Malungkot na mukha, maiitim na eyebags, hapis na pisngi at mugtong mugtong mga mata ang sumalubong ng umagang iyon kay Jodi.
Gulat na gulat siya ng pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay ay ang kapatid niyang hindi magkandadala sa mga gamit ang sumalubong sa kanya.
Hindi pa man ito nag sasalita ay alam na niya na may masamang nangyari lalo na nang patakbo itong yumakap sakanya at saka umiyak ng umiyak.
Agad ring lumapit ang kanilang ina at bukas palad nitong tinanggap ang panganay na anak.
Para namang mas nakonsensya si Jade dahil sa kabaitan ng kapatid at ina lalo siyang napahagulhol ng iyak.
"Apo mabuti pa ay magpahinga ka muna sa iyong silid at mamaya na tayo mag usap usap." Baling naman sakanya ng butihing lolo.
"Jodi samahan mo ang ate mo at huwag mong iiwan." Utos naman ng kanyang lola.
Ganoon nga ang nangyari, at dahil sa sobrang pag-iiyak ay nakatulog si Jade ng buong araw. At halos mag tatakip silim na ng siya ay magmulat ng mga mata.
Agad siyang bumangon at nagtungo sa kusina kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa ilang araw na siyang di nakakakain ng maayos.
"Maupo kana anak nagluto ako ng mga paboriton mong pagkain alam kong gigising kana. Hala! sige anak upo na." sabi ni nanay Jasmine na sige lang sa paghahayin ng mga pagkain sa mesa.
Maya maya lang ay narinig na niya ang pag-akyat ng kanyang Kapatid, Mamang at Papang.
Matahimik silang kumain, kahit walang nag sasalita ay nararamdaman ng bawat isa ang tensiyon. Matapos kumain ay agad na niligpit ng kanyang kapatid ang mga pinagkainan nilang lahat. Siya naman ay nauposa balkonahe at tumingin sa papalubog na araw.
Lumapit ang kanyang ina sakanya at walang ano ano'y hinaplos ang maimpis pa niyang puson.
Nakangiti si Nanay Jasmine sa anak. "Ilang buwan na ba ang magiging apo ko?"
Agad na ibinaling ni Jade ang paningin sa mata ng ina na nangingilid na ang luha ngunit nakangiti parin at bakas ang kasiyahan sa mga mata.
"Mahigit na dalawa na ho inay." Agad siyang yumakap sa ina at saka muling umiyak. "Patawarin nyo po ako hindi ko na po matutupad ang mga pangako ko sa inyo patawad Nay, patawad po."
Hinawakan ni nanay Jasmine ang magkabilang mukha ng anak at sakabtaos pusong sinabi, "Nagmahal ka lamang at hindi matatawag na pagkakasala ang bunga ng pagmamahal mo kaya hindi ka dapat na humingi ng kapatawaran."
Lumapit ang Papang niya at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. Ang kanya namang Mamang ay nakisiksik sa upuan at inihilig siya sa dibdib nito.
"Mahal namin kayong magkapatid dahil kami ang naging katuwang ng inyong ina sa pagpapalaki sa inyo. kaya kung nasasaktan kayo ay mas nasasaktan kami. Dahil pakiramdam namin ay kami ang nagkamali." Madamdaming pahayag ni Mamang.
"Kaya kung ayaw mong nasasaktan kami, kalimutan mo ang mga nangyari at ibaon sa limot. Harapin ang bagong yugto ng iyong buhay. Ikaw ang nagbukas ng pinto kaya nararapat mo itong pasukin at muling sarhan upang hindi na muli makapasok pa ang sino mang magtatangkang manakit sa iyo." Saad naman ni Papang.
Sa di kalayuan ay nakikinig lamang si Jodi, awang awa siya sa kapatid ngunit wala siyang alam na paraan upang matulungan ito.
Bilang isang pamilya ay hinarap nilang lahat ng magkakasama ang mga dumating na delibyo sa kanilang buhay.
Tama ang kanilang Inay, Mamang at Papang tanging pagmamahal lamang ng pamilya ang iyong sandigan sa panahon ng kagipitan. Kaya naman ipinagmamalaki ni Jade ang kaniyang pamilya dahil buong puso nilang tinanggap ang kanyang mga anak at hindi lang yun, kahit minsan ay wala siyang narinig na panunumbat sa bibig ng mga ito.
