Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 26 - Chapter 24

Kinabukasan ay masayang kumain ng almusal ang mag-anak. "Mommy, Daddy ako parin po ba ang bunso ninyo kahit may baby na po kayo?" Tanong ni Abigail at nagkatinginan naman ang mag asawa.

Marahang inibos ni Jodi ang laman ng kanyang bibig, ibinaba ang mga kubyertos at saka sumagot.

"Anak maaring hindi na ikaw ang bunso pero walang papalit sa pagiging baby mo dito sa puso namin." at saka niya hinaplos ang buhok ng anak.

Lihim siyang nginitian ng asawa.

Sa loob loob niya ay nag papasalamat siya sapagkat buong puso ang pagtanggap ng asawa sa kanyang mga anak. Minahal niya ang mga bata ng higit pa sa kanyang sarili.

"Ate Jade mag-prepare ka ha sasamahan kita sa school pati yung kambal then diretso ako sa office tapos kayo naman diretso na sa mall para makapamili ng mga gamit sa eskwela." nakangiti nitong sabi kay Jade na ikinatuwa naman ng huli.

Nagambala ang lahat ng walang ano ano'y nakarinig sila ng nabasag na bagay sa may salas halos lahat ay napatakbo papunta roon. At lahat ay kinabahan nakaramdam ng sobrang pag-aalala ng makita si Jodi na kapit ang ulo at nakasandal sa dingding tila ba nawawala ang ulirat nito. Agad itong nilapitan ng asawa at iginiya paupo sa sopa.

"Hey! wifey Are you okay? Wait we will bring you to the hospital." Nag-aalala ito at patayo na ng hilahin ni Jodi ang mga kamay ng asawa upang mapabalik ito sa pagkakaupo.

"Don't worry about me, I'm okay parang nahilo lang ako bigla." agad namang sagit ng asawa.

"Richard huwag kang mag alala at kami na ang bahala sa asawa mo ha. Sige na gumayak na kayo nang makapasok na kayo sa opisina. Baka mahuli pa kayo. Sadyang ganyan ang naglilihi minsan nahihilo, nawawalan ng malay at nagsusuka, kaya huwag kang mag alala dahil normal lang iyan ." paliwanag naman ni Nanay Jasmine.

"Okay po Nay, pero kung sumama ang pakiramdam ng asawa ko please Nay inform me ASAP or just go to the hospital." bilin nito sa biyanan ngunit ang paningin ay di inaalis sa asawa. "Wifey ihahatid na kita sa kwarto at magpahinga na muna para makampante ako okay?"

"Ang sweet naman talaga ng asawa ko oo tsssk baka ma spoiled ako niyan at hanap hanapin ko ha. Sige na nga tara na. "

Dumiretso na sa silid ang mag asawa, habang si Jade naman ay nag asikaso ng sariling mga dalahin para sa pagpapa enrol.

Nag suot lamang si Jade ng simple kupas na bibipantalong maong na tinernuhan ng blouse na kulay krema inilugay ang napaka kintab at napaka habang buhok niya.

"Let's go ate" at nang makabol tayo sa enrolan ng mga bata." at nag mamadali itong lumabas kung nasaan ang kotse niya .

Agad naman silang inasikaso sa mismong opisina, marami siyang pinirmahan kaya medyo nagtagal pa sila.

Matapos niyang mag pa enrol ay ang mga anak naman ang pina enrol nila bago nila naihatid si Richard sa opisina. Dumiretso siya sa mall kasama ang driver ni Richard. Gaya ng bilin ni Richard lahat ng dapat na bilhin ay nabili niya at maging mga damit na isusuot niya ay namili siya. Halos nagmatira ang perang ibinigay sa kanya nito. Kaya naman nagpahatid na kaagad siya sa bahay matapos niyang mamili.

Tuwang tuwa ang mga bata ng makita ang mga bagong kagamitan hindi lang sila yung natuwa maging ang mga kasambahay ay lubos na natuwa ng malaman na papasok na ang mga kambal.

Pinagtulungan nilang lahat na ayusin ang lahat ng mga notebooks at iba pang kagamitan. Kaya naman walang paglagyan ng tuwa ang mga bata. Matapos noon ay nagpasya na siyang mag ayos ng mga sariling gamit sa kwarto, ngunit pag pasok palamang ay isang malaking maleta ang nakaagaw ng kanyang paningin.

"Anak nag gayak narin kami nina Mamang at Papang mo. Kasi baka sa makalawa ay makaluwas na kami pabalik sa Quezon." Paliwanag ni Nanay Jamine.

"Pero inay napaka aga pa naman yata, hindi naman kayo pinapaalis ni Richard!"

" Anak kailangan namin kumayod upang ang pang sarili mo ay hindi mo na hihingin pa kina Richard dahil nakakahiya na sa kanilang mag asawa.

" Pero inay.... mamimiss po namin kayo." nakangusong saad ni Jade sa ina.

" Naku! anak napakalapit ng Quezon pag ginusto mong umuwi ay pwedeng pwede. Ganon din kami ng iyong Mamang at Papang handa kaming lumuwas para sa inyo kaya hwag mahihiya mag sabi sa nanay ha Jade anak." at saka lumapit si nanay Jasmine sa anak na panganay at hinalikan ito sa noo. " Siya bababa na muna ako para naman makatulong sa baba kina Manang Fely."

" Sige po Nay, salamat po."

Nang makalabas ang ina sa silid ay agad niyang inayos ang mga dapat niyang ayusin. Gusto rin niyang agadang bumaba upang makitulong sa ginagawa nila sa kusina. Ayaw naman niyang magpaka senyorita, mahal niya ang mga kapatid ngunit ayaw niya ng laging llibre dahil ang hirap ng sitwasyon nila sa ngaun. Kahit mabait ang napangasawa ng kapatid niya, ayaw niyang may masasabi itobsa kanila.

Nang matapos ang gawain ay agad siyang bumaba at nakigulo sa ginagawa ng iba. At gaya ng dati parang Fiesta lagi nalamang may paluto sa mansion.

Masaya ang lahat nagtulong tulong para sa masarap na hapunan, malaki ang nagastos niya kaninang sa school at sa pag sa shoping kaya naman gusto sana niyang bumawi kay Richard bilang pasasalamat manlamang na pinag aral siya at maging ang mga mahal niyang anak.

Gusto rin niyang maging maganda ang araw na ito sa pagkat malapit na ang balik ng kanilang mahal na mga magulang sa Quezon. Kahit papaano ay gusto niyang sulitin ang mga natitirang oras.

Hindi ni Jade alam kung kakayanin ba niya ang malayo ang ina sa kanya. Nasanay na siyang ito ang nagpapaalala sa lahat ng dapat niyang gawin sa araw araw maging sa mga dapat gawin para sa mga anak niya. Kaya ang dasal lamang niya ngayon sana ay makayanan nilang magkapatid ang mabuhay nang malayo sa mga magulang nila. Kahit mahirap pipilitin nila. Para isang araw babalik sila sa lugar nila ng may nasabi na, at dina kutyain ng iba dahil sa kamalasang natamo mula sa nakaraan.