Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 25 - Chapter 23

Chapter 25 - Chapter 23

Mataas na ang araw ng magising si Jade, dahil sa paumaga narin siyang nakatulog. Naririnig niya ang ingay mula sa ibaba.

Bumangon siya at nag ayos ng sarili bago pumunta sa kusina. Inabutan niya roon ang mga kasambahay ng kapatid niya nagmamadali sa pag hahanda ng agahan.

"Anak gising kana pala, halika at sumabay ka ng kumain ng agahan sa mga bata nariroon sila sa swimming pool at nagkakasiyahan." Masayang kwento ng kanyang ina na patuloy sa paglalagay ng palaman sa mga tinapay

"Manang, may maitutulong po ba ako?" magalang niyang tanong kay Manang Fely.

Nakangiti naman itong sumagit sa kanya. "Kayong mag-ina talaga oo. Aba'y napakalaking alwan namin sa trabaho mula ng tumigil kayo rito, halos kalahati ng gawain namin ay nagagawa na ninyo baka naman naaabuso na namin kayo."

"Naku! Ito naman si Fely sinabi ng wala iyon. Hindi kami ang amo mo kaya okay lang, dapat lamang kaming tumulong sa inyo at isa pa hindi naman mahirap ang gawain dito sa mansion ." sabad naman ni Mamang.

''Hay naku! Ay kayo ang bahala, pero sige na hija Jade puntahan mo na ang mga anak mo at saluhan mo sila tuwang tuwang makipag laro sa mga pinsan nila lalo na si Abigail bihira lang kasi may makalaro ang bta na iyon."

"Mang salamat po ha." sabay lapit niya kay manang at mula sa likuran ay yinakap niya ito tulad ng paglalambing niya sa kanyang ina

"Susmaryosep kang bata ka ano ba naman itong aming ginagawa. Bilin lahat ito ni Sir at Ma'am." sagot naman ni Manang.

"Pero Manang ang pagmamahal at paggalang maging ang pagtanggap ninyo sa aming pamilya at sa aking mga anak ay hindi dahil lamang sa binilinan kayo ni Richard." nakangiting tukso ni Jade sa matandang babae.

"Oo naman hija, inaamin ko naman na simula palamang ay minahal ko narin kayo na parang tunay na pamilya. Wala kasi ako noon eh, pero dahil sa kapatid mo nadagdagan ang mga taong mamahalin ko at ang mgabapo na aalagaan ko." Masayang wika nito sa kanya.

Damang dama nila sa mansion na iyon ang pagmamahalan ng mga tao, kahit na mababa ka man wala silang pakialam dahil hindi estado sa buhay ang batayan para mahalin nila ang mga taong nakapalibot sa kanila.

MAKALIPAS ANG 3 BUWAN

Matulin pang lumipas ang mga araw at masayang naghahanda ang lahat sa pagdating ng mga bagong kasal sina Mr. and Mrs Lim.

Ganap na ngang magaling sa kanyang sakit si Jodi ang bunsong kapatid ni Jade. Kaya nagpasya ang mga ito na umuwi na sa Pilipinas upang makasama ang mga anak.

Napuno ng kasiyahan ang araw na iyon, nagkantahan nagsayawan at napuno ng halakhakan. Natigil ang lahat ng tumayo si Richard sa unahan at hawak ang mikropono ay nagsimula itong magsalita.

"First of all I would like to thank of our God, my family and friends and of course my very beautiful wife. Second I would like to announce that ate Jade can go back to school and syempre pwede ka ng magpatuloy sa med school sagot namin lahat ng expenses mo at syempre alam ko na hindi ka papayag na mahiwalay sa kambal mo kaya naman napagkasunduan namin ng mahal kong asawa na papasukin narin sila sa school ni Abigail mag hire nalang siguro tayo ng yaya for both of them. Pero lahat ng iyan ay mangyayari lamang kung papayag ang ating pinakamamahal na Inay, Mamang at Syempre Papang. Nasa inyo parin po ang desisyon narito lamang po kami para sumuporta."

"Mga apo kami ay natutuwa sapagkat lumaki ang ating pamilya at saiyo Richard apo, akoy lubos na nagpapasalamat sapagkat napakaganda ng iyong plano. Sino naman kami para tumanggi. Binibigyan ko kayo ng basbas mga apo, ako ay sang ayon upang mapaganda ang kinabukasan ng aming mga apo." Madamdaming wika ni Papang.