Napatingin sa wall clock si Jade at halos mag-uumaga na. Sa pagbalik tanaw niya sa nakaraan ay hindi na niya namalayan ang oras. Marahan siyang umakyat sa kama at pumagitna sa mga mahal na mahal niyang anak. Matapos gawaran ng halik sa noo ay nahiga na siya at nagpatangay sa antok.
Samantala sa Amerika...
" What do you want? " gigil na tanong ni Andy kay Marika. Palagi nalang kasi itong nakasunod sakanya at naiinis na siya dahil doon napagkakamalan na Girlfriend niya ang dalagang kapwa niya doktor.
Hanggang ngayon ay siya parin ang sinisisi ng daddy niya kung bakit napunta sa wheelchair ang mommy niya. Alam niyang sinabutahe siya ng mommy at daddy niya. Lahat ay nalaman niya ng isang gabing mahuli niyang nag-uusap ng palihim ang dalawa. Wala na siyang nagawa dahil bantay sarado siya sa mga tauhan nila. Panininisi nalamang ang naging paraan niya upang makahinga araw araw. Panininisi sa mommy niya na siyang naging dahilan kung bakit na stroke ito at naging lantang gulay ang kalahating katawan.
nangako siya sa sarili na makakagawa siya ng paraan upang makauwi muli ng Pilipinas at ito na ang magandang pagkakataon. Napili siya ng ospital na pinag tatrabahuhan niya na maging isa sa mga doktor na ipadadala sa Pilipinas upang magsilbi ng libre. Agad niyang sinunggaban ang pagkakataon ngunit nakiusap sa direktor na hangga't maaari ay wala munang makakaalam. Sa isang linggo na ang takda niyang pag-alis kaya naman naiready na niyang lahat ng pautay utay sa ospital.
"Akala mo ba hindi namin malalaman ni tita na aalis ka. Ako lang ang pag-asa mo para makalabas ng bansang ito Lee kaya kung ako sayo mag pakabait ka sa akin." May pagbabantang turan nito sa kanya.
"So now, anong gusto mong gawin ko? Ang magmakaawa sayo para tulungan akong makalusot kay mommy?" Paasik niyang tanong dito.
"Try me, baby!" mapang asar naman nitong sagot sa kanya.
Kinabukasan.......
"Hindi ka aalis Andy Lee! Kakausapin ko din ang direktor mo at ako mismo ang magsasabi na hindi ka makakaalis "
"Stop that Ma! I'm not a kid anymore!." ganting sagot niya sa ina.
Nasa mainit silang pagtatalo ng dumating si Marika at diretsong humalik sa pisngi ng ina ni Andy.
"Tita why you looked so upset? Don't worry about Lee He is in a good hands. I can go with him, as his girlfriend hindi ako papayag na mapalayo siya sa paningin ko." Nakangiti nitong saad.
"oh.... is it true that you are uhhmm together?"
"Yes tita, Lee is already my honey babe. Gusto ka namin isorpresa kaso nagkaroon ng emergency sa ospital at nagpasya silang si Lee ang ipadala s Philippines. So if you won't mind can we go together po?"
"Okay darling, basta ikaw ang bahala at mangako ka sa akin na hindi makakalapit ang sinumang higad sa anak ko!"
"Yes tita. Your the boss." sumaludo pang sagot nito sa ina ni Andy.
Walang nagawa si Andy kung hindi ang sang ayunan si Marika kaya naman. Sabay silang lilipad papunta sa Pilipinas. Yung mga natitirang araw nila sa Amerika ay nagpanggap silang sweet sa harapan ng magulang niya. Hindi naman masama si Marika. Simula nakilala niya ito napakabait na nito sa kanya lahit sinusungitan niya. Ito rin ang nagligtas sa kanyang buhay ng minsang tangkain niyang magpakamatay. Kahit lagi niya itong sinisigawan hinding hindi ito nalayo sa kanya. Pinakikita nito ang pagmamalasakit na walang kapantay maging ang pagmamahal ng lubos.
Ngunit kahit minsan ay hindi niya kayang pantayan iyon, dahil sumulat sapol ay iisang babae ang nagpapatibok ng puso niya.
Handang Handa na siya upang ayusin ang gulong iniwan niya, sa pagbalik nila sa Pilipinas ay titiyakin niyang hahanapin niya agad ang nobyang kay tagal nawalay sa kanya.
Umaasa siyang maayos ang lahat, umaasa siyang mababago pa ang kapalaran nila na ginulo ng kanyang ina. Umaasa siya na sa huli magihing masaya muli sila.