"Salamat," saad ko pagkabigay sa akin ng gamot at saka tuluyang umalis. Habang naglalakad, tinignan ko ng maayos ang hawak na plastik. Bumili na ako ng iba't ibang klasi ng gamot para sa ubo, sipon, lagnat, pagtatae at iba pa. Sino ba naman kasi ang matinong may mansyon pero walang stock na gamot.
Kumpleto naman yung mga binigay na gamot sa akin pero nanatili pa rin akong nakayuko dahil baka makasalubong ko ang mga Trescalions dito at mapagtripan pa ako. Lalo na't hindi ko pa naman alam kung umuwi na ba ang lalaking 'yon o naghihintay pa rin. Mas magandang makabalik ako agad para lang makasigurado. Baka kasi nakahimlay na siya don at hindi ko pa alam. Habang naglalakad ng mabilis, sinisigurado ko rin naman na walang makakakita o makakakilala sa akin.
Natanaw ko ang isang tindahan na may mga tindang prutas. Natigilan ako at napatingin doon. Matagal-tagal na rin simula ng makakain ako ng prutas. Last ata na nakakain ako, nung pinaghiwa ako ni mommy ng mansanas. Bigla ko tuloy siyang namiss. Kusa akong lumapit doon at nakita ang mga mapupulang mansanas. Kumuha ako ng isa at maayos na tinignan, "Ate, magkano po rito?" tanong ko.
"Isa lang, neng," sagot nang ale.
Dumukot ako sa bulsa at nakita ang isang baryang ginto na meron ako. Nga pala, paubos na rin ang allowance na binigay ng Estrella sa akin. Pero minsan lang naman 'to kaya bibili na ako.
"Sige po, kunin ko na 'tong isa," saad ko at ibinigay ang bayad. Nilagay ko naman sa dala kong plastik ang isang mansanas at itinuloy ang paglalakad. Pansin ko sa kabilang daan na may binubugbog na lalaki. Si Fabio... yung nabulag ko sa isang mata... may sinusuntok na lalaki at kinuha pa niya ang wallet nun. Agad akong yumuko. Binilisan ko na rin ng konti ang paglalakad at nilakihan ang hakbang. Mahirap na kung matanawan niya ako.
Agad naman akong nakarating sa daanan kanina kung saan medyo madilim at tahimik hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa at binasa ang isang message.
From: Unknown
He needs you.
Nagsalubong ang kilay ko at ibinalik ang hawak sa bulsa. Palagi na lang nagtetext yan sa akin, hindi naman nagpapakilala. Baka prank lang. Habang papalapit sa lugar kung saan ko iniwan si Von, bigla na lang akong may nakasalubong na tatlong lalaki. Pinagpapawisan at halatang nagmamadali.
"Mga bobo napatay niyo ata?" saad ng isa.
"Basta ako, wala akong alam dyan," sagot ng kasama niya hanggang sa mabilis akong tumabi nang nagmamadali silang dumaan sa harapan ko.
Agad akong napatingin sa may dulong poste kung saan nag-iisa ang ilaw. Mula sa mabilis na paglalakad, kusa nang tumakbo ang mga paa ko. Nang marating ang dulo, halos mabitawan ko ang dala-dalang plastik nang makita siyang nakahandusay sa sahig at dinudugo ang ulo na kumalat na sa mukha niya.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko pero pinilit kong tatagan ang loob. Bumalik sa akin ang mga alaala ng nakaraan habang nakatingin sa sitwasyon nito ngayon. Ganon na ganon ang posisyon ni dad nang barilin siya at humandusay sa sahig. Halos manigas ako sa kinatatayuan habang nakatitig sa kanya. Para akong binalutan ng yelo at namanhid sa kinatatayuan, tila hinuhugot ang puso ko papalabas sa aking katawan.
Kusa na rin akong bumalik sa reyalidad at mabilis na napaluhod sa kinaroroonan niya, "V-Von," saad ko at nabitawan ang plastik sa sahig. Iniharap ko siya sa akin at may sugat siya sa noo. Dinudugo na rin 'yon na napunta sa mata niya.
Hindi siya gumagalaw o kahit imulat man lang ang mata, "Von, g-gising," halos nanginginig na rin ang boses at kamay ko. Kinuhanan ko siya ng pulso. Meron naman pero mahina, minsan wala, dahil doon mas nakaramdam ako ng panginginig at pamamawis, "Bakit nila ginawa sayo to?" saad ko pa at halos hindi na mapakali.
