Hindi mapigilan ni Jodi ang sumama ang loob sa kapatid, mahal niya ito at masaya siya para rito, lahat ng gusto nitong mangyari ay sinusuportahan nila. Ngunit ang malamang may nobyo na ito, iyon ang hindi niya matatanggap. Pagkat nagsumpaan sila na iiwasan muna ang magkaroon ng nobyo para matutukan ang kanilang pag-aaral at ng maiahon sa kahirapan ang kanilang Inay, Papang at Mamang. Kaya hindi niya lubusang maintindihan kung bakit umuwi ito ng may kasamang nobyo. Napaluha nalamang si Jodi sa sobrang inis, isinubsob niya ang sariling mukha sa unan.
"Nay, ano pong gagawin ko? Galit po si Jodi sa amin ni Andy." Nag-aalalang tanong ni Jade.
"Kaunting lambing at paliwanag lang siguro ang kailangan anak at mauunawaan ka rin ng kapatid mo. Alam mo naman na pagdating sa pangako gusto niya ay tutuparin iyon. Sige na pumasok ka muna sa silid at mag-usap kayo ng mahinahon, ayoko ng nagkakatampuhan kayong magkapatid kaya't habang maaga ay ayusin ninyo na ang tampuhan ninyo." Pangaral naman ni Nanay Jasmine.
"Sorry babe, nagkakatampuhan pa kayo ng sister mo dahil sa'kin." Singit naman ni Andy na bahagya pang hinimas sa likuran ang nobya upang palakasin ang loob nito.
"Hwag kayong mag-alala maaayos din ang lahat, at Andy anak pagpasensiyahan mo na ang aking bunso ha. Mabait yun pero may pagkamataray lang talaga." Dagdag ni nanay Jasmine na natatawa pa.
Dahan dahang pumasok si Jade sa silid ng kapatid at saka naupo sa tabi ng kama.
"Alam kong gising ka Bunso, hayaan mo naman muna sana akong magpaliwanag. Alam kong may pangako ako, kaya nga kami umuwi dito para personal na humingi ng sorry sa'yo."
Bumangon si Jodi at pinagmasdan ang kapatid na nakaupo sa kanyang tabihan at tahimik na lumuluha.
"Ate, alam mo naman na ayaw ko sa lahat ay iyong hindi tumutupad sa pangako diba? Papaano na ngayon? Basta ganyan nalang, dahil may boyfriend ka na uuwi ka para lang magsorry. Ate sinira mo ang pangako mo at hindi lang yon sinira mo rin ang tiwala ko sayo." Umiiyak siyang lumabas ng silid at patakbong bumaba ng bahay para pumunta sa hardin sa kanilang likuran. Doon ay naupo siya sa duyan at tahimik na lumuha.
Lumabas ng silid si Jade at patakbong yumakap sa kanyang ina, masamang masama ang loob niya dahil hindi manlamang siya binigyan ng kapatid ng pagkakataong magpaliwanag at agad siyang tinalikuran.
"Nay, ayaw nya akong pakinggan hindi niya tinatanggap ang paghingi ko ng paumanhin at alam kong hindi rin niya matatanggap na kami na ni Andy." Parang batang sumbong niya sa kanyang ina.
Himashimas ni Nanay Jasmine ang likuran ng anak na panganay habang patuloy sa pag-iyak. Nang maramdaman niya itong kalmado na ay pinaupo niya sa sopa, kumuha naman si Andy ng tubig at agad itong pinainiom saka naupo sa tabi nito upang suportahan ang nobya.
"Jade anak, kung si Jodi ba ang gumawa ng ginawa mo sa kanya hindi ka ba magagalit? Sigurado ako sasabog ang bulking Pinatubo sag alit mo lalo na at ikaw ang ate." Biro ng kanyang ina, "Alam kong mahirap pero kailangang tanggapin mo rin ang galit ng iyong kapatid, sumira ka sa pangako mo hindi lamang sa akin kung hindi sa aming lahat. Mahal na mahal ka ng kapatid mo kaya ganon nalamang ang kanyang tampo, hayaan mo na muna siguro siya na mailabas ang sama ng kanyang loob, pasasaan ba at maaayos ninyo din ang lahat ng ito. Ipakita at iparamdam mo lamang sa kanya ang iyong lubusang pagsisisi at paghingi ng tawad." Mahabang paliwanag at payo ng ina sa kanya.
