From: LaCosaVysta
Good day Ms. Cyiarnai Maeve Quiñoza, you are being called at the LaCosa's main headquarters near Fajardo Highway 67. Your attendance is a must and much appreciated.
Paulit-ulit kong binabasa ang message habang nakatayo ako rito sa harap ng isang building. Sinisigurado ko munang tama ang napuntahan ko, baka kasi mali. Mukha namang tama habang palipat-lipat ako ng tingin sa cellphone at sa building na nasa tapat ko. Napapatingala pa ako dahil sa tayog nito na halos hindi na kayanin ng leeg ko. Gawa halos sa salamin kung saan nagrereflect ang sa labas kaya kumikinang ang building. Hindi rin kita ang nasa loob dahil nga kapag tumapat ka sa building, sarili mo ang makikita bunga ng repleksyon. Kaya hindi ko na rin masisisi ang mga dumadaan sa tapat ng building kung bakit sila natitigilan sa tuwing nakikita ang sarili nila sa tapat nito. Kumbaga, salamin na magrereflect ang sarili mo kaya maayos naipapakita ng building na ito ang nasa paligid.
Ibinulsa ko ang cellphone at nagbuntong-hininga. Diretso akong naglakad papaakyat kung saan pinagbuksan naman ako agad ng pintuan ng guard, "Goodmorning Miss Quiñoza," bati niya na bahagyang yumuko at nginitian ako. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil expect ko na tatanungin niya ako ako kung may appointment ba or wala. Besides, alam niya rin ang pangalan ko. Nag-meet na ba kami date? Ngayon lang naman ako pumunta dito. Nakakapagtaka naman.
Binigyan ko na lang siya ng ngiti at humakbang papasulong. Pagkapasok ko, napatingin ako sa paligid. Kulay puti ang mga tiles, flooring at maski ang ceiling. Kumikintab sa kalinisan at parang hindi mo na gugustuhin pang umapak. Inilibot ko ang tingin at loob pa lang, maluwang na. Sa tapat ay may escalator na medyo may kataasan. Napatingala pa ako dahil may second floor ang lugar. Nakaputi ang mga empleyado at alam na alam mo kung sino ang mga outsiders dito dahil formal ang suot nila at iba sa suot ng mga staff dito. Buti na lang at nagsuot ako ng coat kaya medyo maaliwalas akong tignan. Kadalasan, pantalon at tshirt lang kasi ang suot ko. Buti na lang din at suot ko rin ang ID na ibinigay ng bata kong boss.
"I am so sorry, miss. Pero hindi po kayo pwedeng pumasok ng walang appointment," napatingin ako sa likuran at nakita ang guard kanina na may kausap na babae ngayon. Tinignan ko pa ito mula ulo hanggang paa. Mukha ngang sasabak sa interview ang babae dahil sa suot niya ngayon.
"Pero nagpa-sched po ako today, kuya," saad ng babae, "Ito po oh," kinuha niya ang cellphone sa bag at ipinakita sa guard.
"I apologize mam, but you are not included in the list, so pardon if I can't allow you to enter the premise," maski nga ang guwardiyang tulad niya ay magaling magsalita at napakagalang. Pero paanong hindi ako hinanapan ng appointment at ID? Napakaimposible naman na kilala nila ako? Ngayon lang ako pumasok dito.
Bahala na.
Nakapamulsa akong naglakad papunta sa counter kung saan may isang nakaputing babae. Nakawhite coat siya at white skirt, basta puti lahat. Parang ready na umakyat ng kalangitan. Hindi ko siya agad nakausap dahil may kausap pa siyang iba kaya hinintay ko na lang silang matapos habang iniikot ko ang tingin sa paligid. Nakakamangha lang.
"Miss Cyiarnai?" napatingin ako sa likuran dahil sa pagtawag sa akin ng isang lalaki. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at halatang kakalapit niya lang sa akin. Nakaputi rin siya ng suot. Puting coat, puting pambaba, maski ang sapatos. Ano bang meron sa puti?
Nagsalubong naman ang kilay ko, "Bakit po?" at paano niya nalaman ang pekeng pangalan ko?
"Meeting with the head department?" tanong pa niya.
"Yes?" hindi siguradong sagot ko. Hindi ko alam kung bakit alam ata ng lahat dito kung sino ako.