Agad namang sumingit si Mamang. "Mamimiss ko ang mga makukulit na batang ito." sabay himas at gulo sa buhok ng dalawang bata na nasa kanyang harapan. "Nawa ay hindi ninyo kami makalimutang dalawin."

"Mang, Pang, Nay bakit po kayo kailangang dalawin napakalaki po ng bahay na ito kung gusto ninyo bumili tayo ng masmalaki pa para manatili na kayo dito sa Maynila." agad na suway ni Richard sa sinasabi ni Mamang.

Napahawak naman sa kanyang dibdib si Nanay Jasmine, alam niyang napakabait ng kanyang naging manugang pero mukhang kalabisan na sila sa tahanang ito. Kaya agad niyang sinawata kung ano pa mang gustong sabihin nito.

"Anak, salamat ha. Salamat talaga, napakaganda ng iyong hangarin para sa aming mga anak at apo hindi ba kalabisan naman kung pati kaming matatanda na ay kukupkupin ninyong mag-asawa."

Agad lumapit si Jodi sa tabi nang kanyang ina at naupo, hinawakan niya ang kamay nito bago nagsalita

"Inay, hindi po kayo kalabisan. Sa lahat ng ginawa ninyo para sa akin ay kulang pa ang lahat ng ito."

"Nay, Mamang, Papang sana po huwag ninyong isipin na binibigyan ko lamang kayo ng pabor. Hindi po ganun yun. Sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko at nangako ako sa Panginoon na kung bibigyan siya ng pangalawang buhay ng pagpapasalamat ay gagawin ko. Higit kaninoman ay kayong tatlo apat ni ate Jade ang nais naming pasalamatan. Kung hindi sa inyo wala akong napakagandang asawa ngayon." At saka lahat ay nagtawanan ng sabay sabay sa banat ni Richard na iyon, lahat ng kasambahay ay nanibago pagkat di nito ugali ang maging palabiro at pala tawa.

"Wala kang dapat ipag pasalamat anak. Papayag kami na dumito ang mag-iina ngunit kaming tatlo ay babalik na sa Quezon, siguro ay dadalaw dalaw nalang kami rito o kayo ang dumalaw roon upang makasagap ng masarap na hangin. Gawin ninyo ang anumang sa alam ninyo ay tama at makakapag pasaya sa inyo. Hwag kami ang iniisip ninyo." saad naman ni nanay Jasmine.

Lumapit naman si Jade, "Sina Mamang, Papang at Inay tinanong nio kung gustong sumangayon sa desisyon nio tapos ako hindi ninyo tinatanong." maktol nito na sa mag-asawa nakatingin.

"Dahil alam kong papayag ka---" singit ni Andy.

"Paano ka nasigurado Mr. Lim e....

"Dahil hindi free ang pagtira mo dito, kailangan namin ang tulong mo..my third announcement is God gave us another member of the family. Jodi is six weeks pregnant. Don't worry baby and Jodi are very okay, kailangan lang talaga namin ng aagapay sa kanya." malumanay ang pagsasabi ni Richard ng bawat salita dahil kailangan maipaintindi niya sa kapatid ng asawa na hindi lang puro pabor ang binibigay niya bagkus ay binibigyan niya ito ng opportunity na matapos ang nursing at makapag patuloy ng pagdodoktor at the same time naalgaan ng maayos ang nag-iisang kapatid nito.

Alam ni Richard na mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga ito sa tulong na nais niya kaya naghanap agad siya ng magandang dahilan isa naroon ang pagiging private nurse ng sariling kapatid.

Halos walang pagsidlan ang saya sa buong mansion, tuwang tuwa ang lahat maging ang mga kasambahay ng malaman na muling madadagdagan ang kanilang alaga. Si Manang Fely ay tahimik na lumuha sa isang sulok. Luha ng pasasalamat, paulit ulit siyang nag papasalamat sa Panginoon sa muling pagbibigay buhay sa mansion na iyon na dati akala mo'y mga taong di magkakakilala ang nakatira. Hindi nahihiya si Manang Fely na magpasalamat sa Panginoon, kahit nasaan man siya basta para sa mga alaga niya na pinakamamahal niya na akala mo eh matatanda na at lagi nalang sila ang tama. Lihim rin naman siyang natawa sa sariling kaisipan.