"Bibili na lang ako ng gamot. Nakakahiya naman kasi sayo," dinig kong saad niya habang nakasandal ako sa upuan at nakapikit. Sobrang sama ng pakiramdam ko, parang nilulunod ako sa mainit na tubig at nasa loob ng freezer. Di ko alam, basta parehong mainit at malamig ang pakiramdam ko.
Narinig ko ang mga hakbang niya papalabas ng kwarto hanggang sa tuluyang magsara ang pintuan. Mas binalot ko naman ang sarili sa makapal na kumot para makatulog ng mas maayos. Hindi ako umiinom o kumakain sa tuwing nagkakaganito ako... nakasanayan ko na rin kasing lagnatin ng mag-isa at walang kasama kaya wala ng kaso sa akin ang ganitong bagay. Maliit na bagay lang 'to sa akin. Ako pa ba? Malakas ako eh. Kaya ko 'to.
Mula sa kinauupuan, dinig kong nagsara din ang pintuan sa labas kaya paniguradong nakalabas na ang babaeng 'yon. Ewan ko sa kanya, masyadong OA mag-react. Malalim akong huminga at nagpasyang ituloy na lang ang pagtulog. Kadalasan kasi ay nawawala rin ng kusa ang sakit ko, kaya hinahayaan ko na lang at dinadaan sa pagtulog. Kailangan ko lang siguro talaga ng pahinga.
Lumipas ang ilang segundo, kusa akong napamulat. Naalala ko kasi na hanggang ngayon ay naiwan kong naka-activate ang mga laser sa baba. Nasa akin ang remote pero hindi magandang i-deactivate ang mga 'yon, lalo na ngayon na mainit ang mata ng pamilyang 'yon sa akin— sa kanya. Simula ng mangyari ang kagabi, naisipan kong i-activate lahat ng trap lalo na yung laser... kaya paniguradong bukas pa 'yon ngayon kaya mahihirapan ang isang 'yon na dumaan. Mahirap na, baka magtagal siya at datnan akong patay na dito. Di naman ako papayag.
Inalis ko ang nilagay niyang bimpo sa aking noo. Agad akong tumayo at naglakad pababa ng mansyon. Nahihilo pa nga ako kaya kinailangan humawak sa gilid-gilid para kumuha ng balanse. Paglabas ko, nakatingin siya sa mga laser habang kibit-balikat. Humakbang siya pasulong at halatang wala ngang kinatatakutan ang isang 'to.
Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang braso niya. Napaharap naman ito sa akin. Aktong dedepensa pa nga siya, buti at agad akong nakilala kaya hindi tuluyang dumapo sa mukha ko ang kamao niya. Dahil ba naman sa kagagawan ng mga Trescalion, malamang ay iisipin niyang may magbabalak na pasukin ang mansyon anumang oras. Tas ngayon ang lakas pa rin ng loob na lumabas, para lang bumili ng gamot? Hibang na ata siya.
"Wag ka na dito dumaan. Parang di ka inaabangan ah?" saad ko habang seryoso ang tingin sa kanya. Ibinaba niya naman ang kamay at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Ginagawa mo dito? Bumalik ka sa taas, matulog ka," sabay turo niya sa taas. Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang ulit may nagsabi sa akin ng ganyan. Kadalasan kasi kapag nilalagnat ako, ako lang talaga mag-isa.
Hinigpitan ko ang hawak sa kanya at hinila papunta sa likod ng mansyon, "Hoy, san mo 'ko dadalhin?" tignan mo, napaka-ingay pa. Siya na nga tinutulungan.
"Basta sumunod ka lang, t*ngna ang ingay-ingay mo," sagot ko. Masama na nga pakiramdam, boses niya pang nakakairita ang naririnig ko.
Pagdating namin sa likod ng mansyon, natigilan kami at tinanaw naman niya ang pader, "Bat tayo nandito?" tanong niya.
"Dito ka na dumaan. Walang trap dito," sagot ko. Pasalamat siya at may konting awa pa ako kaya ko 'to sinabi sa kanya. Ako lang naman ang nakakaalam ng tungkol sa daanan na 'to eh.
