Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 30 - chapter 28

Chapter 30 - chapter 28

Maagang gumising si Jade kahit gabing gabi na siyang umuwi, dahil gusto niyang ipagluto ang mga mahal niya sa buhay siyempre lalong lalo ka ang dalwa niyang anak na sina Jaden at Jadelyn. Mula kasi nang pumasok siya sa eskwela at mag OJT sa ospital ay nawalan na siya ng oras sa mga anak. Tanging Yaya at tutor nalamang ang nag aabyad sa mga ito, kaya nan laking pasasalamat niya sa mga asawa dahil kahit papaano ay naiisingitvng mgabito na ilabas labas ang mga anak nila kasama ang kambal niya.

Nagmadali siya sa pagluluto upang makasabay ng almusal sa mga ito, alas nuwebe pa ang pasok niya at alas otso naman ang mga bata kaya naman may time pa siyang makasabay ng almusal sa mga ito.

Nagising natin sina Manang Fely at ang iba pang kasambahay. Gulat na gulat sila ng makitang ayos na ang mesa maging sila ay idinamay ni Jade sa ginawa nitong almusal.

Umakyat na siya sa silid at mabilisang naghanda ng mga kakailanganin sa pagpasok ganon din naman ang mga bata inayos na niya ang mga personal na ggamitin ng mga ito kahit na naayos na ng yaya nila ay nag doble check padin siya.

"Wow ang sarap naman ng breakfast natin parang ang aga gumising nina ate Sabel at Manang Fely ah." tuwang tuwang sabi ni Abigail.

"Hindi ako ang naghanda ng lahat ng yan, ang tita Jade nyo napakaagang gumising para ipagluto kayo at ipaghanda ng baon." nakangiting kwento ni Manang Fely.

"Ikaw talaga ate nag abala ka pa. Sige na mga bata kumain na tayong lahat at nang makapaghanda na kayo sa pagpasok " Baling ni Jodi sa mga bata, kaya naman sabay sabay na silang kumain.

Matapos kumain ay tinulungan ni Jade ang yaya na mag bihis sa kambal at saka inihatid sa sasakyan kasabay ni Abigail.

"Bye mama, sana po pagdating namin nadito kana at katabi kanamin makatulog." malambing na wika ni Jadelyn.

"Don't worry little sister pagwala parin si mama nandiyan naman si titaninang at titoninong pari narin sina ate Abigail, Ate Nikki at kuya Luke. Tatabihan nila ulet tayo." Parang matanda namang sabi ni Jaden sa kapatid.

Nakaramdam ng awa si Jade sa mga anak pero alam hindi siya dapat sumuko dahil lahat ng ginagawa niya ay para sa mga ito.

"Mga anak sorry kung nawawalan ng time si mama sa inyong dalawa ha. Kailangan ko kasi ito para mapalaki ko kayo ng maayos at para maibigay ko lahat ng pangangailangan ninyo. Naiintindihan nyo naman yun diba? " Tanong niya sa dalawang bata habang naka yukod sa mga ito.

" Yes mama! Huwag ka pong mag alala sabi ni titoninong paglaki ko kaya na kitang tulungan para hindi kana mahirapan kaya nga po nag aaral ako ng mabuti at kumakain ng madami para mabilis akong lumaki." sagot ni Jaden sa ina.

"Okay edi wow si kuya nanaman ang magaling. Sabi naman ni titaninang lagi silang nandyan sa tabi natin at di nila tayo pababayaan lalo na ni titoninong." sabat naman ni Jadelyn na siyang nagpatawa sa lahat.

"Okay kids male-late na kayo." Singit ni Jodi upang maputol na ang pag kukulitan ng mag-iina

Humalik sa lahat ang mga bata at pinaka huli kay Richard.

"Titoninong minsan po pwede mo po ba kami ihatid sa school tapos tatawagin po kitang daddy katulad kay ate Abigail?" biglang tanong ni Jadelyn.

Nakaramdam naman ng awa si Richard sa bata at kinalong ito.

"Jadelyn, Jaden ito ang tatandaan ninyong dalawa kahit hindi tayo magkakadugo anak na ang turing ko sa inyo. At matutuwa ang Ate Nikki, ate Abigail at kuya Luke ninyo pag naging kapatid nila kayo tapos masusundan pa ng baby natin sa tummy ng titaninang ninyo o diba ang dami ng mga anak ko at masaya yun. Kaya Oo pumapayag ako." madamdaming saad ni Richard.

