Nakalipas ang mga araw at lalong tumibay ang pagmamahalan nilang dalawa, hindi narin sila nag-aaway wala nang selosang nagaganap. Sinikap ni Andy na masmapalayo pa sa mga kababaihan pagkat ayaw niyang magagalit si Jade, pinilit rin niyang maglaan ng oras para sa nobya. Ganoon rin naman si Jade hindi na ito nakikipag-usap basta basta sa mga lalaki lalo na kung hindi naman importante. Palagi rin silang sabay kumakain at masmalimit ay sa condo ni Andy natutulog si Jade.
Minsang tinanong si Jade ng kasera kung bakit nalilimit ang hindi niya pag-uwi, at para sa ikatatahimik nito ay nagsinungaling siya. Ang dahilan nalamang niya sa kasera ay nalilimit ang panggabi niyang duty dahil may hinahabol siya para maka graduate at naniwala naman ito.
Kung gaano kasaya ang relasyon nilang dalawa siya namang sakit ng biglaang pangyayari sa kanilang buhay na tila ba dinagukan sila ng tadhana upang magising sa mga kamalian nilang ginawa.
Umuwi ng walang pasabi ang mommy ni Andy, dahil sa gusto nitong makasigurado sa mga nalamang balita.
Nakarating sa kanya na may kinahuhumalingang babae ang kanyang anak, kung kaya naman nagdesisyon siyang umuwi ito ng walang pasabi upang makumpronta ang anak, ngunit nasurpresa siyang talaga sa kanyang inabutang tagpo sa condo nito.
Isang malakas na sampal ang nakapagpagising sa natutulog na si Jade. Halos ikinabingi niya iyon, agad siyang bumagon upang makita kung sino ang gumawa noon sa kanya ngunit bigla nalamang siyang nanlumo sa nakita. Ang mommy ni Andy ay nasa tabihan niya at masamang masama ang tingin nito sa kanya tila ba nakahuli ito ng isang kriminal at nais na ipakulong.
"Anong klase kang babae natutulog ka sa kama ng aking anak! Isa kabang bayaran? Pwes lumayas ka rito ayaw ko ng muli pang makita ang iyong mukha. Nakakadiri ka sumisiping sa lalaki kahit na hindi naman asawa..."
Nagulat rin si Andy ng marinig ang boses ng kanyan ina na nangangatal sa sobrang galit, kaya naman nagdudumali siyang bumangon at lumapit sa mommy niya.
"Mommy stop it please! She is my girlfriend and I love her, kahit na ayawan nyo pa siya ay wala kayong magagawa. Dahil ipaglalaban ko sya at pananagutan ko kung anuman ang nangyari saamin." Malakas na sigaw ni Andy sa kanyang ina at nagmamadaling lumapit sa dalaga nakita niyang namumula ang kaliwang bahagi ng pisngi nito agad niya itong inalalayan at pinapasok sa banyo upang makapagbihis.
Sa loob ng banyo ay umiyak ng umiyak si Jade, nakaramdam siya ng pagkahilo na tila ba umiikot ang kanyang paningin at nagulat nalamang siya ng makaramdam ng kirot sa puson at biglang agos ng dugo sa kanyang hita papunta sa kanyang binti. Wala siyang nagawa kundi ang isigaw ang pangalan ni Andy bago siya mawalan ng malay.
Pabalik balik sa labas ng ER si Andy, hindi siya maaaring magkamali sa hinala niya. Buntis si Jade, hindi iyon imposible dahil hindi naman sila nagko-control. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya kung matutuwa ba siya, o malulungkot. Dahil alam niya kung anong magiging consequences nito sa kanila. Graduating si Jade at ganoon rin siya, kaya niyang panagutan ang lahat ng ginawa nila lalong lalo na ang bunga nito.
Nasa malalim siyang pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng ER at inulawa nuon si Dra. Malaluan isa itong Obgyne. Nakangiti ito sa kanya ay agad siyang binati.
