Flashback...
"Nakabili ka kuys?" tanong ni Biel pagdating ko.
"Syempre, ako pa?" hinagis ko naman sa gawi niya ang hawak kong plastik na may isang balot na marshmallow bago naupo sa tabi nito. Dito nga pala kami sa taas ng bundok, nagmamallow party at star gazing. May dala din kaming pagkain tsaka mga kumot para may makakain at mahihigaan.
Nakasanayan na namin 'to eh.
Buti na lang at napabaga na niya nang husto ang bonfire kaya makakakain na kami neto. Kinuha niya yung hinagis kong plastik at tinignan, "Nakalimutan mo ata yung stick eh," reklamo ng bata na sinamaan ako nang tingin.
"Bumili ako. Mata kasi gamitin mo sa paghahanap," saad ko bago niya kalkalin ang plastik hanggang sa pinakababa.
"Ayun," nilabas niya ang marshmallow at isang balot ng stick.
"Kita mo na, pagbintangan mo pa ako eh," ani ko.
Nginitian niya ako, labas lahat ngipin, "Sorry na kuys haha," kinagat niya agad ang balot para buksan ang dalawa at nag-abot ng stick sa akin na kinuha ko naman.
Una siyang naglagay ng marshmallow sa stick at inikut-ikot sa bonfire hanggang sa mangitim at saka niya sinubo. Pinapanood ko lang siya dahil halata namang sarap na sarap siya. Tignan mo ngang ngumuya, parang fried chicken ang kinakain.
Napatingin siya sa akin, "Ano? Ikaw na," sabay turo niya sa apoy. Sanay na kami sa ganito ni Biel. Tuwing gabi, nandito kami, nagmamallow party. Kumuha ako ng isang marshmallow at tinusok sa stick. Pinaikot ko 'yon sa apoy.
"Kailan kaya tayo makakapunta dyan?" tanong niya habang nakatingin sa kalangitan. Pareho pa nga kaming nakadekwatro eh.
Sinundan ko siya ng tingin at natanaw ang buwan, "Makakalipad din tayo dyan," isinubo ko ang marshmallow.
"Matatapos kaya natin yung spaceship, kuys?" seryosong tanong niya na tinignan ako. Ako naman, nakatingala.
"Oo naman."
"Pano yon, wala tayong pera?"
Tinignan ko siya saglit at naglagay ng marshmallow ulit sa stick. Ganon na rin siya. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin habang nag-uusap, "Hindi naman kailangan ng maraming pera. Pagplanuhan lang ng maayos."
"Ts, may plano nga wala namang budget," reklamo niya.
"Sinabihan ka kasing mag-aral. Eh anong ginagawa mo? Naglalaro ng computer games buong araw. Kung nag-aaral ka, malamang kikita ka pa ng malaki kapag nakapagtapos ka," sermon ko.
"Mayaman naman tayo," taas-noo niya pang sabi.
"Hindi dahilan 'yon tanga."
"Tangek, bat pa ako mag-aaral kung may pera naman na tayo?"
"Magkaiba 'yon, bobo. Ayan, di kasi nag-aaral kaya bobo," tinapat ko bibig ko sa tainga niya, "Biel Bobo," natawa ako, "Haha gandang palayaw."
"Ako lang ba bobo dito? Nagmana lang naman ako sayo," hinimas pa niya ang baba nito habang nakapikit at pangiti-ngiti.
"Ikaw lang bobo dito. Ampon ka kasi."
"May ampon bang kasimpogi ko, kuys? Baka pinag-aagawan ng chix to." Tamo, ang yabang-yabang kebata-bata.
"Anong chix ha?" hinarap ko siya, "Kebata-bata, chix nasa utak mo."
"Kuys, nasa dugo, ugat, at spinal cord na natin ang pagiging machix. Sadyang napag-iwanan ka lang ng panahon kaya wala kang ganon," binaba niya ang kamay at nagpainit ng mallow. Pagkatapos ay sinubo niya, "Pangit kasi amputa haha," natawa siya mag-isa.
