Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 15 - Chapter 13

Chapter 15 - Chapter 13

Nagpatulong na si Andy kay Kristel sa pagkuha ng mga pagkain na pinamili nila sa sasakyan, paakyat na sana sila ng hagdan ng marinig ang sigaw mula sa itaas ng bahay. Nagkatinginan sina Kris at Andy saka nagmamadaling umakyat sa kabahayan.

Pagkapasok nila ng kabahayan ay sinalubong sila ng mapanuring tingin ng ina, lola at lolo ni Jade. Kinabahan si Andy ngunit nakabawi din naman kaagad.

Kinakabahan man ito ay pinilit paring magtanong.

"W—what's happened?"

Nakakunot ang noong nilapitan ni Papang Jhun si Andy at inakbayan. "Apo halika sa silong meron lang tayong pag-uusapan sandali." tanong nito sa mababang tinig.

"Opo! Sige po ibaba ko lang po ang mga ito." Magalang na tugon ni Andy. "Saan ko po ba ito maaaring Ilagay?" tukoy niya sa mga pagkaing daladala.

Tumayo naman si Nanay Jasmine at agad inabot ang mga dala ng binata.

"Ako nang bahala rito anak, sige na sumunod kana sa iyong Papang sa silong."

Nakangiti namang inginuso pa ng nanay ni Jade ang labas ng bahay habang kinukuha sa kamay ng binata ang mga daladalahan nito.

Sumunod sa silong si Andy at agad hinanap ng kanyang mga mata ang matandang lolo ni Jade, hindi naman siya nabigo dahil agad niya itong nakita sa di kalayuan habang nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy.

Nahagip ng paningin ni lolo Jhun ang matikas at magandang binata na palingon lingon, sinadya niyang hindi ito tawagin upang ito mismo ang maghanap sa kanya. Ilang saglit pa at nakita na siya nito, dahan dahan itong lumapit sa kanyang kinaroroonan.

"Apo!" pinagpag niya ng bahagya ang upuan sinayales na pinauupo niya ang binata doon.

Dahandahang naupo si Andy sa tabi ni Papang Jhun, narinig niyang tumikhim ang matanda kaya naman agad niya itong tiningnan.

"Apo, mabuting tao ang tingin ko saiyo at gusto ko lamang sabihin sa iyo na wala kaming pagtutol sa kung sinong iibigin ng aming dalaga. Ako na ang nagpalaki sa kanya at ako rin ang kinilala niyang ama, kaya naman nais ko siyang ihabilin sa iyo. Sana pakababantayan mo ang apo kong si Jade at naway hwag mo siyang iiwan na lamang basta basta,. mahal na mahal ko ang magkapatid na iyan, kaya naman ayoko kong maging hadlang sa ano pa mang makapagpapaligaya sa apo namin." mahabang salaysay ni Papang Jhun.

Ngumiti ng pagkalapad lapad si Andy sa matanda at dahil sa sayang naramdaman ay nayakap nito ang lolo ni Jade. "Maraming salamat po P—papang. Isinusumpa ko po sa inyo na hinding hindi ako gagawa ng kahit anong makasisira sa relasyon naming dalawa at hinding hindi ko po siya sasaktan."

Tumayo silang dalawa at magkaakbay na umakyat sa itaas. "Ihanda mo ang sarili mo may dalawa ka pang kailangang harapin sa itaas at hindi kita kayang tulungan doon." Saka tumawa ng tila nang-aasar si lolo Jhun.

"Anong dami naman ng mga pagkaing ito?" Bulalas ni Mamang ng maghayin sa hapagkainan sina Jade at si Nanay Jasmine.

"Si Doc Andy po lahat ang namili niyan mamang." Nahihiyang sabi rito ni Jade.

"At napakarami pa po sa sasakyan niya sa baba. Halos bilhin na nga po niya lahat yung paninda sa palengke kanina kaya po inawat ko na." singit naman ng madaldal na si Kristel sabay kindat sa kaibigan.

Napalingon naman ang lahat ng nagtatawanang umakyat sina Papang Jhun at Andy.

