Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 28 - Chapter 26

Chapter 28 - Chapter 26

Isang malakas na sampal ang nagpabalik kay Andy sa katinuan, at tila ba gulat na gulat pa siya ng makita ang sarili na halos wala ng saplot. Mas higit ang pagkagulat niya ng makita si Marika na walang kasaplot saplot sa katawan at lumuluha.

Masama ang pagkakatingin nito kay Andy at pulang pula ang mukha nito tanda ng matinding galit.

"How dare you? Napaka selfish mo! Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa ginagawa at pinapakita mo sa akin?" sigaw nito at habang isa-isang kinukuha ang sariling damit at ibinihis sa sarili. Agad itong tumakbo papunta sa kabilang silid at malakas na isinara ang pinto.

Nasabunutan ni Andy ang sarili, hindi niya alam kung anong nangyari wala siyang maalala.

"First day of school ninyo ng mga bata ate good luck and take care. Don't worry sina Yaya Gemma at kuya Jomari na ang susundo sa mga bata. Magkakasabay naman sila nina Abigail pagpasok at paglabas si Yaya Tessa naman maiiwan sa school para sa mga pangangailangan ng mga bata, kaya ikaw magrelax ka lang sa school at be ready kasi panigurado mag du-duty ka kaagad at alam kong na-miss mo yun diba?" masayang masaya si Jodi para sa kapatid.

"Pero bunso ikaw ang inaalala ko eh, pano pagsumama nanaman ang lasa mo?" nag-alalang tanong nito sa kapatid.

"Huy! Ate ano kaba? na dyan pa sina Inay, Mamang, Papang at Manang Fely. Isa pa di naman ako pababayaan ng hubby ko eh, isang tawag ko lang sa cellphone panigurado lilipad na yun pauwi. Kaya hwag ako ang alalahanin mo okay na okay ako dito."

"Sige na Anak humayo kana, nasa ibaba na sina Luke at Nikki hinihintay ka." singit naman ni Nanay Jasmine.

Nagtataka naman si Jade na binalingan ang Ina. "Bakit po nila ako hinihintay Nay?"

"Kasi sasabay ka sakanila malapit daw ang university na pinapasukan nila sa papasukan mo kaya bumaba kana roon at sumabay sa kanila nakakahiya naman iniintay ka nila." paliwanag naman ng kanyang ina.

"Naku! Baka mahuli ang mga batang iyon sa klase nila. Sige po Nay, Jodi aalis na ako ha. Nay kayo na po muna bahala sa bunso natin at sa little Richard natin ha." At saka niya iniwanan ng halik sa pisngi ang ina at kapatid bago dali daling bumaba sa napaka taas na hagdan ng mansion nina Richard.

Sabay sabay na pumasok sina Luke, Nikki at Jade. Ganon din naman sina Abigail at ang kambal na anak ni Jade.

Nakiusap si Richard kina Mamang na kung maaari ay manatili muna kahit ilang linggo pa sa Maynila habang hindi pa gamay nina Jade ang schedule sa ospital at sa eskwelahan.

Masaya at tahimik ang pamumuhay nila sa mansion ng mga Lim.

Ganoon rin naman si Andy matapos ng nangyari noong gabing iyon ay hindi ito masyadong iniimikan o kinikibo ni Marika. Parang nagkaroon ng kanyang mundo si Marika minsan ay sabay silang naduty sa ospital na sa pinapasukan nila kung minsan naman ay psnggabi ang isa at pang araw naman ang isa. Mas naging pabor iyon kay Andy ang hindi nito alam ay nagpapasuyo lamang si Marika. Ginagawa nito ang mga bagay na iyon dahil akala nito ay makokonsensya ang binata.

Dumating ang araw ng pag-alis nina Mamang, Papang at Nanay Jasmine pabalik sa Quezon. Pinayagan na sila ni Richard dahil itinawag ni Lino na okay na okay na ang little mansion duon. Oo pinaayos ni Richard ang bahay nina Jodi sa Quezon pinalaki pinaganda at pinatayuan ng isang malaking kainan at may mini grocery store pa. Lingid sa kaalaman ng matatanda at ng magkapatid ay pabalik balik si Richard doon upang siyang mag monitor ng pinagagawa maging ang pag kuha ng mga makakatulong at kasambahay ay si Richard mismo ang namahala.

