Chapter 31 - RedStar: 29

!! WARNING !!

Unti-unti akong nagmulat ng mata. Ilang beses na papikit-pikit hanggang sa matanaw ang nasa aking harapan. Malabo pa noong umpisa, hindi rin naman nagtagal at unti-unting luminaw ang aking paningin. Inilibot ko ang tingin at nasa isang kwarto ako. May bahid ng dugo ang mga pader na siyang nakapalibot sa akin. Tumingala ako at nakita ang apat na sulok ng kisame, may mga nakadikit na pulang ilaw rito. Doon pa lang, alam ko ng hindi na maganda ang manatili sa lugar na 'to. Sa kanang pader, may mga nakasabit na posas, latigo, kadena at marami pang mga klasi ng armas. Medyo malayo ang distansya nila sa isa't isa. Sa harapan ko, may isang kurtina na tila transparent ngunit medyo malabo kaya hindi ko gaanong matanaw ang tinatakpan nito sa aking harapan kaya hindi ko rin gaanong maaninagan kung nasaan ako. Ngunit parang pamilyar ang lugar sa akin.

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko nagawa. Nang tignan ko, nakatali ang aking mga kamay at paa sa upuan kung nasaan ako. Sinubukan ko pang kalagin pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin. Mabilis akong nagpalinga-linga ng tingin sa paligid habang sinusubukang kalasin ang tali.

Ikaila ko man, ngunit sadyang pamilyar talaga sa akin ang lugar na 'to.

Natigilan ako sa ginagawa at napatingin sa kung saan. Napako ang tingin ko sa harapan nang makarinig ng mga yapak na tila papalapit sa kinaroroonan ko. Natanaw ko ang isang anino sa likuran ng kurtina, papalapit ito sa akin. Hinila niya ang kurtina papunta sa gilid hanggang sa tuluyan kong makita ang mukha nito at makilala.

Natigilan siya dahilan ng pagtitinginan namin hanggang sa humakbang ito papalapit sa akin. Hindi ko naman maiwasang tignan siya ng matalim habang seryoso lang ito. Tumigil siya sa tapat ko, "Gising ka na pala," sabay ngiti niya ng masama at napahawak pa ang mga kamay sa magkabilang-baywang.

"Ano bang gusto mo?" seryosong tanong ko.

"Nothing," tumalikod siya at hinila papunta sa gilid ang buong kurtina kaya ngayon ay tanaw na tanaw ko ang isang mahabang lamesa na puno ng iba't ibang klasi ng armas.

"Ano, pag-eeksperimentuhan mo ako?" napatingin siya sa akin sapat na para pagtaasan ko siya ng kilay at ngitian ng masama, "Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin! Pero sisiguraduhin kong makakalabas ako ng buhay sa lugar na 'to," diin ko.

Ngumiti siya at nilapitan ako, "Mukha bang sasaktan kita?" natawa siya at humarap sa lamesa. Naglakad pa ito ng mabagal na tila namimili ng kukunin at doon nakapako ang tingin, "Bakit sa tingin mo nakakalabas-pasok ka ng buhay sa mansyon ko?" kumuha siya ng isang bagay mula sa lamesa na hindi ko matukoy bago niya ako tinignan at muling natawa.

Humugot siya ng isang upuan sa tabi at hinila 'yon habang papalapit sa akin. Inilagay niya ang upuan sa aking tapat at naupo doon. Yumuko siya. Ngayon, magkapatong pa ang dalawa nitong siko sa magkabila niyang tuhod kaya tapat na tapat ang mukha niya sa akin. May pinindot siya sa hawak at lumabas ang isang maliit ng kutsilyo. Tanaw na tanaw ko pa rito ang aking repleksyon dahil sa talim at kintab noon. Pareho kaming napatingin sa hawak niya bago muling nagkatinginan, "Because just like you, may kailangan ako," saad niya.

