"Hays, sarap sa pakiramdam," saad ko habang nakaupo dito sa terrace. Malakas-lakas din ang hangin kaya tamang-tama, kasalungat ng ginagawa ko ngayon. May bottled beer kasi sa maliit na ref ni Von kaya kinuha ko at iniinom ngayon. Umakyat na rin ako dito para tumambay. Nakapatong pa nga ang mga paa ko sa harang na pader ng terrace. Nakasandal din ako sa kinauupuan habang nakatingala. Matagal-tagal na rin simula ng tahimik kong matitigan ang mga bituin. Ibang-iba kasi ang totoong bituin kesa sa Estrella, isang delikadong bituin ang Red Star. Kundi lang dahil sa gofer na 'to, matagal na akong tumakas o umalis.
Pero hindi 'yon ganon kadali.
Nga pala, sa loob ng ilang araw, nakaligo na rin ako. Buti na lang at may dala-dala akong mga damit bago nagpunta rito. Sana dinamahin ko na rin. Akala ko naman kasi agad rin akong makakaalis kaya konti lang ang dinala ko. Pero kelan ba ako makakaalis dito? Nakakabwisit lang kasi si Von. Uminom ako at kusang napabulong, "Bwisit na lalaking 'yon. Pinapainit nanaman ang dugo ko."
Flashback...
"It's my way of appreciation, Von. You saved me last night against people who almost made my life in a miserable state. And as much as gusto kitang tulungan sa sitwasyon mo ngayon, alam kong hindi ka papayag," napayuko ako, "Kaya ito na lang siguro ang nag-iisang paraan para makabawi ako," lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.
"So thank you," mahinang saad ko. Ni hindi ko alam kung narinig niya ba dahil halos hangin lang ang lumabas sa aking bibig.
Binitawan niya ako bigla kaya napahakbang ako papaatras. Pagkatapos akong hilain papalapit sa kanya, ang lakas ng loob ngayon na itulak ako, "Dun ka na nga, ang baho mo," reklamo niya kaya sinamaan ko nang tingin kahit hindi ko kita ang mukha niya.
"Ang kapal din naman ng mukha mo. Pagkatapos kitang pakainin, mabulunan ka sana," pagkikibit-balikat ko at saka siya inis na tinalikuran. Kinuha ko ang mga natitira ko pang pritong manok sa lamesa at saka siya sinamaan ng tingin bago ko iniwanan.
Bwisit 'yan.
End of flashback...
Habang taimtim akong umiinom dito, tumayo ako at ipinatong ang hawak sa upuan para mag-stretch hanggang sa natanawan ko ang gate. Parang may mga tao kasi na papalapit dito. Nagliliwanag pa nga hanggang sa mapagtanto ko na flashlight ang hawak-hawak nila. Pinapaikut-ikot pa nila 'yon na parang nagpaparty sila. Tumigil sila sa tapat ng gate habang nag-iingay. Pero kung titignan ko nang maayos, hindi naman sila mukhang lasing.
"Tao po!" sigaw ng isa, "Baka gusto niyo kaming papasukin?" dagdag pa nila. Tatlong lalaki at isang babae. Gabi na rin kasi kaya madilim at mahirap silang mukhaan. Sino ba sila?
Pero kahit na ganon, pinilit ko pa ring mamukhaan sila. Patagal ng patagal, napapansin ko ang suot maski ang kanilang galaw. Parang pamilyar sa akin.
Sigurado akong nakasalamuha ko na sila pero saan?
Ilang segundo ang lumipas, doon napako ang tingin ko. Tumunog ang cellphone kaya kinuha ko 'yon sa bulsa. May isang text message na agad kong binuksan.
From: Unknown
"Trescalions are on their way there. You should hide and leave."
Sino to?
