Napakahirap para kay Jodi ang mag desisyon para sa kanyang sarili. Ayaw niyang maging pabigat sa kanyang ina. Alam narin niya na tanging operasyon nalamang ang makapag papagaling sa kanya.
Nakapagpatingin na siya sa espesyalista sa puso at ayaw na niyang sumubok pa sa iba. Dahil alam niya na mabibigo lamang ulit siya at masasaktan . Kung ito na ang kanyang katapusan tatanggapin nalamang niya ng taos sa puso. Ang importante sa kanya ngayon ay ang makitang masaya ang pamilya niya lalo na ang kanyang nag-iisang kapatid.
Handa siyang isakripisyo ang lahat para rito, para lamang sa kaligayahan nito.
"Anak, gutom na ba kayo? Pasensya na kayo at tumulong pa ako sa silong kina Papang at Mamang. Maghahayin na ako para sa hapunan. " at nag dire-diretso ito sa loob ng kusina. Mabuti na lamang at hindi nito napansin ang pamumugto ng mga mata ni Jade.
Mula ng lumabas ng silid ni Jodi at lumipat sila sa kaniyang silid ay hindi na maawat ang pagluha ni Jade. Naaawa siya sa kanyang kapatid dahil wala silang magawa para rito. Kinausap siya ni Andy at sinabi sa kanya kung ano ang mga posibilidad na mangyari sa kanyang kapatid. At ayaw niyang isipin na mangyayari yon kay Jodi.
Hindi niya masabi sa kanyang Nanay, ayaw niyang pangunahan ang kapatid ayaw rin niyang mag-alala ng sobra ang kanyang ina. May edad na ito kaya ang gusto nila ay maibigay nalamang rito ang masarap ma buhay. Ngunit paano niya maibibigay ito sa kanyang ina kung hanggang ngayon ay kaligtasan parin ng bunso nila ang iniisip nila.
Minsan naiisip niya na sana ay hindi na lamang nawala ang kanyang ama, edi sana ay masaya silang magkakasama at may tutulong sa kanila para maipagamot ang kanyang kapatid.
Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan , hahanapin niya ito pagbalik niya sa Maynila. Magpapatulong siya kay Andy kung paano at saan mahahanap ang ama. Kailangan na nila ito ngayon, sa sitwasyon ng kanyang kapatid, hindi na dapat pang mahiya.
Dumaan pa ang mga araw nanatili na muna roon si Andy, dahil ayaw rin naman itong paalisin ng lolo nina Jodi at Jade.
Dahil narin sa kondisyon ngayon ni Jodi ay lihim na nakiusap si Jade sa nobyo na huwag na nga muna silang iwanan upang ma-monitor ang kalagayan ng kapatid.
Sa awa naman ng Diyos mula noong sinamaan ito ng pakiramdam ay hindi na naulit pa. Pumapasok ito sa trabaho, magaan lamang naman ang trabaho nito ngunit hindi pa rin ganoon ka komportable si Jade kaya lagi nilang sinusundo ni Andy sa bayan si Jodi.
Tatlong araw nalamang ang natitira sa kanilang bakasyon kaya naman nais sana ni Andy at Jade na sulitin iyon.
Nagplano silang dalawa ng isang surpresa para naman kahit papaano ay mag-enjoy ang matatanda sa pagtigil nila rito.
Madilim pa lamang ay nakahanda na si Andy, ibinalot na rin niya ang mga regalo para sa pamilya ng nobya.
Sa sandaling panahon na nakasama niya ang mga ito ay labis ang tuwa niyang naramdaman.
Yung pangungulila niyang nararamdaman sa kanyang mommy at daddy ay napunan ng pamilya ni Jade at aaminin niya na maslalo niyang minahal ang nobya.
Kahit na simple lamang ang pamumuhay ng mga ito mas nararamdaman niya ang pagmamahalan.
Kahapon pa lamang ay inayos na niya ang sorpresang inihanda sinabihan na rin niya sina Lino at Chona na kung maaari ay sila na muna ang tumao at mag asikaso sa karinderya ni Papang Jhun at Mamang Zenny, agad namang pumayag ang dalawa lalo na ng malaman ang dahilan.
Ginising na ni Andy sina Jade at Kristel sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone ng mga ito kaya naman nakagayak na rin sila ng lumabas ng silid.
Araw ng Sabado alas singko y medya na ng umaga nag-aagaw ang liwanag at dilim. Kasalukuyang nagluluto ng almusal si Nanay Jasmine dahil sama sama muli silang sa pagsimba sa Kamay ni Jesus.