Tinignan niya ulit ang pader, "Ano yan, liliparin ko? Ang taas-taas nga oh." Reklamo pa ng tanga. Mahilu-hilo pa ako sa lagay na 'to at pakiramdam ko babagsak ako anumang oras. Pinipilit ko na lang talagang imulat ang mata.
"Sinabi ko bang dyan? Dito sa baba, tanga," sabay turo ko sa baba na sinundan niya ng tingin. Nauuna kasi lagi ang bibig niya bago mata eh.
"Ano yan puputulin ko pa isa-isa para lang makadaan? Bulag ka ba?" reklamo nanaman niya. Tanga talaga.
"Tsaka may pader," tinuro niya 'yon, "Di ako nag-iinvisible para makadaan sa pader. Grabe naman ang tama ng lagnat mo sayo, nawala ata utak mo?"
Dahil sa ginagawa niya, madali akong mawawalan ng kontrol neto. Nagkuyom ako ng kamay para pakalmahin ang sarili. Ayos lang yan, Von. Magtiis ka o sila ang magtitiis sayo?
Napakamot na lang ako ng ulo at hindi na nagsalita. Wala naman akong mapapala sa pakikipag-usap sa babaeng 'to. Napakahina ng utak. Hindi na ako nagdalawang-isip na itulak siya para mapaluhod sa sahig at maipasok sa loob ng mga damo at halaman. Mas mabuting siya na ang makakita kesa ipaliwanag ko pa isa-isa. Baka tuluyan akong sumabog dito at hindi niya magustuhan ang maaaring mangyari.
"Bakit ka ba nanunulak, dati ka bang adik?" lumakas na rin ang boses niya na hindi ko na lang pinansin. Bahala na siya.
Nang mamataan ko na pasulong na rin siya, nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang. Tumalikod ako para bumalik sa pagtulog pero ng marinig ko ang mga kaluskos sa labas, paniguradong nakalabas na rin siya lalo na't malutong ang tunog na nanggagaling sa mga tuyong dahon na naaapakan niya.
That creeking sound sent chills down my nerves, it felt like may mangyayaring hindi maganda. Ganyan din ang narinig ko bago SIYA tuluyang naglaho sa akin.
Malakas na kabog ang aking naramdaman mula sa dibdib ko. At nagawa nitong talunin ang pagkahilo ko. Kusa akong dinala ng aking mga paa papunta sa gawi niya at gumapang papalabas katulad ng date. Nakapagtamo rin ako ng iilang sugat sa braso pero dahil nakasanayan na, maliit na bagay na lang sa akin.
"Bwisit na lalaki, di man lang nagsabi na may daan pala dito. Wag talaga yan papakita sa akin, at baka maibaon ko siya ng buhay sa ilalim ng mansyon niya," pagsasabi-sabi pa ng babae habang pinapagpag ang sarili. Tamo, pinaparinig pa. Siya na nga tinutulungan.
Tumayo ako nang tuluyang makalabas at pinagpag na rin ang sarili, "Hoy, anong ginagawa mo rito?" nilapitan niya ako.
"Lalabas din, bulag ka ba?" sagot ko pabalik.
"Tanga, nilalagnat ka. Dun ka na lang. Ako na bibili," pag-iingay niya. Patahimikin ko kaya to? Napaka-ingay.
"Nandito na rin naman ako kaya sasama na ako," diretso kong sagot. Hindi ko alam kung bakit napalabas ako ng aking binti ng wala sa oras.
"Huwag na nga. Dun ka na lang at matulog. Magcollapse ka pa sa daan, dagdag ka nanaman sa pasanin ko," pagsasabi-sabi niya kaya naglakad ako papalapit sa pader. Mas hindi na kasi maayos ang pakiramdam ko ngayon. Nahihilo ako, naiinitan, nilalamig, nanginginig... halos lahat na ata. Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang init ng pakiramdam. Sumandal ako sa pader habang nakapamulsa at tinignan siya.
"Tignan mo nga, hindi ka makagalaw nang maayos. May atraso ka nanaman sa akin, hindi mo sinabing may daan pala rito. Nagpakahirap pa akong umiwas sa mga trap." Sabi ko na nga ba. Tinulungan na, nagrereklamo pa.
