Chapter 18 - RedStar: 16

We were all busy having our witty late night talks or badinage in the middle of the night, oh wrong, it's already midnight na pala. Sorry I almost forgot. But now you know. Malinaw pa sa malinaw.

Nakapalibot kami sa isang kahoy na lamesa habang masayang umiinom. But initially, lemme introduce myself first just in case you're not aware of the Trescalion Family.... my family. Coz I won't let even a single individual not to know who we are and what we are. You understand? Good.

First, I am Alezander Stiff Trescalion or whom they call Asti for short. We are five siblings, four men and one lovely but deadly lady. As you've seen from the Tavern, I am the head of the family given that I am the second son and since our grandfather died, ako ang tumayong may otoridad sa pamamahay na 'to. Well, we grew up without parents and we don't care whether they are alive or dead. I am the second eldest which is why my authority is more compelling than that of my other siblings.

Isa ako sa mga nakaupo sa lamesa, I am actually seated in the middle of this small wooden table filled with beer glasses— and a beer of course. What else could there be, right?

"Diretsuhin ko 'to," pagyayabang ni Lorenz. His full name is actually Lorenzley Trescalion. He's seated on my right side at siya ang pang-lima sa amin. Bunso, specifically. He's holding a beer glass at pinuno 'yon. Just like what he mentioned, diniretso niyang inumin ang beer. Pabagsak niyang ipinatong ang hawak sa lamesa at napapikit. Obviously, napapaitan siya. He's too young for this but I can't stop him either.

Malakas na tumawa ang sa kaliwa ko. I looked at him. He's Fabionsley Trescalion. The oldest one. Ang pinaka-panganay sa amin. Can't believe na napuruhan siya ng babaeng 'yon. He can't even open his left eye because of what she did. Tho he's silent about it, alam kong malaki ang galit niya sa taong 'yon because of what happened. And if you'd ask why I am the one that rules, then that's your job to find out. I am just Alezander, and no one could beat my undefeatable name.

"Dyan ka malakas, sa pag-inom. Pero isang sapak lang nang babae, tumba ka na hahahahah!" malakas na halakhak ni Fabio. Nginitian ko nang masama si Lorenz. I messed up my little boy's hair, "Bilang Trescalion, mahina ka pa," nilapit ko ang mukha sa kanya.

"Maybe you just need a little push," pagkatapos banggitin yon, malakas kong isinubsob ang mukha niya sa lamesa. Pag-angat niya, may dugo na ang noo nito.

Napahawak siya sa noo nito, "Asti," reklamo at inis niya na tinignan ako habang may dugo ang kamay niya. Alam kong nabigla silang lahat pero wala naman silang magagawa. I had to do it para magtanda siya sa buhay. We should rule women and not the other way around.

"Tama na yan," hinawakan ni Iosefina ang isang balikat ko.

Kakalapit niya lang sa gawi namin at kumuha nang baso. Our dining is also within the kitchen which is why, "You should all be having a rest, mga apo," nagsasalin siya nang tubig mula sa dispenser at nainom. She's the oldest and like what she called us, Iosefina is our grandmother. She's the guide, but don't forget that I still rule.

"Ikaw ang matulog na, La. Kaya pa namin to," hindi pinansin ni Lorenz ang dumudugo niyang ulo. Instead, he resumed with what we do. Mag-inuman.

"Huwag kayo gaanong magpagod," papalapit siya sa akin ngayon habang hawak ang baso niyang kalahati ang laman na tubig. She put her hands again on one of my shoulder, "And to my bravest apo, huwag masyadong bayolente," tumingin ako sa gilid at nginitian lang siya. Finally, she's out once again from the scene nang lumabas na siya at bumalik sa sala para manood.

"May balita na ba kay Kash?" nagsalin ako nang beer sa baso at nainom habang sa kanila ang tingin.

"Wala pa," saad ni Fabio at nainom. Maayos akong sumandal sa kinauupuan. We've been finding him for almost three years but there has been no progress ever since. Tho meticulous measures had been done, nothing's changing. Kash is still missing. At wala kaming alam, whether he's murdered , committed suicide or still on the verge of suffering. We don't know and no one can testify.

"Pero alam niyo ba... " Lorenz spoke habang nakatingin sa hawak na baso, "If Kash is still alive and kicking his balls out somewhere else, magpaparamdam at magpaparamdam siya sa atin— I am not saying that he— "

"He's dead," diretsong sabi ni Fabio. Tumigil si Lorenz sa pagsasalita at nagtinginan kaming tatlo.

"No, Kash is not dead," I guarantee it, inilingan ko sila, "We won't be assuming his death not until tayo mismo ang makakita sa katawan niya." We've been quiet for three consecutive years, trying every possibility para lang mahanap siya. But even clues or hints, wala kaming nahanap ni isa. He could have been with us ruling this place now.

"Alright," tumango si Lorenz at yumuko. Papikit-pikit na siya so obviously, the alcohol already had an effect into that moron's head. What a pity. Mahina pa talaga ang isang to. Lemme make you stronger soon, moron.

Out of the blue, pabagsak na inilapag ni Skyienna ang envelope sa lamesa kaya nakagawa ng ingay, at sa mismong harapan ko pa talaga. Kakarating niya lang at kumuha ng baso bago dumiretso rin sa dispenser para mainom nang tubig. Tumalikod siya sa may lababo habang kibit-balikat at umiinom. By the ways, she's the second youngest. Pang-apat sa amin.

"Alam ko na kung sino ang kumuha ng pera natin," dagdag niya.

Sabay kaming tatlo na tinignan siya, "Then who?" glad to hear, simula nang manakawan kami, this family began wrecking itself kahit wala sa plano.