Ibinalik ko ang tingin sa gate at unti-unting napagtanto kung sino sila. Kinuha at ininom ko ang pinakahuling laman ng beer at itinapon sa kung saan bago tumalikod. Mabibilis ang aking mga hakbang na pumasok sa mansyon at isa-isang binuksan ang mga pintuan na siyang sumisira sa katahimikan.
Sh*t, kailangan kong hanapin ang lalaking 'yon. Bakit ngayon pa?
Sinubukan kong buksan ang ibang pintuan pero sarado ang iba at mahirap buksan. Nakakainis lang dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Pinuntahan ko na rin ang kwarto kung saan siya naglalaro pero walang tao. Napahawak ako sa magkabilang-baywang at sinuklay ang buhok. Lumabas ako mula sa gaming room at sumilip sa bintana. Inaakyat na nila ang gate katulad ng ginawa ko date hanggang sa magsilabasan ang mga laser na trap. Paniguradong iiwasan din nila 'yon kagaya ng ginawa ko noon.
Agad akong tumalikod para hanapin ulit siya. Nasaan nanaman ba kasi si Von? Huminto ako at napatingin sa paligid, bigla kong naalala kung saan ko siya nakita kanina na nagnonosebleed. Baka andon ang bwisit, kainis. Agad akong bumaba at dumiretso doon. Hinawakan ko ang dalawang handle ng pintuan at bumukas naman. Mabilis akong pumasok at nakita siyang nakahiga sa couch. Nakataas pa ang ang braso na parang tinatakpan ang mukha. Isinara ko muna ang pintuan at nilock bago siya mabilis na nilapitan.
"Von," bulong ko. Bahagya ko pa siyang inalog-alog para lang magising, "Von, gising. Tumayo ka dyan. Nandyan sila," mas nilakasan ko ang pag-alog sa kanya pero halatang tulog mantika siya. Inalis ko ang brasong nakatakip sa mukha niya para tapikin ang pisngi niya. Himala nga dahil suot pa rin niya ang face mask at eyeptach nito. Pag ako nainis lalo dito, sampal siya sa akin.
"Von," mas nilakasan ko pa. Pero nang dumampi ang kamay ko sa pisngi nito, kahit nakamask siya, ramdam ko ang init nang kanyang katawan. Agad kong hinipo ang noo niya at hindi nga ako nagkakamali, "Bwisit, bat ngayon ka pa nilagnat?" inis kong saad.
Bad timing na lagnat 'yan.
Gusto ko sanang dampihan ng basang basahan ang noo niya pero may iba pa akong bagay na dapat bigyan ng pansin ngayon. Maayos akong tumayo habang nakatingin sa kanya. Sa sobrang init nito, malayong makagalaw siya nang maayos.
Ano ba kasing nangyari sa taong to? Kagabi pa siya mukhang hindi maayos.
Lumapit ako sa bintana at sumilip, halos nakalagpas na ang tatlong lalaki sa mga laser, isang babae na lang ang natira. Naalala ko pa na may nabuksan akong cabinet dito sa kwartong 'to nung isaw araw kaya muli ko 'yong nilapitan at binuksan. Tumambad ang mga kadena, chainsaw, screwdriver, tester at iba. Agad kong dinampot ang kadena at buti na lang may isang kandado at susi. Kinuha ko na rin yon.
Bago ako tuluyang nakalabas ng kwarto, tinignan ko muna siya ulit na nakahiga sa couch. Kahit hanggang dito, dinig kong malalim ang paghinga niya. Lumabas na ako at isinara ang pintuan. Pinaikot ko ang kadena sa dalawang handle ng pintuan at nilagay ang kandado. Napahakbang ako paatras habang nakatitig sa pinto. Mas safe kung di nila 'to mabubuksan. Babalikan ko na lang siya.
Pumunta ako agad sa library at kinuha ang baril sa bag. Isang black na revolver. Napayuko pa ako habang nilalagyan ito ng bala hanggang sa napatingin ako sa labas ng makarinig ng pagputok ng mga baril. Maayos kong hinawakan ang baril bago kinuha ang remote sa likuran ng bulsa at may pinindot hanggang sa mamatay ang mga ilaw. Muli ko naman itong iniipit sa aking gilid.