"Di ka naman nagtanong," sagot ko.
"Ayokong magtanong kasi wala naman akong pake sayo. Umalis ka na nga. Ako na bibili ng gamot. As if mawawala 'yan kapag hindi ka uminom. Mukhang wala ka namang balak na magpagaling," tumalikod siya at naglakad. Nakakailang hakbang pa lang siya, nakasunod na ako ng tingin sa kanya. Gusto kong sumama pero parang ayaw ko rin. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Kundi lang dahil sa mga taong 'yon, hahayaan ko 'tong mapahamak eh.
Natigilan siya sa paglalakad at hinarap ako, "Hoy tanga, bumalik ka na don sabi. Ano, matutulog ka dyan?!" lumakas ang boses niya. Parati siyang seryoso na tao pero ngayon, halos mag-exaggerate naman. Problema ba niya?
Mas isinandal ko nang diretso ang ulo sa pader at kusang napapikit. Kanina ko pa pinapakiramdam ang sarili ko. Anumang oras, hindi ko na kakayanin na magkaroon ng kontrol. Bakit pa kasi nakapasok sila sa mansyon? Kasalanan nila 'to kaya nagkakaganito nanaman ako eh.
Huminga ako nang malalim, "Red, I'm trying my best to be calm as of this moment. Anytime sooner, mawawalan ako ng kontrol, kaya kung pwede kumalma ka muna rin so it won't trigger me." I know my capacity so well. At ginagawa ko ang lahat para hindi mawalan ng kontrol at para maging kalmado. Dahil maski ako, kinakalaban ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
I know so well na hindi magpapakilala ang tanga kaya ako na magbibigay ng pangalan sa kanya.
Pagkatapos ng usapan na 'yon, wala naman akong naging problema dahil natahimik na lang siya at itinuloy ang paglalakad. Pasunud-sunod na lang din ako sa likuran niya. Baka may mangyari pa dyan at kargo ko pa. Mahirap na, ts.
Habang nakasunod sa likuran niya, mas lalong umiinit ang pakiramdam ko. Mas nilalamig na rin ako ngayon. Minsan, humahawak ako sa mga pwedeng panghawakan para hindi mawalan ng balanse. Umaayos na lang ako ng kilos sa tuwing tumitingin siya, baka sabihin pang mahina ako, ts.
Sa totoo lang, pinipilit ko na lang talaga pero hindi ko na kaya. Mas gusto kong matulog na lang. Para akong matanda maglakad ngayon, one step one step lang, tangina.
Nang tuluyan naming marating ang daan, "Bilisan mong maglakad, maabutan pa tayo dito ng mga Trescalion," saad ko.
"Eh kung di ka sumama, kanina ko pa 'to tinakbo. Ikaw lang naman mabagal sa atin," sagot niya na sinamaan ako ng tingin. Parang kasalanan ko pa, siya na nga sinasamahan. Nakatingin lang siya sa akin habang nasa harap ko siya. Halata ngang iritang-irita na eh.
Napayuko ako at napahawak sa magkabilang-tuhod. Dito na ata talaga ako mamamatay. Umiikot na ang paligid ko. Biglang may humawak sa magkabila kong balikat. Maalalay ako nitong itinulak paatras hanggang sa isandal ako sa pader. Napatingin naman ako sa kanya.
"Von," humawak siya sa magkabilang-baywang at napapikit. Nagpakawala ito ng buntong-hininga, "Wag mo na kasing pilitin kung hindi mo kaya. Ako na, okay?" binuksan niya ang mata at seryosong nakatingin.
Hindi na ako nakasagot. Diretso akong sumandal sa pader at napapikit, "Kung gusto mong sumama, hanggang dito na lang," dagdag pa niya.
"Oo na, dalian mo," tanging sagot ko. Mas magandang pumikit na lang ako para hindi maramdaman ang hilo.
