Pagdating ko sa ikalawang palapag ng D'Or, agad kong binuksan ang pintuan. Siya agad ang bumungad sa akin. Kumakain siya habang maayos na nakaupo sa couch. Sa lamesang nasa harapan niya, may nakapatong na isang balot ng marshmallow at 'yon ang kasalukuyang pinagtutuunan niya ng pansin. Hindi ko siya maintindihan dahil para siyang robot kung gumalaw. Kung walang pahintulot ng taas, parang hindi na rin gagalaw. Napatingin siya sa gawi ko habang ngumunguya kaya nagsalita ako, "Kailangan nating mag-usap."
"Bat pumunta ka pa dito? May cellphone ka naman dba?" ibinalik niya ang tingin sa harap.
Nagkibit-balikat ako habang nakatayo sa harap niya. Hindi pa rin nawawala ang dalawang guard sa tabi nito, "Pake mo ba, gusto kong pumunta dito para makausap ka ng masinsinan dahil ayaw ko na."
Sandali niya akong tinignan bago kinuha ang cellphone nito at saka binaligtad patagilid na aktong maglalaro siya. Inikot ko naman ang mata at sinamaan siya ng tingin. Kakasabi lang na mag-uusap kami tapos ganyan ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ko naboss ang batang 'to.
"Anong ayaw mo na? Bakit? Tapos na ba ang misyon mo kay Von?" seryosong ani niya habang sa cellphone nakatingin at pumipindot doon.
"Kahit tumira ako ng sampung taon kasama siya, wala akong mapapala. Obvious naman na wala siyang alam sa mga sinusubukan nating alamin. Isa pa, wala akong nakitang kahit na anong ebidensya sa mansyon niya... tungkol sa kaso ng pagpatay niya sa ama niya at kung sino mang Ponsyo Pilato ang boss ng LaCosa. Parang wala man ngang alam ang taong 'yon."
Hindi ko pa talaga naikot ang buong mansyon kahit nasa akin ang susi. F*ck! Yung susi, nasa akin pa rin hanggang ngayon. Ano ba namang katangahan 'to?
Pero mag-aakto na lang ako na wala talaga akong nakitang ebidensya. Kailangan ko lang 'tong sabihin para matigil na ang kalokohang 'to. Ayaw ko na rin namang bumalik na doon. Sa kakapalan ng mukha nang taong 'yon, sira ulong tao na lang ang magbabalak na balikan siya.
"Sigurado ka naman ba? Baka hindi mo lang natignan ng maayos. Bumalik ka," sagot niya habang abala sa pagkalikot sa cellphone niya. Nang hindi ako sumagot, sandali niya akong tinignan, "Kung wala ka pang nalalaman, ibig sabihin hindi pa tapos ang misyon mo. Kaya hindi mo pwedeng iwanan ang isang bagay na inumpisahan mo."
"Eh paano nga? Mukhang walang alam ang isang yon," tumaas ng konti ang boses ko.
"Sa tingin mo naman ba basta-basta na lang magsasalita si Von? Kailangan mong kunin ang loob niya."
Nag-ikot ako ng mata, "Hinding-hindi ko kukunin ang loob ng isang 'yon," pag-iling ko. Pagkatapos niya akong palayasin ng ganun-ganon na lang. Tsaka wala naman akong balak na kaibiganin siya umpisa pa lang. Ang gusto ko lang, matapos na ang lahat ng 'to.
"At hindi ako basta-basta makakabalik dahil nandyan ang mga Trescalions," dagdag ko.
Natigilan siya at napatingin sa akin, "Ano naman? Si Von lang naman ang trabaho mo dba, te? Hindi sila kasama."
"Kaya sasagutin mo ang tanong ko ngayon. May hinahanap silang brief case sa akin. Yung inihagis sa akin nang kung sino pagkarating ko sa airport. Hindi ba kayong Estrella ang humabol at kumuha sa akin?"
Napatingin siya sa kung saan na tila nag-iisip pa, "Kaya nasaan? Ibabalik ko sa kanila para naman tantanan na nila ako," hindi ako makakagalaw ng maayos kung parati na lang nakaabang ang pamilyang 'yon. Bakit pa kasi sila nabuhay.
"Wala akong alam sa sinasabi mo," tipid niyang sagot at bumalik sa paglalaro.