"Anong pangit? T*ngina mo!" inis kong saad. Kelakas-lakas ng loob na sabihan akong pangit. Pasalamat to, kapatid ko to, dahil kung hindi, hinagis ko na siya sa baba.
"T*ngina mo den, kuys," sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at alam kong alam na niya, "De joke lang," sabay yakap niya sa akin. Tamo, parang timang amputa, "Alam mo namang mahal na mahal kita kuya ko, ampupu. I love you, mwah."
"Bobo, layuan mo nga ako. Parang bakla ang timang!" inalis ko pagkakayakap niya sa akin. Nakanguso ba naman habang nakaharap sa akin, "Kadire," saad ko habang pinapagpag ang kanang braso nang makalayo siya. Makayakap parang linta.
"Aba, hindi ka na luge kuys. Sa dami ng hunahabol sa akin, ikaw lang ang niyayakap ko," pagmamalaki pa ng bobo, "Did you just realize kung gaano ka kaswerteng nilalang?"
Halos salubong ang kilay ko dahil sa walang kwentang pinagsasabi niya, "Ayan, pagdating sa ganyan marami kang alam, pagdating sa ibang bagay bobo ka," tinuro ko ang noo niya at bahagyang tinulak.
"Utak mong walang laman."
"Kahit walang laman, kinababaliwan. Owshiiii!" nag-akto pang niyayakap ang sarili habang nakapikit. Mababaliw ata ako ng tuluyan sa isang 'to. Hindi ko alam kung paano ako nakatagal nang anim na taon na kasama ko ang mokong na 'to.
Umiling ako at hindi na lang siya pinansin, "Bahala ka sa buhay mo, bobo," baka sa mental pa ang abot ko nito kapag pinatulan ko siya ng pinatulan. Mas marami pa yang alam na kalokohan sa akin. Bumalik kami sa ginagawa namin at natahimik.
"Bakit ayaw mong palitan si dad sa LaCosa?" binasag niya ang katahimikan kaya napatingin ako sa kanya habang ngumunguya.
"Ikaw ba? Bakit ayaw mo siyang palitan?" balik ko ng tanong sa kanya.
Alam namin ang pamamalakad sa LaCosa. Kilala kami ni Biel bilang anak ni dad but he never made an announcement dahil alam niyang ayaw namin. And he expects a lot. Kaya siguro hindi na niya rin kami naipagmalaki dahil hindi kami katulad ng gusto niyang maging kami.
"Mahirap, kuys. Wala naman akong alam sa ganyan. Tsaka mas deserve mo. Alam naming lahat kung gaano ka kasintalino ni dad," sabay tingin niya sa akin at isinubo ang marshmallow.
"Bat mo naman nasabing deserve ko?"
"Kung hindi mo kukunin ang para sayo, mawawalan tayo kuys. Alam mo naman na maraming makapangyarihan ang gustong umupo dba? What if may mangyari kay dad, paano tayo kung iba na ang hahawak sa LaCosa? Tsaka alam ko naman na kaya mo. Ikaw pa?"
Napako ang tingin ko sa kanya, "Walang maniniwala sa akin Biel," nagpumilit akong ngumiti, "Oo kilala tayo. Pero alam mong walang makikinig dahil ang alam nila, wala tayong alam sa mundo nila. Pagtatawanan ang LaCosa sa pamamalakad ko."
"Sa umpisa siguro kuys, pero kapag naupo ka na dyan. Makikita at makikita nila ang potensyal mo. Isa pa, kung iniisip mong walang tutulong sayo, wala ka namang dapat na ipag-alala dahil ako ang pinakaunang susuporta sayo."
Nginitian ko siya, "Alam mo kung gaano kadelikado 'to, Biel."
"Kahit pa ikamatay ko kuys. Kung kinakailangang labanan natin silang lahat, sasamahan kita."
