Chapter 21 - RedStar: 19

"So are you saying... we lost half a billion of our golds?" tanong niya. He was exactly seated on the chair at the end of the table where eight of the company's board of directors are also seated. Apat sa kanan, at apat sa kaliwa niya.

Pagkatapos itanong 'yon ay ibinuga niya ang usok mula sa sigarilyo nito— that one tobacco. May suot siyang bowler hat and currently reading a newspaper completely covering his whole face. His body appearance and posture is clearly visible except for his face. Walang nakakaalam sa mukha nito. Wala pang nakakakita. But everybody knows him, the one and only head of LaCosa company and corporations which mainly focuses on gold products such as trillion tons of original owned accessories around the globe.

Lahat ay nagkatinginan at walang nagtangkang sumagot, "How come?" tanong pa niya habang hawak-hawak ang isang dyaryo. If it's not because of his suave posture, everybody would have thought na isang matanda ang kaharap nila.

"Mister L, permission to speak," magalang na sagot ng isa.

"Go on," sagot pa niya habang abala sa ginagawa. His gaze is focused on his business yet he's all ears in hearing the truth about the situation. Parang wala man nga sa kanya ang nawalang halaga.

"We found out that our accessories were taken away."

Aktong ililipat niya ang papel, natigilan ito nang marinig ang tungkol doon. Inilapag niya ang sigarilyo sa lalagyan nito na nasa lamesa at itinuloy ang pagbabasa. Natatanaw pa sa hangin ang pag-angat ng usok mula sa kinauupuan niya.

"And what made you say that? How did it happen?"

"Based from our inspection, Mister L... isang customer sa Pilipinas ang nagreklamo. From her statement, isasangla dapat ang kwintas but unfortunately, hindi tinanggap dahil peke daw. So the said customer went back to our store and filed a complaint about it. Hindi rin naman daw alam ng store ang tungkol dito. We investigated the situation and none from our sellers could be pinpointed as the culprit behind the incident."

"So... " naglipat siya ng pahina sa dyaryo, "What are you implying then?"

"The store itself had to investigate as well and the situation turned out even worse... " nagkatinginan silang lahat maliban sa kanya, "The accessories were imitated. Ninakaw ang mga original at pinalitan ng pekeng alahas."

Nag-umpisa ang bulungan sa loob ng kwarto habang siya ay tuloy pa rin sa ginagawa, "Quiet, gentlemen," agad namang natahimik hanggang sa pumitik ang isa nitong daliri. May isang babae sa sulok na sa tuwing naririnig 'yon ay agad pinipindot ang hawak nitong remote. Isang remote na isa lang din ang pindutan.

The moment she clicked that thing, dumilim sa parte kung saan siya nakaupo. Ibinaba niya ang hawak na dyaryo sa lamesa at kinuha ang sigarilyo. Muli niya 'yong ibinalik sa bibig at sumandal. Kitang-kita man ang ginagawa niya, ngunit hindi matatanaw ang kanyang mukha. Ang malinaw sa kanila ngayon, ang mumunting apoy na nagmumula sa sigarilyo at ang usok noon. Kasama na rin ang gintong singsing na nakasuot sa kanyang daliri, may mga oras na kumikinang 'yon kahit madilim.

"Let us all remain calm as always. Now... what I want to know... paanong nagaya nila ang mga designs natin? We have the most unique jewelry designs not just around this town but over the whole wide globe," eksplika niya, "Unless one of you fabricated this?"

Nanatiling tahimik at napayuko ang iba, "Mister L, I-I don't think may kinalaman ang board dito. Given that we are sitting here is already a privilege, no man might be able to convince himself into this kind of matter or betrayal," paliwanag ng isa.

"I agree, Mister L. Turning our back against LaCosa is a complete shame on our part. As we all know, being here is such a privilege. At hindi namin gugustuhing mawala sa posisyon namin ngayon. Every hour here is gold itself. We're getting more and more investors every second. So we won't dare waste a time behind LaCosa's back."

"And we will lose twice of what we get from our investors if this matter goes out to public," pahayag niya at muling humithit, "Make sure that this issue will never reach the people. May it be locally or internationally. We don't want to lose our customer and investors's loyalty, do we?"

"So Mister L, how are we going to resolve this?"

"Ako talaga ang tatanungin niyo?" bahagya siyang natawa, "What's your worth in my company then?" pagkatapos noon ay muling natahimik at muli siyang natahimik.