"This way please," nginitian niya ako hanggang sa ilahad ang kamay at nag-umpisang maglakad. Nababalutan man ng pagtataka pero sumunod na lang ako sa kanya. Tinungo namin ang escalator habang minamasdan ko ang paligid. Pagkaakyat namin, naglakad kami ulit. Parang wala din gaanong outsider sa parteng 'to dahil nakaputi na silang lahat. Mga may permission na lang ata ang pwedeng umakyat dito at mga empleyado. Tuwing makakasalubong naman namin ang mga empleyado, humihinto sila at bahagyang yumuyuko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang pinakamalapit na eksplanasyon, baka mataas ang posisyon ng lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang hallway. Kumpara kanina, mas tahimik ngayon sa parteng ito at tila mga pili at matataas na tao lang ang may karapatan na umapak. Pagdating namin sa bandang dulo, natigilan kami sa tapat ng isang salamin na pintuan kaya natanaw ko naman ang aking kabuuan.
"Good morning, sir," saad ng isang babaeng nakatayo doon at hinarapan ako, "Miss Cyiarnai?" ngumiti siya at yumuko, "Welcome to LaCosa's headquarters, we've been waiting for you," magalang niyang saad.
"The department head?" tanong ng lalaki.
Umayos ng tayo ang babae, "She's already waiting inside, sir."
Tumabi siya at binuksan ng lalaki ang pintuan bago ako tinignan, "Please," saad pa nito. Diretso akong pumasok at natanaw ang isang babae na bahagyang nakayuko. Natatanaw namin ang side view nito. May hawak siyang bote na naglalaman ng tubig. May dinidiligan siyang halaman na medyo matangkad, nakalagay sa paso at nakapwesto sa bandang sulok. Puti ang lahat ng gamit naliban sa halaman. May suot din na salamin ang babae. Puti ang dress niya at may slit sa gilid. Medyo maiksi din 'yon at nakaponytail siya. Sexy man pero pormal at elegante siyang nakikita. May mga display din at nakasabit sa wall, mga salamin. Pero ang kakaiba, ang bawat salamin ay may nakapintang mga imahe o letra na kulay puti. Para bang ginawang canvas ang salamin para sa isang painting. Hindi ko alam anong trip nila.
"Oh my, you're here," inilagay ng babae ang takip ng bote at umayos ng tayo bago lumapit sa puting lamesa. Ipinatong niya ang bote doon, "You may now leave. Thank you for assisting our guests, Mr. Claudio."
"No worries, miss Clau," tinignan ko ang lalaki at ngumiti pa ito sa akin bago isinara ang pintuan kaya humarap ako ulit.
"Please have a seat," saad ng babae at inilahad ang kamay sa upuan na nasa tapat ng lamesa niya kaya ganon na rin ang ginawa ko.
"So, how was it?" tanong niya na naupo na rin. Inaayos niya ngayon ang mga nagkagulu-gulong papel sa lamesa niya. Nakakalat ang mga 'yon.
"How's what?" tanong ko.
Natigilan siya at tinignan ako bago natawa, "Oh I'm sorry, Miss. I am not being specific, am I? Makakalimutin na rin kasi ako. Good to know that the boss is not here because I am doomed if that's the case," saad pa niya. Daming sinasabi.
"What I mean is... " itinuloy niya ang pag-aayos sa mga papel, "How's LaCosa's Vrexon Oztero Nyx? Kamusta ang Von namin?"
Napatingin ako sa mga inaayos niyang papel. Muntikan kong malimutan na si Von rin pala ang dahilan kung bakit nandito ako. They want me to watch him. Hindi ko alam kung bakit siya ang target nilang pabantayan, mukha namang walang alam at pake 'yun. Pinaalis nga ako dahil wala siyang pake. Pake ko din sa kanya.
"Hindi ko alam," pag-iling ko. Natigilan siya sa ginagawa at napatitig sa akin.
"How come? It's been two weeks since you arrived at his mansion. Don't tell me wala kang nakuha ni isang idea?" pagngiti niya.
Napapikit ako at muli siyang tinignan, "I don't think he killed his own father," saad ko. Marami na akong nakita sa mansyon at halos naikot ko na ang ibang parte. Pero ni isang ebidensya, wala akong nakita. Ni patak ng dugo ay wala. At saka nakakatamad ng libutin 'yon, ang laki-laki tapos pinalayas pa ako ng walang hiya.