Kung malalampasan man nila ang mga trap, mapapabilib nila ako kahit konti. Lumapit ako sa pintuan sa harap ng mansyon at sumandal sa pader habang naghihintay na mabuksan nila ang pinto. Natatanaw ko pa ang anino nila mula sa bintana. Iilang putok rin ng baril ang gumawa ng ingay sa labas.
"T*nginga, ang sakit!" saad ng isa.
"Sabi kasing mag-ingat."
"Back to work," pamilyar na boses ni Asti.
"May tao ba? Bat parang wala?"
"Meron."
"Eh wala ngang ilaw."
"Not because walang ilaw, ibig sabihin walang tao." -Asti
"Nasaan na si Skyienna?" tanong pa ng isa. Kung aalalahanin ko, parang yung nagsalita ang pinakabata sa kanilang lahat.
Maya-maya pa, naramdaman ko na lang ang isang matigas na bagay na tumapat sa gilid ng aking ulo, "I'm here," tinig ng isang babae. Kinasa pa niya ang hawak nitong baril kaya hindi ako nakagalaw. Mabilis niyang nakuha ang baril ko at inihagis yon sa sahig.
Sinipa nila ang pintuan dahilan para bumukas. Pumasok sila sa loob hanggang sa matanaw ako at si Skyienna kaya tumambad ang ngiti sa mga mukha nila.
Sh*t, bakit hindi ko napansin na nakapasok na ang isang 'to?
"Good job," pagpalakpak nang mabagal ni Asti. Ibinaba naman ni Skyienna ang kamay habang matalim ko silang tinitignan.
"Finally," saad ni Asti habang papalapit sa akin, "Nagkita ulit tayo."
Seryoso ang tingin ko sa kanya, "What do you need? Anong ginagawa niyo dito?"
"Ohhh," saad pa ng pinakabatang lalaki sa kanila habang nakangiti nang malapad. May mga yosi sila sa bibig maliban sa babae. Nakita ko pa ang pinakamatandang lalaki sa kanila, nakapikit ang kaliwa niyang mata at kung wala lang si Asti, malamang ay kanina niya pa ako nilusob. Binulag ko lang naman siya nung isang gabi nang pagtangkaan nila ako. Bagay sa kanya.
Boy bulag.
"After all what we've done to you," dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko gamit ang isang kamay at pinatingala kaya nagkatinginan kami, "I am still fascinated how up high you can still look at me that way. You're really interesting, aren't you?" sabay ngiti niya kaya iniiwas ko ang mukha sa kanya hanggang sa mapilitan siyang bitawan ako.
"You're not allowed here. Umalis na kayo," diretsong saad ko.
"Why in a hurry?" tanong pa niya, "Hindi mo muna ba kami ipapakilala sa may-ari?" hinawakan niya ang yosi at ibinuga sa gawi ko ang usok habang diretso pa rin ang tingin ko sa kanya.
"By the way, kamusta na pala si Von?" sabay ngisi niya, "Still doing fine? O nagluluksa pa rin sa pagkawala ng kapatid niya?" nagkatinginan silang lahat at natawa. Hindi ko naman maintindihan ang pinagsasabi nila.
"Just wondering, how come nandito ka?" tanong pa niya na hinarapan ako, "Cos as far as I know, hindi tumatanggap ng bisita si Von since after that incident," kahit hindi ako ang tinutukoy niya, kumukulo pa rin ang dugo ko sa presensya niya, nila.
Bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa baywang kaya dumikit ang katawan ko sa kanya, "Not unless you have a special relationship with that guy?" aktong ilalapit ang bibig niya ay tinulak ko siya at malakas na sinampal kaya napaatras siya. Napahawak na rin sa isa niyang pisngi.
