Chapter 32 - RedStar: 30

Lalaki man, pero nakakaramdam din kami ng takot.

Hindi ko mapigilang manginig habang naririnig ang bawat bigat ng kanyang paghakbang. Kasalukuyan akong nakaupo habang nakatali ang mga kamay at paa. Nasa gitna ako ng isang baseball field. Madilim sa aking kinaroroonan ngunit sapat na ang mga ilaw sa posteng nakapalibot sa buong lugar para matanaw ko ang paligid.

Dinig ko ang mabibigat niyang hakbang na kasalukuyan akong iniikutan. Hindi ko rin siya makita dahil nakapiring ang aking mga mata, "P-Patawad. H-Hinding-hindi na 'to mauulit— pangako," nanginginig kong saad.

Hindi naman ako ganito, pero bunga ng presensya niya, kusa akong napapasuko.

Hindi ko man matanaw pero ramdam kong napayuko siya para tapatan ako lalo na't uminit ang hangin sa harap ko, "Hindi ba malinaw ang mga sinabi ko? A. Yo. Ko. Ng. Pal. Pak."

"AHHHHH!" pagkatapos noon ay nakaramdam ako ng sobrang pananakit sa leeg at biglaang napasigaw. Dinig sa apat na sulok ng lugar ang nagsusumamo kong sigaw dahil sa sakit. Tila mapuputol ang aking ulo at mahihiwalay sa sariling katawan dahil sa lakas ng pagpalo niya sa aking leeg. Nag-iba na rin ang pwesto ng kinauupuan ko dahil sa lakas ng palo nito. Hindi ko alam kung anuman ang hawak niya ngayon, pero sigurado akong matigas na bagay 'yon.

Dinig ko pa ang pagkahulog ng tila isang kahoy sa sahig. Maya-maya ay mahigpit niyang pinisil ang magkabilang-pisngi ko gamit ang isa nitong kamay. Lalaki man ako pero hindi ko mapigilang maiyak.

Sa tuwing palpak, ito ang inaabot ko sa kanya.

"P-Pangako, h-hindi na mauulit t— " hindi pa man ako natatapos ay dumapo na ang kamao niya sa aking pisngi dahilan para matumba ako at ang kinauupuan ko patagilid. Naglabas na rin ako ng likido sa labi at nalasahan ang sariling dugo. Nagsuka pa ako ng konti dahil sa sobrang hapdi at sakit ng pagsuntok niya.

"Ayaw ko sa lahat, yung puro pangako," may diin niyang saad.

Kinalas niya ang pagkakatali ko sa upuan at sapilitan akong itinayo. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tapat ko, "G-Ginawa ko lahat. P-Pero hindi ko alam kung... p-paano nang— "

Muli kong naramdaman ang mas malakas niya pang suntok kaya napahiga ako sa sahig. Kahit wala akong makita, ramdam kong sobrang sakit na nang ulo ko dahil sa walang humpay niyang pambubugbog. Muli akong napasuka at naramdaman ang likidong tumutulo sa aking bibig pababa sa dibdib ko.

Aktong tatayo ako ay muli akong napadaing, "Ahhhhh!!!" madiin niyang inapakan ang isa kong kamay na ngayon ay nanginginig.

"Paanong nakatakas ang isa sa mga eksperimento?" seryoso nitong tanong.

Naghahabol na rin ako ng hininga dahil sa mainit na hangin na lang ang natatanggap ko, "I-Inaalam ko pa— " kahit hirap na hirap ay pinilit kong magsalita, "Sigurado akong.... may nagpakawala sa kanya mula s-sa loob... imposibleng makakatakas siya dahil mahigpit ang seguridad— AHHHH!" muli niya akong sinipa sa mukha dahilan para mapaharap ako sa kabilang direksyon.

"Pinag-usapan na natin 'to, hindi ba? I told you to watch all of them para walang makatakas. Pero dahil sa kat*ngahan mo, ito ang nangyari!" patuloy ako sa pag-inda ng sakit, hapdi at kirot dahil tuluy-tuloy din siya sa pagsipa sa akin sa mukha, sa dibdib, sa sikmura at sa gitnang pang-ibaba ko.

Pakiramdam ko ay puputok na isa-isa ang mga ugat ko dahil sa ginagawa niya. He's been doing this to me long time ago, at wala akong magawa, "We could have gained something from that experiment kundi ka lang tatanga-tanga!" sigaw pa niya na umaalingasaw sa kabuuan ng lugar.

"P-Pangako. Hindi na 'to... m-maaulit. Kaya nagmamakaawa ako," halos hindi na ako makagalaw habang nakahiga patagilid dahil sa pamamanhid ng katawan, "P-Patayin mo na lang... ako," pagmamakaawa ko pa.

Bakit kailangan pang ako ang mapunta sa sitwasyon na 'to? Bakit ako pa? Hindi ko na kaya. Alam kong may pamilyang naghihintay sa akin pero sukung-suko na ang aking katawan.

