Sunod sunod na paglagok ang ginawa ni Andy sa bote ng alak na hawak niya, gusto niyang makalimot upang agad makatulog.
Hindi rin niya alam kung ano ba ang pumasok sa kanyang isipan at agad nalamang siyang umakto ng ganoon sa harapan ng nakararami. Kilala siya bilang mabait at pasensyosong tao kahit na suplado. Pero yung inakto niya kanina, hindi siya yon.
Pinilit niyang balikan ang mga naganap upang mapaglubag ang sariling kalooban, 'kahit sinong mapunta sa sitwasyon ko ay paniguradong magagalit rin, kaya naman hindi ako dapat makaramdam ng guilt dahil tama lamang ang aking ginawa.'
Bulong niya sa sarili habang patuloy na nilalagok ng paulit ulit ang alak. Halos maubos na niya ang nilalaman bote ng biglang maalaala nanaman si Jade, sisingsisi siya pero anong magagawa nya, pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap dito matapos niyang pagtaasan ng boses at sabihan ng kung ano ano.
Sa sobrang inis sa sarili ay agad niyang ibinato sa may pintuan ang hawak niyang bote, ngunit natulala siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nuon ang nobya.
Pinakatitigan niya ang mukha nito, nakaramdam siya ng awa dahil kitang kita sa mukha nito ang labis na pag-iyak. Namumugtong mga mata at magulong buhok ang sumalubong sa kanya, agad pumasok ang dalaga at ibinato sa upuan ang bag na dala dala. Saka ito lumuhod kung nasaan ang mga basag na bubog, wala itong kaimik imik na pinulot ang mga iyon at lumakad sa kusina upang itapon sa trash can ang mga piraso ng boteng pinulot.
Muli itong lumabas ng kusina dala ang dustpan at walis. Lalampasan n asana nito ang lalaki nang bigla siya nitong hilahin at ikulong sa matitigas nitong bisig at malapad na dibdib. Nabitawan naman ni Jade ang kanyang mga hawak at kusang ipinulupot ang mga braso sa bewang ng lalaking iniibig.
Napuno ng katahimikan ang buong silid na iyon, tanging mahihinang pag-iyak lamang ng dalaga ang maririnig, inilabas niya ang sobrang sama ng loob na nararamdaman ng mga oras na iyon.
Habang magkadikit ang kanilang mga katawan ay ramdam na ramdam ni Jade ang malakas na tibok ng puso ng lalaki. Unti unti niya itong tiningala, nagsalubong ang kanilang mga mata at nagkusa na ang dalaga na idampi ang kanyang mapupulang labi sa labi ng lalaking kaharap.
Amoy na amoy niya ang alak mula sa hininga nito, at tila ba siya ang nakainom dahil ang simpleng pagdampi ng kanyang mga labi ay tuluyan niyang pinalalim.
Hindi ala ni Jade kung tama ba ang kanyang ginagawa, ngunit gaya ng sinabi niya kanina ay handa siyang gawi ang lahat huwag lamang siyang iwan ng lalaking pinakamamahal niya.
Para namang sinilaban ang buong katawan ni Andy ng maramdaman ang pagpupumulit ni Jade na halikan siya sa paraan ng paghalik nito sa kanya ay mararamdaman mong inosente pa ito at wala pang karanasan.
Sa likod ng kanyang isipan ay pinagtatawanan niya ang nobya niya. Ilang beses na niya itong hinalikan ngunit hanggang sa noo, pisngi o mabilis na lapat lamang sa mga labi nito ang kanyang ginagawa kaya naman, ngayon ay hindi parin ito marunong humalik .
Unti unti niyang tinugon ang halik na nakapagpakalma sa kanyang damdamin, nalulusaw lahat ng galit o tampo na kanina ay halos bumalot sa kanyang buong pagkatao.
Hinawakan niya ang batok ng dalaga upang maalwan niyang maipaling ang ulo nito, pinagsawaan niya ang matamis at malambot nitong labi.
Pilit niyang ginagalugad ang kaloob looban ng bibig nito na tila ba may hinahanap siya roon, ang kanyang isang kamay ay malayang naglakbay sa mukha ng dalaga. Matapos nuon ay unti unti niyang pinadulas sa panga nito hanggang sa humagod ang malapad at mainit niyang palad sa likuran nito.