"So," kumuha siya ng ballpen at isa-isang pumirma sa dulo ng mga papel nang maayos niya ang mga 'yon, "Are you saying na he is really innocent?" tinignan niya ako, "Na wala nga talaga siyang alam sa pagkamatay ng dad niya?"
Napaisip din ako dahil ni minsan, hindi ko naitanong ang tungkol doon. Kay Biel lang ang napag-usapan namin pero sa personal niyang buhay, wala.
"May natatandaan ako na sinabi niya. Na kahit anong gawin ko, wala akong malalaman dahil hindi naman daw siya ang gumawa sa ibinibintang sa kanya," hindi ko nga alam kung bakit ko pa ito sinasabi. Pagkatapos niya akong paalisin...
Itinuloy ng babae ang pagpirma, "He's innocent. Obvious naman na hindi niya magagawa ang mga ibinibintang niyo. Ni hindi nga siya marunong makipaglaban at tatakutin pa, pumatay pa kaya?" muntikan na nga siyang humimlay dahil sa pagkakabugbog sa kanya. Lagnat nga, hindi niya malabanan.
"Bakit ba siya ang pinagbibintangan niyo?" tanong ko.
Ngumiti ang babae at tinignan ako. Tinanggal niya ang suot na salamin at ipinatong 'yon sa lamesa bago sumandal at nagkibit-balikat, "Simply because sila ang huling nakita na kasama ng dating boss namin."
Kumunot ang noo ko, "Sila?"
"Yes, sila. Sila ng kapatid niya."
"You mean, si Biel?" sandali pa akong napaisip. Siya lang naman ang nabanggit ni Von na kapatid niya.
"How did you know?" pagtataka nito.
"Nabanggit ni Von sa akin."
"Kung hindi lang namatay si Biel, isa sa kanila ni Von ang suspect. But unfortunately, even the youngest LaCosa heir died. At bago namatay ang boss namin at si Biel, si Von ang huling nakita na kasama ng dalawa."
"Sabay namatay yung dalawa?" tanong ko.
"Unfortunately in Von's case, yes," pagtango niya, "Nauna lang namatay ang matandang LaCosa and seconds later, si Biel na ang sumunod. Si Von ang nadatnan ng lahat na natirang buhay sa crime scene. He even had drops of blood on his body and his hands."
"Kaya siya ang suspect niyo?" tanong kong muli.
Ipinatong niya ang isang siko sa lamesa at ipinatong ang baba sa mga palad. Masama siyang ngumiti, "Do you really think LaCosa desperately pinpoints anyone without a doubt?"
Hindi ako nakasagot.
Maayos siyang umupo, inayos at hinawakan ang lahat ng papel para ilagay 'yon sa mga envelope. Dalawang papel ang nilalagay niya sa bawat isang envelope, "The older and youngest LaCosa both died due to endless hits na nanggagaling sa isang matigas na bagay. A baseball bat to be certain," dagdag pa niya. Sandali akong natigilan at diretsong napatitig sa kanya. Parang hindi ko inaasahan na marinig 'yon.
"At alam mo kung sino ang nakita naming may hawak ng baseball bat that night?"
Hinintay ko lang na sagutin niya ang sarili niyang tanong habang abala siyang ilagay ang mga papel sa bawat envelope, "It was him. Von LaVysta."
Kung babalikan ko, noong pinasok ng Trescalions ang mansyon, nabanggit nila si Biel kay Von. Para bang ayaw ni Von na sinasabi nila 'yon dahil halatang nagpipigil siya at napapakuyom lang ang kamay. Noong tinanong ko siya kung sino ang pumatay kay Biel, hindi niya rin sinagot. Kaya ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaskyon. May parte sa akin na gustong tumanggi sa bintang nila.
"The executive board and I are just wondering... " natigilan siya sa ginagawa at sumandal.
Nagsalubong ang kilay ko nang tignan niya ako ngunit halatang may pagka-sarkastiko na namamangha, "How come you were still alive? We expected na babalik kang bangkay dito just like the others."
Mas lalo akong nagtaka, "Anong ibig mong sabihin?"
"Were you not informed?" at hindi ko na nagustuhan ang ngiti niya, "Marami nang ipinadala ang LaCosa sa mansyon, pero ni isa walang nakabalik na buhay. Umuuwi na silang bangkay, okaya ang iba naman, nawawala."