"Aba! " mukhang kay aaga ninyong nagising ah..." nakangiting bati nito sa tatlo ng makitang nakagayak na ang mga ito. "Naku! Sandali Jade anak, ang kapatid mo pakigising mo naman at mukhang napasarap sa pagtulog."
"Sige po Nay. " tugon naman ni Jade na lumakad na patungo sa silid ng kapatid.
"Nay, ano pong almusal natin ngayon?" magalang na tanong ni Kristel at lumakad pa sa likuran ni Nanay Jasmine at niyakap ito kahit nakatalikod. Nanay narin ang tawag nila dito dahil yun ang gusto nito.
Nakangiting nilingon ni Nanay Jasmine ang dalagang napakalambing, "Nagluto ako ng masarap na sinangag, tortang talong, giniling na baboy, bacon at itlog. Maupo na kayo at maya maya lamang ay aakyat na rin sina papang at mamang sige na upo na. " sabi pa nito na muling ipinag patuloy ang paglalagay ng sinangag sa malaking bandehado.
Samantalang sa loob ng silid ni Jodi ay nanatiling nakatayo si Jade at pinagmamasdan ang natutulog na kapatid. Muli nanaman siyang mawawalay rito gayong may dinaramdam ito. Muli nanaman itong magsosolo sa nararamdamang sakit.
Kung hindi lamang niya kailangang makapag-aral at makapagtapos ay mas nanaisin niyang pumirmi na muna rito upang mabantayan ang kapatid.
Ito ang dahilan kung bakit siya kumuha ng kursong Nursing, dahil bata pa lamang ito ay nalaman na nila na maysakit ito sa puso.
Lagi ito sa ospital hanggang sa nooperahan ito nuong nasa elementary pa lamang sila. Ngunit ayon sa kanyang pagkakatanda ay kinakailangan nito muling sumailalim sa operasyon sa pangalawang pagkakataon, ngunit hindi na nila ito naipaopera sa kadahilanang wala na silang mapagkukunan pa ng pera.
Dahil naibenta na nila ang lupang dati ay sinasaka ng kanyang Papang at Mamang para sa unang operasyon ni Jodi.
Tanging lupa at bahay nalamang nila ang natitira sa kanila kaya naman pilit niyang pinagbubuti sa pag-aaral upang pagnakatapos siya at makapagtrabaho ay mag-aaral siya muli para maging isang dalubhasang doktor sa puso.
Mula ng magkasakit si Jodi ay ipinangako niya sa sarili na magiging isang dalubhasang doktor siya, para siya na mismo ang magpapagaling rito.
Naramdaman ni Jodi na tila ba may isang pares ng mga mata ang nagmamatyag sa kanya, kung kaya naman agad siyang bumangon at nakita ang kapatid na tahimik na lumuluha at nakatingin lamang sa kanya. Lumapit siya rito ng dahan dahan, ngunit muntik na siyang nabuwal ng sugurin siya nito ng yakap.
"Bunso, mahal na mahal ka ni Ate ha, hwag mong kakalimutan yan. Kahit na mapalayo ako sayo kayo lamang nina Nanay, Papang, at Mamang ang lagi kong iniisip at parang awa mo na aminin mo na sa kanila hanggat maaga pa. Upang may mapagsabihan ka ng nararamdaman mo. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan, kung pwede lamang akong tumigil ngayong semestre ay nagawa ko na para lubusang maalagaan ka."
"Ate kahit kailan talaga OA! " biro ni Jodi na hinimas himas pa ang likuran ng kapatid upang kumalma ito.
Umangat naman si Jade sa pagkakayakap sa kapatid.
"Sige na ! Kailangan mo ng maligo at magbihis baka mahuli tayo sa misa. Sumunod ka nalamang sa kusina at baka tapos na rin si inay sa paghahayin ng almusal natin ha.." marahan pang pinisil ni Jade ang pisngi ng kapatid kaya naman agad itong humiwalay at patakbong tinungo ang cr upang makaligo na at makapag gayak.
Masaya silang kumain ng almusal, maraming nakain si Jodi dahil katabi nito ang kapatid na maya't maya na lamang kung lagyan ng pagkain ang kanyang plato. hindi na lamang siya tumutol upang hindi ito magalit sa kanya. Ayaw niyang mag-away silang muli dahil malapit na ang muli nitong pag-alis.
Nang matapos silang kumain ay pinagtulungan nila ang pagliligpit ng lamesa , napatingin si Jodi sa orasan na nakasabit sa dingding. Bente minutos bagi mag alas siete , tamang tama lamang upang makaabot sa misa ni Father Faller.
