"Apo, huwag ka ng lumuwas, dito kana matulog. Naayos na ni Jodi ang silid na maaari mong ukopahin, gabi na masyado at hindi naman kami matatahik kung alam naming na dis-oras na nang gabi ay nasa biyahe ka pa. Isa pa, diba nangako ako sa iyo kanina na ipapasyal ko kayo dito sa aming bayan." Pangungulit ni Papang Jhun kay Andy dahil halos alas nuebe na ng gabi ng magpaalam ito na luluwas na pa Maynila.
"Oo nga naman Hijo, abay nakakatakot na ang magbiyahe ng ganitong oras baka ikaw ay antukin lalo na at wala kang kasama pabalik." Segunda naman ni Mamang Zenny.
"EH---kasi po Pang, Mang nakakahiya po at hindi po magandang tingnan." Sagot naman ni Andy habang kinakamot ang kanyang batok.
Lahat sil ay nasa ibaba ng hagdan malapit sa sasakyan ni Andy, gusto naman talaga nitong mag-stay ang problema lamang ay nahihiya siya dahil nakikita niyang nagkakasira ang magkapatid dahil sa kanya.
Nakatanaw si Jodi sa labas ng bahay, nasa may punong hagdan siya at pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba na nagpapaalaman , nakukunsensiya naman siya dahil alam niyang napapasaya ng lalaki ang kanyang Papang at Mamang. Mahal na mahal niya ang ito dahil sila ang kaagapay ng kanyang Inay sa pagbuhay sa kanilang magkapatid.
Hindi siya nakatiis at bumaba siya sa may kakalhatian ng hagdan, naramdaman iyon ng mga nag-uusap at nilingon siya.
"Anak,magpapaalam na daw si Andy luluwas na siya pa Maynila at babalik nalamang sa susunod na linggo upang sunduin ang kapatid mo at si Kris."nakatingalang sabi nito kay Jodi.
"Ahmn. . .Jodi aalis na ako salamat ha at pasensiya na sa abala." Nahihiyang paalam nito sa dalaga.
"You can stay here as long as you want, just make sure that you don't enter my sister's room."
Mataray niyang sinabi at saka nagmamadaling tumalikod at umakyat sa silid niya. Naligo na siya at nagbihis ng pantulog. Dahil sa pagod rin sa trabaho kaya naman madali siyang nakatulog, hindi na niya inalam pa kung nag stay ba si Andy or lumuwas din.
Matapos umakyat ni Jodi at naghagikhikan ang matatanda.
"Aba ang taray naman ni Bunso!" sabi ni nanay Jasmine.
"Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaseryoso, umi- English pa ha, at hindi iyon bagay sa kanya." Sagot naman ni Papang Jhun na tumatawa pa.
"Hayaan na ninyo ang mahalaga ay siya na ang nagsabi na mag-stay ka dito. Hindi na galit yun tampo na lamang at kayang kaya na sa himas." Singit naman ni Mamang habang hinihimas ang braso ni Kristel na nakaalalay sa kanya.
"Stay here at least for tonight kung talagang nahihiya ka, para makapagpahinga ka na rin at bukas ka na magbiyahe." Mahinang sinabi ni Jade sa nobyo ngunit pakinig iyon ng lahat.
"Sa tingin mo ba okay lang talaga kay Jodi? Baka kasi lalo siyang magalit sa akin eh." Nag-aalinlangang tanong ni Andy.
"Okay lang iyon sa kanya promise, siya pa nga nag-ready ng room mo eh diba Nay?" --Jade
"Oo Andy, mabait si Jodi nabigla lang talaga iyon. Sige na bumalik na kayo sa itaas at ng makapagpahinga na tayong lahat maaga pa tayo bukas." –Nanay Jasmine
Napalingon namang muli si Jade sa ina, "Bakit po Nay saan po tayo pupunta?" tanong niya dito.
"May misa bukas sa Kamay ni Jesus at may Healing si Father Faller, gusto ko kayong isama roon para na rin makapasyal ang kaibigan mo at ang iyong nobyo." mababakas ang saya sa mukha ng kanyang ina habang sinasabi iyon.
Umakyat na silang lahat nagtungo sa kanya kanyang silid, sinunod nila ang payo ng nanay nina Jade at Jodi natulog sila ng maaga, dala narin ng pagod ay medaling nakatulog ang lahat.