"Now, do you have any idea who did this to us? The LaCosa?" tanong niya na isa-isa silang tinitignan.

"Mister L, according to the investigation, our golden accessories were taken into an island."

Nagsalubong ang kilay niya, "Island?"

"Yes," tumango ang lalaki, "But that was just a short and sharp tracking since our tracker lost connection or signal habang pumapalaot ang mga kumuha sa alahas."

"Clever," tumango ang boss nila, "I didn't know kaya pala nilang gayahin ang mga designs natin at palitan ng hindi natin nalalaman," saad niya habang nakatingin sa kung saan at saka nagbuga ng usok. Ang mga siko niya ay nakapatong sa magkabilang arm chair ng kinauupuan habang nakakrus ang mga binti.

Maya-maya ay tinignan niya sila, "But I assume, you are all aware that we do not just throw away golds, right? Yes, we have tons of gold and money to produce but we, LaCosa... cannot lose even an ounce of it. Every drop of gold is still a gold and no one could change it. So, what do you suggest we do?" tanong niya.

"Mister L, I know some high profile lawyers in the Philippines. Maybe we can ask assistance from them and establish connections with the police to raid the said island, so we can take our golds back," katwiran ng isa.

"Maybe? So hindi tayo sure?" tanong niya pabalik, "Do you really think it's a fair fight kung magsasampa tayo ng kaso?" kalmado niyang tanong. Some of them almost think that he doesn't even care a glance with his company dahil sa pagiging kalmado niya.

"Come on gentlemen, we are LaCosa. Hindi tayo basta-basta binabangga. Kahit saan pa sila magtago, they cannot beat us. Now, I have something to say. And you all have to agree with this dahil hindi lang naman ako ang makikinabang dito, even you yourselves would surely benefit and highly compensated."

Ilang segundo munang natahimik. Iniikot niya ang upuan kaya ngayon ay nakatalikod siya sa kanila. Muli niyang pinitik ang daliri kaya sumindi ang ilaw. Tinanaw niya ang isang painting ng babae na nakasabit sa wall at sa mismong harapan nito.

"Ibabalik natin sa kanila ang ginawa nila sa atin. First, make sure to find out where those thieves directly headed to. We have to know kung anong isla ang pupuntahan nila. Second, don't do anything yet. Hintayin niyong magsabi ako bago kayo gumalaw," dahil doon ay nagkabulungan at nagsalita ang isa.

"But Mister L... we have to take our golds back as soon as we can. We're afraid that those people might sell them in a more expensive pric— "

Itinaas niya ang isang kamay kaya natigilan 'yon sa pagsasalita, "Quiet. Just do as I say," humithit siyang muli at naglabas ng usok, "You may now leave."

"Ten minutes, Kash," napatingin siya sa likuran at nakitang may nakaupo doon. Pero hindi na 'yon bago sa kanya. It's always like that every now and then. It's becoming too normal, yet compelling. Pagkatapos ng meeting, he directly went out of the building and headed towards his car. Pansin pa nga niya ang panginginig ng kamay at mga binti nito. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan habang hindi mapakaling napapatingin sa paligid. Namamawis ito at nanlalamig na napapatingin sa kanyang relo. Who knows that time made him act unusual.

Nakangising nakatingin sa kanya ang lalaki sa likuran ng kanyang sasakyan na tanaw niya mula sa front mirror, "Palpak ka nanaman?" masamang nakangiti ito habang paulit-ulit niyang naririnig ang pagsipol ng lalaki, "Truly, you are a hari ng sablay, Kash. Haha," natawa pa ang lalaki sa likuran na tila pinagtatawanan ang sitwasyon niya ngayon.

"Get out of my head," may diin niyang saad at ilang ulit na pinagpupukpok ang ulo gamit ang kamao habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela at nagmamaneho. Halos mamula siya sa galit at inis na nararamdaman habang paulit-ulit na naririnig ang pagtawa nang lalaki.

"How come pumalpak ka?" tanong pa nito sa kanya na lumapit at ibinulong 'yon mula sa likuran.

Mabilis na kinuha ni Kash ang gamot na nakatago sa sasakyan nito. Binuksan niya ang nasa kanang parte ng manibela. Tila isa 'yong maliit na drawer, kinuha niya ang isang maliit at kulay bughaw na bote. Itinigil niya saglit ang sasakyan sa tabi at binuksan 'yon gamit ang dalawang kamay. Kumuha siya ng isang puting kapsul. Agad niya 'yong inilagay sa bibig at sapilitang nilunok. Napasandal siya sa kinauupuan nito at sandaling pumikit. Nang medyo gumaan ang pakiramdam, hinawakang muli ang manibela at pinaandar. Pero kahit na ganon, ramdam pa rin niya ang pananakit ng ulo nito.