Matapos nilang magsimba ay hindi na sila umakyat, nagmamadali silang pinasakay ni Andy sa sasakyan nito . Mayroon daw silang pupuntahan.
Kamayan sa Palaisdaan ang nakalagay sa arko ng pinasukan nilang malaking malaking gate. Alam ni Jodi ba maganda dito at masasarap ang pagkain. Huminto ang sasakyan at nagbabaan ang lahat, manghang mangha naman sina Papang, Mamang at Nanay Jasmine .
"apo anong ginagawa natin dito? " tanong ni Papa ng kay Andy.
"Pang, may reservation po tayo rito kaya po tayo na at ng makapagpahinga muna tayo at makapag uli uli. " magalang na sagot naman ni Andy sa matanda na inakbayan pa habang iniuuli ang paningin.
"Anak hindi ba mahal dito, kaya nga kahit malapit lamang kami rito ay hindi na kami nangahas na pumunta at kumain dito eh. " Bulong ni Nanay Jasmine kay Andy.
Natawa naman si Andy, "Nay, okay lang po yan hwag po kayong mag-alala minsan lamang naman natin magagawa ito di' po ba? Isa pa po gusto kong makabawi sa mga pag-aalaga ninyo sa amin sa loob ng dalawang linggo.
Malaking bagay po ang pagtigil namin sa inyo Nay, naibsan po yung mga pangungulila ko sa mommy at daddy ko. Kahit minsan po ay hindi ko pa naranasan na kumain ng kumpleto kami, yung kasama ang lolo at lola.
Samantalang sa inyo po, kahit hindi ninyo kami kadugo naiparamdam ninyo sa amin na mahalaga kami, ang sarap po pala magkaroon ng malaki at masayang pamilya. Kaya po isipin ninyo na pasasalamat ang lahat ng ito." At saka nilapitan ni Andy si Nanay Jasmine para yakapin.
"Mahal ko na rin kayo nitong si Kristel hijo, kaya sana eh babalik balik kayo dito sa amin pag hindi kayo busy sa pag-aaral o sa trabaho ha. "
"Opo nay, pangako po iyan. " at muli silang nagyakap.
"Tama na yan nagseselos na kami , aba eh kami ang anak hindi ikaw! " tumatawang singhal ni Jade kay Andy .
Nagtawanan ang lahat, natigil lamang sila ng lumapit ang isang waiter at iginiya sila sa cottage na sadyang naka reserve para sakanila.
Walang pagsidlan ng saya ang buong pamilya, nagkwentuhan, nag-uli sa buong resort, nangisda at kumain ng kumain. Napakarami nilang nakain ginugol nila ang buong araw na iyon sa pagkukuwentuhan. Nag swimming rin sila sa kabilang parte ng resort.
Bago matapos ang araw na iyon ay inilabas na ni Andy ang mga regalo na nais niyang ibigay sa buong pamilya.
Napanganga naman si Mamang nang makita ang mga regalong iyon sa ibabaw ng lamesa.
Impit pa itong napahiyaw, "Ang dami naman niyan at ang lalaking regalo! " tuwang tuwa talaga ito.
"para sa inyo ang lahat ng mga iyan Mamang, para naman po kahit nasa Maynila kami lagi ninyo kaming maalaala. " nakangiting pagkakasabi ni Andy at saka lumapit sa lamesa upang uabot ang mga regalo sa pamilya ng mahal niya na minahal na rin niya.
Malaking rice cooker at isang set ng food warmer ang para kay Mamang, tuwang-tuwa ito sa pagkat magagamit niya iyon para sa karinderya nila.
Iba't ibang mga tools naman ang para kay Papa ng dahil mahilig itong magkumpuni at magkutkot ng kung ano anong bagay. Kahit sira na ay nagagawang nito ng paraan para maayos.
Cellphone naman na mamahalin at nakaplan ang para kay Nanay Jasmine at Jodi. Para lagi nilang matawagan si Jade ano mang oras.
"Nay, Jodi hwag kayong mag-alala ako ang bahala magbayad ng monthly bill niyan ang importante sakin ay iying may contact kayo sa isa't isa. " nakangiting pahayag ni Andy. "Jodi ikaw na ang bahala magturo kay Nanay ha, kakailanganin ninyo yan lalo kana. " at binigyan niya ito ng makahulugang tingin agad namang nakuha ni Jodi ang ibig nitong sabihin.
Kaya nag-iwas nalamang siya ng paningin upang tumigil na ito, dahil natatakot siyang makaramdam ang kanyang ina at maputol ang masayang sandali nila.