Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 14 - Chapter 12

Chapter 14 - Chapter 12

"Oh My God Bff!..... Nakakatuwa naman dito sa inyo, grabe ang cute ng mga tinda nila!" bulalas ni Kristel habang nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan at parang bata na lingon dito, lingon duon.

Tumatawa namang pinagsabihan siya ni Jade. "Kris para kang bata eh, ipasok mo nga yang ulo mo baka mahagip yan ng sasakyan lagot ka."

"Nakakatuwa lang kasi talaga dito sa inyo ang kukulay ng paligid parang fiesta." Nanunulis ang ngusong sabi pa nito, habang ipinapasok na ang sariling ulo at umaayos ng upo sa back seat.

"I told you babe, sakit sa ulo si Kris. Bakit kasi isinama pa natin yan eh di sana nakakatulog ka sa biyahe you look tired." Nakangiting singit naman ni Andy sa pag-uusap nung dalawa.

Lalo namang humaba nguso ni Kristel sa narinig niya. "Nakakainis ka alam mo yun! Panira ka ng excitement eh." Mataray nitong sigaw kay Andy.

Naiirita naman at pigil ni Andy ang sariling boses. "Your voice please Kris! Your so loud! Magkakatabi lang tayo at hindi mo kailangang sumigaw, paano pagdating natin kina Jade ha?" pagalit nitong tanong.

"Anong paano? Eh di syempre behave naman muna ako ayokong masira yung moment nyo, at isa pa gusto ko makita at marinig kung paano kayo gigisahin ng family ni Bff especially you hahaha!" tumatawang sagot nito halata ang pang-aasar sa binata.

Namagitan naman si Jade dahil halata niya na nagkakainitan na ang dalawa. "Tama na nga yan malapit na tayo sa amin sa kabilang bayan lang kami, Tayabas Quezon na ito." Sabi niya at saka binalingan ang nobyo. "Babe pwede bang ipasok mo sa bayan ang sasakyan may bibilhin lang ako."

"Okay babe, turo mo nalang yung way." Malambing nitong tugon.

Nakarating sila sa bayan ng Tayabas Quezon, makalampas ng dalawang kanto mula sa pamilihang bayan ay pinahinto ni Jade ang sasakyan upang bumaba. Hindi naman pumayag ang dalawa na maiwan sa sasakyan kung kaya't naghanap sila ng magandang parking upang di makasagabal sa kalsada.

"Bilisan ninyong dalawa, mabuti na yung mauna tayo para mainit init pa ang budin!" malalaki ang hakbang ni Jade habang sige ang pagsasalita. "Ito ang kalye budin kung saan makakabili ka ng mga bagong lutong budin or cassava cake. Marami silang paninda rito, may nilupak na balinghoy, mirengue, shing-aling at chicharon. Tara bilis dito tayo!"

"Careful babe, marami tayong oras huwag kang magmadali." Hinila ni Andy ang kamay ng dalaga kaya bumangga ito sa matipuno niyang katawan.

Para namang nakuryente si Jade ng maramdaman ang katawan ng nobyo , agad itong natahimik at namula ng husto ang mukha. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ng dalawang kasama niya.

"OMG! Bff simpleng hawak sa kamay lang yan nag blush ka na, what if halikan ka pa ni Andy baka himatayin ka ha." Biro ng kaibigan at hindi nalamang siya nagsalita dahil ayaw niyang pag-usapan iyon, buti nalamang at lumabas ang tinder sa loob ng tindahan at tinanong sila kung ano ang kanilang bibilhin.

Marami silang pinamili at lahat yun ay si Andy ang nagbayad hindi ito pumayag na si Jade ang magbabayad nuon, sumaglit rin sila sa palengke na malapit lamang sa binilhan nila ng mga kakanin. Namili sila ng mga prutas at kung ano ano pang maaaring kainin pag-uwi. Dahil nga surpresa ang kanilang pagdating, natitiyak ni Jade na hindi nakapaghanda ang kanyang ina.

Nagyaya ring bumili ng litsong manok si Andy, at nagulat ang dalawang babae ng bumili agad ito ng lima.

"B—bakit naman ang dami niyan babe?" tanong ni Jade

"Para hindi na mahirapan sina Nanay magluto pagdating natin ayokong ma-stress sila dahil lang nabigla sila sa pag-uwi mo at may bitbit kapang dalawa diba." Natatawa nitong paliwanag kay Jade.

"Pero babe, may dala tayong litson baboy diba?"

"It's okay babe, minsan lang naman ito eh. Pa'no wala naba tayong bibilhin para maka alis na tayo malapit ng mag alas dies." Dagdag pa nito.

"Sige tara na Bff at baka' mapakyaw pa ng boyfriend mo yung mga tinda dito sa palengke." Maarteng singit ni Kristel sa kanilang pag-uusap, kaya naman lumakad na sila at iniwan nila ito na nagmamaktol. Para itong bata na sige sa pagdadabog dahil nabibigatan sa dami ng kanilang pinamili. Pana'y ang reklamo nito gayong iilan lamang ang dala nito at masmarami pang dala ang magkasintahan kesa kanya.