Lulusubin sana nila ako ngunit tinaas niya ang isang kamay, "Calm down," saad niya na tumingin sa gilid, "I got this, alright?" muli niya akong hinarap. Kitang-kita ko rin ang talim ng mga tingin nila sa akin.
"Ano ba talagang kailangan niyo?" tanong ko.
Humakbang siya papalapit hanggang sa matigilan nang hindi inaalis ang tingin sa akin, "Ibalik mo sa amin ang kinuha mo, then we're done," seryoso niyang saad.
"Anong kinuha ang pinagsasabi mo?" tanong ko.
May kinuha siya sa bulsa. Isang litrato at inilahad 'yon sa akin kaya doon ako napatingin. Nakita ko ang sarili ko habang may hawak na brief case. Naalala ko ang mga oras na 'yon na nasa airport ako at may kung sinong naghagis ng brief case sa akin. Kung ganon, Trescalion ang nagmamay-ari nung brief case? Pero paanong nakuha sa kanila?
"I think may naaalala ka na tungkol sa litratong 'to."
Tinignan ko si Asti, "I know what you're thinking and if you think that way, wala akong magagawa. Oo hawak ko 'yan dahil inihagis sa akin pero wala akong alam dyan. Kung babawiin niyo sa akin, pwes wala dito. May ibang kumuha sa akin," paliwanag ko.
Binaba niya ang kamay at natawa, "At sa tingin mo ba maniniwala kami sayo? That contains a plethora of Trescalion inheritance. Kahit sinong makakita, they are tempted to hide it for their own benefit."
"Hindi ko naman kayo pinipilit na maniwala. Kaya umalis na kayo dito," diretsong sagot ko.
Agad niya namang pinisil ang magkabilang-pisngi ko at pinasandal sa pader kaya napadaing ako nang konti, "Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Isang tanong, isang sagot... " itinapat niya ang bibig sa tainga ko, "Nasaan?" diin niya sa bawat salita sabay tingin sa akin.
"Wala nga sa akin," sagot ko. Sa sobrang bilis ng galaw niya, hindi ko nagagawang makaiwas o makadepensa. Itutulak ko sana siya papalayo pero nagawa niyang baligtarin ang pwesto ko. Nakaharap na ako ngayon sa pader at nasa likuran ang dalawang kamay. Hawak-hawak niya 'yon habang ang isang kamay ay mahigpit na hawak ang buhok ko.
Ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga, "One last chance... nasaan ang pera namin?" tanong pa niya. Tila anumang oras, handa siyang manakit.
"Hindi ko nga alam. Tanga ka ba para hindi makaintindi?" may diin kong saad. Humigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko na halos humiwalay na ang anit ko mula sa ulo. Para bang gusto niya akong ipukpok sa pader hanggang sa agad niya akong nabitawan. Tila napalayo siya sa akin ng wala sa oras.
"Sa pagkakaalam ko, hindi ako tumatanggap ng bisita," parang pamilyar sa akin ang isang boses kaya napatingin ako sa likuran hanggang sa matanaw ito.
Si Von...
Nasa harap ko ngayon at nakaharap sa kanila. Nakahawak si Asti sa isa niyang kamay at pansin kong dumudugo 'yon. Tinignan ko ang kamay ni Von pero wala naman siyang hawak na armas o patalim. Paano nasugatan si Asti?
Nakatingin ang lahat kay Von, "Bakit pumasok pa rin kayo?" tanong niya. Natural lang ang pagsasalita niya na para bang ordinaryong tao ang kausap.
"Von, von, von," maayos na tumayo si Asti habang tumutulo ang dugo niya sa sahig, "Sa hinaba-haba ng panahon, nagkita tayong muli," tumingin si Asti sa gilid, "Lorenz, haven't you missed him?" masama ding ngumiti 'yon. Ang pinakabata sa kanila.
