Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 13 - Chapter 11

Chapter 13 - Chapter 11

Iyon ang araw na pinakamasaya para kay Andy at lalo na kay Jade, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman yung malaman lamang niya na tanggap siya ng lolo ng nobyo ay napakasaya na niya ano pa kaya kung tanggapin na siya ng mga magulang nito. Bago palang sila kaya hindi pa niya inaasahan ang ganitong mga pangyayari, halos mag-uumaga na sila nagbiyahe pauwi ni Andy at dahil sarado na sa boarding house ay napagkasunduan nila na kay Kristel muna tutuloy ang dalaga ngayong gabi kaya doon ito inihatid ng binata.

Isang mahigpit na yakap ang iniwan nila sa isa't isa, hindi naman nakatiis si Andy at ginawaran niya ng isang mainit na halik ang malambot na labi ng kasintahan.

Pareho nilang habol ang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila,pinakatitigan ni Andy si Jade at madamdamin niyang sinabi rito ang saloobin, "You know that I love you so much right?" Marahang tumango ang dalaga habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. "Alam kong bago pa lamang tayo, ayokong pangunahan ang relasyon natin at lalo naman na ayokong isipin na magkakahiwalay tayo. Babe ang hiling ko lang sana sayo from now on, walang secrets. And I want to meet your nanay and sister even your papang and mamang, And I hope that….they also like me and trust me ofcourse. At araw araw kong ipapangako at ipararamdam sayo na mahal na mahal kita, ikaw lamang ang kaisa isang babaeng mamahalin ko. Hindi man ikaw yung una pero isinusumpa ko na ikaw ang huli." Kinuha nito ang kamay ng dalaga bago iyon dinala sa kanyang mga labi.

Walang salitang nais lumabas mula sa bibig ni Jade, malinaw sa kanya ang kanyang mga narinig at aaminin niya sa sarili maslalo niyang naramdaman ang tunay na pagmamahal ni Andy. Patuloy sa patak ang kanyang mga luha na tanda ng kaligayahan. Nagkusa na siyang yakapin at dampian ng isang mabilis na halik ang nobyo.

"Sige na umuwi ka na mag-iingat ka sa pagda-drive ha." Nakangiti niyang sinabi rito patalikod na sana ito ng muli niyang tawagin ang pangalan nito. "Andy!"napalingon naman agad ito sa kanya ng may pagtataka sa mukha, "I love you too Babe" at saka niya ito nginitian ng ubod ng tamis saka binuksan ang pinto ni Kristel upang pumasok roon.

Mabilis na dumaan ang mga araw, tuluyan ng nakamit ng pamilya ni Sam ang hustisyang kaytagal na nilang hinihintay. Samantalang hindi na muli pang nagpakita si Kyla sa kanila dahil ayaw naraw niyang masangkot sa gulo, para narin sa ikatatahimik ng buhay nilang mag-ina. Ngunit nagpadala siya ng video kung saan ikinuwento niya ang lahat, hindi pala totoo na naging magkasintahan sina Kyla at Gregory, pinalabas lamang iyon ng huli dahil ang totoo ay tinatakot nito si Kyla upang hindi magsumbong, maging ang pambababoy nito ay ikinuwento ng babae. Mababakas ang tindi ng sakit na pinagdaanan nito, humingin ng tawad si Kyla kay Andy dahil hindi ito nagsumbong dito gayong maypagkakaunawaan na ang dalawa. Natanggap naman ni Andy ang dahilan ng dalaga, dahil siya rin ang iniiwas nito sa gulo. Mahirap mang kalimutan ang mga dumaang pangyayari sa kanikanilang buhay, ngunit kailangang harapin ang bagong bukas upang makamit ang katahimikan.

"Magse-sembreak na Babe, anong plano mo?" tanong ni Andy isang hapon na sabay silang kumakain ng miryenda sa canteen ng ospital.

Tumigil muna sa pagnguya si Jade bago sumagot, "Uuwi ako sa Quezon Babe, gusto ko sanang sorpresahin sina Inay at Jodi, may naipon naman ako kaya nasisigurado kong hindi ko sila bibigyan ng alalahanin kung paano ako makakauwi at makakabalik rito para sa susunod na semestre."

"Pwede ba akong sumama saiyo? Ihahatid lang kita promise at kahit balikan din ako." Seryoso talaga ito ng sinabi iyon kaya naman nakaramdam ng kaba si Jade.

"Pero Babe, kasi… ano eh…" nalilito siya at hindi maintindihan kung paanong sasabihin kay Andy ang nais sabihin.

"Huhulaan ko….." kunwari'y nag-iisip ito at tumingala pa na akalamo'y makikita doon ang sagot. "Hindi mo pa nasasabi na…tayo na…" mapait itong ngumiti.