Maayos niyang hinawakan ang kutsilyo at pinadaan ang dulo nito sa aking noo pababa sa pisngi hanggang sa leeg ko habang masama ang kanyang ngiti, "Kaya huwag mo 'kong tignan ng ganya, kasi kung gugustuhin kitang mamatay, dati ko pa ginawa," tumigil siya sa ginagawa habang matalim ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko, napakalaki kong tanga para magpaikot sa kanya.

"Kung binalak mo man akong patayin date, pwes malas ka dahil uunahan kita," diin ko sa bawat salita. Hindi lang talaga ako makapaniwala na napaniwala niya ako sa lahat ng katarantaduhan niya. Ni minsan hindi ko siya nakitaan ng dahilan para isipin na kaya niyang maging ganito o gawin ang mga bagay na inisip kong ibinibintang lang sa kanya. Pero mali pala ako. At isang kamalian ang lahat ng 'to.

"I agree with that," natawa pa siya at itinuro ako gamit ang kutsilyo. Maya-maya, ipinadaan niyang muli ang dulo noon sa dibdib ko, pababa sa tyan ko.Malalim naman akong humihinga dahil anumang oras, kaya niyang ibaon ang talim noon sa katawan ko, "But why do you think ikaw ang pinaka-maswerteng tao na nakapasok sa mansyon ko?"

Nakipagtitigan lang ako sa kanya.

"Hmmm?" tanong pa niya. Kung hindi lang ako nakatali ngayon ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin at isuplong siya tungkol sa natuklasan ko.

"Then let me tell you something tutal nandito na rin naman tayo. Nung hinahabol ka pa lang ng Trescalions noon, hahayaan na sana kitang mamatay but I just thought... " ramdam ko ang dulo, talim at lamig ng kutsilyo na dumapo sa iba't ibang parte ng katawan ko. Abala siyang gawin 'yon habang sa akin ang tingin at masama ang ngiti. Isa siyang demonyo. Demonyong painosente.

"Why would I let them kill you kung pwede rin naman kitang gamitin ng paulit-ulit kagaya ng ginagawa ngayon sayo laban sa akin?"

Palagi man akong seryoso pero nakuha niyang pagsalubungin ang mga kilay ko, "Anong ibig mong sabihin?" May alam ba siya na hindi ko alam?

Mas lumapad ang ngiti niya at itinapat ang bibig sa aking tainga, "Do you think I didn't know since from that start?" bahagya siyang lumayo at nagkatinginan kami, "That you're a spy of Estrella?" bulong niya. Mula sa mapanlokong ngiti ay naging seryoso ang mukha nito. Hindi ko man madalas maramdaman ang kaba pero sapat na ang kanyang tono at galaw para bumilis ang pintig ng puso ko. Ang paghinga ko ay lumalim at nag-uumpisa na ring pagpawisan.

Sunud-sunod akong napailing, "Hindi totoo yan— "

"Shhh," tinakpan niya ang bibig ko gamit ang talim ng kutsilyo at inilagay ang hintuturo nito sa kanyang bibig para patigilin ako sa pagsasalita. Muli siyang lumapit para bumulong sa akin, "Wag kang maingay, baka marinig ka nila. That belt on your leg has a recording device, right? Naririnig nila ang nangyayari sa'yo kaya magtiis ka kung ayaw mong malaman nilang palpak ka," halos walang boses akong napadaing sa sakit nang maramdaman ang talim ng kutsilyo na bumaon sa kaliwang hita ko. Napapikit na lang ako habang pinipigilang gumawa ng tunog lalo na't tinakpan niya ang aking bibig.

"Shhhh," bulong niya pa sa akin. Habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko, abala naman ang kabilang kamay na kalikutin ang kutsilyo para paikutin sa hita ko habang nakasaksak. Ang mga kuko ko naman ay halos bumaon na sa aking palad dahil sa sobrang pagkuyom. Dito ko na lang naipaparating sa sarili ko kung gaano kamiserable ang mapunta sa ganitong sitwasyon. Gusto kong sumigaw para naman mailabas ko ang sakit kahit papaano. Pero hindi ko magawa.