"Long time no see, Von. Kamusta na pala si Biel?" -Lorenz
Napansin ko naman na napakuyom ang kamay ni Von kahit nasa likuran ako, "Ano namang pakielam niyo sa buhay ko? Haha," lumapit siya sa pintuan at maayos 'yong binuksan. Tinignan niya sila, "Pero dahil mabait ako, itatrato ko kayong bisita," at nilahad niya ang kamay sa labas, "So my dear guests, pwede na kayong makaalis sa mansyon ko," pagngiti niya.
"Von naman, kakarating lang namin. Hindi mo ba kami pakakainin?" tanong ni Asti habang nakangiti. Maayos ang pagsasalita nila pero may iba sa tono. That made me think na may mali. They speak normal pero may pagkasarkastiko.
"No thanks, in fact kumain na kami, dba?" tinignan ako ni Von bago niya ibinalik ang tingin sa kanila, "Ayaw kong magsayang ng pagkain. Mayaman naman kayo kaya kaya niyo na 'yan. Wag na kayong makikain dito. Hindi rin naman marunong magluto 'yang babaeng 'yan," sabay tingin niya sa akin. May kutos to sa akin mamaya.
"Alright, if you say so," sagot ni Asti. Nagtitinginan lang silang dalawa ni Von habang nakangiti. Tahimik lang at walang nangyayaring ingay. Umabot yon ng ilang minuto hanggang sa itinaas ni Asti ang kamay. Sabay-sabay naglabas nang rifle ang mga kasama ni Asti at itinapat 'yon kay Von, "Cornered," saad pa niya.
Tinignan ko si Von na nakangiti lang, maya-maya ay biglang may nagsilabasan na trap dito sa loob. Kusang bumukas ang isang cabinet at naglabas ng baril na tumapat kay Lorenz. Sa flooring, may bumukas na isang parte at may umangat na baril, tumapat yon sa pinakamatandang lalaki sa kanila. Mula naman sa pader na nasa gilid ko, bumukas din at lumabas ang isang shotgun na tumapat kay Skyienna. Napatingin kaming lahat doon, "Check king," saad ni Von na parang wala siyang alam sa nangyari.
Naglabas si Asti ng baril mula sa bulsa at agad itinapat kay Von. Tinignan ko si Von pero hindi niya inaalis ang tingin kay Asti. Para ngang nag-iba pa ang timpla ng mukha niya. Sh*t, bakit ako nadamay dito? Mabilis ko na ring kinuha ang baril kong nasa sahig at itinapat kay Asti kaya napatingin siya sa akin. Seryoso ko naman itong tinignan.
Sa lagay na to, ako lang ang matitira kung itutuloy nilang magbarilan.
Hindi makapaniwalang natawa si Asti at ibinaba ang kamay, "Seems like you got yourself a company?" saad niya kay Von. Ibinaba na rin nila ang mga baril hanggang sa magsitago ulit ang mga baril na nagsisilbing trap dito sa mansyon. Nagsara ang mga cabinet, ang flooring at ang pader. Pansin kong nasa likuran ang dalawang kamay ni Von, may pinipindot siya doon. Sinalat ko ang mga bulsa at tagiliran ko.
May natitira pala siyang katalinuhan at hindi puro kalokohan. Wala na yung remote sa bulsa ko. Yun ang hawak niya ngayon. Malamang ay nakuha niya agad kanina sa akin nang hindi ko namamalayan.
Nagkatinginan sila habang walang nagsasalita hanggang sa humakbang si Asti papalabas na sinundan ng kanyang mga kasamahan, "Huwag na kayong babalik sa mansyon to. Baka hindi na magdalawang-isip ang mga trap dito at kusang pumutok," pahabol ni Von. Natigilan sila pagkalabas ng pintuan at saka napatingin si Asti kay Von, "We'll be back to get what is supposed to be ours. She's ours to deal with, Von," saad niya at nilipat ang tingin sa akin. Seryoso ko siyang tinignan hanggang sa ngitian niya ako at tuluyan silang umalis.
To be continued...