Nakonsensya naman si Jade at agad umisip ng maidadahilan. "Natatakot kasi ako, sa totoo lang kayak o gustong umuwi para sana masabi ko sa kanila. Pero kung desidido ka talagang sumama at magpakilala, sige pumapayag na ako. Gusto ko lang malaman mo ngayon palang na hindi maganda ang bahay namin ha." Nakanguso nitong sabi at napatawa naman ang lalaki.

Habang pinupunasan nito ng tissue ang labi ng dalaga na nabahiran ng sause ng spaghetti ay tumatawa nitong sinabi, "Kahit ano pa ang itsura ng bahay ninyo babe, kahit pa kasing liit yan ng bahay ng manok okay lang, alam mo ba kung bakit?" tanong nito sa dalaga.

Muling tumigil sa pagsubo si Jade at nakangiti itong sinagot. "Hmmn…. Kasi mahal mo ako." Tumatawang sagot nito at napalakas rin ang tawa ng lalaki dahil sa sagot niya.

"Tssk…Hindi lang yun…of course given na yung mahal kita. But the fact is, hindi naman kasi yung bahay niyo ang gusto kong makita, gusto kong makita at makilala ang pamilya mo. Para naman hindi sila mag-alala sayo pagnaririto ka sa Manila diba." Paliwanag nito.

Nagkibit balikat lang ang dalaga, "Okay … talo nanaman ako. Bilisan mo na nga kumain d'yan tapos na ang break ko eh."

Matapos kumain ay bumalik na sila sa kanikanilang tabaho.

Patuloy na lumipas ang mga araw, huling araw na ng 1st Sem. Ilang buwan nalamang at makaka-graduate na si Jade ganuon di naman si Andy, kung hindi lamang sana napatigil si Jade dahil sa kahirapan ay matagl na siyang tapos sa pag-aaral baka nga nag tatrabaho na siya sa isang pangpublikong ospital.

Narito sila ngayon sa resto ni Papa Lee, upang pansamantalang magpaalam na uuwi muna siya sa probinsya at mga dalawang linggo siyang mawawala. Kasama nila si Kristel ngayon at nagkatuwaan pa sila na mag-duet sa isang magandang awitin.

"Bff pwede rin ba akong sumama bukas, kahit uwian lang din o kaya naman dun muna ako sa inyo mag-stay habang sem break. Malungkot dito mag-isa nanaman ako wala na nga sina mom and dad iiwan mo pa ako." Malungkot nitong sabi, ngunit totoo iyon dahil nasa abroad din ang mga magulang nito.

Nakangiti naman si Jade na pinagmamasdan ang kaibigang tila bata na nagmamaktol at nakapulupot sa kanyang braso. "Okay…fine.. you can go with us but please manahimik ka ha. Bawal ang madaldal sa amin dahil masasapawan mo ang bibig ng kapatid ko." Kunwaring napipilitan naman ang itsura mi Jade habang tawang tawa naman si Andy sa dalawang magkaibigan.

Inabutan sila ni Papa Lee na nagkakasiyahan, "Mabuti naman naisipan ninyong magpaalam muna sa akin bago kayo umalis. By the way anong oras kayo magbibiyahe Andy?" baling nito sa apo.

"Mga 4:00am Papa, para may time pa po kaming mamili ng mga pasalubong para sa family ni Jade. Hindi po kasi nila alam na uuwi siya para magbakasyon." Magalang nitong sagot.

"And…huhulaan ko…magpapakilala kana sa family niya." Dadagdag pa ni papa Lee na malapad ang pagkakangiti sa kanila.

Kinuha ni Andy ang isang kamay ni Jade at muling tiningnan ang lolo niya sa mga nito, "Yes papa, I want to introduce my self to them. At sana matanggap din nila ako. Gusto ko pong makuha ang pagtitiwala nila dahil ayaw naming ng may inililihim kami sa kahit sino pa man."

Tinapik siya ng matanda sa balikat, "Tama yan apo, at nasisigurado ko sayo na tatanggapin ka nila at pagtitiwalaan, dahil napakabait mong bata." Binalingan nito ang dalaga, "Jade apo, sa ngayon ako naman ang magbibilin sayo ha. Ikaw na ang bahala sa aking pinakamamahal na apo alagaan mo siya at gabayan upang hindi maligaw ng daan…hahaha" nagulat ang lahat ng bigla itong tumawa ng malakas mabuti nalamang at iilan pa lamang ang mga tao roon.