Binitawan ko siya saglit at tumayo para sumilip sa daan kung saan nagtungo ang mga nakasalubong ko kanina. Paniguradong sila ang may gawa nito at gusto ko silang habulin. Pero pabaling-baling ako ng tingin sa dulo ng daan at kay Von. Mas kailangan niya ng tulong ngayon. Noong mga oras na 'yon, nakaramdam ako ng galit... at hindi ko alam kung bakit. Siguro nagagalit ako sa sarili ko dahil ang tagal kong nakabalik.
Binalikan ko siya at tinapik ko ng bahagya ang pisngi, "Tayo ka na, para ma-magamot kita... ha?" saad ko pa na halos mawalan na ng boses.
Unti-unti siyang nagmulat ng mata, "D-Di ako... makagalaw... " napaubo siya ng sunud-sunod.
Tinignan ko ang buo niyang katawan at halatang namamanhid siya. Nilalagnat pa naman siya kaya dahil sa nangyari, mas mainit siya ngayon, "T*ngina, inaapoy ka na ng lagnat, Von. Kailangan mong tumayo," halos makiusap na rin ako sa kanya. Hindi ako ganitong tao pero sa sitwasyon niya ngayon, p-parang nakikita ko ang sarili ko. And I can't help it, parang gustong kumawala ng mga luha ko.
"Tumayo ka na, Von," dagdag ko pa habang nagpipigil na maiyak. Alam ko at ramdam kong hirap na hirap siya. At aaminin ko, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nagi-guilty ako. Dapat hindi ko na siya iniwan eh, tangina naman.
"Sige na, Von. Please, tumayo ka na dyan," saad ko pa hanggang sa bigyan niya ako ng matipid na ngiti. Gustung-gusto kong alisin ang mask at hood niya para makahinga siya ng maayos pero alam ko namang hindi niya gugustuhin na mangyari 'yon.
"Alis na, kaya ko to," mahinang sagot niya.
"Hindi mo na nga kaya eh, ano ba yan?" inis kong saad, "Makakagalaw ka naman kung gusto mo, tutulungan kita sige."
Hindi siya agad nakasagot, tumingin siya sa kalangitan habang nakahiga siya sa mga hita ko, "Pagod na akong tumayo," halos mawalan na rin siya ng boses. Ngumiti siya nang sapilitan habang nandoon pa rin ang tingin. Hindi ko aakalain na ang isang mapang-asar at palangiti na tulad niya, ay makikitaan kong may butil ng luha na kumawala sa kanyang mga mata. Isang luha, ngunit sapat na para makita ko ang sakit na nararamdaman niya.
"Kaya mo pa, Von," tinignan niya ako, "Kaya mo pa. Kaya tumayo ka na dyan," tumango ako at inalalayan siyang tumayo kaya wala na rin siyang ibang choice kundi sumunod sa ginawa ko. Napadaing siya nang pilit na tumayo. Isinandal ko muna siya sa pader kaya ipinikit niya ang mga mata. Mas nakita ko ng maayos ang nanghihina niyang katawan. Bukod pa doon, mas naramdaman ko ang bigat at init ng pakiramdam niya. Hindi ko ba alam kung pisikal, emosyonal o ano.. basta ang alam ko, parang sabay-sabay ang bigat na nararamdaman niya ngayon.
Pasan niya ang mundo.
Sa mga sandaling nawala ako, pasan na niya ang mundo.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Isinandal ko ang ulo sa pader malapit sa gilid ng mukha niya para takpan ang sarili, "S-Sorry... " halos manginig ang labi ko.
"Bakit?" dinig kong tanong niya na sinubukan akong tanawin.
Hindi na lang sana kita iniwan, para wala ka sa ganitong sitwasyon.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha at hinarap siya, "K-Kailangan mong tumayo, Von," saad ko. Napako ang tingin namin sa isa't isa hanggang sa tumulo ang luha sa isa niyang mata, "Gusto ko ng umuwi... gusto ko ng umuwi sa tahanan ko," saad niya hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng boses at tuluyang naiyak. Kumawala na rin ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
S-Sorry, ngayon ko lang napansin ang paghihirap mo. Hindi ko piniling alamin, pero kusang ipinakita ng mundo sa akin.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi ng mapansin na nanginginig ang mga kamay niya kaya nagkatinginan kami. Tumango ako ng maraming beses, "Oo, Von. Uuwi tayo. Iuuwi kita sa tahanan mo. Sasamahan kita hanggang sa makauwi ka, kaya kailangan mo ng tumayo okay?"