Mabilis silang nakarating sa lugar nina Jade agad napangiti ang dalaga ng makita ang arko na may nakasulat na Brgy. 1 Poblacion Lucban Quezon. Malakas ang kaba ng kanyang dibdib, hindi niya malaman ang nararamdaman at lalong di niya alam kung papaano sila pagdating nila sa kanila. Alam niyang tatanggapin sila ng kanyang pamilya ang hindi niya alam eh kung matatanggap ng mga ito na may boyfriend siyang iniuwe. Ayaw na rin naman niyang magsinungaling pa at unfair din naman kay Andy, dahil ipinakilala na siya nito sa lolo nito nasabi na rin ng binata sa mga magulang nito ang tungkol sa kanila. Hindi lamang natuloy ang paghaharap nila dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga ito sa China kaya nagmamadaling lumipad pabalik sa banyagang lugar.

Pumarada sila sa tapat ng isang may kalumaang bahay, malaki iyon at mababakas ang pagkasinauna. May tindahan sa ibaba at agad mong makikita ang mangilan ngilang customer na kumakain. Hindi kaagad makababa ang mga panauhin pagkat pareparehong humuhugot ng lakas ng loob.

Agad namang napansin ni Lino ang sasakyang pumarada sa harapan ng karinderya.

"Aba! Lola Panang mukhang may bigatin tayong customer o ang gara ng sasakyan."

"Oo nga ano! Hala bilisan mo at punasan ang isang lamesa sa loob." At itinulak pa nito ng bahagya si Lino ngunit di inaalis ang tingin sa sasakyang nakaparada.

Nakita na ni Jade ang kanyang lolo papang at pinsang si Lino kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang magdesisyon ng madalian.

Nagbuntong hininga muna si Jade bago nito binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba.

Agad dumapo ang kanyang paningin sa lolo niya na halos malaglag ang panga na naka tingin sa kanyang mukha. Halos anim nab wan niyang hindi ito nakita mula ng umalis siya rito puro boses lamang ang naririnig niya. Agad nangilid ang kanyang luha at sinugod ng yakap ang matandang tila itinulos sa kinatatayuan habang pinapanuod ang tumatakbong papapalpit na apo. Bumaba narin ng sasakyan sina Andy at Kristel. At nakamasid lamang sa maglolo.

"Apo? Apo ko! Sus maryosep bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka para naman napaghandaan naming ang iyong pagdating." Maligayang maligaya ang matanda makikita iyon sa kanyang kulubot na mukha. At mararamdaman sa higpit ng yakap nito. Walang patid naman ang luha ni Jade habang mahigpit na yakap yakap ng kanyang lolo.

"Gusto ko po kayong surpresahin Papang." Iniangat ng dalaga ang kanyang mukha mula sa pagkakahilig sa dibdib ng butihing lolo.

"Oo apo ko, lubusan akong nabigla sa iyong pag-uwi."

"Papang may mga kasama nga po pala ako." Agad na sabi niya sa matanda. "Sina Nurse Kristel po matalik kong kaibigan at di Dr. Andy po ang bo-----" hindi pinatapos ng kanyang lolo ang sasabihin niya dahil agad silang niyakag sa itaas kung saan sila nakatira.

"Teka teka! Mabuti pa ay sa taas na tayo magkilanlanan mga apo, hala akyat na akyat na. Jade isama mo muna sila ha, naroon sa itaas ang Inay mo tatawagin ko lamang sa kusina ang iyong mamang at bibilinan ko si Lino susunod na kami sige na apo akyat na kayo hala akyat." Taboy nito sa kanila na parang mga bata, bahagya pa nitong itinulak si Jade pa punta sa hagdanan nila.

Gaya ng utos ng kanyang lolo umakyat ang tatlo sa pangunguna ni Jade para namang nakakita ng multo ang kanyang ina na nabitawan pa ang hawak na mga damit na tinupi.

"Inay!" sigaw ni Jade at agad na sinugod ng yakap ang kanyang ina na halos matumba sa kinatatayuan.

"Anak! Aba anak ikaw nga" nabiglang sigaw rin ng ina habang kinikilatis ang kabuoan ng kanyang panganay na anak.

Agad namang lumapit si Andy at nagbigay galang sa pamamagitan ng pagmamano. Gayon din ang ginawa ni Kristel. Labis na humanga si Jade sa pagiging magalang ng kaibigan at nobyo.

"Nay si Kristel po kaibigan ko siya po yung lagi kong ikinukwento sa inyo na natulong sa lahat ng pangangailangan ko sa Maynila at siya rin po yung nagbigay sa akin ng cellphone para may contact ako sainyo." Pagpapakilala niya sa kaibigan saka agad binalingan ang nobyo. Ngunit bago pa nakapagsalita ay narinig nila ang mabibilis na yabag paakyat habang may sumisigaw ng pangalan ni Jade.

"Anna! Anna apo!" sigaw ni lola mamang.

Sinalubong na ito ni Jade sa bungad ng hagdanan at mahigpit na nagyakapan. Ang kanya namang mga bisita ay inaya ng kanyang ina sa loob at pina upo sa lumang sopa nila na naroon sa sala.