"Papa talaga oo napakaseryoso kahit kelan. Mami-miss ko po kayo papa Lee, lagi po kayong mag-iingat at huwag po ninyong pabayaan ang katawan ninyo mahirap pong magkasakit." Bilin naman ni Jade sa matanda at tumayo pa siya upang bigyan ito ng mahigpit na yakap.

Hindi narin sila nagtagal, dahil maaga pa ang alis nila at kinakailangan pa nilang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin. Napagkasunduan nilang tatlo na sasakyan nalamang ni Andy ang dadalhin, at si Jade naman ay sa condo na ni Kristel matutulog pero kukunin muna nila ang mga dadalhin nito pauwi sa boarding house.

Nauna na si Kristel umuwi, dahil may dala itong sariling sasakyan. Ibinigay nalamang nito kay Jade ang duplicate key ng condo upang hindi na raw ito kumatok pagdating. Tahimik naman sa biyahe patungong boarding house ang magkasintahang Andy at Jade, hindi rin nagtagal si Jade sa pagkuha ng gamit dahil kahapon pa niya naisaayos ang dadalhin niya. Tanging ilang damit din lamang naman ang mga iyon dahil babalik pa siya rito matapos ang dalawang linggong bakasyon nila sa paaralan.

Nasagitna sila ng biyahe ni Andy ng tanungin siya nito. "What's the problem babe, kinakabahan ka ba?" at sinulyapan siya nito.

"Hindi naman, hindi ko lang din alam kung paano magsisimula pag kaharap na natin sila, ayoko lang magalit si nanay sakin dahil sinuway ko siya. Mahal ko sila at mahal din kita babe, natatakot lang akong dumating sa punto na papiliin nila ako between them and you." Pagtatapat niya sa nobyo.

Nakarating na sila sa harapan ng building kung nasaan ang condo ni Kristel, bago nagsalita si Andy. "Hindi yun mangyayari babe trust me, at kung mangyari man iyon piliin mo ang pamilya mo." Nakangiti siya habang sinasabi iyon, ngunit napansin niya ang biglang paglungkot ng mukha ni Jade na tila ba maluluha pa.

Mabigat ang damdamin niyang tinitigan ang lalaki, "Gano'n lang ba kadali saiyo na magdesisyon?" tanong nito at di napigilang pumatak ang mga luha, agad namang humarap si Andy kay Jade at pinunasan ng sariling palad ang mga luhang umagos sa pisngi nito.

Nagbuntong hininga muna ito bago sinagot ang dalaga. "Babe, mahirap din sakin iyon syempre, pero family mo sila at alam nila ang masmakakabuti para saiyo.

"Sinasabi mo bang pagpinaghiwalay nila tayo,eh basta nalamang tayong susunod dahil tama sila?" Tanong nitong muli sakanya.

Hinawakan ni Andy ang magkabilang pisngi ng dalaga at saka ngumiti ng pagkatamis tamis. "Syempre pipiliin mo sila pero hindi tayo maghihiwalay, dahil liligawan ko sila hanggang sa pumayag silang maging tayo at pagpumayag na sila yayayain na kita agad na magpakasal para hindi na sila makatanggi pa at isang paalaman nalamang…o diba ang ganda ng plano ko." Saka ito tumatawang pinahid ang luha niya na muling namalisbis sa kanyang pisngi.

Dahil sa narinig ay agad na nagluwag ang naninikip na kalooban ni Jade, hinalikan niya sa labi ang nobyo ngunit ang plano niyang dampi ay naging maalab dahil hinapit ng binata ang kanyang katawan papalapit sa katawan nito, habang ang isang kamay nito ay nakaalalay sa likuran ng kanyang ulo. Naging malalim at matagal ang halik na iyon, naramdaman ni Jade ang dila ng lalaki na ginagalugad ang loob ng kanyang bibig at tila ba may hinahanap duon. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman niya, sa pagkakataong iyon may bagong damdamin na tila ba nabubuhay sa kaibuturan ng kanyang kalooban. Lalo na ng maramdaman niya ang unti unting paggalaw ng mga kamay ni Andy sa kanyang likuran, nagpatangay nalamang siya sa masarap na sensasyon na kanyang nadarama. Ngunit bigla iyong nawala, dahil unti unting humiwalay sa kanya ang lalaki at nakangiti siyang dinampian ng halik sa tungkil ng kanyang ilong.

Magkalapat ang kanilang mga noo at parehong naghahabol ng hininga.

"Babe umakyat ka na, baka kasi hindi ako makapagpigil at yayain na kita ng kasal ngayon din." Saka ito tumatawang inilayo sa kanya ang sariling noo.Bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan nakangiti lamang si ang dalaga na kumaway kay Andy saka parang bata na nagtatakbo paakyat ng loob ng building.