"Nakakapanibago na wala sina Mamang diba kuya?" tanong ni Nikki habang malungkot na nakapangalumbaba sa hapagkainan.
"Ang sabihin mo walang nang hihimay ng fish or any seafoods na nasa plate mo pagwsla sina Mamang kaya nami-miss mo sila. Hahahaha" pang aasar naman ni Luke.
"I really miss lola Jasmine. Ate, kuya kelan kayabsila babalik? hindi ba pwedeng dito nalang sila sa atin tumira malaki naman ang house natin eh." malungkot ring sabi ni Abigail.
Napansin naman ng mga kasambahay na malungkot ang mga anak ni Richard, at hindi nila maitatanggi na pati sila ay apektado sa pag-alis ng matatanda.
Sabay sabay namang dumulog sa hapagkainan ang mag-asawang Jodi at Richard kasunod nila ang Yaya ng kambal ni Jade, dahil nasa duty pa ito sa ospital at mukhang aabutin ng gabi.
"Oi oi oi! Ano yan ha? Bakit ganyan ang mukaha sa hrap ng pagkain?" sita ni Jodi sa mga anak.
"We miss Lola Jasmine, Mamang Zenny and Papang Jhun. I want to stay in the province na lang with them mommy daddy please allow us." himutok ni Nikki na umiiyak na.
Tumawa naman ng tumawa ang mag-asawa, akala nila sila lang yung nahihirapan ng umuwi ang matatanda hindi nila akalain na pati ang mga anak nila ay magkakaganito rin.
"I also miss them hubby." bulong ni Jodi sa asawa at bahagyang hinaplos nito ang kanyang likuran.
"Kids listen to me, all of us miss them so much but that is their decision. And ayoko naman humadlang kung saan magiging masaya ang mga lolo at lola ninyo. Matatanda na sila at hindi rin maganda sa kanila ang kapaligiran dito sa Maynila sanay sila sa sariwang hangin sa Quezon at kahit hindi nila sabihin alam kong hinahanap hanap nila ang buhay na meron sila. Ang pagtatrabaho ng mga katawan nila at hindi nila magagawa lahat yun kung dito sila sa atin mag stay. Maging masaya nalang tayo sa desisyon nila mga anak napakalapit ng Quezon oras lang nadun na tayo kahit linggo linggo kayo umuwi roon kung yun ang magpapasaya sa inyo. Pero maiiwan kami dito nina tita Jade nyo at si mommy kasi hindi siya pwedeng byahe ng byahe." paliwanag ni Richard sa mga anak na nagliwanag naman agad ang mga mukha sa sobrang saya.
Nagtakbuhan palapit ang tatlong magkakapatid sa ama at humalik sa pisngi nagpasalamat rin sila dahil sobrang napasaya nito ang umaga nila.
Sa Mother Therese Hospital na atasan si Jade na mag duty dahil sobrang toxic ( kailangang kailangan ng tauhan dahil parang red alert sa dami ng pasyente) daw duon ang masama pa hindi lamang apat na oras bagkus ay walong oras siya kinakailangang mag duty sa ospital na iyon dahil wala daw talagang makuhang papalit sa mga nurse na nagkasakit. Hindi siya pwedeng mag reklamo dahil kasama yun sa bibigyan ng grade sa kanya upang maka graduate.
Dahil sa pagmamadali hindi niya napansin ang isang babae na bigla nalamang sumulpot, kung saan ito nagmula ay hindi niya alam.
"Oh my God nurse can you please watch your step!" gigil ngunit paimpit na bulyaw ni Marika sa nurse na nakabangga sa kanya at naapakan pa ang paa niya.
Agad namang yumuko si Jade at tiningnan kung may napinsala sa paa ng babaeng kanyang nabangga.
"Ah... Ma'am sorry po, wala naman pong napinsala sa paa ninyo. Pasensya na po ulet nagmamadali lamang po talaga ako." hinging paumanhin niya sa dalagang kaharap.
"Okay lang basta sa susunod mag-ingat ka naman at baka imbes na makatulong ka sa may karamdaman eh ikaw pa ang maging dahilan ng pagkakapahamak nila. Sige na back to your work." at saka ito pusturang-pustura lumakad papalayo.