Nakipagkwentuhan muna ang lola mamang niya sa kanila nina Andy at Kris habang naghahayin ng pagkain ang kanyang ina sa kusina.

Lumabas mula sa kusina ang kanyang ina. "Hintayin muna ninyo ang kanin at kakasalang ko lamang" sabi nito na sa mga bisita nakatingin. "Mga anak ano bang gusto ninyong kainin? baka may gusto kayo ipagluluto ko kayo, bakit naman kasi may pasurpre-surpresa kapang nalalamang bata ka hindi tuloy kami nakapaghanada ng makakain ninyo." Sermon nito sa anak.

Agad tumayo si Andy "Ah N—nanay Jamine…Hwag na po kayong mag-abala kasi namili po kami ng mga pagkain bago dumiretso dito, ng saganoon nga po ay din a kayo mahirapan mag prepare. Alam naman po namin na magugulat kayo, ah siguro bababa po muna kami para kunin sa sasakyan yung mga dala namin." Magalang na paalam ni Andy habang sige sa pagkukuskusan ang mga palad dala ng tensiyon, binalingan niya ang kaibigan na nakaupo sa tabi ni Jade. "Kris can you please help me?" may diin niyang tawag pansin sa kaibigan.

Iritang sumunod naman si Kristel at malabo man ngunit naririnig ni Jade ang pagtatalo ng dalawa habang bumababa sa hagdan kaya naman napangiti siya habang umiiling. Iling pa at napansin iyon ng tatlong nakatatanda.

"Magnobyo ba ang nurse na iyon at doctor Anna? Abay bagay na bagay sila ah. Parehong may sinasabi sa buhay, at mukhang mababait naman." Sabin g lola mamang niya.

Agad naman niyang sinagot iyon. "Naku Mamang hindi po! Magpinsan po kasi sila at magkababata rin, magkasosyo rin po sa negosyo ang mga magulang nila." Nakangiti niyang wika sa mga ito.

"Pero siguro naman hindi mawawalan ng kasintahan ang dalawang iyon ano?" Tanong naman ni Papang.

"Si Kristel po Papang eh…wala pos a pagkakaalam ko wala naman po siyang nababanggit sa akin."

"Eh yung doctor? Abay kay gwapong bata ah, imposibleng walang nobya yun." Singit naman ng kanyang Ina.

Nagsimula ng muli ang kabang nararamdaman ni Jade, ito na ang pagkakataong pinakahihintay niya upang magtapat.

Pinagmasdan niya ang kanyang Mamang, Papang at Inay pawang nakatiningin narin ang mga ito sa kanya. Kaya naman humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.

"Ina, Mang, Pang, ang totoo pong dahilan kaya ako umuwi eh hindi lamang para magbakasyon. Sa totoo lang po eh may nais akong ipagtapat sainyo at isa ito sa dahilan kung kaya't ninais kong umuwi, dahil gusto kong sa harapan ninyo mismo sabihin." Matamang nakatitig ang tatlong matatanda at nakikinig sa bawat katagang sasabihin ni Jade. "Sana po huwag kayong magagalit sa---- sa ipagtatapat ko." Kabadong saad niya.

"Anak ano ba iyon? Pakiusap sabihin mo na agad ng diretso, ayoko ng may ligoy ligoy pa at kinakabahan akong lalo." Tanong at utos ng kanyang ina, tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sopa nila sa salas.

"Nay, Mang, Pang may nobyo na po ako. Sana po huwag kayong magalit sa akin mabuti po siyang tao." Nakatungo niyang kumpisal sa mga nakatatanda.

Lumapit naman ang kanyang ina sa kanyang inuupuan ganon din ang mamang niya hinagod siya sa likuran niya at saka nginitian ng may pagmamahal.

"Anak, hindi masama ang magmahal basta huwag mo lamang ibibigay lahat. Dapat ay magtira ka para sa sarili mo. Upang pagdating ng panahon at naisipan ninyong maghiwalay ng landas ay hindi ka masasaktan ng lubos." Payo ng kanyang ina.

"Hindi kami kailanman magagalit sainyo ng kapatid mo dahil lamang sa nagnobyo na kayo apo." Singit naman ng kanyang mamang. "Basta ba huwag mong isusuko ang bataan kung walang basbas mula sa simbahan." Pahabol pa ni lola mamang.

"Sino ba ang masuwerteng lalaki na nakabihag ng iyong puso apo, sana ay makilala namin siya at ng makilatis na rin." Dagdag naman ng papang niya na nakapagpangiti sa kaniya.

Nahihiyang nagsalita si Jade, "Si Dr. Andy Lee Yhang po ang nobyo ko."

"ANO!" halos sabay sabay na napasigaw ang tatlo.

Sakto naman na papaakyat na ng hagdan sina Kritel at Andy ng marinig ang malakas na boses mula sa itaas ay nagkukumahog na umakyat. At ng makarating sa itaas ng bahay ay sinalubong sila ng pamanuring tingin ng tatlong matanda.