Bumaba naman si Nanay Jasmine upang hanapin at kausapin ang anak na bunso, ayaw niya ng nagkakagalit ang dalawang ito simula bata ay hindi niya nakitang mag-away ang mga ito, nagkakatampuhan ngunit agad na susolusyunan. Nakaupo sa duyan ang bunso niya ng kanyang makita sa likurang bahagi ng karinderya nila sa silong, may maliit silang hardin doon na ang magkapatid ang gumawa at nagpaganda noong maliliit pa sila hanggang sa magsilali na ay patuloy nilang ilagaan kaya't eto kaygandang pagmasdan ng mga halamang namumulaklak.
Dadahan dahang nilapitan niya ang anak, "Bunso, maari kabang makausap ng nanay?" tanong niya sa kanyang anak.
Marahang tumango si Jodi at pasimpleng pinahiran ang kanyang mga mata na kanina pa walang patid sa pagluha. Naramdaman niya ang marahang pag-upo ng kanyang nanay sa maliit na upuan.
"Nay kung kakausapin nyo lamang po ako para kay Ate eh hwag nyo nap o ituloy. Masama po ang loob ko sa kanya at sa lalaking iyon ayaw ko po munang pag-usapan sila, hindi ko po maintindihan kung bakit nagawa ni Ate na ipagpalit tayo sa taga Maynila na iyon." Pagalit niyang sabi sa ina.
"Hindi ko hihingin na patawarin mo sila at tanggapin, ang tanging hihingin ko sa iyo ay ang magpakatao. Anak hindi ko kayo pinalaki para maging bastos, matutuwa kaba kung ginawa saiyo ng ate mo ang ginawa mo sa kanya?" tanong nito sa anak.
"Wala po akong ginagawa Nay." Sagot naman niya sa kanyang ina.
"Jodi ipinahiya mo ang kapatid mo sa harap ng ibang tao at ang masakit pa doon ay sa harapan ng kanyang nobyo. Sukdol hanggang langit ang papuri saiyo ng kapatid mo sa harapan ni Andy, pero ngayon dahil sa ipinakita mong pagkawalang galang eh para mo nang sinabi na sinungaling ang kaptid mo." Malumanay na paliwanang ng ina sa kanya at para siyang sinampal ng katutohanan na naging bastos siya sa harapan ng ibang tao.
"Sorry po Nay, hindi ko lang po talaga napigilan yung galit ko. Nakakasama naman po kasi talaga ng loob yung ginawa ni ate eh." Para naman siyang nahimasmasan. "Sisikapin ko pong pakiharapan sila ng maayos, pero sana po ay huwag ninyo akong pilitin na patawarin sila dahil hindi ko pa po kayang ibigay yun." Sabi niya sa mababang tinig.
Tumayo naman ang kanyang ina sa kanyang harapan. "Tara na gumagabi na, tulungan mo nalamang akong magluto ng panghapunan para sa mga bisita natin." Hinila niya ang kamay ng anak at saka binigyan ito ng mahigpit na yakap. "Darating ang panahon na iibig ka rin anak, at alam kong hindi mo rin mapipigilan ang iyong damdamin kahit na tumutol pa kaming lahat." Nakangiti nitong sinabi sa anak.
"Nay naman eh sumpa bay an? Hindi ako iibig Nay, kung magmamahal man ako sisiguraduhin kong siya na ang una at huling lalaking iibigin ko." Mayabang niyang sinabi sa kanyang ina.
"Tingnan natin anak, ngunit sa ngayon ay huwag kang mgsalita ng tapos dahil hindi mo naman hawak ang kapalaran. Tara na sa itaas at ibaba mo yang kilay mo."
Umakyat silang magkasama ng ina, nakita nila ang magnobyo sa pag-akyat nila. Nakasaldal ang ulo ng kapatid sa balikat ng lalaki at tila ba umiiyak dahil bahagya pang yumuyugyog ang balikat nito. Hindi niya nalamang ito pinansin at binalingan ang ina.
"Inay, magpapalit lamang po ako ng damit at susunod nap o ako sa kusina." Paalam niya, ngunit bago tumalikod ay nakita pa niyang tumingin sa kanya si Jade at ang kasintahan nito. Nagkunwari nalamang siyang hindi niya iyon napansin.
Bumaba muna sina Andy, Jade, Kristel at Mamang upang tumulong sa karinderya. Si nanay Jasmine naman at Jodi ang magkatulong na nagluto ng panghapunan. May mga natira pa nuong tanghali na iniinit nalamang nila kung kaya naman simpleng gulay na lamang at isda ang kanilang niluto.