Nang kusa akong mapasandal ay unti-unti niyang ibinaba ang kamay. Halos mapapikit na ako sa sakit hanggang sa bulungan niya ako ulit. Ang isa niyang kamay, gumapang papunta sa kanan kong hita kung nasaan ang gofer, "At tingin mo ba hindi ko rin alam ang tungkol dito umpisa pa lang?" kinapa niya ang belt sa hita ko at bahagyang pinisil 'yon dahilan para sumikip at halos mapasigaw ako pero tulad kanina, tinakpan niya agad ang aking bibig at sapilitang isinandal pa lalo sa upuan. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa sinabi niya o dahil sa sakit na binibigay niya sa akin ngayon.

Kaya ayaw kong nagagalaw ang belt dahil kusang sumisikip.

Napatingala na lang ako para piliting pakalmahin ang sarili. Mas malala pa rito ang napagdaanan ko sa Estrella kaya ayos lang. Kaya ko 'to at malalagpasan ko 'to, "Calm down," saad pa niya. Unti-unti niyang ibinaba ang kamay kaya pilit ko siyang tinignan.

" Bakit mo ba 'to ginagawa, Von? Napag-utusan lang ako," hinihingal kong sabi sa mahinang tono. Sobrang init na rin ng hangin na aking natatanggap at ang bigat sa pakiramdam.

Nag-umpisa siyang laruin ang dulo ng ilang hibla sa aking buhok at paikut-ikutin 'yon sa kanyang kamay, "I won't kill you yet, Xeline," napako ang tingin ko sa kanya habang nanlalaki ang mata.

D-Did he just call me Xeline?

"Oo, alam ko lahat. Kung sino ka, kung ano ka, at kung saan ka galing. Sa tingin mo ba talaga isa lang akong tatanga-tanga at walang alam sa mundo? Come on, I'm the eldest LaCosa of our father, hindi ako pinalaking walang alam sa mundo," tumaas ang gilid ng labi niya.

Inilagay niya ang buhok ko sa likuran ng aking tainga bago itinapat ang mukha sa akin, "If they used you against me, then I will also use you against them. 'Yon ang plano ko umpisa pa lang. Actually," inalis niya ng biglaan ang kutsilyong nakatarak sa aking hita dahilan para mapasandal ako at mapadaing sakit habang nangunguyom ang mga kamay. Ramdam ko ang pagtulo ng maraming dugo mula sa hita ko, "Umpisa pa lang dapat, papatayin na kita. Pero naisip ko lang, kailangan ko pang malaman kung sino ang namumuno sa Estrella. And you are the only key left para malaman ko ang gusto kong malaman."

Dahil doon ay natawa ako dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin, "At sa tingin mo ba may alam ako dyan?"

"Kaya nga kailangan kita para magtagumpay ako sa mga plano ko," muli siyang bumulong, "Susunod ka pa rin sa gusto ng Estrella pero sa akin ka makikinig."

Nagkatinginan kami ng ilang segundo at umiling ako, "At sino ka para sabihan ako sa dapat kong gawin? Hindi ko na gugustuhing magtagal pa dito habang kasama ang isang demonyo na katulad mo," diin ko ngunit mahina dahil sa belt na nakalagay sa akin, pwedeng naririnig kami ng Estrella ngayon. At wala rin akong alam kung kelan sila nakikinig at hindi nakikinig.

"Well then," tinignan niya ng maayos ang kutsilyo na ngayon ay may dugo. Unti-unti ko namang nararamdaman ang panghihina, "Mukhang kailangan pa kitang pilitin na kampihan ako."

Tumayo siya at tumalikod sa akin habang may kinukuha sa kanyang bulsa. Tanaw ko ang isang lalagyan ng gamot na binuksan niya at tila may isinubong kapsul bago ulit ibinalik sa kanyang bulsa.