"Mukhang nagkausap na kayong dalawa ng maayos at napakasaya ninyo ha…" puna naman ni Mamang Zenny.

"okay pumili ng nobyo itong si Anna Jade, aba! Ay kagaling mag-Joke paniguradong matatalo ko na si Lino bukas." Kwento naman ni Papang habang sige ang tawa.

"Mabuti pa'y magsipag hinaw na kayo ng mga kamay ninyo ng makakain na tayo at mag-aalas dose na ng tanghali." sinita naman ni nanay Jasmine ang amang walang tigil sa kakatawa.

Masayang kumain ang lahat maging si Lino at Chona ay hinatiran ng pagkain ni Papang sa silong, para naman daw makatikim ng ibang putahe. Busog na busog sila sa dami ng pagkaing nakahayin ay tinalo pa nila ang may pahanda. Naiwang nagliligpit ng pinagkainan ang mag-ina habang si Kristel naman ay kakwentuhan ni Mamang Zenny sa balkonahe, at kasama namang muli ni Papang si Andy sa silong. Nagboluntaryo kasi itong tutulongan sina Lino sa pagsisilbi sa karinderya na siya namang naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao upang kumain at magpa kuha ng litrato sa binatang taga Maynila.

Kinakabahan si Jade ng marinig ang pagtawag ng kanyang ina.

"Jade! Halika sa kusina samahan mo akong maghugas ng mga kinainan natin." Pag-aaya nito sa anak.

Ramdam na agad ni Jade na nanis siyang kausapin ng kanyang ina. "Inay galit po ba kayo sa akin?" tanong niya rito.

"Hindi anak, sa totoo lang napakasaya ko para sainyong dalawa ng taga Maynilang iyon. Pero sana anak huwag kang matulad sa ibang babae na maagang nag-asawa dahil buntis na. ang gusto ko lamang ay makatapos ka muna at makasal sa lalaking mahal mo. Anak ayokong magaya ka sa'kin, nakita mo naman siguro kung gaano kahirap ang pinagdaanan nating lahat dahil iniwan tayo ng inyong ama. Kaya sana anak kaunting ingat ha…" paalaala nito sa anak na sige lang sa paghuhugas ng pinggan.

"Maraming salamat po Nay, mahal na mahal ko po kayo at pangako ko po sa inyo iingatan ko ang sarili ko at higit sa lahat iingatan ko ang tiwala ninyo, upang hindi ito mawala." Nakangiti niyang tugon sa kanyang Ina. "Maiba po ako Inay anong oras darating si Bunso?"

"Mga alas tres siguro ay nadiyan na siya, hindi papigil kanina eh talagang pumasok parin sa bagong bukas na bilihan ng cellphone sa bayan."

"Hindi po ba iyon magiing delikado para sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Jade sa ina.

"Sabi niya ay mag-iipon lamang siya ng pambili ng cellphone at titigil na siya sa pagtatrabaho,

kailangan din kasi ng kapatid mo dahil nasira na ng tuluyan yung ginagamit niyang lumang cellphone." Paliwanag ng kanyang ina.

Lihim namang napangiti si Andy sa narinig. Lingid sa kaalaman nina nanay Jasmine at Jade na may nakikiinig sa kanilang usapan. Umakyat si Andy upang sana ay i-charge ang kanyang cellphone dahil na lowbat na ito.

"Babe? Kanina ka pa ba diyan, bakit umakyat ka na? napagod ka na ano?" sunod sunod na tanong ni Jade.

"Ah, hindi na-lowbat lang ako at icha-charge ko lamang muna sana itong cellphone ko." Paliwanag nito sa nobya, agad namang lumapit si Jade at kinuha ang cellphone niya.

"Sige na, ako na ang bahala dito. Masmabuti kung babalikan mo na ang Papang." Taboy rito ni Jade at nanonood naman ang kanyang inay sa kanilang dalawa.

