Chapter 30 - RedStar: 28

"Hindi magagawa ni Von 'yan. Edi sana matagal na akong patay," depensang saad ko. Pinaalis na nga ako ng lalaking 'yon pero bakit nagagawa ko pa rin siyang ipagtanggol sa mga 'to. Siguro dahil alam ko sa aking sarili na pinagbibintangan lang nila siya. Ano bang meron at ang init ng dugo nila sa kanya?

Pero bakit ko pa ba 'to iniisip? Wala naman akong pake sa kanya.

"If you don't believe us na kayang pumatay ni Von, you should see for yourself. But if anything happens to you, we are not responsible," saad niya.

Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Oo, maiksing panahon ko lang nakasama si Von pero agad kong nakita kung anong klasing tao siya. Ako ang saksi sa kahinaan niya. Kahit ganon ang ginawa niya sa akin, gusto ko pa ring maniwala sa sarili ko na hindi niya kayang pumatay ng tao, lalo na't kung sarili niya itong ama.

Hawak ko din ang brief case na ibinigay nila habang nakatayo ngayon sa harapan ng gate ng mansyon. Oo, kinuha ko ang binigay nila dahil tatanggapin ko na rin na 'yon na ang huling misyon ko, ang pumunta sa headquarters nila. Pinaalis na rin naman ako ni Von kaya ano pang babalikan ko? Katulad ng sinabi ng babae, tapos na ang misyon ko lalo na't hindi ko tinanggap ang panibagong trabaho na gusto nilang ipagawa sa akin.

Nakatanaw ako sa loob. Hindi pa naka-activate ang mga lasers. Wala ring ilaw sa paligid kaya madilim sa buong lugar katulad noon. Napalunok ako at tinanaw ang buong gate. Sarado. Wala na talaga akong balak na bumalik dito pero nasa akin pala ang mga susi at hindi ko naiwan, kaya balak kong ibalik ngayon. At sisiguraduhin kong ito na ang huli.

Inihagis ko ang brief case papunta sa loob ng gate. Katulad ng aking ginawa noon, inakyat ko ulit ang gate dahil nakakandado. Lumukso ako pagdating sa tuktok at buti na lang, hindi ako nakapagtamo ng sugat. Pagkalapag ko sa sahig, kinuha ko ulit ang brief case. Medyo nakuha ko na rin naman ang pattern ng mga laser dito kaya mas magiging madali ang pagpasok ko. Kapag may maling naaapakan, doon sila mag-aactivate kaya dahan-dahan akong humahakbang pasulong habang inaalala kung paano sila gumalaw date. Hindi kita ang mga laser sa umpisa pero kapag mali ang naapakan, bigla na lang iilaw at lilitaw.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalagpas doon nang hindi umiilaw ang mga laser. Pero nawala sa isip ko na bigla na lang may lumalabas o nahuhulog na baril sa kung saan. Pagkaapak ko pa lang sa tapat ng pinto ay bumukas ang isang parte ng tiles at may lumabas na baril. Tutok na tutok ito sa akin kaya agad kong iniharang ang hawak na brief case at malaki ang mga hakbang na napaatras dahil sa tindi ng epekto nito. Nang maharang ang bala ay ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis. Unti-unti kong ibinaba ang hawak hanggang sa makarinig ako ng isa pang pagputok ng baril. Kasabay noon ay ang pagkirot ng aking braso kaya wala sa plano akong napadaing sa sakit at biglaang napasandal sa pintuan.

Mula sa terrace ay may nahulog na baril, nakatali 'yon sa isang tali at tumapat sa akin kaya hindi ko napansin. Napahawak ako sa kanang braso at nang tignan ay dumudugo na. Ibinaba ko sa sulok ang aking hawak habang napapadaing sa sakit. Bumaon kasi ang bala sa kanang braso ko. Ito pa naman ang madalas kong gamitin. Pilit kong itinulak ang pintuan pero sarado. Kinuha ko agad ang susi para buksan 'yon at wala akong ibang choice kundi gamitin ang kaliwang kamay. Medyo mahirap pa nga dahil madilim at kailangan kong tantiyahin ang butas. Di nagtagal ay nabuksan ko rin ang pinto at hinugot ang susi.

Pagpasok ko sa loob, hindi na nakakapagtaka kung bakit madilim. Palagi namang ganito. Inilibot ko ang tingin at tanging liwanag lang sa buwan ang nagbibigay liwanag sa akin. Tinutumbok kasi ng liwanag nito ang mga bintana ng mansyon. Una akong pumunta sa kusina, as usual maliwanag doon pero walang tao. Pumunta na rin ako sa mga kwarto kung saan madalas si Von maski sa gaming room niya sa second floor, pero wala akong naabutan. Sobrang tahimik at nakakabingi. Maya-maya naisipan ko na lang na pumunta sa mala-kwarto niyang refrigerator. Baka kasi nandon siya at namimili ng pagkain.

