
Sam smiled at him. Ngumiti na rin siya.
"Saan ka na nga pala nagla-lunch ngayon?"
Nagulat siya sa tanong na iyon. Hindi niya alam na alam pala nitong hindi siya kumakain sa cafeteria.
"Hindi na kasi kita nakikita sa may basketball court ngayon. Nagtanong ako kay Mang Mario kaya nalaman ko na nanggulo pala si Ryan kaya hindi ka na doon nagla-lunch. Napagalitan ka pa tuloy dahil sa kalokohan niya."
"Hindi naman ako napagalitan ni Coach," aniya. "Pero pinili kong huwag nang kumain doon. Baka kasi maulit na naman iyong ginawa ni Ryan."
"Na inulit naman niya, 'di ba? Kahit na lumipat ka na."
Siguro ay naikwento na rin iyon ni Mang Mario sa kanya. Iyon na lamang ang inisip na paliwanag ni Kenneth kung bakit alam ni Sam ang tungkol doon.
"So, saan ka na ngayon?"
Ang totoo ay wala na rin naman talaga siyang maisip na puntahan. Para kasing nalibot na niya ang buong CPRU at nakainan na. Iyong college at elementary department na lang ang hindi niya nalilibot.
"Hindi ko nga alam, eh."
"Sa canteen ka na lang kumain. Halika, samahan mo ako." Kinuha na ni Sam ang kanyang backpack.
"Teka, sandali!" Paano ba niya ito tatanggihan? Baka awayin din siya nito katulad noong ginawa nito kanina kay Ryan.
"O bakit? Dapat kasi doon ka na kumakain."
"Pero ano… kasi… nagbabaon ako."
"O, eh ano naman ngayon? Iyong ibang estudyante rin naman nagbabaon ng lunch. Iyong ibang parents kasi mas gustong pagbaunin iyong mga anak nila. Iyon ngang kaibigan ko, si Stan. Sila na ang may-ari nitong CPRU pero nagbabaon pa rin siya minsan. Minsan kasi naiisipang magluto nung mommy niya. Ako rin minsan nagbabaon."
Alam naman ni Kenneth na possible iyon, pero alam din niya na hindi basta-basta iyong pinapabaon ng mga magulang nina Sam at nung Stan na iyon sa mga anak nila. Siyempre pangmayaman din iyong baon nila. Hindi tulad ng kanya.
"Eh… simple lang kasi iyong baon ko."
"Huh?" Napakunot ang noo ni Sam.
Napayuko na lamang si Kenneth.
"Iyan ka na naman eh. Masyado kang nahihiya."
Napatingin siya kay Sam.
"Bakit ba nahihiya ka? Eh ano naman kung ano lang diyan iyong baon mo? Basta masarap at nakakain naman. Wala naman silang pakialam doon."
Kahit papaano ay gumaan naman ang loob niya sa sinabi ni Sam. Pero nandoon pa rin talaga iyong hiya niya.
"Halika na. Sige, kung ayaw mong ilabas iyang baon mo, ililibre na lang kita ng lunch."
"Pero–"
"Mayaman kami, huwag kang mag-alala."
Parang naiinis na si Sam sa argumento nila kaya nasabi nito iyon. Natitigan na lamang ito ni Kenneth.
"O ano? Halika na."
Walang nagawa si Kenneth kundi ang sumunod kay Sam sa pagpunta sa canteen.