Alam nina Andy at Jade na simula na ito ng mga problema na dapat nilang harapin.
Inihatid ni Andy si Jade sa boarding house, at agad rin siyang nagpaalam rito na uuwi sa mansion. Gusto niyang kausapin ang kanyang Mommy para ipaalam dito ang naging disisyon niya.
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanyang mukha matapos niyang buksan ang pinto ng silid ng kanyang ina.
"Napaka walang kwenta mong anak Andy! Paano mo nagawa ito sa amin ng daddy mo? Ibinigay namin lahat ng gusto mo tapos bubuntisin mo lang iyong walang delikadesang babae na yon! Nag-iisip ka pa ba ng tama? " galit na galit at nanlilisik na ang mga mata, sige sa pagsesermon ang ina ni Andy.
"Mom don't call Jade like that, she's nice and innocent. I am the one who provoke her, kaya naibigay niya ang sarili niya sa'kin. Kung mayroong may kasalanan dito ako yun. Ako lang yun mom, kaya please wag na wag nyo siyang pag sasalitaan ng hindi maganda. Handa akong panagutan kung ano man ang namagitan sa amin. Hindi dahil sa nabuntis ko siya, kundi dahil sa mahal ko siya at ang magiging anak namin."
"Tigilan mo yang kat*ng*han mong yan Andy! Hindi ka magpapakasal! hindi mangyayari iyon dahil aalis kana dito lilipad ka sa ibang bansa at kakalimutan ang lahat ng nangyari dito.!"
"No mom! I will never do that, mark my word. I want to be a good husband to Jade and a good father to my child, to your grandchild."
Nangingilid na ang luha ni Andy habang nakikipag sigawan sa kanyang ina. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng respeto. Pero kailangan niyang ipaglaban ang kanyang mag-ina kung ayaw niyang mawala ang mga ito sa kanya.
tatalikod na sana si Andy upang matapos ang diskusyon nila ng kanyang ina, ngunit narinig niya ang magina nitong pagtawag sa kanyang pangalan.
"Andy, anak..." habang hawak ang dibdib at tila nahihirapan sa paghinga unti unti itong bumagsak sa sahig at tila ba nawalan ng malay.
"mommy! mommy! mom!!!" agad itong dinaluhan ng anak at tinapik tapik sa mukha ngunit di ito sumagot kaya naman may pag mamadali niya itong isinugod sa pinaka malapit na ospital.
Habang nasa ER ang kanyang ina ay pauli uli si Andy sa labas nito at paulit ulit na nananalangin na sana maging okay ang mommy niya, ng biglang mag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa.
akinuha niya iyon at agad sinagot ng di tinitingnan kung sino ang caller "What have you done now? Pagmay nangyari sa mommy mo wala akong ibang sisihin kung hindi ikaw Andy Lee, alam na alam mong mahinq qng puso ng iyong ina pero pinasama mo parin ang kalooban niya!" malumanay ngunit halata mo sa tinig ni Mr. Yhang ang sobrang pagka disappointed sa anak.
"I'm so sorry dad, I love Jade and I want to marry her."
May pakikiusap sa tinig ni Andy
" It's up to you, you can choose between your mom and that girl who ever she is."
At pagkasabi ng ama tunog nalamang ng naputol na linya ang pawang narinig ni Andy. Sinisisi niya ang sarili ngunit di siya nag sisisi na nabuntis niya si Jade.
"Dr. Yhang can I talk to you for a while?" Tanong ng doktor na lumabas sa ER.
Kinakabahan si Andy dahil sa seryosong mukha nito.
Tumango lamang siya at agad na sumunod sa opisina ng doktor.
"What is it' doc?" hindi paman nakakaupo ay tanong agad ni Andy sa doktor na tumingin sa mommy niya.
Bumuntong hininga muna ito bago siya tinitigan sa mata. "Your mom is in critical condition, she needs a heart surgery ASAP. As of now her heart is very weak at ayaw naman natin mahuli ang lahat. I suggest na dahil mo muna siya sa America nanduon ang magagaling na surgeon sa puso irerekomenda ko kayo sa isang kakilala ko doon. Para naman sa pg alis nyo wag kang mag-alala pwedeng pwede ninyong gamitin qng private plane ko. Kailangan lang talagang mahabil natin ang oras upang di tayo magsisi sa huli."