Hindi ko alam kung bakit pero kailangan kong ibigay sa kanya ng personal ang susi at magpaalam kahit na wala naman siyang pake. Wala din naman akong pake e. Gusto ko lang, bakit ba?

Pagdating ko rito, lamig ang naabutan ko. May mga pagkain pa rin doon at kumpara date, hindi pa rin sila bawas ngayon. Isa't kalahating araw din akong wala dito sa mansyon at hindi ko alam kung ano ng nangyari sa taong 'yon. Baka naman patay na?

Nakahawak pa rin ako sa kanang braso habang kanina pa nililibot ang mansyon, pero wala siya. Inilibot ko ang tingin sa paligid ng malamig na kwartong ref at kahit saang sulok ko tignan. Walang bawas na pagkain. Kung paano ko iniwan ay ganon pa rin.

So hindi talaga siya kumakain? Baka namatay na dahil sa lagnat niya. Pake ko naman. Makaalis na nga.

Aktong lalabas na ako ay mas lalong kumirot ang braso ko kaya nawalan ako ng balanseng napahakbang paatras at napadaing sa sakit. Natigilan ako nang maramdaman ang pagtama ko sa isang matigas na metal sa aking likuran. Sumasabay na rin ang panlalamig ko kaya nakakapanghina. Lumalalim ang aking paghinga dahil sa bigat ng malamig na hangin. Isinandal ko ang ulo sa likuran para pakalmahin ang sarili pero bigla na lang akong napatingin sa likuran nang maramdaman na tila gumalaw ang aking sinasandalan.

Nang tignan ko, nakagawa ng siwang ang paggalaw ng metal na pader. Para bang isa itong pinto na bahagyang binuksan kaya may siwang. Nagsalubong ang kilay ko at humakbang pasulong. Bahagya akong sumilip at tila may isa pang malaking space sa likod nito. Tila may secret door pa ang kwarto. Dahan-dahan kong hinawakan ang metal na pader at itinulak 'yon na siyang bumukas agad....

Hindi siya pader, kundi isang totoong pinto. Isang tagong pinto.

Tuluyan ko 'yong binuksan na siyang gumawa ng ingay at dahan-dahang humakbang pasulong. Tinanaw ko ang paligid. Ang kabuuang lugar ay parang isang kwarto at nahahati sa dalawa dahil may plastik na kurtina ang nakalagay sa pinakagitna kaya natatakpan ang pinakalikod. Kulay pula ang liwanag na nanggagaling sa pinakalikod na parte ng kwarto. Tumambad din sa harapan ko ang isang lamesa na may katamtamang laki at haba. Nakapatong doon ang iba't ibang klasi ng armas. Iba't ibang laki at klase ng kutsilyo, grass cutter, surgical knife, metal scissors at marami pang iba. Nilapitan ko 'yon at dahan-dahang naglakad habang isa-isang tinitignan. Pagdating naman sa pader, may mga nakasabit na tali, posas at mga kadena. Mayroon ding mga latigo. Bukod dito, may iilang patak ng likido sa flooring at pader. Hindi ko mapagtanto kung dugo ba o ano pero mukhang kulay pula dahil na rin sa epekto ng pulang ilaw dito sa loob.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero hindi na bago sa akin ang ganitong bagay dahil madalas akong nakakakita ng ganito noong tinetrain ako sa Estrella kaya hindi ako gaanong nakakaramdam ng kaba o takot. Pagkatapos kong makita ang mga ganoong bagay, naglakad ako papunta sa gitna, sa harap ng kurtina. Hindi gaanong kita ang nasa likod nito dahil malabo pero halatang kulay pula ang ilaw dahil natatanaw ko ito mula sa aking kinatatayuan. Hinawakan ko ang plastik na kurtina at agad na hinila papunta sa gilid. Humakbang ako pasulong. Isang upuan sa gitna ang tumambad sa akin. May ilaw sa apat na sulok ng parteng ito, kulay pulang mga ilaw.

Lumapit ako sa upuan at may mga patak ng likido na hindi ko malaman kung dugo ba o ano, kulay pula kasi ang likido dahil na rin sa epekto ng ilaw. Kusa kong naibaba ang kamay na nakatakip sa aking braso. Para bang nawala ang pagkirot dito dahil sa aking nakikita ngayon. Hinawakan ko ang mismong likido sa upuan gamit ang mga daliri para alamin kung ano 'yon. Medyo malagkit at malapot. Kusa kong naibaba ang kamay at kahit hindi ko makita sa puting ilaw kung ano ito, alam ko na. Pero bakit? Bakit may ganito dito? Sariwang-sariwa pa nga.