Nagpasya na lang ako na kumain ulit ng mallow, "So ano kuys?" tinignan ko siya. Halatang naghihintay siya at di ko alam kung ano ang hinihintay niya.
"Ano?" tanong ko.
"Kaya mo bang higitan pa si dad?" noong mga oras na 'yon, nangingintab ang mga mata ng bunso ko. Para siyang nakikiusap at alam ko ang rason kung bakit.
"Pareho lang naman tayo ng rason, Biel. Kung bakit ayaw natin sa LaCosa umpisa pa lang, dba?"
"Pero paano natin matatakasan 'to kuys kung hindi tayo gagalaw? Kilala mo naman si dad. Kailangan natin ng kapangyarihan, kailangan nating maging malakas lalo na kapag nawala siya," mahinang saad niya ngunit may diin. Ang tono niya, tila ba hindi mapakali at may takot.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi para matignan siya ng maayos, "Gagawan ko ng paraan, bunso. Matatakasan natin 'to nang hindi natin napapasok ang LaCosa. You're a man, wag kang panghinaan ng loob. Kuya Von has your back," niyakap ko siya ng mahigpit.
Kaya kong mawala ang lahat, wag lang ang kapatid ko. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso niya. Kailangan kong gawin ang lahat para sa kapatid ko.
Kung kinakailangan kong umupo sa kung saan dapat kami, gagawin ko 'yon ng walang nakakaalam para walang mapahamak.
End of Flashback...
Nasaan ka na? Kailangan kita, Kash. Tulungan mo 'ko, at handa akong maghintay kahit gaano pa katagal, ang mahalaga, magkasama ulit tayo. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako tatagal dito dahil ramdam ko ang panghihina ng aking katawan, pero para sayo titiisin ko... para kay Scoth at Schlau.
Habang nakasandal at nakatingin sa kawalan, tanging pagpatak ng tubig ang gumagawa ng ingay sa kinaroroonan ko. At mahirap alamin kung umaga, tanghali o gabi dahil nababalutan ako ng dilim. Just like how my life's going. Tinitiis ko lang para sa kanya. I'm totally residing within darkness. Simula ng napadpad ako rito, hindi ko na nakuhang tanawin ang nakakasilaw na liwanag.
I've always been reaching for a scorch, just like me... a miles away. Pero mukhang ipinagkakait 'yon ng mundo. Napasandal ako at napapikit habang iniinda ang sikip ng tali na nagdidikit sa aking mga kamay sa likuran.
Isang yabag ng tao ang bumasag nang katahimikan mula sa kung saan. Nagmulat ako ng mata at sinundan ang pinanggagalingan noon. A light showed up, but lamentably... it is through that man. May hawak siyang torch at papalapit sa akin.
The only light I hate is that one directly coming from him. A light that makes you go down the drain. Completely wasted, and lost. Everything in him is the epitome of dismal hope.
Tumigil siya sa tapat ko at bahagyang yumuko para tapatan ako. Minsan na lang ako makakita ng liwanag, pero sa kanya pa... mas gugustuhin ko na lang na walang makita kung ganon.
"Anong kailangan mo?" seryosong tanong ko.
"Wala. Kahit kailan wala akong kinailangan sa'yo, Myles. Pero sa asawa mo, meron."
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakayang tanawin ang mukha niya, "Kung ganon, huwag ka ng umasang darating pa siya. Pareho tayong mamamatay dito nang hindi mo siya nagagalaw," saad ko.
"I wonder kung bakit sa lahat ng Trescalion na nakilala ko, si Kash ang pinaka-kakaiba. Akala ko magiging madali ang pagtapos ko sa kanya kapag nakuha kita, pero kabaligtaran ang nangyari," umayos siya ng tayo at sinundan ko siya ng tingin.