Kinabukasan ay maagang nagising si Andy, dahil narinig niya ang tunog ng mga kaldero at nakaamoy siya ng bawang na niluluto. Agad siyang pumasok sa maliit na banyo na karugtong ng kanyang silid na inukopa, nagpalit siya ng jogging pants at sando na humapit sa malaki niyang katawan nagsuot na rin siya ng rubber shoes. Hindi siya sanay na hindi nag-eehersisyo sa umaga, kung sa condo ay may gym dito ay hindi niya alam kaya minabuti nalamang niyang mag jogging. Malamig ang klima rito kaya naman nagsuot siya ng jacket bago lumabas ng silid, at nakita niya si Jodi sa balkonahe nagbabasa ito ng libro habang nagkakape. Marahan niya itong pinagmasdan, magkahawig na magkahawig ang magkapatid mas maputi nga lamang ang kutis ni Jodi at mas mahaba ang makintab at maitim na buhok. Kung titingnan mo ang dalawa ay mapagkakamalan mo silang kambal. Mabait ang at maamo ang mukha ng kanyang nobya mukhang hindi ito marunong magalit samantalang ang kapatid nito ay parang may kakaiba kung tititigan mong mabuti may pagkamailap at mataray ang dating ng kilay nito.
Dahan dahan siyang lumapit rito, "Good morning Jodi, I just want to say thank you." Nakangiti niyang sinabi rito.
Kunot noo naman siyang tiningnan ng dalaga. "Thank you? For what?" nagtataka nitong tanong na hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa.
"For letting me stay, I know naman na mali yung binigla ka namin ng ate mo, but please trust me even you don't know me. I really love Jade but I don't want to ruin your relationship, wala akong kapatid kaya hindi ko alam kung paano magprotekta ng kapatid, pero nararamdaman ko at alam ko na kaya ka nagagalit dahil pinoprotektahan mo siya."
"Straight to the point, what do you want?" mataray niyang tanong dahil naiinis siya sa lalaki ayaw niya sa lahat ay iyong inaabala siya sa pagbabasa.
"Okay….please give me a chance. Handa akong ipakilala ang sarili ko sainyong lahat para lamang pagkatiwalaan ninyo ako." Lakas loob nitong sinabi sa dalaga.
"That's all?" balik tanong naman ng dalaga na ikinabigla ng lalaki.
"Y----yes!" nauutal pa nitong sagot
"Okay, so…. Kung wala ka nang sasabihin you can go na, there's a park for joggers. Bumilang ka ng tatlong kanto mula rito pakanan pwede ka na mag-jogging don." At saka niya muling ibinalik sa libro ang paningin.
"Thank you, Jodi." Nginitian nito ang dalaga kahit na alam niyang hindi ito nakatingin sa kanya.
After an hour ay bumalik rin si Andy, sabay sabay na silang kumain at nagtungo sa simbahan para mag-attend ng misa ni Father Faller. May dala pang baon ang kanyang Inay para daw pagdating nila sa itaas ay makapamahinga muna sila.
Kitang kita ni Jodi ang pag-alalay ni Andy kay Papang nila halos wala itong time para kay Jade dahil abala ito sa pakikipag kwentuhan lolohin nila. Yung kaibigan naman ng ate niya na si Kristel ay laging nakabantay sa Mamang nila at nagsilbing nurse pa habang paakyat dahil talagang hindi niya pinabayaan ang matanda, lagi niya itong pinagpapahinga at kinukunan ng Bloodpresure. Masaya si Jodi dahil napapasaya nila ang Papang at Mamang nila hindi lang yun dahil mukhang nag-eenjoy rin naman ang kanilang Inay kaya naman hindi nalamang siya kumikibo at hinayaan nalamang kung anong makapagpapasaya sa mga ito.
"Jodi are you okay?" Tanong ni Kristel sa kanya nang huminto sila sa isang parang waiting shade sa pinakataas ng kamay ni Jesus.
Ikinaway naman niya ang sariling kamay upang iparating dito na okay lamang siya. Tumalikod siya at lumakad sa kabilang side kung saan kakaunti ang tao at mayabong ang halaman doon siya nag- enhale, exhale dahil nakakaramdam siya nang pagbigat ng kanyang dibdib. Ayaw niyang sabihin sa kanyang ina dahil ayaw niya itong mag-alala. Dahan dahan niyang dinukot sa bag ang kanyang gamot ngunit nag-umpisa na siyang mag-alala ng hindi iyon makapa. Nitong huli ay malimit nanaman manakit ang kanyang dibdib kung kaya't pinilit niyang magtrabaho upang makabili ng mga gamot niya ng lingid sa kaalaman ng kanyang ina.
