Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 20 - Chapter 18

Chapter 20 - Chapter 18

Huling gabi ng bakasyon ni Jade kasama ang pamilya, masakit isipin na parang kay lapit lamang niya ngunit hindi niya magawang umuwi dahil sa kakapusan sa pinansyal. Halos apat na taon na siyang nalalayo sa pamilya tuwing pasukan ngunit pagdumarating ang araw ng kanyang pag-alis ay hindi nawawala ang iyakan. Tinalo pa raw niya ang mag-aabroad sabi nga ng mga kapit bahay nila, ngunit ano nga ba ang magagawa nila kung hindi nila mapigilan ang pangungulilang nararamdaman ng bawat isa.

Malungkot ang mga mata ni Jade ngunit pinipilit niyang mapasigla ang bawat kilos niya.

Lumapit siya sa kanyang ina, "Nay pwede po ba tayong tabi tabing matulog ngayong gabi?" tanong niya sa kanyang pinakamamahal na ina.

Hinaplos ni Nanay Jasmine ang buhok ng anak, "Oo naman anak, akala ko nga ay hindi mo na hihilingin iyan eh. Muntik na akong magtampo sainyo ng kapatid mo dahil mukhang nakalimutan na ninyo ako. Lalo ka na dahil may nobyo ka na ngayon, baka nahihiya ka nang malaman niya na tumatabi ka pa sa'kin." Malungkot nitong sinabi sa anak ang nararamdaman.

"Kahit kailan Nay, ay hinding hindi ka naming kayang baliwlain kahit pa sampung lalaki ang dumating sa aming buhay. Kayo parin ang priority naming ni Bunso, mahal na mahal ka naming dalawa Nay, kayo po nina Papang at Mamang." Tugon ni Jade sa kanyang ina.

"Salamat anak, sana hindi kayo magbagong magkapatid kahit pa dumating ang panahon na mag-asawa na kayo at magkaroon ng mga anak." Naluluha nitong tugon sa anak.

Gaya ng dati, magkakatabing natulog ang mag-iina sa silid ni Jodi. Nilulubos nila ang sandali na makakasama nila ang isa't isa pagkat limang buwan nanaman ang palilipasin bago sila magkita kitang muli.

Titingnan sana ni Kristel ang lagay ni Jodi, kung may nararamdaman ba ito. Natakot na kasi siya nung masaksihan niya na sumama ang pakilasa nito dahil hindi makahinga. At para siyang na estatwa sa nakita niya ng buksan ang silid ng dalaga, magkakatabing natutulog ang mag-iina. Nasa gitna si Nanay Jasmine, mahimbing ang tulog ng kanyang dalawang anak habang nakaunan sa tig-isa niyang braso at pawang mga nakayakap sa ina. Lihim siyang karamdam ng inggit, marangya ang pamumuhay nila pero kahit minsan ay hindi siya nakaranas nang ganito. Lumaki siya sa kanyang mga tagapag-alaga, hanggang sa magkaisip siya. Kaya naman lubos ang paghanga niya sa kaibigan dahil kahit na ganito ang sitwasyon ng pamumuhay nila ay naroon ang pagmamahalan, pag-uunawaan at pagtitiwala.

Alas singko ng umaga, nakahain na ang almusal na niluto ni Nanay Jasmine para sa lahat. Maagang luluwas sina Jade upang hindi abutan ng traffic. Marahan siyang bumalik sa silid ng bunsong anak at ginising ang mga ito.

Bahagyang inalog ni Nanay Jasmine ang binti ng dalawang dalaga, "Mga anak gising na kayo, Jade maaga pa ang biyahe mo kaya kailangan mo ng bumangon."

Nag-iinat namang nagmulat ng mata si Jade, "Opo nay! Susunod na po kami ni Bunso."

Nakangiting lumabas ng silid ang kanilang Ina. Saka naman ginising ni Jade ang kapatid, nauna na siyang maligo kasunod si Jodi. Makalipas ang halos kalahating oras ay lumabas ng magkasabay ang magkapatid, ganoon rin naman sina Kristel at Andy na pawang mga nakagayak na rin.

Kumain silang lahat nag sabay sabay at masayang nagkukuwentuhan habang ang mga nakatatanda naman ay puro pagbibilin kina Jade, Kristel at higit sa lahat kay Andy dahil siya ang driver.

Nasa harapan na sila ng sasakyan ni Andy at heto nanaman ang iyakan na walang humpay, habilinang katakot takot.

"Tama na nga iyan!" saway ni Mamang sa mag-iina. "Sige na mga anak at tatanghaliin kayo sa biyahe, mag-iingat sa pagmamaneho ha, kung inaantok na Andy pwede naman sigurong tumigil para mamahinga. Jade apo, huwag magpapagutom ha at palaging tatawag sa nanay mo at kapatid para nalalaman naming ang mga nangyayari saiyo sa Maynila. Mahal na mahal ka naming apo, pasasaan ba at maitatawid mo rin ang kolehiyo. Kristel apo, ikaw na ang bahalang magpaalaala sa dalawang ito na hindi pa sila maaaring mag-asawa hanggat hindi pa maayos ang kanikanilang mga buhay." Habilin ni Mamang na pinipigilan rin ang pag-iyak.