Nagsalubong naman ang kilay ko, "Anong wala kang alam? Imposibleng hindi niyo alam eh kayo ang nakakuha sa akin nung hawak ko yung brief case, nawalan ako noon ng malay. At paggising ko, nandito na ako. Ibig sabihin, kinuha niyo 'yon sa akin kaya nasaan na?"
Ako pa talaga ang lolokohin nila?
Pinatay niya ang cellphone nito at ipinatong sa lamesa. Kinuha niya ang isang ballot ng mallows sa lamesa at inilapag sa mga hita para muling kumain.
"Kung iniisip mong nasa Estrella ang brief case, pwes wala sa amin— I mean, sa kanila. At bakit naman namin pag-iinteresan 'yon kung mas marami pang pera ang kinikita nila sa araw-araw kesa sa laman ng brief case."
"Pwede bang tumigil kayo sa kaka-deny? Walang ibang pwedeng kumuha noon kundi kayo lang dahil kayo lang naman ang kumuha sa akin. Tigil-tigilan niyo ako sa panloloko niyo dahil hindi ako tanga," diin ko.
Tinignan niya ako, "Wala sa amin ang hinahanap mo dahil hindi naman kami ang humabol sayo noon. Oo kami ang kumuha sayo, pero hindi kami ang humabol sayo noong oras na 'yon. Wala sa amin ang brief case na pinagsasabi mo dahil natagpuan ka naming walang malay sa dulo ng isang kanto. Ni wala ka ngang ibang hawak noon. Wala rin kaming nakitang brief case, tapos sisisihin mo kami. Wag mong pinagbibintangan ang organinsasyon mo," paliwanag niya na mas lalong nakapag-pakunot ng noo ko.
Paanong nangyari 'yon?
"Hindi kayo ang humabol sa akin?" pag-uulit ko na ikinailing niya.
"Kakasabi ko lang, ate. Kung may brief case kaming nakita na hawak mo, edi sana kasama na sa vault mo sa baba."
Napaisip ako nang wala sa oras dahil sa sinabi niya. Kung ganon, nakanino? At sino ang mga humabol sa akin kung hindi sila?
Habang nag-iisip, nakatitig lang ako sa kanya na abala naman sa pagkain ng mallows. May parte pa rin sa akin na ayaw maniwala sa pinagsasabi niya, "Kung iniisip mo kung paano ka namin nakita noong oras na 'yon, well... Estrella was supposed to meet you at the airport. Kaya hinanap ka talaga namin. Buti natagpuan ka pa naming buhay at wala lang malay."
Mas lalo namang natambakan ng gulo ang utak ko, "Supposed to meet me? Bakit?" halos magmukha ng halu-halo ang utak ko dahil sa pinagsasabi niya.
"Hindi mo ba alam? You are the payment of your uncle's debt in Estrella," muli siyang sumubo ng mallow. Pinapaliwanag niya 'yon habang kalmado at halatang hindi pinag-iisipan.
Tila tumigil naman ang ikot ng mundo dahil sa sinabi niya. Napakurap ako ng ilang beses habang iniisip kung nasa panaginip ba ako o wala. Masyado na siguro akong pagod kaya masyado na akong nalulutang ngayon. Anong ibig niyang sabihin?
"Uncle's debt?" tanong ko ulit.
"Dami mong tanong. Huwag mong sabihin na matagal ka ng nagtratrabaho dito pero hindi mo pa rin alam ang rason kung bakit nandito ka talaga?" inilapag niya ang kinakain sa lamesa. Mula sa gilid niya, kumuha siya ng rubix cube at 'yon naman ang pinagtripan na laruin habang kausap ako.
"Bakit hindi ko alam to?" tanong ko sa kanya habang naguguluhan.
"Yung uncle mo na si Theodore, matalik na kaibigan ng mga nasa taas. Actually, isa din dapat siya sa mga executive ng Estrella kaso nagkaroon siya ng malaking utang at tinakasan niya. Umuwi siya ng Pilipinas kaya pinahanap namin. Nung nakontak namin siya, ang sabi niya ipapadala niya raw ang pamangkin niyang si Xeline bilang kabayaran, eh sino ba si Xeline, ikaw dba?"
Halos maputulan ako ng hininga dahil sa sinabi niya kaya napailing ako, "Hindi totoo 'yan. Hindi gagawin yan ni Uncle sa akin dahil nangako siya. Pinapunta nila ako dito dahil gusto nila akong itago sa mga kalaban. At nangako sila na kukunin ako dito kapag naging maayos na ang lahat," depensa ko. Kahit ano pang sabihin niya, hinding-hindi ako maniniwala.