Pilit niya ulit akong itinayo at ramdam ko sa sarili ko na para akong lantang gulay habang katapat siya, "Patayin ka?" natawa pa siya habang hawak ako sa kwelyo, "Kung hindi kita kailangan, matagal ka ng patay. At huwag na huwag kang gagawa ng anumang katarantaduhan laban sa akin dahil sisiguraduhin kong magdurusa ang pinakamamahal mo. Gusto mo ba yon ha?"

Sunud-sunod akong napailing nang maalala ang sinabi niya, "H-Hindi. K-Kaya bigyan mo pa ako... ng i-isang pagkakataon. P-Parang awa mo na. Huwag si Myles. Pakiusap," pag-iyak ko sa harapan niya.

Nas itinapat niya ako sa kanya, "Huli na 'to, dahil sa susunod na papalpak ka, sisiguraduhin kong magsasama kayo ng asawa mo sa impyerno. Nagkakaintindihan ba tayo?" sunud-sunod akong tumango.

"O-Oo, aayusin ko. P-Pangako."

"Mabuti naman at madali kang kausap... " sandaling natahimik kaya nagsalita ako.

"Ano p— " hindi pa man ako natatapos ay tumilapon ako sa sahig nang naramdaman ang pagtama nang isang matigas na bagay sa tyan ko.

Napahiga ako at napahawak sa tila namamaga kong sikmura. Halos mamalipit na rin ako. At sa mga oras na 'to, wala nang boses na lumalabas sa bibig ko. Ramdam ko ang paanan niya na pinilit alisin ang mga kamay kong nakatakip sa sikmura at saka niya 'yon inapakan kaya mas lalong tumulo ang napakaraming luha sa mata ko. Isang matigas na bagay ang lumapat sa leeg ko at parang unti-unti niya itong idinidiin dahilan para mahirapan akong huminga.

Nagawa kong mahawakan ang bagay na 'yon pero dahil sa dami ng iniinda ay hindi ko mahigpitan ang pagkakahawak para subukang tanggalin sa akin, "I heard you are also trying to do something para patayin ako," saad niya. Maraming beses kong pinilit na umiling at magsalita, "H-Hindi totoo yan," patuloy pa rin siya sa pagdiin nang bagay na 'yon sa lalamunan ko. Tila isa itong matigas at malapad na kahoy hanggang sa mapagtanto ko ang isang bagay na parati niyang gamit, baseball bat.

"Tingin mo ba hindi ko alam ang lahat ng galaw mo? Kahit hindi ako lumalabas at wala akong koneksyon sa labas, pinapanood kita. So don't you dare provoke me, Kash. I'm far from being the worse when I'm not calm," sapilitan niya akong itinayo. At halos mamanhid na rin ako dahil sa lahat ng pananakit na natamo ko sa kanya.

"Huwag na huwag kang magkakamali ng galaw. Alam mo kung ano at sino ako. Alam mo rin kung ano ang kaya kong gawin. At kahit ikaw ang nasa posisyon, ako lang ang pakikinggan mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" tumango naman ako agad para matapos na ang paghihirap ko.

"Good boy," ginulo niya pa ang aking buhok at halatang natutuwa.

Ipinagdikit niya ang mga noo namin habang nakahawak siya sa likuran ng ulo ko. Muling humapdi ang mga sugat ko sa ulo dahil doon, "Ngayon, alam mo na kung ano ang napapala ng mga tumatraydor sa akin. So don't you dare, Mr. CEO.... ang pinaka-ayaw ko sa lahat, mga traydor," pagkatapos sabihin 'yon ay muli akong tumilapon sa sahig nang malakas na tumama sa aking ulo ang isang matigas na bagay.

"You might be the boss but I will always be the LaCosa's Alpha," saad niya.

Kung hindi lang ako nakapiring, malamang ngayon ay nanlalabo na ang paningin ko.

Huwag mong hayaan na makita kita, dahil hindi kita titigilan. Kayang-kaya kong gawin sayo lahat ng pasakit na binigay mo sa akin. Kumuyom ang mga kamay ko habang naririnig ang mga yapak niya papalayo sa akin.

Ginamit ko ang panyo para punasan ang sariling pawis sa mukha. Kasalukuyan ko ring suot ang trilby hat na madalas kong gamitin nang sa ganon, walang makakita o makakilala sa akin.

Maayos ang tingin ko sa harapan habang pinapanood ang pangangarera ng mga kabayo. Uso ang ganito dito, di tulad sa Pilipinas. Habang nanonood, nawalan ako ng pokus nang maalala lahat ng pasakit na binigay niya sa akin. Kung may laban lang ako, matagal ko na siyang tinakasan.

Kasalukuyan namang nasa bibig ko ang isang tobacco. Nakapatong ang isang hita sa kabila at nakasandal sa kinauupuan. Malapit ng manalo ang manok ko sa karera. Numero tres.

Ramdam ko ang pagtabi sa akin ng kung sino hanggang sa mapayuko ako at hindi pinahalatang natawa. Kahit hindi ko makita, alam na alam ko ang amoy at presensya niya. Tumingala ako nang magsigawan ang mga tao at magsitayuan. Nang tignan ko, nangunguna ang manok ko. Huwag na sanang sumablay pa.