Natawa na lang ako, "Sinabihan na kita, hindi mo mahahawakan si Kash nang basta-basta," sumandal ako at sinamaan siya ng ngiti, "I wonder too, kung bakit hanggang ngayon hindi mo siya mahawakan."
"Do you think he still cares for you, Myles?" ibinalik niya sa akin ang masamang pagngiti, "Although alam niyang nawawala ka, he seems not to care about your disappearance. That made me think... " mas lumapad ang ngiti niya, "Na baka ginusto ka lang niya dahil may responsibilidad siya sa kambal niyo."
Nawala ang aking ngiti at sinamaan siya ng tingin, "Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa asawa ko," pag-iling ko. Naghihintay ako dahil alam kong may ginagawa siya, at may gagawin siya. No words can ever make me turn my back against my husband.
Siya lang. Siya lang palagi. Si Kash lang ulit... mula una hanggang huli, siya at siya lang nang paulit-ulit.
"Talaga ba, Myles?" tuluyan siyang lumuhod sa harap ko. Mas lalong nag-iinit ang baga ko sa kanya dahil sa dalang init ng apoy na hawak niya. Para akong nahahawaan noon. So it is really true na kung ano ang nasa paligid mo, ganon din ang magiging takbo ng pakiramdam mo.
Pinisil niya ang aking pisngi gamit ang isang kamay, "What if I kill you right now at ipadala ko ang nanlalamig at naninigas mong bangkay sa pinagtataguan niyang hawla?" inilapit niya sa akin ang hawak kaya mas lalong uminit. Napatingin ako roon. Tinignan niya 'yon saglit at ngumiti ng malapad bago ibinalik sa akin ang tingin, "Would he get revenge by destroying his entire Trescalion clan?" masama siyang tumawa kaya hindi na ako nakapagpigil.
"Huwag mong idamay dito ang pamilya niya!"
"Bakit, Myles? Don't tell me hindi mo alam?" nag-angat ang gilid ng kanyang labi.
"Wala akong pakielam sa mga sasabihin mo."
"Hanggang ngayon, hindi niyo pa rin ba alam ng asawa mo kung sino ang pumatay sa anak niyo?"
Nagsalubong ang kilay ko, "Ano bang kawalang-kwentahan ang pinagsasabi mo?"
"Once I see him, should I suggest na magkaroon ng family reunion ang Trescalions? And on that very day... " nawala ang ngiti nito na parang nag-iisip at naging seryoso ngayon. He's insane. Kailangan na niyang pumunta sa mental.
"I will be joining them as a guest, and later announce a very important matter. Would that make a chaos between Trescalions? Mukhang masaya yon, am I right Myles?" natawa siya kaya pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at matalim siyang tinignan.
"You don't know Trescalions. Pinapahamak mo ang sarili mo."
"Who's more dangerous then? Ako, sila... o siya? Who ended the other Trescalions by the ways? Ako ba? O ikaw?" umiling siya, "I don't think so... baka ang asawa mo?" natawa pa ito ulit. Nababaliw na siya.
"Who took their money?" tanong pa niya. At nag-umpisa na akong maguluhan sa mga gusto niyang iparating. Maayos siyang tumayo.
"You know what, Myles? If it's not because of that man, matagal ko ng nagalaw ang asawa mo. Too bad someone's protecting him."
Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin dahil mula umpisa, wala na kaming naging kaantabay ni Kash. At an early age, I was pregnant. We were in fact teenage parents. And we used to live nang walang kahit na anong pagtanggap o suporta mula sa ibang tao. We were always criticized because of that one mistake. Pero hindi kami nakalimot sa responsibilidad namin sa kambal. Binigay namin ang pawis at dugo namin para sa kambal.
And no one ever helped us, kahit magkahiwalay kami, kami pa rin ang tutulong sa isa't isa kaya titiisin namin kahit gaano pa katagal. At titiisin ko kahit gaano pa ako katagal dito para kay Kash.
That man finally left. And here I am again. No matter how long it takes, hihintayin kita, Kash.
To be continued...