Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 18 - Chapter 16

Chapter 18 - Chapter 16

"Magsabi ka nga ng totoo sa akin bunso, lumala ba ang sakit mo?" Tanong ng kapatid na si Jade.

"Hindi naman ate napagod lang siguro ako at isa pa puyat kasi ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, huwag ka ng mag-alala at huwag mo na rin sigurong ipaalam kay Nanay, ayoko silang mag-alala nina Papang at Mamang." Pakiusap niya rito habang patuloy na kinukutkot ang sariling kamay.

Hindi makatingin ng maayos sa kanya ang kapatid kaya naman nararamdaman niya na nagsisinungaling ito, ngunit hindi niya ito pinilit dahil ayaw niyang ma-stress ito. Binalingan nalamang niya ang nobyo na kanina pang may kausap sa cellphone nito.

Nag-alala si Andy sa kalagayan ng kapatid ng nobya, kaya naman agad niyang tinawagan ang isang kilalang cardiologist sa Maynila para magtanong ng ilang bagay. Hindi siya nagkamali delikado ang lagay ng kapatid ni Jade, ngunit wala siya sa pusisyon upang pagsabihan ito. Nagdesisyon siyang kakausapin nalamang niya ang kasintahan kapag may pagkakataon na sila upang hindi iyon marinig ni Jodi.

Hindi nagtagal ay lumapit sa kanilang kinauupuan si Kristel.

"Jodi are you okay na?" sabi nito na agad umupo sa tabihan ng dalaga at kinuha ang dalawag kamay nito at hinimas himas.

"Y—Yes ate Kris I'm okay don't worry napagod lang ako." Pilit ang ngiti ni Jodi na ipinakita sa mga kasama dahil sa loob loob niya ay nararamdaman niya ang matinding takot at pag-aalala para sa sariling buhay.

"Jodi drink this." Sabay abot ni Andy ng isang piraso ng tablet at isang bote ng mineral water sa dalaga.

Tinanggap naman iyon ni Jodi at ininom, hindi na siya nagtanong pa kung para saan ang gamot alam naman niyang hindi siya pababayaan nito dahil mahal na mahal nito ang kapatid niya. Oo nakikita niya iyon at nararamdaman pero ayaw niyang tanggapin dahil lang sa tampo siya. Ngunit ang tampo na iyon ay unti unting naglahong parang bula. Mahal niya ang kapatid at masaya siya kung saan ito masaya. Kung ang lalaking ito ang isa sa makakapag pasaya rito ayaw niyang maging kontra bida sa pagmamahalan ng dalawa.

Lumunok siya ng ilang ulit bago nagsalita, "Ate sorry….. sorry kung hindi kita pinakinggan, sorry kung sumama ang loob ko sayo dahil sa pagiging makasarili ko---" tumigil siya at muling huminga ng malalim. "Ayokong pahirapan ka ate believe me, I love you and I'm happy dahil masaya ka na. s—sorry….sorry sa inyong dalawa ni K---kuya Andy." At hindi na niya napigilan pa ang luha na masaganang umaagos sakanyang mga mata at agad siyang niyakap ng kapatid niya upang aluin.

Humahagulhol sa pag-iyak si Jodi at kailangan siyang pakalmahin ni Jade kaya naman agad nitong niyakap ang kapatid at inalo.

"Kahit kailan ay hindi ako magagalit sayo bunso, alam mo naman na mahal n mahal kita at walang sinuman ang makakasira sa samahan nating dalawa. Kahit naman may boyfriend ako siyempre kayo parin ang priority ko, sorry din dahil hindi ko inisip ang mararamdaman mo. Nagmahal lang ako Jodi, at hindi ko napigilan iyon. Alam kong sa ngayon ay hindi mo ako maiintindihan pero balang araw pagdumating saiyo ang pagkakataong katulad nito, pangako susuportahan kita at hindi kita pipigilan dahil alam kong mahirap pigilan ang puso." Mahabang paliwanang niya sa kapatid kaya naman lalo itong yumakap ng napakahigpit sa kanya.

Nang kumalma na ito at inayos ang sarili ay dahan dahang tumayo at lumapit kay Andy.

Nagulat si Andy nang makita niyang papalapit sa kanya ang nakababatang kapatid ng nobya. Hindi rin niya maintindihan kung ano ba ang nararapat na gawin ngunit dahil na rin sa pananabik sa kapatid, ibinuka niya ang mga bisig at hinintay na lumapit ito.

Nag-aalin langan si Jodi kung tama ba ang gagawin, ngunit iniligtas nito ang buhay niya ngayon lang at gusto talaga niyang magpasalamat. Nang makita niya na ibinuka nito ang mga bisig ay agad siyang lumapit rito at niyakap ito.