"Sige. Dyan ka lang. Hintayin mo na lang ako okaya mauna ka na sa mansyon," pahabol pa niya bago ko naramdaman ang tuluyan niyang paglayo. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at tuluyang naupo sa kinatatayuan ko. Sumandal ako sa pader at ipinikit ang mata. Bakit pa nga kasi ako sumama eh. Edi sana natutulog na lang ako ngayon—
Nagmulat ako ng mata nang makaramdam ng sakit sa ulo. Napagtanto kong nakatulog na pala ako kakahintay. Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yon at ang tagal? Tinignan ko ang paligid at naramdamang makirot ang gilid ng noo ko. Bukod pa doon, may naririnig akong mga tumatawa sa paligid, pero hindi ko mabosesan at makita. Umiikot kasi ang paningin ko.
Hinawakan ko ang noo at mas humapdi pa. Basa rin ang kamay ko at nang tignan 'yon, may dugo. Para bang binato ako ng malaking bato. Tumayo ako at humawak sa pader para kumuha ng balanse pero hindi ko pa man nagagawa, may kung sinong sumipa sa akin kaya napahiga ako sa sahig. Mas lalo kong narinig ang tawanan nila.
"Hindi ba yan yung nakita natin nung isang gabi?"
"Hahahaha oo! Yung panget!"
"Paano mo nasabing pangit? Nakita mo na ba?"
Dinig ko ang pag-uusap nila kahit hindi maayos ang paningin ko. Mas lalo akong nahihilo kaya hindi ko sila matanaw ng maayos. Maski ang paningin ko, nanlalabo na dahil sa pagbato nila. Paano naman ako dedepensa sa lagay na 'to, hindi maganda ang pakiramdam ko. Baka tuluyang hindi ko kayanin. Pero kahit na malabo, tanaw ko ang mga hawak nilang bato at may kalakihan ang mga 'yon.
"Pangit yan, mga bobo! Takip nga ang mukha haha!"
Pagtapos noon ay sunud-sunod nila akong pinagbabato. Hinarang ko na lang ang braso sa ulo para protektahan ang sarili kahit konti.
Ramdam kong lumapit ang isa sa akin. Lumuhod pa siya habang pinipilit ko namang tumayo para lumayo sa kanila, "Tignan natin. Pero pustahan pangit to haha!" saad pa niya hanggang sa hawakan nito ang mask ko. Hinawakan ko ang kamay niya kaya natigilan ito at seryoso ko siyang tinignan.
"Binabalaan kita, galawin mo lahat pero hindi ang mukha ko," saad ko.
Nanlaki ang kanyang mata at sandaling natigilan hanggang sa lumapad ang ngiti niya at bigla akong binatukan sa ulo. Kusa akong nagkuyom ng kamay nang mapahiga ulit dahil sa panghihina...
Kalma lang muna. Kailangan kong kumalma habang may natitira pa akong awa.
"Abay gago ka pala! Pake mo naman kung gusto kong sirain ang mukha mo! Ha! Basagin ko pa 'yan," sinenyasan niya ang mga kasama at sunud-sunod nila akong binigyan ng malalakas na sipa. Minsan sa mukha, sa dibdib, sa tyan, sa mga binti at sa lahat pa ng pwede nilang tamaan.
Lahat ng nararamdaman ko, magkakahalu-halo. Hindi ko alam kung masakit ba ang ulo ko, kung mainit pa ba ang pakiramdam ko, o kung nabubulag na ako dahil magkasabay na panlalabo ng paningin at pandidilim ang nararamdaman ko. Paulit-ulit nilang tinira ang sugat ko sa noo kaya mas mahapdi, mas masakit at ramdam ko ang dugo na tumutulo na sa mukha ko.
Tiniis ko lahat, dahil kailangan. At kung sanay naman ako sa ganitong pangyayari, maliit na lang na bagay para sa akin. Sandali silang tumigil habang nagtatawanan at natutuwa sa panonood nilang paghihirap ko. Sinubukan kong gumapang pero hindi ko na maigalaw ang katawan. Nakuha pa ngang mamula ng paningin ko nang maramdaman na tumulo ang dugo sa mismong mata ko.
Sobrang hirap. Pero kailangan kong tiisin. Kailangan kong maging malakas, para kay Biel at para sa mga bagay na kailangan kong kunin at tapusin. Kaya kayanin mo, Von. Kayanin mo, kahit para na lang sa sarili mo.
To be continued...