Kakaiba ang pakiramdam ni Jade ng dumako sa kanyang pisngi ang isang kamay ni Andy, hindi ito nagtagal doon at dahan dahang dumulas patungo sa kanyang likuran at duon ay naglakbay.
May malakas na boltahe ng kuryente siyang naramdaman, lalo n ng gumapang paibaba sa kanyang panga hanggang kanyang lee gang labi ng binata.
Pakiramdam niya ay nawala na siya sa sarili dahil sa nararamdamang kakaibang sensasyon, ang kanyang mga kamay ay tila ba may sariling isip na naglakbay narin sa kabuoan ng malapad na dibdib ni Andy.
Para namang sinilabang lalo ang katawan nang lalaki ramdam na ramdam niya ang pagkagising ng kanyang pagkalalaki.
Tuluyan na silang nawala sa sarili, binuhat ni Andy si Jade patungo sa kanyang silid ng hindi inaalis ang sariling labi sa mga labi nito.
Maingat niya itong inihiga sa malambot na kama at saka dahan dahang pumaibabaw rito.
Walang salitang namagitan sa kanilang dalawa, tanging mga mata, labi, at damdamin lamang nila ang nag-uusap.
Dahan dahang tinanggaI ni Andy ang butones ng uniporme ni Jade, wala naman itong pagtutol.
Hanggang sa matanggal na ni Andy lahat ang kanyang saplot tanging pang ibabang panloob nalamang ang natirang tabing niya sa maselang parte ng kanyang katawan. Maging ang kanyang malulusog na dibdib ay animo masarap na pagkaing inihain sa gutom na gutom na tigre.
Pinagmasdan ni Andy ang kabuoan ng dalaga, lihim siyang humanga sa kagandahan ng katawan nito.
Nang dumako ang kanyang paningin sa mayamang dibdib nito ay tila ba gustong kumawala ng kanyang alaga. Hindi niya napigilan ang haplusin ito ng marahan at gawaran ng halik.
Napasinghap naman si Jade nang maramdaman ang mainit na labi ng binata sa kanyang dibdib, pigil ang kabang nararamdaman ay buong puso niyang pinagmasdan ang katawan ng lalaki habang ito ay unti unting nagtatanggal nang sariling saplot.
Napalunok siya ng tanggali ng lalaki ang huling saplot at lumantad sa kanyang harapan ang naghuhumindig nitong alaga.
Pulang pula na ang kanyang pisngi sa sobrang kahihiyang nararamdaman, ngunit ang pananabik ay muling binuhay ng lalaki ng muli itong pumaibabaw sakanya at siilin siya ng halik.
Sa pagkakataong iyon ay kakaiba na ang nararamdaman niyang init sapagkat magkadikit na ang kanilang mga katawan.
Napakapit ng mahigpit si Jade sa kumot ng maramdaman niya ang dahan dahang pagbaba ng labi ni Andy, mula sa kanyang labi, patungo sakanyang leeg hanggang sa kanyang magkabilang dibdib.
Sinakop ng maiinit nitong palad ang kabuoan ng kanyang dibdib, habang nilalaro iyon ng mga labi nito.
Hindi nagtagal ay dumausdos pababa ang labi ng lalaki patungo sa kanyang kaselanan, naikipit niya ang kanyang mga hita. Ngunit kusa din iyong bumuka ng maramdaman ang labi ng kasintahan, tinanggal nito ang natitira niyang saplot at saka walang paalam na pinagyaman ang kanyang kaselanan.
Hindi na napigilan ni Jade ang sarili, kusang lumalabas ang mga ungol mula sa kanyang bibig.
Naramdaman ni Andy ang kahandaan ng dalaga kung kaya't umahon siya mula sa pagkakasisid sa naglalawa nitong bulaklak.
Pinakatitigan niya ang mukha nitong namumula.
"Are you ready babe?" Anas niya sa punong tainga nito, hindi ito sumagot wala siyang narinig kahit isang titik mula sa labi nito, ngunit naramdaman niya ang marahang pagtango nito tanda ng pagsang-ayon.
Dahil doon alam niyang handa na si Jade na isuko ang sarili sa kanya, sa likod ng kanyang isipan ay may munting pag tutol. Ngunit di narin niya kayang tumigil sa ginagawa, pagkat para na siyang mababaliw kung hindi pa niya maaangkin ang dalaga.