Gaya nang dati limqng sasakyan silang bumalik sa probinsya nina Jodi upang ihatid ang mga matatanda tinaon nilang walang pasok ang mga bata at ganoon rin si Jade upang sabay sabay nilang makita ang isang napakagandang sorpresa.

"We're here!" maligayang pahayag ni Richard na ipinagtaka naman ni Jodi dahil hindi niya nakikita ang bahay na kinalakihan bagkos ay mataas na bahay at mukhang bagong tayo. Inilibot niya ang paningin parang wala naman nabago sa palibot. Dahan dahan siyang bumaba habang inaalalayan ng asawa na abot tainga ang ngiti.

Tulad niya ganoon rin ang reaksyon ng mga kasama na bumababa sa sa sasakyan. Nag-ipon ipon sila at nakatingala sa labas ng marangyang bahay na iyon.

Di nagtagal ay nagkatinginan ang pamilya ni Jodi at lahat ay may luha sa mga mata ngunit may ngiti sa mga labi.

Lumapit si Mamang at Papang kay Richard upang magpasalamat.

"Apo hindi mo na dapat pang ginastusan ang lumang bahay na ito. Matatanda na kami at sanay naman sa hirap ng buhay." ika ni Papang Jhun.

"Oo nga apo, Naku pihadong kay laki ng ginastos mo rito." sigunda naman ni Nanay Jasmine.

"Mang, Pang, Nay huwag po kayong magpasalamat at huwag po kayong manghinayang sa gstos. Dahil ang lahat ng ito po naman ay para sa ating pamilya alam ko pong ipinangako ng asawa ko na bibigyan niya kayo ng kabuhayan at pagagandahin ang inyong bahay ngunit pano nya pa po magagawa iyon kung nagdadalang tao siya sa aking anak. Hindi rin po ito kabayaran kaya sana hwag ninyong iisipin na bayad ito dahil kinuha ko ng inyong pinakamamahal na anak. Ito po ay pasasalamat ko sa inyong lahat dahat ipinagkatiwala ninyo ang inyong pinakamamahal na anak sa akin. Isa pa po Nay para pag uuwi kami dito eh hindi na kami mag ho-hotel kasi kasya na tayong lahat di po ba?" mahabang paliwanag ni Richard.

"Maraming maraming salamat parin saiyo apo!" sabi naman ni papang habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mga mata.

"Pasok na po tayo para makita ninyo ang loob." yaya niya sa lahat na agad namang tumalima.

May kaunting salo salo na pinahanda si Richard kina Chona at Lino kaya naman maslalong naging masaya ang araw na iyon.

Lubos ang pasasalamat ng tatlong matatanda kay Richard at Jodi. Masayang masaya naman si Jade sapagkat hindi siya masyadong mangangamba, kahit wala silang magkapatid ay mayroong iiwan si Richard para bantayan ang kanilang pinakamamahal na Mamang, Papang at Nanay.

Samantalang si Andy ay sumusubok kausapin si Marika. Kahit naman ganito ito ay napalapit narin ang dalaga sa kanya at ayaw naman niyang magmukhang bastos, ng dahil sa nangyari ay halos isang buwan siyang hindi kinikibo ng dalaga. Mahirap rin para sakanya ang makipag tikisan rito sa pagkat iisa ang bahay na inuuwian nila at iisa ang ospital na pinag tatrabahuhan nila kaya nag desisyon siyang suyuin na ito

Isang gabing umuwi siya ay may dala siyang bulaklak para sa dalaga sa card ay isinulat niya ang malalaking SORRY!!! pero bigo siya dahil ayon sa kasambahay nila ay nagbihis lamang ang dalaga at umalis rin walang sinabi kung saan pupunta o kung anong oras babalik.

Inis na inis si Andy sa inaasal nito dahil nasa poder niya ang dalaga nasisigurado niyang siya ang bubuntunan ng sisi oras na may masamang mangyari rito. Kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang magpalit rin ng damit at umalis ng bhay upang hanapit ito kung saang bar nanaman nag-iinom kasama ng mga kabarkada nitong taga ospital rin naman.