Sumakay na sa loob ng sasakyan ang tatlo at pinainit na ni Andy ang makina ng sasakyan, ng uminit na iyon ay unti unti na niyang pinatakbo at binaybay ang kahabaan ng kalsada.

Halos walang nag-iimikan sa biyahe, ramdam na ramdam parin ang lungkot na nadarama nila.

"Come on babe, don't be sad. Pwede tayong bumalik any time basta hindi tayo busy sa school at OJT." Mahinahong sabi ni Andy sa nobya upang mapaglubag ang kalooban nito.

Sinulyapan naman ni Jade ang katabi, "Hindi porke't sinabi nila na maaari tayong bumalik kahit kailan eh magpapabalik balik na tayo. Bukod sa delikadong magbiyahe, eh mahal ang gas at masyado ka pang magastos. Ang laki laki ng gastos mo ngayong nakaraang dalawang linggo kaya bilang parusa ko saiyo ay bawal tayong mag-date sa labas para makatipid ka kahit papaano." Sermon niya rito.

Natatawa at nailing naman ang lalaki, "Okay babe, you're the boss!"

Tumatawa namang nang-aasar si Kristel, "wala ka palang magawa kay Bff, nai-imagine ko na pagnaging nag-asawa na kayo. Paniguradong under ka Andz, hahaha." At lalo pa itong tumawa ng tumawa na sinabayan naman ng dalawang magkasintahan.

Sa labas na sila kumain ng pananghalian at si Kristel ang sumagot ng kinain nila, dahil baka ipaghirap na daw iyon ni Andy, biro nito sa kaibigang si Jade.

Ilang saglit pa at naihatid na siya nina Kristel at Andy sa boarding house, pagod na pagod siya kaya naman agad siyang nakatulog ng mahiga siya sa kanyang kama.

Dumaan ang mga araw balik sa normal ang buhay nila, sa awa ng Panginoon ay hindi na muli pang nakaramdam si Jodi ng kakaiba, iyon ang sabi nito ang hindi nila alam eh kung nagsasabi ba ito ng katotohanan sa kanila. Halinhinang tinatawagan nina Kristel, at Andy ang kapatid ni Jade upang masigurado ang kalagayan nito, ganoon na lamang sila mag-alala sa dalaga dahil hindi na nila ito itinuturing na iba.

Matuling lumipas ang dalawa pang buwan, at talaga namang abalang abala ang lahat dahil sa nalalapit nilang graduation. Ngunit umpisa narin iyon ng madalang na pagkikita nina Andy at Jade. Hindi arin sila nagkakasabay ng duty sa ospital dahil si Jade ay na-assign sa pang-araw at panggabi naman si Andy. Maging ang pagte-text nila sa isa't isa ay nabawasan na rin dahil sa sobrang pagod.

Isang araw na sosorpresahin sana ni Andy si Jade sa class room nito para sana makabawi siya mga araw na hindi niya naasikaso ang dalaga ay isang tagpo ang nakapag painit ng kanyang ulo ang inabutan niya.

"Ms. Chen pwede ba akong manligaw?" tanong ni Kennedy isang nursing student rin na kaklase nina Jade. Mayroon pa itong bonggang pabulaklak sa buong classroom at nakaluhod sa harapan ng dalaga na tila ba nagpo-propose.

Agad nag-init ang ulo ni Andy at pabatong inihagis ang dala dala niyang bulaklak at stuff toy para sa nobya, nilapitan niya ang nobya at hinila sa kamay para ilayo sa lalaking iyon.

Galit na hinila naman ni Kennedy ang isang kamay ni Jade, "Hey pare hwag ka namang bastos." Sigaw nit okay Andy a dinuro pa sa mukha.

"Ako bastos! Kilala mo ba ako? Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng gusto mong ligawan!" ganting sigaw dito ni Andy, ngunit hindi nagpapigil ang lalaki bagkus ay lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Jade upang hindi ito mahila ni Andy.

Tiningnan ito ni Jade at nakikiusap ang mga mata, "Kennedy please, boyfriend ko si Andy at mahal ko siya. Makakakuha ka rin ng babaeng magmamahal sayo na pwede mong mahalin."

Ginulo nito ang buhok sariling buhok at masamang tumingin sa dalaga, "Pero wala siyang oras sayo, ako….ako lagi akong may time para sayo, kahit kailan hindi ko magagawang pabayaan ka dahil mahal na mahal kita simula pa noong una." Gigil nitong ipinahayag ang nararamdaman sa harapan ng mga kaeskwelang naroroon sa loob ng classroom.