Parang bombang sumabog sa tainga ni Andy ang mga narinig, hindi niya alam ang gagawin kaya naman wala sa sariling nagdesisyon siyang sumang ayon sa doktor agaran siyang pumayag lumipad patungong Amerika kasama ang ina upang ipagamot sa isa s magagaling na ospita na naroroon.
Malamig na simoy ng hangin ang dumapo sa balat ni Andy pagkababa niya ng private plane na sinakyan kabi-kabilang nurse ang tumulong upang mailipat ng ambulansya ang kanyang ina. Nang makasakay siya sa ambulansya ay kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang backpack ngunit wala iyon. Halos baliktarin na niya ang bag at wala parin ang cellphone niya. Agad siyang nag-alala, baka natawag na ang kasintahan at mag-alala ito sa kanya. Dumating sila sa ospital at agad namang inasikaso ang kanyang ina.
Halos dalawang linggo silang nanatili roon, mula ng operahan ang mommy niya. Wala silang komunikasyon ni Jade nawala ng parang bula ang cellphone niya at ilang beses na siyang tumawag sa mansion upang ipahanap iyon sa kanilang katulong ngunit kakatwang hindi niyabrin matawagan ang landline nila.
Samantala sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ni Jade hindi niya makontak ang number ni Andy. Ilang beses na siyang pumunta sa condo nito ngunit iisa ang sinasabi ng guard doon, na hindi pa raw ito bumabalik magdadalawang linggo na. Kaya naman pumunta siya sa Mansion ng mga ito naglakas loob na siyang magpasama sa kaibigang si Kristel at doon ay nakumpirma niya ang hinala niya.
"Naku ma'am Kris magdadalawang linggo na pong wala si sir Andy kasama ng mommy niya na pumuntang Amerika. Ang pakinig ko po ay doon na mag-aaral si sir. Kabilin bilinan din pong ibigay ang sulat na ito kung sakaling hanapin siya ni ma'am Jade."
Dahan dahang binuksan ni Jade ang sulat.
Jade,
Sorry hindi ko alam kung mapapatawad mo ako pero hindi ko pala kayang panagutan ka at ang batang nasa sinapupunan mo. Saboras na mabasa mo ang sulat na ito ay nagpakalayo layo na ako upang makaiwas sa iyo. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala dapat nabuo ang btang itan dahil siyang sisira sa ating kinabukasan. Kalakip ng sulat na ito ang cheque para sa pagpapa abort. May kilala akong Doctor at nakalakip narin dito ang address niya. Muli humihingi ako ng kapatawaran sa iyo.
Andy Lee Yhang
Napaluhod si Jade sa bermuda grass na inaapakan at walang patid ang luhang umaagos sa kanyang mga mata. Inalalayan naman siya ni Kristel at ng katulong na itayo at iniupo sa isang upuan. Inagaw ni Kristel ang liham at binasa iyon lumuluha na rin siyang nakisimpatiya sa kaibigan. Sinamahan niya ito hanggang sa makauwi walang salitang namutawi sa bibig nito. Paulit ulit niyang tinawagan ang number ni Andy at di na niya ito makontak. Hindi niya alam kung paano matutulungan ang kaibigan.
"Jade, sasamahan muna kita kung gusto mo." Malungot nitong sinabi rito.
"No, I'm okay Kris. Don't worry lahat ng sinabi niya ay susundin ko. Ayaw niya sa baby at gusto niyang ipalaglag ito kaya gagawin ko. Baka sakaling balikan niya ako kung wala na ang baby nato." Nakangiti niyang pahayag sa kaibigan, ngunit ang ngiting iyon ay peke at mabbakas mo ang matinding sakit sa bawat katagang lumalabas sa labi niya.
"Wala akong masabi dahil hindi ako ang nasa sitwasyon mo. Pero nandito lang ako susoportahan kita sa lahat ng disisyon mo." at niyakap nila ng mahigpit ang isa't isa.
Nakabuo na ng desisyon si Jade at pag-alis na pag-alis ng kaibigan ay iginayak niyang lahat ang gamit niya dumaan siya sa banko upang ipa Incash ang perang iniwan ni Andy Five hundred thousand pesos iyon magagamit niya iyon sa pagnenegosyo sa probinsya upang may magamit siya sa panganganak. Oo nagsinungaling siya sa kaibigan upang pagnag kausap si Andy at ito ay iisa ang alam nila...At iyon ay ang pinalaglag biya ang sarili niyang anak.