Hindi na namin napigilan ang sunud-sunod na emosyon. Mas lalo kaming naiyak at para hindi na lalong lumala ang sitwasyon niya. Kusa ko siyang niyakap. He totally cried, "Bring me home, one last time, red," saad pa niya na tinanguan ko na lang dahil napahagulgol na siya. It was the first time I've got to see his weakness. At sobrang sakit na makita siyang ganito.
"You will be home, Von," tinignan ko muna siya at inalayang tumayo, "Kaya tara na," sa sobrang hina, wala na rin naman siyang nagawa kundi sumunod sa kilos ko. Pinilit niyang tumayo at inalalayan ko siya. Nilagay ko ang isa niyang kamay sa kabila kong balikat habang nakahawak siya sa pader. Kinuha ko na rin ang binili kong gamot na nasa sahig at saka kami naglakad pabalik. Masyado kaming natagalan na makarating sa likod ng mansyon dahil pahakbang-hakbang lang ang kaya niyang gawin.
Natigilan kami sa tapat ng pader at tinignan ko siya, "Mauna ka na, susunod ako." Hindi kasi pwedeng sabay kaming gagapang sa ilalim, pang-isahang tao lang kasi ang kasya sa daan. Hindi ko rin naman siya maaalalayan dahil hindi nga kasya ang dalawang tao.
Inalalayan ko na rin siya sa pagluhod hanggang sa buong lakas niyang pinilit na gumapang at makapasok sa loob habang pinapanood ko siya. Nang makita kong nakapasok na siya, sumunod na rin ako agad. Pagpasok namin, tinulungan ko ulit siyang makatayo at nilagay ang kamay niya sa balikat ko. Pumasok kami sa likod ng mansyon at dinala ko siya sa second floor. Dadalhin ko sana siya sa gaming room niya pero hindi siya makakapagpahinga ng maayos doon dahil walang kama. Pumasok kami sa isang kwarto na may kama at pinahiga ko siya doon. Ipinatong ko naman ang mga pinamili sa bedside table.
"Teka lang, hintayin mo 'ko," saad ko at agad na lumabas. Pumunta ako sa kabilang kwarto para kumuha ulit ng bimpo sa cabinet at kumuha na rin ako ng maliit na palanggana sa kusina. Nilagyan ko 'yon ng tubig at buti na lang, hindi mainit o malamig, sakto lang ang temperatura nito. Hinugasan ko na rin ang bimpo at nilagay 'yon sa palanggana bago umakyat sa kwarto habang hawak-hawak ito.
Nilapag ko ang palanggana sa lamesang nasa gilid at pinaikot ang bimpo para linisan ang mukha niyang may dugo. Nakapikit siya at humihinga ng malalim. Dinampi ko ang kamay sa leeg niya at inaapoy siya ng init. Hinawakan ko ang kamay niya at nanginginig 'yon ng bahagya. Ibinalik ko ang bimpo sa palanggana.
"Kaya mo bang tumayo? Magpalit ka muna kaya ng damit?" tanong ko na hindi niya sinagot. Kinumutan ko na lang muna siya saglit dahil halatang giniginaw siya.
"Magluluto lang ako," saad ko na tumayo at dumiretso sa kusina. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagluto ng lugaw kaya magluluto ako ngayon. Pansakit na pagkain din naman 'yon minsan. Baka kasi hindi niya kainin kapag iba ang niluto ko. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon mula sa bulsa. Galing ulit sa isang unknown number.
From: Unknown
He used to not eat and take medicine whenever he's sick. He lets it passed by without doing anything.
Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang message. Tsaka na 'to. Hindi ko naman kilala.
Nagluto na ulit ako. Umabot 'yon ng ilang minuto hanggang sa maluto naman na kaya naglagay ako sa maliit na malukong. Kumuha na rin ako ng baso ng tubig at inilagay sa tray kasama nung lugaw bago inakyat sa taas.