"Kung 'yan ang gusto mong paniwalaan, wala na akong magagawa. Pero 'yon ang totoo base sa kaalaman ko. In fact, kakatawag lang nila sa akin kanina," nagkatinginan kaming dalawa kaya umiling ako ulit.
Hindi totoo ang pinagsasabi niya. Hindi nila 'yon magagawa sa akin dahil parang anak at kapatid na ang turing nila sa akin. Sa lahat ng kabusiness partner ni daddy, sila lang ang lubusan niyang pinagkakatiwalaan... at ganon na din ako.
"Tinatanong nila kung kamusta ka na daw," dagdag pa niya na kumuha ng isang mallow at kinain.
"No. Siguradong kukunin nila ako pabalik sa inyo," depensa ko. Hindi nila 'to magagawa sa akin. Pamilya kami.
"Kung totoo ang sinasabi mo, ipakiusap mo sila sa akin," dagdag ko pa habang seryoso ang tingin sa kanya.
"Hindi ako sumusunod sa utos ng iba maliban sa taas," sagot niya na muling kumain.
Kita mo? Sinasabi niya lang 'to dahil gusto nila akong paikutin. Alam nilang ang natitirang pamilya ko sa Pinas ang dahilan ko kaya nagtratrabaho ako para sa kanila... kaya gusto kong makatakas at makawala sa panig nila dahil alam nilang may mauuwian pa ako. At dahil gusto nilang ituloy ko ang misyon ko kay Von, papaniwalain nila ako sa isang kasinungalingan para mas piliin kong manatili na lang dito at magtrabaho para sa kanila.
"Kahit anong gawin niyo, aalis at aalis ako sa organisasyon na to," banta ko sa kanya at saka ito tinalikuran. Sa ngayon, kailangan kong malaman kung nakanino ang brief case dahil malakimg sagabal ang mga Trescalions sa misyon ko—
"SIR, baka po pwede naman nating pag-usapan to?" tanong ko habang nasa loob ng kwarto at nakaupo sa kama. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin.
"Kailangan ko lang po talagang maka-graduate. 4th year na po ako," pakiusap ko pa. Kakagising ko lang dahil tumawag ang professor namin.
"Fleur, I can't do anything about this. Bagsak ka sa klase ko. Imagine, you were my top student and then this happened? What happened to you?" hindi makapaniwalang tanong niya. Honestly, hindi ko rin alam. Seems like I lost focus pero bakit ngayon pang forth year college na ako? I was a president's lister consecutively, tapos eto? Bumagsak ako?
I feel like I am a total failure just because I wasn't satisfied with my grades.
"Sir, baka po pwede naman nating pag-usapan? I'll do anything, magretake ng exams and even ulitin lahat ng quizzes, projects and even research. Just please sir, give me one last chance," kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan niya, and so be it. Basta wag lang akong bumagsak. I will do anything para hindi bumagsak.
"I'm in the office, let's talk about that, Fleur," at ibinaba niya ang tawag. Mabilis akong tumayo habang nakapantulog na suot. Nakasando nga lang ako at maikling shorts na manipis. Kumuha lang ako ng pandobleng coat sa cabinet at isinuot 'yon.
Tinungo ko agad ang labas at wala na sa akin kung umuulan man o hindi. Nagmadali kong tinakbo ang likod ng apartment kahit nababasa na at putikan. Dumadagundong rin ang ingay ng kulog at kidlat. Mabilis man akong umaapak sa putikan ngunit may pag-iingat pa rin hanggang sa natigilan ako sa tapat ng isang lapidang walang pangalan. Maayos ko itong tinitigan hanggang sa paulit-ulit na inaalala ang lahat.
"Fleur, no matter what happens. Finish your study, anak. Para marating mo ang mga pangarap mo sa buhay. Sa umpisa mahirap talaga, but when you get there, hindi mo pagsisisihan na hindi ka sumuko."
"Kami ang pinakaunang magiging masaya once na naka-graduate ka. So make daddy proud."
"Huwag mo kaming intindihin, nandito lang kami para sayo."
Ramdam kong uminit ang pisngi ko nang tumulo ang isang luha. Ang saya ngang umiyak sa gitna ng ulan dahil walang makakakita at hindi halata. Pero I badly miss them, at kaya ko gagawin ang lahat ng 'to ay para sa kanila.