"Wala kang pakialam sa relasyon naming dalawa, ang mahalaga nagkakaintindihan kami" sigaw ni Andy na lalong ikinagalit ni Kennedy, parang damit na pinag-aagawan nila ang mga kamay ni Jade.

Hinila ni Jade ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki. Saka siya sumigaw ng halos malagot na ang kanyang litid sa leeg.

"Tama na! tama na please! Kennedy, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi ako interesado sayo, na hindi ka pupwedeng manligaw sa akin dahil may nobyo na ako!" at saka nito kinuha ang mga gamit niya sa upusan at saka padabog na lumabas ng classroom. Agad naman itong hinabol ng nobyo at sinundan hanggang makarating sa isang sulok ng campus nila.

Kunot ang noong hinarangan ni Andy ang daan upang di makalayo si Jade.

"Babe I'm sorry I'm just----" hindi niya natapos ang sasabihin dahil umiyak na lamang si Jade.

"Wala ka bang tiwala sa'kin Kahit konti lang? bakit kina kailangang makipagsigawan ka duon na para bang walang pinag-aralan? Ano nalang ang iisipin ng ibang tao sakin." Umiiyak niyang tanong.

"So ako pa ang may kasalanan ngayon? Bakit feeling ko ipinagtatanggol mo ang lalaking yon, bakit ha? Gusto mo rin ba siya! Sige magsama kayo! Ikaw na ang ilalayo ko don tapos ako pa ang masama, kahit kanino ka naman siguro magtanong Jade tama lang yung ginawa ko. Pagod na pagod ako, wala pang matinong tulog at pahinga pero inuna kitang puntahan para makabawi sa mga pagkukulang ko nitong nakaraang mga araw. Pero ano? Ano itong nangyayari sa ating dalawa?" galit na galit ito at wala nang pakialam kung maraming nakakakita at nakakarinig sa kanilang pag-aaway.

Patuloy sa pag-iyak si Jade, "Bakit ba ayaw mo muna akong pakinggan?" tanong niya.

"Eh bakit ba sa'kin ka pa nagagalit? Okay fine, nasira ko yata ang pagmo-moment nyo balikan mo na siya at uuwi nalang ako para makapagpahinga." Sigaw nito at iniwang umiiyak ang dalaga. Sarado ang isipan ni Andy sa tindi ng selos na nararamdaman at sinabayan pa ng walang pahinga, walang tulog ng ilang gabi at pangungulilang naramdaman sa piling ng kanyang nobya.

Tuluyan niya itong iniwan sumakay siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon papuntang condo.

Tulirong tuliro naman si Jade, anong ibig sabihin ni Andy, break na ba sila nito? Bakit hindi niya maintindihan ang nangyari, ang gusto lamang naman niya ay huwag itong magmukhang basagulero sa harapan ng ibang tao dahil isa itong kagalang galang na doctor. Ayaw niyang masira ang pangalan nito dahil lamang sa kanya.

Nakapagdesisyon na siya, hindi siya papayag na matapos ang lahat sa ganito, na wala silang pinag-uusapan ng maayos. Kailangan niyang ayusin ang lahat at makapag paliwanag ng maayos sa lalaking una at huli niyang mamahalin. Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng eskwelahan nila, wala na siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga nakakasalubong niya dahil sa gulo niyang buhok at hindi maayos na mukha dala ng pag-iyak.

Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa condo ni Andy, sana lamang ay doon ito umuwi, dalangin niya habang tinatahak ng driver ang daan patungo condo ng nobyo.

Nag-aalala naman si Kristel ng mabalitaan ang nangyari, nahuli siyang pumasok dahil wala pa ang kapalit niya sa ospital kaya pinauna na niya ang kaibigang si Jodi upang maipagsabi siya sa prof. nila, sinisisi tuloy niya ang sarili kung bakit ba napauna niya ang kaibigan, sana ay hindi ito nalapitan ni Kennedy at sana ay hindi naabutan ni Andy ang tagpong ikinagalit nito.

Paulit ulit niyang tinatawagan ang magkasintahan ngunit parehong hindi sumasagot sa tawag niya. Kaya naman heto siya at mabaliw baliw sa pag-aalala.

Nanag makarating si Andy sa condo ay galit niyang ibinagsak ang mga gamit na dala niya sa kanyang malawak na salas.

Dumiretso siya sa mini bar at duon ay agad na tumungga ng alak, nais niyang makatulog kaagad at malimutan ang galit at sakit na nararamdaman. Hindi na niya nagawang i-lock ang pintuan niya dahil sa kanyang pagmamadali.

Samantalang habang nasa biyahe ay hindi mapigilan ni Jade ang pag-iyak, hindi niya kayang mawala ang lalaki kaya naman makikiusap siya na baka maayos nila ang lahat. Handa siyang sundin ang lahat ng naisin nito maayos lamang nila ang relasyon nilang dalawa. Lahat ay itataya niya hwag lamang siyang iwan nito, dahil hindi na niya alam kung paano pang mabubuhay kung mawawala ito sa piling niya.