"Sorry kuya….sorry kasi pinahirapan ko kayo ni ate at pinag-alala." Sabi ni Jodi habang nakakulong sa bisig ng nobyo ng kanyang kapatid. "thank you din ha, kasi kahit sinungitan kita eh niligtas mo pa rin ako kanina." Dagdag pa nito at naramdaman na lang ni Jodi ang paghawak ng binata sa kanyang mga braso at bahagyang inilayo siya sa katawan nito.

Nakangiti siya, "Jodi okay lang yun, naiintindihan ka naming dalawa ng ate mo, bata ka pa at marami kapang kailangan matutunan kaya dapat siguro kalimutan na lamang natin ang nangyari kahapon okay. Ang mahalaga ay yung ngayon, masaya tayo at sama sama." At mahigpit silang nagyakap na dalawa.

Walang paglagyan ng kaligayahan ang nararamdaman ni Jade, ang magkabati lamang sila ng kapatid ay masaya na siya, lalo na ng matanggap nito ang kaniyang nobyo. Masaya silang nagkuwentuhang apat sa ilalim ng puno at hindi nagtagal ay lumapit naman ang tatlong nakatatandang kasama nila.

"Mabuti naman at mukhang nagkasundo na kayong magkapatid." Bungad ni Papang Jhun sa kanila.

"Opo Papang ayos na ayos na sila kaya huwag na po kayong mag-alala ha, relax lang lagi." Sabi rito ni Kristel at agad lumapit kay Mamang.

"Mabuti pa ay tayo na munang magmirienda, inayos ko na iyong mga pagkaing dala natin doon sa isang malapad na bato, tara na at maya maya ay kailangan na rin nating bumaba dahil nakulimlim na." Pag-aanyaya sa kanila ni Nanay Jasmine na kinakawayan pa silang lahat.

Masaya silang nagsikain ng tinapay at pancit habhab na baon nila, halos naubos rin nila ang malamig na Buko Juice na baon nila. Hindi narin naman sila nagtagal ng sobra duon.

Matapos kumain ay nagkuhanan lamang sila ng litrato, nagkuwentuhan ng kaunti habang namamahinga at nagpapababa ng kinain. Kalaunan ay nagkayayaan na silang bumaba. Kapansin pansin ang maya't maya ay pagtingin ni Andy kay Jodi, pag may pagkakataong kumustahin ito ay nilalapitan niya ito at tinatanong kung ayos lang ba ang pakiramdam nito. Hanggang sa nakauwi na sila ng bahay at basta nalamang pabagsak na umupo sa lumang sopa.

"Mga anak napagod ba kayo?" tanong ni Nanay Jasmine sa apat na kabataang lupaypay sa pagkaka upo.

"Nay, tutulog po muna ako sa kwarto ko ha, gisingin nyo nalang po ako mamaya bago humapon." Paalam ni Jodi na dumiretso sa kanyang silid.

"Nay kami rin po, samahan muna naming si Jodi sa room niya para makapag bonding muna kami kahit papaano." Paalam ni Jade na hinila patayo si Kristel bago binalingan ang nobyo. "Ikaw gusto mo bang sumama?" tanong niya rito.

Gulat na gulat naman si Andy sa tanong ni Jade, at napasulyap siya ina nito.

Nakangiting ikinumpas ni Nanay Jasmine ang kanyang kamay, "Sige na magsama sama na muna kayo roon sa silid ni Bunso, mabuti siguro iyon para masmakilala ninyo ang isa't isa. Hala na sige na, pasok na roon at ng makapagpahinga kayo pare pareho." Taboy pa nito sa kanilang tatlo.

Nang makapasok sa silid ni Jodi ay ilang saglit na nanatili sina Kristel, Jade at Andy sa may pintuan nito. Nakadapa ang dalaga at parang natutulog na kaagad gayong kapapasok pa lamang halos nito. Agad nilang ikinandado ang pintuan at dahan dahang lumapit sa kamang kinahihigan nito.

Sinalat ni Jade ang noo at leeg nito, normal naman ang temperature nito. Ngunit nag-aalala sila dahil sa nangyari dito kanina. Nagdesisyon silang bantayan na lamang ang dalaga. Dahan dahang sumampa sa kama ni Jodi sina Kristel at Jade tinabihan ito sa pagtulog, samantalang si Andy naman ay inilapag sa lamesitang naroon ang kanyang bag. Tinanggal niya ang lock ng pintuan at saka siya humulig sa upuang naroroon din sa silid upang magpahinga.