I am all willing to risk everything para sa pangarap ko.
Ayaw ko mang sirain ang tiwala niya pero kailangan. Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na lumuhod sa harap ng lapida para hukayin iyon gamit ang mga kamay. Mas naging madali man para sa akin pero madungis tignan dahil sa basang putik habang sinasabayan ako ng mabigat na pagbagsak ng ulan. Patuloy ako sa paghuhukay hanggang sa palalim na ito ng palalim at walang tigil ako sa pag-iyak habang inaalala ang mga sinasabi nila.
"We love you, Fleur. Magpatuloy ka kahit wala kami."
Kinaya ko ang lahat ng mag-isa. Pero sa ganitong sitwasyon, parang wala akong kaya. Sinabayan ko ang bigat na dala ng ulan. Bawat patak ay ramdam ko. Hindi ko man alam kung bakit ako nagkakaganito ng dahil lang sa sinabi niya, pero takot na takot akong bumagsak. Nang marating ko na ang pinaka-ilalim, napansin ko na ang isang kulay silver na bagay kaya mas binilisan ko pa ang paghuhukay. Maski ang mga kamay at binti ko ay maduming-madumi na at nababalutan ng putik.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang isang brief case. Maigi kong minasdan ang paligid bago 'yon kinuha sa malalim kong hukay. Agad kong niyakap ito at tumayo habang palinga-linga ng tingin. Hindi pwedeng may ibang makakita sa akin, lalo na siya. Binilisan ko ang pagtakbo habang yakap-yakap ang brief case. May mga oras pa na nadudulas ako at nadadapa. But nothing ever stopped me. Kinailangan kong lampasan lahat ng dulas, tarik at maski galit ng kalangitan. Habang tinatakbo ang maputik na daan, may tumapat sa aking ilaw kaya natigilan ako habang inaalam kung saan ito nanggagaling. Palapit ng palapit, isang tunog ng sasakyan. Mabilis ang takbo papalapit sa gawi ko. Parang sa isang iglap ay nasa harapan ko ito kaagad. Agad naman akong tumabi dahilan para mapahiga ako sa gilid. Kung kanina ay madumi ang mga braso at binti ko, ngayon naman ay naliligo na ako sa putik. Sinamaan ko ng tingin ang sasakyan pagkalagpas nito sa akin.
What the hell, anong problema ng driver? Lasing ata!
Kinuha ko ulit at niyakap ang nabitawang brief case bago tumayo. Itinuloy ko ang pagtakbo at wala na sa akin kung madapa man ako o tamaan ng kidlat. Ang mahalaga, makagawa ako ng paraan. Pagkarating sa destinasyon, napatingala ako nang tanawin ang isang building. Building ng eskwelahan namin. Bukas ang gate at wala ni isang ilaw. Gabi na rin kasi at nag-uwian na ang lahat. Naglakad ako pasulong habang tinatanaw ang paligid. Kung kanina ay pagtakbo, ngayon naman ay hakbang lang ang ginagawa ko.
Itinulak ko ang entrance gate at humakbang papasok. 'Yon lang, dilim ang sumalubong sa akin. Nagkakaroon lang ako ng pagkakataon na makita ang paligid dahil sa liwanag ng kidlat kaya wala sa pagdadalawang-isip kong tinungo ang office nito. Pagdating sa hallway ng third floor, may iilang ilaw na nakabukas at ang pinakahuling ilaw na maliwanag ay ang ilaw sa mismong tapat ng office niya. Natigilan ako sa harap ng pintuan habang nakatingin sa nakalagay dito.
"Office of the Prefect of Discipline."
Malalim akong huminga habang yakap pa rin ang brief case at saka kumatok ng tatlong beses. Naghintay ako ng ilang segundo at walang sumasagot kaya inulit ko ang pagkatok. Wala pa rin akong nakuhang sagot kaya napatingin ako sa door knob. Dahan-dahan ko itong iniikot hanggang sa bumukas ang pinto. Sumilip ako sa loob at nakita siyang nakaupo sa pwesto nito habang may binabasang mga papel. Bahagya siyang nakaharap sa gilid at nakasandal sa upuan. Mukha pa ngang busy siya.