Sa labis na tuwa ni Jadelyn at niyakap niya ng mahigpit si Richard at saka pinaulanan ng halik sa pisngi.

Masayang umalis ang mga bata. Sina Jodi, Jade at Richard sa labas ng mansion na nakatanaw sa dalawang sasakyan na paalis.

Binalingan ni Jade ang mag asawa.

"Richard, Bunso salamat sa lahat lahat lalo na sa pagpupuno ng pagkukulang ko sa kambal ha. Hindi ko alam kung paano pa kayo mapapasalamang mag asawa."

"Ano ka ba ate para saan pa at naging magkapatid tayo." tugon ng kapatid niya.

"Ako naman lahat ng ginagawa ko ay taos puso at isa pa alam kong mahirap maging single parent dahil ilang taon kong dinanas yan nung mawala ang mommy nina Luke. Kaya naiintindihan kita Ate Jade, ano ba yan nahihirapan parin akong tawagin kang ate dahil mas matanda ako sayo hahahha." dagdag pa nito.

"Buti nabanggit mo yan ako din eh naiilang ako sayo pagtinatawag mo kong ate hahahha." at nagkatawanan silang tatlo.

"Naku hubby pwede mo naman tawagin si Ate ng AJ eh." singit ni Jodi.

"Bakit naman AJ wifey dahil ba sa Anna Jade?"

"Hindi No! AJ short for Ate Jade so that iisipin ng lahat na nickname ni Ate yun di nila maiisip na paggalang parin yun diba?"

"Hanep sa talino talaga itong kapatid ko eh hala magpahinga kana at ako naman ay magbibihis lang para makapasok na sa ospital."

"Sumabay ka na sakin AJ." sigaw ni Richard sa kanya dahil sa bilis kumilos ni Jade ay nakatakbo na kaagad ito sa may hagdan bago pa nakalingon ang mag asawa na nagkukulitan.

"Sige ! Salamat!" sigaw naman nito na tinawanan lang ng mag asawa.

"Pano Wifey magpahinga ka lang ha at tawagan mo ko pag may naramdaman kang kakaiba okay?" bilin nito sa asawa saka hinimas ang tiyan nitong bahagya na ang umbok.

"Yes hubby." at saka ito humalik sa labi ng asawa at yumakap ng ubod ng higpit.

"Para saan yun?" takang tanong nito.

"Pasasalamat yun sa lahat ng kabutihan mo sa pamilya ko lalong lalo na sa paggabay sa kapatid at mga pamangkin ko."

"Alam mo naman lahat gagawin ko para maging masaya ang pinaka mamahal kong asawa."

"Pero sobra sobra ang lahat ng ito Mahal ko. Hindi ko na alam kung paanong makakapag pasalamat sa'yo kahit sina Inay eh pana'y ang tanong kung pano sila makakaganti sa lahat ng kabutihan mo sa aming pamilya."

"Ang mag stay ka lang sa tabi ko, ang malamang naniniwala at nagtitiwala ka lang sakin sapat ng kabayaran sa lahat ng ito. Huwag mong isipin na dahil lang sayo kaya ko ginagawa ang lahat ng ito. Ginagawa ko ito dahil mahal ko rin sila na parang totoong pamilya ko. Kayo lang ang nakapag pasaya sa amin ng mga anak natin. Kayo ang dahilan kung bakit nabuo ulit ako at nagkakulang ang mundo ko kaya para sa lahat ng iyon mamahalin ko ang pamilya mo ng tulad sa pagmamahal mo."

"Sana makahanap rin si Ate ng katulad mo."

"Mali! Sana makahanap ang ate mo ng katulad ng kapatid niya. Na minahal lahat lahat sa'kin, maging ang mga anak ko ay itinuturing mong sayo. Kaya mahal na mahal kita. "

Naluluha si Jade habang naka silip sa pintuan ng silid ng mag asawa yykagin na sana niya si Richard dahil baka ma-late siya sa duty, hindi sinasadyang napakinig niya ang pag uusap ng dalawa.

At tama sila sana mahanap siya ng isang tao na magmamahal sakanya at sa mga anak niya.