Maya-maya ay hinarapan niya ako sabay lapit sa akin. Nagpumiglas na ako nang matukoy kung ano ang balak niya, "Anong gagawin mo?" hinawakan niya ang leeg ko at pilit isinandal sa upuan kaya halos masakal ako. Bigla ko na lang naramdaman ang bibig niyang dumikit sa bibig ko kaya kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko, hindi rin ako makapalag dahil hawak niya ako sa leeg at nakatali ang mga kamay ko. Pilit niyang ibinuka ang bibig ko at ipinasok ang dila sa akin. Doon pa lang, isang mapait na bagay ang natikman ko hanggang sa malipat sa aking dila ang isang kapsul na halos malusaw na.

Kahit gusto kong idura, hindi siya lumalayo sa akin. Maski ang laway nito'y tila natitikman ko na rin. Maya-maya ay lumayo siya kaya nagkatinginan kami. Aktong iluluwa ko ang kapsul at ang mga likido sa bibig, mas lalo niyang itinangala ang aking ulo. Pinilit kong magsalita habang nakatitig sa kisame pero naging dahilan 'yon para dumiretso sa lalamunan ko ang mga inilipat niya.

A-Ano 'to?

Sunud-sunod akong napaubo matapos ang pangyayari hanggang sa matanaw ko siyang tinatanggal ang kanyang belt. Hindi na ako makapalag dahil sobrang sakit ng lalamunan ko, dumurugo pa rin ang aking hita kaya wala akong lakas.

Nang tuluyang maalis ang belt ay agad niyang pinaikot sa bibig ko papunta sa likuran ng ulo at hinigpitan kaya halos hindi ko maigalaw ang bibig at hindi ako makapagsalita. Ang nagawa ko lang ay tignan siya habang ginagawa 'yon sa akin. Sinigurado niyang hindi ako makakagawa ng ingay. Sa mga oras na 'yon, isa lang ang nagawa kong itanong sa sarili. Why did I let him na gawin 'to sakin? Inalis niya ang tali ko sa kamay at paa at sapilitang hinila patayo. Malakas niya akong itinulak sa sahig kaya napasalampak ako doon. Tumama pa nga ang aking braso na may tama ng bala sa sahig kaya mas lalong kumirot. Nagpumilit akong gumapang hanggang sa hilain niya ang isa kong binti at pilit pinaharap. Kahit pagsigaw, hindi ko magawa.

Naramdaman ko na lang ang pagpatong niya sa akin hanggang sa marahas na punitin ang suot kong damit. Hinawakan ko siya para pumiglas at para pigilan pero nahuli ng isa niyang kamay ang dalawa kong pulsuhan at pinagdikit 'yon sabay lagay sa itaas ng aking ulo. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ako, pero hindi ako makapagsalita. Sobrang bilis na rin ng kabog ng aking dibdib.

Nang mapunit ang suot kong shirt, tumayo siya kaya muli kong ginapang ang sahig at sinubukang tumayo. Pero dahil sa dami ng aking tama, hindi ako malayang makagalaw. Kung kailan ko kailangan ng depensa, ngayon pa ako sadyang nanghihina.

Halos mapasigaw ako sa sakit nang maramdaman ang pagkalapnos ng balat ko sa likod nang tumama ang isang matigas na bagay. Isang latigo. Kahit masakit, hindi ako makagawa ng isang malakas na sigaw dahil sa nakalagay sa bibig ko. Habang pilit akong gumagapang, paulit-ulit niya akong nilalatigo ng sobrang lakas at 'yon lang ang naririnig sa buong lugar. Ang nagagawa ko lang, mapapikit dahil sa hapdi. Nakikita ko ang daan papalabas, ang pintong naiwan niyang may siwang, at halos abutin ko 'yon gamit ang aking kamay. Sa sobrang hapdi, para akong binabalatan ng buhay.

Habang patuloy siya sa ginagawa, gumagapang akong duguan. Bakit kailangang ako pa? Pwede namang iba dba?