Pumasok ako at dahan-dahang isinara ang pinto. Napatingin siya sa akin at tuluyan akong hinarap, "Oh you're finally here, Ms. Villaflorez. Pardon, I am swamped with works to do," saad niya na ipinatong ang hawak na papel sa lamesa habang nakatingin sa akin.
"Are there any chance na makapasa ako, sir?" bungad ko agad.
"Ano ba talagang nangyari sayo? How come a president's lister from first year to third year straight got a failing grade now, in her fourth and last year?" kinuha niya ang ballpen nito at pinaikut-ikot 'yon sa isang kamay. He's wearing a black long sleeves. May suot rin siyang salamin.
Napayuko at napalunok ako, "I-I lost focus, sir." Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko, ginawa ko ang best ko para manatili sa kung nasaan ako. Hindi ba enough lahat ng efforts ko?
"Lost focus because?" tumaas ang gilid ng labi niya. Tinignan ko lang siya at hindi nakasagot, "You were my favorite student, Fleur."
Mapait akong ngumiti, "Pero hindi na ngayon, sir," sanay naman ako na sa una lang ako paborito. Dahil kapag pumalpak ako, ayaw na nila sa akin.
"You can say that again," saad pa niya, "And what happened to you?" tinuro niya ako at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita , "You're soaked in mud."
Lumapit ako sa kanya at inilapag sa harap niya ang brief case, "Is this enough?" saad ko pa na diretso ang tingin dito.
Napatingin siya doon at saka ako nginitian ng masama, "Binabayaran mo ang professor mo?" hindi makapaniwalang tanong niya at bahagya pang ngumisi.
"That costs more than a billion. Hindi niyo 'yan mapupulot kung saan , sir. As long as makapasa ako, I don't mind," sagot ko. I don't care kung anong isipin niya o nila. Ang mahalaga sa akin ay ang makapasa, 'yon lang.
"And if I don't agree with that?" sabay tingin niya sa brief case.
"Hindi kita titigilan hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko," seryosong saad ko na ikinatawa niya at sumandal sa kinauupuan nito. Patuloy pa rin niyang pinapaikot ang ballpen sa isa nitong kamay.
"No wonder ikaw pa rin ang paborito ko hanggang ngayon," saad niya. Tumayo siya at naglakad papunta sa likuran ko habang ako naman, sa harap ang tingin. Sa totoo lang, hindi na ako komportable pero papatulan ko lahat basta makuha ang gusto ko.
"And if I tell you na hindi rin kita ipapasa hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko?" bulong niya sa aking likuran sapat na para tumaas ang aking balahibo. Still, sinubukan kong kumalma. Ayokong maramdaman niya na hindi ako komportable.
Tumalikod ako para harapin siya, "Tell me."
Hindi ko nagustuhan ang pagngiti niya, "Ayaw ko ng madumi sa opisina ko, Fleur," hinawakan niya ang kamay ko na siyang aking ikinapalag pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya. Nang tignan ko siya, nginitian niya ako ng malapad at sapilitan hinila papunta sa kung saan.
Kahit anong palag ang gawin ko, sadyang malakas siya hanggang sa ipasok niya ako sa cr, "Sir, if you may, please let me go," maayos kong saad.
Isinara niya ang pintuan ng cr at hinarap ako, "I discipline students to always be neat-looking and formal. And pupunta ka rito ng marumi?"
Bigla na lang akong nakaramdam ng malamig na tubig nang buksan niya ang shower at nilinisan ako. He started brushing off my hair papunta sa mukha at parang hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya buong oras hanggang sa kunin niya ang shower at maramdaman kong nakatutok ito sa aking leeg. He's cleaning me like a child na naglaro sa putikan. Maya-maya ay ibinalik niya ang shower sa lalagyanan nito habang bukas pa rin ang tubig. At halos mapako ang tingin ko sa kanya dahil maski siya ay nababasa na.
Maya-maya ay tinanggal niya ang salamin nito at itinapat niya ang bibig sa aking tainga, "I know your past, Fleur," bulong niya na siyang ikinalaki ng mata ko. I heard this husky voice before, nag-umpsang kumabog ang aking dibdib, "And yes, I am that man you've been longing for. So stop playing with yourself and play with me instead."
Those words made me nervous, para akong nanigas sa kinatatayuan hanggang sa maramdaman ko ang init ng palad niyang nakapalibot sa leeg ko.
"The pleasures of pain," bulong pa niya.
To be continued...