Halos hindi ko na maipaliwanag ang dapat kong maramdaman, parang wala akong naintindihan.
"Paanong nangyari 'yon?" tanong ko.
"That's what I wanna know, Miss Cyiarnai," tumayo siya at naglakad papunta sa mga nakasabit na display... mga salamin na may pinta. Hinawakan niya ang gilid nito at may kinang ang matang nakatitig doon habang natatanaw ang kanyang repleksyon, "What makes you different from others kaya hindi ka nagawang patayin ni Von?"
"Hindi pumapatay si Von," diin ko na napatayo at nagkuyom ng kamay. Pinalayas na ako ng bwisit na 'yon, bakit kailangan ko pa siyang depensahan ngayon?
"Are you sure?" tinignan niya ako bago ibinalik ang tingin sa display, "Pinadala ka namin bilang eksperimento."
"Anong sabi mo?" biglang napakunot ang noo ko. May hindi pa ba ako alam bukod sa sinabi ni Bry sa akin? Pagkatapos niya akong sabihan na ibinenta ako nina Uncle at kuya Ronald, eto nanaman ngayon?
Lumapit siya at umupo sa tapat ko sabay sandal sa kinauupuan. Ipinatong niya ang isang hita sa kabila habang ang mga kamay ay nakalagay sa magkabilang arm chair ng upuan, "We're doing an experiment para malaman kung sino ang nag-iisang kakayaning tirahin ang pinaka-mahina ni Von. So I am greatly impressed na nakabalik ka ng buhay. That only means, ikaw ang sagot sa matagal na naming idinadasal."
At nakuha ko ang ibig niyang sabihin, "Marami na kayong pinadala na katulad ko at ako lang ang nabuhay ng matagal sa mansyon ni Von? Yun ba ang ibig mong sabihin?" seryoso kong tanong para maging malinaw ang lahat.
"Exactly."
Napakuyom ako ng kamay, "Kung ganon, alam niyo na pa lang delikado, pero bakit itinuloy niyo pa rin ang plano niyo kahit na alam niyong malaki ang tyansa na hindi ako makakabalik ng buhay?" nakakaramdam ako ng galit at gigil pero pinilit kong pigilan, "For what reason, huh?" matatalim na titig ang ibinabato ko sa kanya habang pigil na pigil.
"Dahil kailangan naming makita kung kaya mo siyang tapatan. And we were all right since from the start," saad niya habang nakangiti.
"And now that we've seen your potential," lumapit siya sa akin at hinawakan ang nangunguyom kong kamay, "It's time to do your real mission, we want him dead," seryosong sagot niya. Sinubukan kong basahin ang mga mata nito at ramdam kong desidido siya sa sinabi niya.
"At bakit ko siya papatayin?" tanong ko pabalik na pinagtaasan siya ng kilay.
"Because he killed our boss. And he deserves to experience the same thing. Malaking utang na loob namin ito sayo kapag nagawa mo ang pinapagawa namin. LaCosa will provide you the most favor we can give."
"And if I say na ayoko dahil alam kong inosente siya? What will you do?" seryoso kong saad.
"Then, that gives us the conclusion and final decision," lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at bahagyang lumayo.
"Decision para saan?"
Sandali niya akong tinitigan at ngumiti. Tumayo siya at nagpunta sa gilid ng lamesa, may kinuha siyang brief case doon at lumapit sa akin. Inilapag niya 'yon sa lamesa, sa mismong harapan ko kaya doon ako napatingin.
"The decision to release you from your mission in LaCosa."
Napatingin ako sa kanya, "Since you insist na inosente si Von... then leave the mansion at once and here's the compensation for your hard work. If he's really innocent in your perspective, then we have no business with you. But once we catch him, kasama ka na rin sa mga kriminal na hahanapin namin," seryoso niyang saad.
Hindi makapaniwalang natawa ako, "Really? Just because hindi ako nakipagkasundo sa gusto niyo, papangalanan niyo na rin akong kriminal?" hindi ako makapaniwala sa kanila.
"Someday, you will come to LaCosa telling us na hindi kami ang nagkamali. Isn't it you told me na inosente siya? Now, go back to him in his mansion. But don't you ever tell me na hindi kita binalaan at binigyan ng chance na makawala sa isang hawla na mahirap labasan," binigyan niya ako ng masamang ngiti at tinalikuran para lumabas kaya natawa na lang ako.
To be continued...