Napapailing na lumapit si Nanay Jasmine sa kanilang dalawa. "Anak bakit hindi mo muna pagpahingahin ang kaibigan mo at ang iyong nobyo. Malayo rin ang pinanggalingan ninyo , kaya alam kong pagod rin kayo. Siya nga pala anong oras ba kayo luluwas?"

Biglang tanong nito at nagkatinginan ang magkasitahan bago sumagot. "Nay, ipagpapaalam ko po muna si Kristel kung pwedeng dumito muna siya sa atin ng dalawang linggo napagkasunduan po kasi namin na dito magbakasyon ngayong sembreak. Si Andy nalang po yung luluwas mamayang gabi."

"Naku talaga ba bakasyon ninyo? Matutuwa si Jodi pagnalamang nadito ka anak." Halos napatalon pang wika ng kanyang inay, bakas ang labis na kasiyahan na mukha nito at ganun narin ang pagka-miss sa kanyang panganay.

"Actually, hindi pa ako uuwi babe, titingin nalang siguro ako ng hotel sa bayan para doon mag-stay. Mukha kasing masaya rito sa inyo at sayang naman kung hindi ko yun mararanasan. Sabi rin ni Papang na ipapasyal niya tayo bukas at sasamahang umakyat sa kamay ni Jesus para naman daw ma-experience namin ni Kris." Mahabang litanya naman ni Andy sa kasintahan kaya naman natawa nalamang ang dalaga dahil alam nitong desidido na siya.

"Nay! Nay! Kaninong--------- Ate!!! Ate Jade!!! Ate ko!..." malakas na boses ni Jodi ang pumukaw sa kanilang usapang tatlo maging ang kaibigan ni Jade na si Kristel at si Mamang ay napatakbo sa kusina.

Nakapamaywang na binulyawan ni Mamang si Jodi Ann, "hesusmaryosep kayong mga bata kaya yang mga bibig ninyo bubusalan ko ng matahimik!!!" At saka ito muling bumalik sa beranda, pangiti ngiti namang sumunod dito si Kristel.

Pagbaba palamang ni Jodi ng tricycle ay agad niyang napansin ang magarang sasakyan na nakaparada sa unahan ng bahay nila kaya agad siyang umakyat para sana ay magtanong sa kanyang ina ngunit laking gulat niya ng makita ang kapatid at ang isang lalaki na tindigan palang alam mo ng mayaman.

Agad niyang tinawag ang kanyang Ina, "Nay! Nay!" sigaw niya. " Kaninong--------- Ate!!! Ate Jade!!! Ate ko!..." hindi na niya naituloy pa ang tanong sapagkat na pa sigaw na siya at tila ba di makapaniwala na makita ang kanyang kapatid.

"Bunso kumusta ka na? bakit nagtatrabaho ka raw sabi ni Nanay?" agarang bungad ni Jade,na nakataas pa ang kilay upang ipakita ang pagkaistriktang kapatid niya.

"Mamaya na natin pag-usapan ate please, by the way my dear sister kaninong sasakyan ang nasa labas?" mataray din nitong buwelta sa kapatid.

"Ah---Jodi, si Dr. Andy Lee Yhang kasamahan ko sa pinapasukan naming ospital. At---- at gusting malaman mo na Boyfriend ko siya." Naiilang na pakilala ni Jade sa nobyo.

"Ano? Nobyo? Nahihibang ka na ba ate?" tanong nito sa kapatid. "Nay! Alam nyo na po ba ito?" at saka binalingan ang ina na nakamasid lamang sa kanila.

Marahang tumango naman si Nanay Jasmine, "Oo anak, alam ko at nagpaalam narin siya sa Papang at Mamang mo. Mabait namang bata itong Andy kaya nasisigurado kong di niya pababayaan ang ate mo."

"Pumayag kayo ng basta ganon ganon nalang Nay!" muling tanong nito sa ina. "Ate nasan na yung pangako mo na hindika muna magnonobyo hanggat di nakakatapos. Nangako ka diba? Pero di ka marunong tumapad!" at agad na itong tumakbo pababa ng bahay na umiiyak.

Naiwang tulala at walang masabi sina Jade at Andy, hindi nila inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng kapatid ni Jade.