Katulad kanina ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan hanggang sa marating ang destinasyon nito. Bumaba siya ng sasakyan at diretsong naglakad sa isang madilim na lugar. May mga lapida rin siyang nadaraanan at nang may madaanan itong isang halaman na may bulaklak ng gumamela, agad niya 'yong hinila. Pagdating sa bandang gitna ay natigilan sa tapat ng isang lapida at bahagyang lumuhod para ipatong ang kulay pulang gumamela doon. Natigilan pa siya nang mapansin ang isang basket na puno ng bulaklak na nakalagay din dito. Hinawakan niya ang samut-saring klasi ng bulaklak na nandoon at napansing bago pa lang ang mga ito at hindi pa lanta. Iniikot niya ang tingin sa paligid ngunit wala namang napansin na ibang tao.

"Someone must have left it here and surely, babalikan din ang mga naiwang bulaklak," saad nito sa sarili.

Maayos siyang tumayo at inalis ang suot nitong cap. Mapait siyang ngumiti, "Kamusta anak?" tanong niya habang nakatitig doon, "If you're watching your dad right now," bigla nitong pinunasan ang namamasang mata gamit ang isang kamay, "Pasensya ka na ah. If dad cannot defend himself against anyone," he cannot clearly express himself in front of anyone not unless he's standing right in front of his son's grave.

"Kung hindi ka lang sana nawala at ang mommy mo, the two of you and even Schlau himself, we could have been living a peaceful life somewhere afar," tuluyang tumulo ang mga luha niya. No one's around, only him and his dead son.

"Patawad. Kung hindi ko natupad ang pangako ko na ilalayo kayo sa lugar na 'to nung mga oras na hindi pa huli ang lahat," maayos niyang tinignan ang lapida, "A strong and powerful man gets a hold of me, and I can't do anything about it. Hindi ko na kayang mawalan pa," pag-iling niya.

"But I promise son, gagawin ko ang lahat para mahanap ang mommy mo. And after that, I will take your twin brother with us, so we could still live the life that we truly deserve. I will do everything in my capacity para matupad ang pangako ko," paliwanag niya.

Pagkatapos noon ay natahimik ang paligid. Sa tapat niya ay may dumating na isang babae. A girl in her college uniform. Sandaling napatingin si Kash sa babae na ngayon ay nakatitig sa isang lapida na katabi at nasa tapat lang din niya. Ngumiti ang babae at nagsalita, "For how long would you let that powerful man control your life, sir?" tinignan siya ng babae at bahagyang nginitian.

Ibinalik ng babae ang tingin sa lapidang nasa tapat nito. Nakahawak din ang kanyang mga kamay sa strap nang backpack niya, "Are you aware that they are back?" tinignan niya ulit si Kash kaya napayuko naman ito.

"I am."

"Then bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanila? I thought pamilya kayo?"

"That's easier said than done," mahinang sagot ni Kash. Sila lang dalawa ang tao sa buong tahimik na lugar. May mga ilaw naman sa poste kaya natatanaw nila ang paligid.

"You won't know kung hindi mo susubukan."

Sandaling nagkatinginan ang dalawa hanggang sa pilit na ngumiti si Kash. Tinignan niya ang babae, "Can I entrust you my identity, Fleur?" tanong niya.

"Sure, why not, sir? Matagal na rin naman tayong nagkakasabay na bumisita dito sa sementeryo. And I don't care who you really are," napako ang tingin niya kay Fleur na nakatingin sa lapida hanggang sa muli itong ngumiti, "For as far as I know, hindi ka naman katulad nila," tinignan siya ng babae.

"Ikaw ang nag-iisang Trescalion na pinaka-kakaiba sa kanilang lahat," dagdag pa nito. Kash even saw her eyes gleaming habang binibitawan ang mga salitang 'yon sa harapan niya, "You're a one rare Trescalion, sir Kash."

Matipid na ngumiti si Kash at napayuko. Something inside him melted. Tinignan naman ni Fleur ang lapidang madalas na bisitahin ni Kash. At muling nabasa ang mga katagang nakaukit doon.

"You are always remembered, our little prince. May you rest in peace."

'Scoth Hymes Trescalion.'

November 20,2017 - November 20,2021

To be continued....