Inayos rin nila ang silid ng kanyang ate at pinagpapalitan ang mga punda at betsheet, kasama nito sa silid ang kaibigan na doon matutulog, magkatulong rin nilang inayos ang isang maliit na bakanteng silid na inilaan nila para sa Nobyo ng kanyang kapatid. Sabi ng kanyang ina ay luluwas ito pabalik ng Maynila ngayong gabi, ngunit mabuti na iyong ipaghanda ng matutulugan dahil ayaw pumayag ng kanyang Papang na pauwiin ito ngayong gabi. Di umano ay nais niya pa itong lubusang makilala at makilatis kung dapat pagkatiwalaan para sa kanyang kapatid.
Alas sais y medya na ng gabi, oras na para maghapunan magkatulong silang naghayin ng kaniyang ina. Ang litsong baboy ay ginawa nilang litsong kawali ang litsong manok naman ay iniinit lamang nila sa maliit nilang pugon. Nagluto ng ginataang puso ng saging at piniritong tilapia ang kanyang inay. Inihain nila ang lahat ng iyon sa mahabang mesa sa kusina, ginayat at inihain din ng kanyang ina ang malaki at mapulang pakwan na dala ng kanyang kapatid. Naglabas din siya ng saging sa mesa.
Di' nagtagal ay naramdaman nila ang sunod sunod na mga yabag at nagtatawanan pa mula sa ibaba paakyat sa kanilang bahay. Lumabas ng kusina ang kanyang inay para tawagin ang mga iyon upang dumulog sa hapagkainan.
"mabuti naman at umakyat na kayong lahat, sarado nap o bas a silong Papang?" tanong ni nanay Jasmine sa kanyang ama.
"Oo anak said ang paninda walang natira, aba ay kadaming nagsibili naubusan pa ang iba. Nabalita raw na may magaganda at gwapong doctor na nagsisilbi rito." Masayang balita ng kanyang ama.
"Mabuti naman kung ganon, hala magsipag hugas na kayo ng inyong kamay at naghain na kami ni Jodi ng hapunan. Lalamig iyon at masamang pinaghihintay ang grasya." Nakangiting wika pa nito.
Halos sabay sabay na silang pumasok sa kusina para magsipag hugas ng kamay, agad namang naupo si Jodi,sinadya niyang hindi umupo sa dati niyang puwesto. Dahil kung uupo siya doon ay makakatabi niya ang kapatid at hindi niya gusto iyon.
Napatingin si Jade sa kapatid at nalungkot ng makitang malayo at taliwas sa dati nilang inuupuan ito tumayo, marahil ay ayw pa nitong makatabi siya kung kaya naman hinayaan nalamang niya.
Bigla namang nanahimik ang lahat, tila ba nagpapakiramdaman at naiilang sa isa't isa. Binasag g kanilang Mamang ang katahimikan.
"Bakit nakatayo lamang kayo riyan mga apo, aba'y maupo na kayo ng makapagdasal na tayo at ng masimulan na nating kumain." Sabi ni Mamang Zenny, agad namang tumalima ang lahat.
Matapos manalangin ay ipinakilala ni Nanay Jasmine kay Jade ang mga bisita.
"Jade anak, siya nga pala si Nurse Kristel ang matalik na kaibigan ng iyong kapatid sa Maynila. Siya rin yung laging tumutulong sa ate mo sa lahat ng pangangailangan niya.
Inilahad naman agad ni Kristel ang kanyang kamay kay Jodi. "Hi Jodi, totoo nga ang kwento ng ate mo mas maganda at mas sexy ka kesa sa kanya. By the way you can call me ate Kris if it is okay with you or if you are not comfortable….pwede ring Kris nalang." Pagpapakilala nito sa sarili.
"Ate Kris is okay for me, nice to meet you and feel at home." Bahagyang nginitian pa ni Jodi ang dalagang kaharap.
Muli namang nagsalita ang kanyang ina. "Ito naman si Dr. Andy Lee Yhang, pinsan at kababata ni Nurse Kristel, ang kasintahan ng kapatid mo." Pakilala ng Nanay niya.
Nag-aalinlangang inilahad ni Andy ang kanyang kamay sa bunsong kapatid ni Jade.
Kinakabahan naman si Jade at lihim na nanalangin na sana ay tanggapin ni Jodi ang pakikipag kamay ng nobyo. Nakahinga lamang siya ng abutin iyon ng dalaga.
Matamang pinakatitigan ni Jodi ang kamay ng lalaking inibig ng kanyang kapatid, ayaw naman niyang maging bastos kaya naman kahit walang imik ay tinanggap niya ang kamay nito at bahagyang nginitian. Kumain na silang lahat ngunit mapapansin ang katahimikan nina Andy, Jade at Jodi. Tanging si Kristel at ang matatanda ang nagkukuwentuhan, mababakas naman ang kasiyahan ng matatanda dahil naaliw sila sa dalagang kaibigan ng kapatid niya.