Nanlabo ang aking paningin hanggang sa maramdaman ko ang isang mainit na likidong kumawala sa aking mata, ang pagtulo ng isang butil ng luha. Nag-iinit ang pisngi ko. Kusa akong napatingin sa kanya nang mahigpit niyang hawakan ang buhok ko at pinaharap sa kanya habang bahagya siyang nakayuko. Itinapat niya ang bibig sa tainga ko, "As much as I want to hear you scream and beg for your life, I'm afraid na baka marinig tayo ng organisasyon mo, Xeline."

Binitawan niya ako at lumuhod hanggang sa tanggalin niya ang nasa bibig ko. Nagawa kong mas makahinga ng maayos hanggang sa tumayo siya at tingalain ko siya. Hindi ko na napigilang umiyak, "V-Von, b-bakit ako?" halos manginig na rin ang boses ko.

"W-Wala naman akong ginawang masama sayo dba? I-I even helped you.... kasi mas naniwala ako sa instinct ko na mabuti kang tao. P-Pero bakit ganito, Von?" nanlabo ng tuluyan ang aking paningin dahil sa pagragasa ng mga luha. Wala na sa akin kung marinig ng Estrella, ang mahalaga, masabi ko ang totoo. Pakiramdam ko, tinraydor ako ng isang taong sobra kong pinagkatiwalaan.

Mula noon hanggang ngayon, ginagamit na lang ako ng lahat para matupad ang mga gusto nila sa buhay. Pero paano naman ako? Paano yung gusto ko? Paano yung kasiyahan ko? G-Gusto ko ng makawala sa kanilang lahat.

"Huwag naman ganito, Von," ayokong magbitiw ng ganitong salita... pero kailangan kong gawin, "Please, pakawalan mo na ako," pakiusap ko na halos yakapin ang binti niya pero hindi pa man ako nakakalapit ay sipa na sa mukha ang natanggap kaya napahiga akong muli sa sahig. Kung kaya ko lang tumakas, hindi ako magmamakaawa ng ganito.

"Wag mo kong daanin sa ganyan mo, wala 'yang epekto sa akin. Kaya nga walang nakaligtas sa akin, naiintindihan mo ba?"

"G-Gusto ko ng umuwi, Von," nanginginig na rin maski ang bibig at buo kong katawan. Pilit ko siyang tiningala, "G-Gusto ko ng makasama ang mga magulang ko," kung ito ang gusto niyang marinig, ibibigay ko . Wala na rin namang tatanggap sa akin dahil alam na ng lahat ang totoong pakay ko, "Iuwi mo na ako, Von. I-Isunod mo na lang ako sa kanila. P-Patayin mo na lang ako," halos wala na akong makita dahil sa pag-iyak.

Naglabas siya ng kutsilyo habang hindi napuputol ang tinginan namin, "Please... p-patayin mo na lang ako," saad ko pa.

"Finally," ngumiti siya ng masama ,"I heard it. I heard what I was longing for." Humakbang siya pasulong hanggang sa natigilan siya sa tapat ko. Napapikit siya bigla na para bang biglang sumakit ang ulo o ano. Parang hirap na hirap pa nga siya. Napahawak siya sa ulo nito at unti-unting nabitawan ang hawak na kutsilyo habang nakapikit. Makalipas ang ilang segundo, nagmulat siya ng mata at seryosong nakatingin sa akin. Ilang segundo niya akong tinitigan.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Lumuhod siya at tinapatan ako. Masama ang tingin niya sa akin habang hinihintay ko siyang tapusin na ang lahat ng ito. Ayaw ko na rin naman. Ano pa bang silbi ng buhay ko rito.

Halos hindi ako makapalag nang hawakan niya ang likuran nang ulo ko, at isinandal sa dibdib niya. Halos manigas ako at hindi maintindihan ang nangyayari, "You must be so tired, Xeline. Talikuran mo ang Estrella at LaCosa, join me instead at makakalaya ka sa kanilang lahat," tuluyan akong napaiyak sa sinabi niya.

To be continued...