"Mukhang panalo ang manok mo ngayon ah?" tanong niya kaya hindi ako tumingin sa gawi nito. Bawal siyang makilala. Ngunit mula sa gilid ng mata, tanaw ko siya. Maayos ang upo nito habang nakadekwatro ang isang paa't nakapatong sa kabila. Ang kaliwang braso niya, nakalagay sa sandalan ng kinauupuan ko. Katulad ko ay nanonood rin siya pero alam ko naman ang totoo nitong pakay.

"Mukhang mamalasin rin ako," saad ko nang mapansin na napapantayan ng numero otso ang pambato ko. Dumating siya kaya malas nanaman.

"At mas mamalasin ka kapag hindi mo naayos ang problema sa kumpanya ko," dahil doon ay natigilan ako at hindi nakakibo.

Lumapit siya ng konti sa akin habang taas ang gilid ng labi. Tulad ko ay naka-cap din siya kaya hindi ko malayang masilayan ang wangis niya, "Ano 'tong nabalitaan ko na nanakawan ako ng ginto at alahas sa mismong shop na pagmamay-ari ko sa Pilipinas?"

Muling nagsisigawan ang mga tao. Tumingin ako sa nangyayaring karera. Nauunahan ang manok ko, "Maliit na bagay lang 'yon. Ginagawan ko na ng paraan," kinuha ko ang nasa bibig at naglabas ng usok para piliting kumalma. Mas kalmado ako kapag nagyoyosi habang kaharap siya, dahil kung hindi, manginginig ako sa harapan niya. Buti na lang din at matao dito, malayong madapuan ako ng bayolente niyang pag-iisip.

"Ginagawan ng paraan? O hinihintay ang plano't utos ko?" sarkastikong saad niya.

Muli akong humithit bago nagsalita at nanood, "Parang ganon na nga. Baka gumawa kasi ako ng sariling plano at hindi mo magustuhan. Ayaw ko naman na pabagsakin ang isang bagay na matagal ng ipinagkatiwala sa akin," di ko pa rin siya binabalingan ng tingin kahit gustung-gusto ko.

Inakbayan niya ako at tinapik ang balikat, "Ayos yan, Kash. Mukhang tumatalino ka na dahil sa akin ah?" gustuhin ko mang tignan siya pero mas hindi ko magugustuhang mabulag ngayon din, "Since I know that this plan is a rush. This is what you're doing to do para bawiin ang pagmamay-ari kong nawala... " mas inilapit niya ang sarili sa akin habang sinusubukan kong magpokus sa pinapanood para iwasang kabahan.

Malapit na sa finish line ang karera. Magkatapat pa rin ang pambato ko at ang numero otso. Mas lumalakas ang sigaw ng mga tao, mas marami na rin ang nagsisitayuan habang pinagchicheer ang mga pambato nila.

"There is this fire island managed by LaCosta Saoirsa's sub-organization. The name is El Nostra. Based on my findings, sila ang may pakana ng lahat ng 'to. There's this group whom they call The Penta Blinders, sila ang nagnakaw sa pagmamay-ari ko para palakihin pa ang benta at payamanin ang sarili nila. This is your job as my company's trusted and most diligent CEO," mas lumapit siya para bumulong, "Offer them new harvests of the rarest animal parts in the world."

Natigilan ako at halos maputulan ng dila. Hindi sinasadyang muntikan akong mapatingin sa kanya, "Ooppps, did I tell you to look?" dahil sa sinabi niya, natigil lang ang tingin ko sa bandang gilid, sapat na para matanaw ko ng bahagya ang hugis ng mukha niya.

"That's illegal kung gagawin natin yan," saad ko.

"Sinabi ko bang papatay ka ng hayop? Palalabasin mong totoo ang ireregalo mo."

Nagsalubong ang kilay ko. Mas lalo namang umingay sa paligid, "Reregaluhan mo ang black market sa Pilipinas ng isang pekeng bagay. Tignan natin kung ano ang magiging reaksyon nila pagkatapos nilang maibenta ang mga 'yon," sa tono pa lang, natutuwa na siya sa sarili nitong plano.

"Pero ang sabi mo LaCosta sila, hindi ba?" tanong ko na hindi niya sinagot, "Hindi tayo pwedeng makihalu-bilo sa kanila— "

"Kung ano ang sasabihin ko, yun ang gagawin mo. Huwag kang mag-alala, protektado naman kita. Easyhan mo lang, Kash. Para naman to sa kumpanya ko, sa LaCosa. I'm just saving what's originally mine."

"Hindi madali ang pinapagawa mo," umiling ako at mahina siyang tumawa.

Tumayo siya at tinalikuran ako para maglakad papalayo. Nang tignan ko, mabilis siyang naglaho. Ang tanging nakita ko lang ay ang kulay itim niyang suot, "Panalo, numero otsoooo!!!" pagsigaw ng announcer. Pagtingin ko, pangalawa lang ang manok ko sa karera. Minamalas ako sa tuwing nandyan ang taong 'yon.

Nagtatago ka man sa ngayon, pero darating ang araw na malalaman at malalaman ko ang tunay mong pagkatao.

To be continued...