Napatingin ako sa paanan nang maramdaman ang isang bagay na naapakan ko. Isang baseball bat ang nasa sahig. May mga bahid rin 'yon ng dugo. Sa ilalim ng upuan, tila may nakaipit pa, hindi gaanong halata dahil natatakpan. Buti na lang at napansin ko. Yumuko ako at kinuha 'yon. Isang picture ng matandang lalaki. Kusa akong napalunok at umayos ng tayo bago tuluyang napahakbang papaatras. Napako ang tingin ko sa picture nang matanawan na pamilyar ang lalaki hanggang sa makilala ko siya. Minsan ko nang nakita ang taong 'to.

K-Kung ganon... kusa kong naibaba ang kamay at nabitawan ang hawak. Napako ang tingin ko sa harapan. Totoo nga ang sinasabi nila?

Agad akong tumalikod at papatakbong lumabas sa kinaroroonan ko. Hindi na ako nag-abala na isara ang mga pinto, ang mahalaga makalabas na ako ngayon at huwag ng bumalik pa. Paglabas ko sa kwarto, agad kong tinungo ang pinto para kunin ang naiwan kong brief case. Kung gaano ako kakalmado kanina, ganon kabilis ang galaw ko ngayon. Hindi pwede 'to! Bakit pa kasi ako bumalik?!

"Lahat ng tumitira sa mansyon, hindi na nakakalabas ng buhay."

"We suspect him as the killer of his own dad."

"Kill him, or else he'll kill you."

Habang binibilisan ang paggalaw, paulit-ulit kong naririnig ang mga sinasabi nila mula noon hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano dapat ang maging reaksyon. Naguguluhan ako.

"Pagsisihan mo ang araw na 'to, na pinigilan mo akong tapusin siya!"

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang magtitiwala sa kanya!"

"Pinaglalaruan niya ang buhay naming lahat! Gagawin niya rin sa'yo ang ginawa niya sa amin."

Lahat ng sinabi nila, bumalik sa akin. At kahit anong pigil kong marinig sila, hindi ko magawa. Ayaw kong isipin na nagkamali ako. Hindi pwede!

"Ang trabaho mo sa LaCosa ay maghanap ng ebidensya kung si Von ba ang pumatay sa tatay niya o kung inosente man siya," boses ni Bry.

Binuksan ko ang pintuan at lumapit sa parte kung saan ko naiwan ang brief case. Kinuha ko ito agad hanggang sa may mapagtanto ako. Umayos ako ng tayo at tuluyang natigilan. Masyadong malakas ang pintig ng aking puso. Paglabas ko kanina, pagbukas ko sa pintuan... tila may natanaw akong isang pigura ng tao na nakatayo sa tapat ng pinto at dahil sa pagmamadali, nalagpasan ko siya pagkakuha ko sa brief case.

Mabigat ang presensya, maski ang aking paghinga. Parang sasabog ang puso ko sa bilis nito. Unti-unti akong tumalikod hanggang sa matanaw ang isang pamilyar na lalaki. Suot niya ang kanyang black hoody. Unti-unti niya akong hinarap at kahit madilim, nagtama ang mga mata namin. Tulad date, takip ang buo niyang mukha at isang mata lang ang kita.

Napahakbang ako paatras dahil iba siyang tumingin ngayon. Ibang-iba siya sa normal na nakilala ko, "You found out, am I right?" seryosong tanong niya.

Napailing ako at tuluy-tuloy na napahakbang paatras. Gusto kong sumagot pero walang lumalabas sa bibig ko. Parang umurong ang aking dila. H-Hindi naman ako ganito. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa lahat ng nakita ko....

N-Na siya nga talaga ang... pu-pumatay sa sarili niyang ama.

Bigla siyang naglabas ng kutsilyo mula sa kanyang bulsa at humakbang ng isang beses papalapit sa akin, "Anong nakita mo?" tanong pa niya habang hindi pinuputol ang tingin sa akin. Sobrang lamig ng tono niya at ang paraan ng pagtingin nito sa akin.

Humakbang ulit ako paatras hanggang sa mabilis ko siyang talikuran para tumakbo. Hindi ko aakalain na mas mabilis pala siyang gumalaw sa akin kaya agad niyang nahila ang buhok ko. Sobrang higpit ng hawak niya dahilan para mapadaing ako. Sinubukan ko siyang hampasin ng brief case, wala na rin akong choice kundi tapatan ang bawat atake niya. Agad ko siyang natira sa sikmura kaya napayuko siya at napaatras. Tumakbo na ako papunta sa gilid ng mansyon dahil mahihirapan akong iwasan ang mga trap sa harap. Sa likod na lang ako dadaan.