Kinalma niya ang sarili ng may maramdaman siyang lumapit sa may likuran niya.
"What are you feeling?" sabi ng baritonong boses sa likuran niya kaya naman agad siyang humarap dito.
"Huh? W—what do you mean?" pakunwaring tanong niya.
"You look pale, are you sick?" muling tanong ni Andy sa dalaga.
Kanina pa nila napapansin ang pamumutla nito ngunit di nila masyadong pinansin, ngunit nang makaakyat ay napansin ni Kris na parang nahihirapan itong huminga at agad itong ipinagbigay alam sa kapatid nitong si Jade. Nag-aalala naman ang kapatid nito kaya nakiusap kay Andy na kung maaaring tingnan ang kalagayan ng kapatid niya, hindi pa siya makalapit sa kapatid dahil sa tampuhan nilang dalawa. Hindi rin nila agad ipinagbigay alam sa dalawang matatanda at sa Inay nila dahil ayaw nilang mag-alala ang mga ito. Napagkasunduan nalamang ni Kristel at Jade na kailangan nilang aliwin ang matatanda upang hindi mapansin ang nangyayari.
"I'm okay, napagod lamang ako, sige na iwanan mo muna ako…gusto kong mapag-isa." Taboy niya rito ngunit biglang nananikip ang kanyang dibdib at napahawak roon dahil sa tindi ng sakit na naramdaman. Agad naman siyang dinaluhan ni Andy, may dinukot ito sa bulsa ng pantalon at huli na ng makita niya kung ano iyon. Parang may kausap ito sa kabilang linya kung kaya't nalaman niyang may tinawagan ito.
"Babe, Jodi is in danger. Please come here and bring my bag, I need to check her immediately." Nag-aalala ang boses nito.
"Okay na ako siguro kailangan ko lang ng pahinga. S—sige na puntahan mo na sila kaya ko na ang sarili ko." Pagsisinungaling niya ngunit hindi parin iyon pinaniwalaan ni Andy.
Doktor siya at alam niya kung masama ang pakiramdam nito o nagsisinungaling lamang. Sa nakikita niya ay may iniinda itong sakit, pinagpapawisan na ito ng butil butil sa noo. Namumutla na rin ito ngunit nagkukulay ube ang labi nito kaya naman agad tiningnan ni Andy ang mga kuko nito sa kamay at nagulat siya sa nakita nagmimistulang patay na kuko ang mga iyon dahil halos nangitim na.
"Jodi, do suffering from heart condi---" hindi niya natapos ang tanong ng bigla nalamang itong matumba sa mga bisig niya. "Hey! Jodi, wake up…." Nag-aalala siyang ginigising ito ngunit wala talaga itong malay.
Iyon ang tagpong inabutan ni Jade , kaya nagmamadali siyang lumapit sa nobyo at kapatid.
"Oh my God, Babe what's happened to her?" naiiyak na niyang tanong rito.
"Let me check her vital first, maupo ka sa likuran niya para maisandal ko siya sayo." Seryosong sabi nito kay Jade. Agad namang ginawa ng nobya.
Kahit saan magpunta si Andy ay dala niya ang kanyang mga kagamitan. At natakot siya ng mapakinggan na mahina ang heart beat ng dalaga. May ipinaamoy siya rito at di nagtagal ay nagkamalay narin ito, may kinuha siyang gamot sa kanyang medicine box at ibinigay rito upang inumin binigyan rin niya ito ng tubig. Nangangatal ito kung kaya't si Jade na ang naghawak ng bote ng mineral water.
"Ano ito?" mahinang tanong ni Jodi sa gamot na nasa kanyang palad.
"It's your medicine, you left it on my car nahulog mo siguro." Sagot ni Andy agad namang ininom ng dalaga ang gamot at ilang minuto lang medyo umaayos na ang pakiramdam niya.
Lihim siyang nag-usal ng dasal, pasasalat sa panginoon dahil okay na siya at hindi siya pinahirapan ng sobra. Hindi katulad nitong mga nakaraang araw.
Hindi niya pa alam kung paanong sasabihin sa Ina ang kanyang karamdaman at kung masabi man niya iyon alam niyang hindi nila kakayanin ang pagpapagamot, kaya naman nagdadasal nalamang siya na pahabain pa ang buhay niya.