"Good morning Dr. Yhang, congratulations, Nurse Jade is seven week pregnant." Sabay abot ng kamay nito upang iparating ang labis na kasiyahan para sa kanila ng nobya.
"uhm… What can I say…ah… t----thank you Dra. Malaluan. By the way how is she? Is everything okay?" tanong ni Andy sa kaibigang doctor. Pinagpapawisan siya ng malamig, at tila ba pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa nalaman. Kahit alam niyang mangyayari iyon ay hindi parin niya inisip na ngayon na talaga ibibigay sa kanila ang baby sa sinapupunan ni Jade.
"Don't worry too much, okay ang mag-ina mo Dr. Yhang they are safe." Nangiting sagot nito sakanya.
"P---pero bakit nag bleeding si Jade?" muling tanong ni Andy.
"Maselan kasi ang pagbubuntis ni Nurse Jade and I think she nee a complete bed rest for at least a week or a month. The baby is fine, siguro may nakapag pa stress sa kanya kaya siya dinugo. Pero naagapan naman natin Mabuti at naitakbo mo kaagad siya dito sa ospital." Paliwanag naman nito kay Andy na bahagya ng umaliwalas ang muka dahil sa narinig.
"Mom and Jade had a misunderstanding this morning, siguro yun yung nagpa stress sa kanya. By the way Doc pwede ko na ba siyang makita, I'm so excited to see her." Nangiti niyang tanong dito. At ngumiti naman ng malapad ang Doktor at iginiya siya sa isa sa kamang naroroon sa ER.
Agad na bumungad sa kanyang paningin ang namumulang pisngi ng dalaga at ang kalungkutan ay makikita mo sa kanyang mga mata.
Agad na lumapit si Andy at niyakap niya ito at hinalikan sa noo.
Nang maramdaman ni Jade ang yakap ni Andy ay bahagyang lumuwag ang kanyang kalooban. Ayaw niyang aminin ngunit takot na takot siya. Unang una sa nanay nito halata ang pagka disgust sa kanya. Pangalawa ang galit at kahihiyan na haharapin niya pagnalaman ng pamilya niya na nagdadalang tao siya. Umagos ang masagana niyang luha habang nakaakap sa kanya si Andy at inaalo siya umang tumigil na sapag-iyak. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Masaya siya dahil dinadala niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan, ngunit kaakibat nuon ay malaking problema na kailangan nilang harapin.
Napakaraming katanungan ang nabubuo sa isip niya. Kung paanong matatanggap ng Papang, Mamang, Inay at ni Jodi ang sitwasyon niya ngayon. Nangako pa naman siyang tutulungan niya ang kapatid upang mapaoperahan, nangako siyang maiiahon sa kahirapan ang pamilya niya at nangako siyang hahanapin niya ang amang nang iwan sa kanila at nagpabaya.
Lahat iyon ay pawang pangako nalamang na kung kailan matutupad ay walang nakakaalam. Hindi siya nalulungkot na magkakaanak na agad siya. Nalulungkot siya dahil pakiramdam niya ay isa siyang walang kwentang apo, anak at kapatid. Sapagkat alam na niya ang kalagayan ng kapatid niya at higit siyang kailangan nito pero eto pa ang iginanti niya ang maagang magpabuntis.
"Ssshhh! tahan na baka ma stress ang baby natin sabi ni Dra. Malaluan ay masama ang ma stress sayo kaya nga siguro dinugo dahil kay mommy. Don't worry about that okay....Hayaan mong ako ang mag solve ng mga problema natin. Dahil mula ngayon dalawa na tayong haharap sa lahat ng pang-aapi nila sayo. You didn't deserve this, I'm so sorry babe!"
Madamdaming pahayag ni Andy na lalong nagpaluha kay Jade.
"Thank you Babe! Kahit kailan di mo ko binigo. Sana malampasan natin ang lahat ng ito. "
"Oo malalampasan natin ito ng magkasama pangako yan "
At hinalikan siya ni Andy ng buong puso.