Tama nga sila. At ako lang ang hindi naniwala. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng kalokohang ito!

Tumunog ang isang pagputok ng baril hanggang sa dumaplis ang isang bala sa aking binti dahilan ng pagkadapa ko. Pinilit kong tumayo agad para makatakbo pero isang baril nanaman mula sa kung saan ang lumitaw. Agad akong nakaiwas pero dumaplis rin ito sa kabila kong binti. Ramdam ko ang pagtulo ng mga dugo sa aking mga sugat. Napaluhod ako sa sahig at halos gumapang na lang ako papalayo. Maputik pa at bumabaon ang paa ko sa daanan.

Wala na akong nagawa kundi gumapang dahil kapag tumatayo ako, mas lalo akong lumulubog. Hanggang sa may kung sinong mahigpit na humawak sa buhok ko, "Bitawan mo 'ko!" sigaw ko na hinawakan ang kamay niya para pilit na alisin 'yon. Hinila niya ako pabalik sa kinaroroonan namin kanina.

"Von, ano ba?!" sigaw ko pa. Nagtamo na rin ako ng mga sugat kaya hindi ako makakadepensa ng maayos, "Bitawan mo 'ko, tangina!" sobrang higpit niyang humawak, ang kirot sa anit na parang matatanggal ang ulo ko.

Mas malawak niyang binuksan ang pinto habang kinakaladkad ako at malakas akong itinulak dahilan ng aking pagkasubsob. Mas kumirot pa ang aking mga sugat. Tiningala ko siya nang humakbang siya papalapit sa akin, "Ano bang gusto mo? Aalis na nga ako dba?!" nakipagtitigan ako sa kanya at seryoso't nakakamatay ang mga 'yon.

Napailing na lang ako, "Hindi ikaw yung nakilala ko," diin ko, "Ang galing mong magpanggap," tumango ako at hindi makapaniwalang natawa na lang. Parang gusto kong saksakin ang sarili ko ng maraming beses dahil sa katangahan ko!

"Nagawa mo 'kong paikutin sa mga kainosentehan mo. Mas mabuti pang noon pa lang, pinatay na kita! Hindi na sana kita tinulungan!" sigaw ko. Tinapatan ko rin ang mga mapanaksak niyang titig.

Unti-unti siyang yumuko para tapatan ako. Mahigpit niyang hinawakan ang aking buhok, "Sinabihan na kita, na umalis at lumayas sa mansyon ko. Pero ayaw mong makinig," mas humigpit ang hawak niya kaya mas nagkatapatan kami, "Tapos ngayon sisisihin mo 'ko?" seryoso niyang saad na may diin sa bawat salita.

Hindi ko siya kilala! Hindi siya yung pinilit kong kilalanin! Ang tanga-tanga ko sa parte na pinagtanggol ko siya at pinagkatiwalaan! Sobrang nagsisisi ako... kung pwede lang ibalik ang oras, babaguhin ko ang mga desisyon kong walang kakwenta-kwenta umpisa pa lang!

"Nagsisisi akong dinepensahan kita, Von," saad ko. Halos manginig ako sa galit na nararamdaman ko ngayon. Pati kalamnan ko ay nanginginig, "Sana namatay ka na lang— "

Bigla niyang pinisil ang magkabilang-pisngi ko dahilan ng aking pagkatigil, "Well I'm sorry if it's not my fault kung mas pinili mong piliin ako kesa makinig sa mga sinasabi nila. Pero pwede mo pa rin naman akong pagkatiwalaan kung gusto mo," sabay ngiti niya ng masama.

Nginitian ko na rin siya ng masama, "No, I won't ever do that shit again," pag-iling ko, "I regret being in this mission, you fuckin killer," mas dumiin ang pagkakapisil niya sa akin. Parang isa-isang hihiwalay ang mga ngipin ko. Halos napapadaing na rin ako dahil sa magkahalong sakit. Puno na ako ng sugat at patuloy na nababahiran ng dugo.

Inilapit niya ang bibig sa aking tainga, "Well then, magsisi ka hanggat gusto mo. Because I can't wait hearing your screams. For someone as serious as you, it's rare to find you. Gustung-gusto kong marinig ang pagmamakaawa mo. I want you to beg me in every possible way. Now, I'll paint you red," tuluyang tumaas ang balahibo ko dahil sa mga salitang 'yon. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong klasing takot. Hindi ako nakagalaw. Tuluyan akong nanlamig at nanigas sa posisyon.

Nagkatinginan kami. Iba ang tingin niya, ang pagsasalita at ang galaw. Ibang tao ang kaharap ko.... isang demonyo at hindi inosenteng Von. May darating pa bang tulong kung ang mismong tulong na inaasahan ko ang siyang magpapahamak sa akin?

To be continued...