Pagpasok ko sa kwarto, inilapag ko 'yon sa lamesa at ginising siya, "Von, kumain ka muna," saad ko. Nagmulat siya ng mata at umiling.
"Hindi pwede. Kumain ka muna kahit konti," saad ko na umupo sa gilid niya at hinalo ang lugaw na nasa lamesa.
Halatang wala siyang balak na gumalaw kaya inalalayan ko siya para wala siyang choice kundi maupo na rin. Naglagay ako ng unan sa likuran niya para makasandal ng konti at saka kinuha ang malukong. Kumuha ako gamit ang kutsara at hinipan muna ng konti bago siya sinubuan. Nilalasahan niya pa nga hanggang sa tignan niya ako.
"Di masarap," sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw na nga pinagluto, wag ka na magreklamo. Kainin mo na lang," saad ko. Panget kabonding ng bwisit. Hayaan kitang umapoy dyan sa init hanggang sa masunog ka ng tuluyan.
Sinubuan ko siya ng ilang beses pero maya-maya ay lumalayo na siya sa kutsara, "Ayoko na," saad niya. Ipainom ko na lang kaya 'tong lugaw sa kanya para maubos?
Nilapag ko ang hawak sa lamesa at tumayo, "Teka lang, wag ka muna matulog." Pumunta ako sa cr ng kwarto para kumuha ng first aid kit at buti naman meron.
Umupo ako sa tabi niya at nakasandal pa rin siya. Napatingin siya sa akin. Binuksan ko ang first aid kit bago kumuha ng bulak at nilagyan ng alcohol. Lumapit ako sa kanya. Napaiwas siya kaya sinamaan ko ng tingin, "Linisin muna natin 'yang sugat mo, gusto mo atang magka-infection," saad ko na agad idinampi ang bulak sa gilid ng noo niya.
"Aray," reklamo niya.
"Aayos ka o dadagdagan ko yang sugat mo?" tanong ko pa hanggang sa manahimik na lang siya at pumikit. Minsan, napapaiwas siya kaya alam kong mahapdi. Buti na lang at nakailaw ang buong mansyon ngayon kaya hindi ako nahirapan sa paggalaw. Mas inilapit ko ang mukha sa kanya para mas makita ng maayos ang sugat niya. Bukod kasi sa noo, meron din sa kamay.
Maski ang paghinga niya ay dinig ko na, pati na rin ang init ng katawan niya. Kahit abala ako sa ginagawa, pansin kong iminulat niya ang mata at tila nakatingin sa akin. Hindi ko na lang 'yun pinansin at itinuloy ang ginagawa.
Matagal siyang nakatingin at hindi ko alam kung bakit.
"Umalis ka na," mahina man ngunit dinig kong saad niya. Natigilan ako at diretsong napatingin sa kanya.
"H-Ha?" naguguluhang tanong ko.
"Umalis ka na dito sa mansyon," pag-uulit niya.
Muli naman akong bumalik sa ginagawa. Aktong dadampi ang bulak sa sugat niya, hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "Ito ang pinaka-una at pinaka-huling bagay na gagawin mo sa akin dito sa mansyon. Paggising ko... gusto ko wala ka na."
Ilang segundo akong natigilan dahil iniisip ko pa ang mga salita niya. Ibinaba ko ang kamay kaya binitawan na rin niya, "Wag kang mag-alala. Aalis ako kapag tapos na ako sa misyon ko."
Itutuloy ko pa sana ang ginagawa pero muli siyang nagsalita, "Lahat ng ginagawa mo dito, walang kwenta. Dahil wala kang mapapala," natawa na lang ako sa sagot niya at hindi nakakibo. Hindi napuputol ang tinginan namin, "Kaya itigil niyo na 'to, wag niyo ng pakielaman ang buhay ko."
Nakipagtitigan lang ako sa kanya, "Pagkatapos kong ipakita kung sino talaga ako... " nagpumilit akong ngumiti at sandaling napayuko. Tinignan ko siya at tumango na lang.
"Fine. Ayaw ko rin namang magtagal sa walang kwentang mansyon na 'to kasama ang isang walang kwentang tao," saad ko at tumayo na para talikuran siya.
Hindi ko na sana ipinakita kung sino talaga ako bilang Xeline. I should have stayed Cyiarnai, the cold and always serious one, rather than that caring innocent girl. Sobrang sakit lang.
To be continued...