Naiiling nalang si Jade, 'yan engont engot ka kasi kaya ka pumapalpak.' bulong niya sa sarili at saka nagmamadaling pumunta sa nurse station.
Dalawang oras nalang ang natitira sa kanya at makakapag pahinga narin siya.
"Nurse AJ, sama ka kain tayo sa canteen!" yakag ng kasamahan at kaklase niyang si Nurse Emilyn.
"Oo sige sasama ako kukuhanin ko lamang ang aking wallet sunod nalang ako sayo sa Canteen maunana na kayo." hindi na niya hinintay pang makapagsalita ang kasamahan at nagmamadali siyang bumalik sa nurse station at saka kinuha ang wallet sa bag niya bago sumunod sa canteen.
Kumakain silani Emlyn nang biglang lumapit ang tatlo nilang kaklaseng mga lalaki at nakiupo.
"Grabe napasabak tayo dito no? samantalang last week sa kabilang hospital hqlos wala tayong ginawa kung hndi magdaldalan." sabi nitong si Joseph habang kumakain.
Dahan dahan namang ngumuya si Jade at ninamnam ang pagkakaupo niya. Pakiramdam niya ay namamanhid ang mga binti nia si kakabalik balik at kakatayo.
Napatigil siya ng pagnguya ng sa di kalayuang lamesa ay parang napansin niya si Andy ngunit dahil biglang dumagsa ang nurse na kakain nawala sa kanyang paningin ang lalaking ng iwan sa kanilang mag-iina.
Natapos ang duty niya ng araw na iyon at sinundo siya ni kuya Jomari.
Papa sakay si Andy ng kotse niya ng makita niya ang babaeng kilalang kilala niya ang ngiti. Nakikipag usap ito sa isang lalaking may kalakihan ang katawan ngunit may hitsura. Dali dali siyang bumaba ng kotse ngumit may dumaang tatlong sasakyang magkakasunod kaya hindi na niya nagawa pang makaalis sa kinatatayuan.
Kumabog ang kanyang dibdib hindi niya maintindin kung bkit. Ngunit sa huli ay napangiti siya at napailing sa sobrang pagka miss niya sa kasintahang matagal na nawalay ay nakikita na niya ito sa kanyang harapan.
Samantalang agad namang sumibad ang sasakyang kinalulunanan ni Jade ng makasakay siya ay agad itong pinatakbo ni Jomari. Mabilis silang nakarating sa bahay pagkat walang traffic at nakasalubong ni Richard si Jade sa hallway.
"Goodevening Richard, bakit gising ka pa? Kumusta si bunso?" agad na tanong ni Jade sa asawa ng kapatid.
"Hayyyy ayon nakatulog na. Ganon ba talaga ang paglilihi iba iba. Kasi sa late wife ko I remember pareho namin hindi alam at wala siyang nararamdaman na kahit na ano. Pero dito sa kapatid mo grabe ang pag-aalala ko dahil suka siya ng suka at laging nahihilo. Naiisip ko yuloy kung ipasok ko nalang siya ng hospital habang may nararamdaman siyang morning sickness eh." naiiling at natatawang pahayag ni Richard.
"Hahaha.....sira ka talaga. Sadyang ang mga babae eh hindi parepareho ang paglilihi ganon din sa kada anak nila. Pwedeng okay kay Luke pagdating kay Nikki ay hindi at okay ulit kay Abigail. Kelan ba ang check up ni Jodi para maresetahan siya ng gamot sa pagsusuka."
"This Suturday and I hope I can join her. May meetings ako that day eh." Medyo alinlangang sagot ni Richard.
" It's okay ako na ang sasama sakanya gabi pa ang duty ko noon. Paano gabi na matulog kana at may pasok kapa bukas ganon din naman ako sobrang pagod grabe toxix sa work eh " nag-iinat inat na sabi ni Jade kay Richard.
" Okay....okay.... good night I just get some coffee before go to bed. How about you? Nag dinner ka na ba? Gusto mo gisingin ko si Isabel?''
" Naku hindi na kumain ako kanina at busog pa. Gusto ko nalang makapiling ang mga angel ko... Sige magandang gabi." at dumeretso na siya papaakyat sa napakataas na hagdan ng mansion na iyon at si Richard naman ay dumiretso sa kusina upang gumawa ng sariling kape.