Gulat na gulat si Jodi ng magising at maramdamang mayroon siyang katabi sa higaan. Dahan dahan siyang naupo at tiningnan kung sino iyon, napangiti naman siya ng makita sa kanyang kanan ang kaibigan ng ate niya at sa kaliwa naman ay ang ate Jade niya. Napasulyap siya sa tumba tumba niyang naroon sa may bintana at nakita niya ang tulog na tulog na si Andy.

Hindi niya maiwasang titigan ito, kahit halos dalawang dipa ang layo nito sa kanya ay makikita mo ang kagwapuhang taglay nito. Lihim siyang napa usal ng isang dasal. ' Lord sana kung magmamahal ako, yung katulad ni Kuya Andy, mabait, masipag, mapagmahal at higit sa lahat ay gwapo.' Napangiti siya sa naisip niya.

Nakita niya na gumalaw na mula sa kinauupuan si Andy, mukhang nagising na ito. Gayon din naman ang mga katabi unti unting kumikibo hanggang sa magsibangon at gumaya sa kanyang pagkakaupo. Inayos nila ang kanilang mga sarili saka nagsitawanan.

Malakas na tumawa si Kristel, "Ano bang nangyari? Nakatulog lang tayo eh para na tayong mga nahanginan ang utak ah…" sabi pa nito na lalong nakapagpatawa sakanila.

Tumayo naman si Andy at nagtungo sa Pintuan binuksan iyon ng maliit saka idinungaw ang ulo sa maliit na pagkakabukas nito, wala siyang nakita kahit isang babala na may tao sa labas kaya naman agad niyang isinara muli ang pinto at kinuha ang mga kagamitan bago lumapit sa kama ni Jodi.

"Let me check you." Sabi nito habang isinuot pa sa tainga ang stethoscope, sininyasan nito si Jade na alalayan ang kapatid. Agad namang sumunod ito. "Okay Jodi relax ha, inhale…exhale…inhale….exhale.." patuloy ang pakikinig nito habang nakalapat sa kanyan likod ang steth nito.

"Ano ba kasing nararamdaman mo Bunso? Lumalala naba ang lagay ng puso mo? Sabihin na kaya natin kay Nanay para naman alam natin ang gagawin.? Suhestiyon ni Jade dahil nag-aalala siya ng labis sa kapatid.

"Jodi…" tawag ni Andy sa pangalan niya, kaya naman agad niya itong nilingon. "Nagtanong tanong ako sa mga kakilala kong Cardiologist, kung gusto mo sumama ka muna sa amin pabalik sa Maynila, papatinggnan natin ang puso mo. Alam kong delikado ang lagay mo kaya…siguro dapat makinig ka sa amin, kahit ngayon lang dahil kung sasarilinin mo iyan ay maaari mo itong ikamatay."

"Please bunso makinig ka naman sa amin kahit ngayon lamang. Promise pagnakapag pacheck up kana at nalaman natin ang tunay na lagay mo, hahayaan na kitang magdesisyon para sa buhay mo." Malungkot nitong sabi sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Pag-iisipan ko ate, kuya. Sa ngayon pwede bang hayaan nyo muna akong mapag-isa gusto kong pag-isipan ang mga bagay bagay. Gusto kong makasigurado kung tama ang magiging desisyon ko. Mahal ko kayo nina Nanay, Mamang at Papang, ayaw kong , mawala sa mundo dahil alam kong malulukot kayo pero gusto ko munang masigurado kung kakayanin ko bang lumaban. Huwag kayong mag-alala pagnakapag desisyon na ako ay sasabihan ko kaagad kayong tatlo. Basta ba tutulungan ninyo akong mag-isip ng idadahilan kay Nanay." Nakangiti niyang pahayag sa tatlo na pawang nakatanghod sa kanyang harapan at naghihintay ng kanyang desisyon.

"Sige, iiwan ka muna namin para makapag-isip isip." Paalam naman ng ate niya na tinapik pa siya sa hita niya at hinalikan ang kanyang noo. Tinapaik naman siya sa balikat ni Andy at gayon din si Jade.

Nang makalabas na sa kanyang silid ang tatlo ay humarap siya sa bintana, tinanaw ang bundok na abot ng kanyang paningin. Naguguluhan siya sa ngayon ang alam lamang niya ay ang lumaban, ngunit paano siya lalaban gayong wala naman silang kakayanang lumaban. Milyon ang kailangan nila upang makapag paopera, ngunit paano? Wala silang ganoong kalaking halaga at ayaw na niyang bigyan ng alalahanin ang kanyang inang pinaka mamahal.

Patuloy siyang nag-isip hanggang sa nilubugan na siya ng araw sa kanyang pagkakatayo sa harap ng bintana.