"Nice, kung ganon sino?" -Fabio

"Tell us. Hindi na ako makapaghintay para sa isang panibagong gulo." -Lorenz

Tinignan ako ni Skyienna. Nilipat niya ang tingin sa envelope kaya kinuha ko, "See for yourself," halata din sa kanya na hindi siya interesado. Of course, she never wanted to get involved with what we do. Kaya wala siya laging pakielam. And she won't be having a second thought with the millions that have been taken away from this family, dahil hindi niya naman pinaghirapan. I think we spoiled this girl too much.

Binuksan ko ang envelope at inilabas ang laman. It was just three pictures not until she managed to speak once again, "Nanghingi ako ng footage sa cctv noong oras na nawalan tayo nang brief case sa airport papuntang ElVarde. And that's what I found out."

Maayos kong tinignan ang tatlong picture. Namukhaan ko agad ang babae kaya bumungad sa mukha ko ang isang masamang pagngiti, "Tignan mo nga naman, kapag sineswerte akong tao."

"Sino ba yan?" tumingin din si Fabio. Inagaw niya ang isang picture at maayos na tinignan. Katulad ko, alam kong magkaiba kami ng reaksyon. Isang tao lang ang nasa isip namin, pero gulat siya, habang ako natutuwa.

"Can I see?" aktong kukunin ni Lorenz ang aking hawak ay nilayo ko sa kanya at ngumiti nang masama.

"This is getting more fun," tinignan ko ulit ang dalawang picture. Inagaw naman ni Lorenz ang hawak ni Fabio at saka 'yon tinignan.

"Hindi ba 'yan yung babaeng nakalaban natin?!" gulat na tanong ni Fabio.

"Exactly." I never thought that a woman is the main reason kaya nagkagulo ang pamilyang 'to. We just met with the person we've been hunting.

"At anong ginagawa natin sa mga may atraso sa atin?" hinarap ko si Fabio. We were like thunders from above, as below, nagsasalubong ang tingin.

Lumapad lalo ang ngiti ko, "We hunt them til they become submissive," saad niya. I'm starting to have interest with that woman. I wanna f*ck her so hard.

"Let's have some fun, shall we?" isa-isa ko silang tinignan at nginitian ng masama.

PAGKAPASOK ko pa lang sa loob ng basketball court, rinig na agad ang paglalaro niya nang bola. Wala siyang ibang kasama bukod sa dalawa niyang bodyguard. Di ko nga alam kung matatawag bang maswerte ang batang to o kung anuman. May bodyguard na siya sa ganyang edad, well hindi rin naman siya makapalag dahil may nakabantay. Nakatingin ako sa gawi nila habang naglalaro siya at nasa gilid ang dalawang bantay nito. Nakatayo doon at pinapanood lang siya.

Naglalaro siya ng bola ng baseball at hinahagis yon papunta sa pader kaya bumabalik din sa kanya. Di naman yan naglalaro ng basketball dahil baseball ang hilig. Yun lang, wala siyang kalaro kaya ganyan ang ginagawa.

Napansin niya ako nang makalapit ako kaya inihagis ko papunta sa kanya ang dala kong mineral water. Mabait kasi ako na ate. Agad niya yong nasalo. Pawisan nga siya at halatang pagod, "Free time mo ata ngayon Bry ah?" saad ko na ngumiti. Lumapit kaming dalawa sa bench at binubuksan naman niya ang bote sabay inom don. Lakas nga uminom eh, naubos agad sa isang lunukan. Kulang na lang pati bote lunukin niya. Napitpit pa nga yung bote nung uminom siya.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Ganito to eh, palaging seryoso sa buhay, di ngumingiti. Sabagay, sino bang natuwa na magstay sa Estrella, "What?" tanong niya.

Napailing na lang ako at saka naupo sa isa sa mga bench, "Ano na nga palang balita kay Xeline?" tanong ko.

Hinagis niya ang bote papunta sa basura at shoot na shoot pa nga. Talino talaga nang batang 'to. Umupo na rin siya sa tabi ko kaya sinundan ko siya nang tingin, "Ginagawa naman niya trabaho niya kay Von. Hanggang ngayon, wala pa siyang mahanap na ebidensya. Pero mukha ngang close na sila," sa harap lang ang tingin niya habang seryoso ang tono.

"Walang mahanap na ebidensya saan?" tanong ko pa. Dalawa kasi ang misyon ni Xeline, eh alin sa dalawa ang tinutukoy ni Bry?

"Sa pareho niyang misyon."

I see.

Tumingin ako sa harapan at tumango, "Ayos lang yan, kakaumpisa niya lang din naman."

Pagkatapos non, tahimik na ulit siya. Tinignan ko si Bry at nakayuko lang siya. Hindi naman to magsasalita pag ka hindi tinatanong o kinakausap. By the ways, siya ang nagsisilbing daan para sa koneksyon nila Maximus sa kumpanya. Dadaan ang lahat kay Bry, tapos sasabihan niya ako, then sasabihin ko naman sa tatlo. Kapag may utos sila Maximus, ganon den. Idadaan nila sa akin tapos sasabihin ko kay Bry, then siya naman ang magsasabi sa mga nasa baba. Ganon ang hierarchy dito sa Estrella. We're all red star members at ganito ang pamamalakad nang tatlong Mandelios. Maswerte na ako dahil ako lang ang nakakakilala sa kanila. Hindi kasi nagpapakilala ang tatlong yon kahit na kanino.

"Nga pala," bigla akong may naalala kaya nagkatinginan kami, "Mukhang okay naman pala si Xeline, just like how you mentioned her. Paano mo siya nahanap?" kunot-noong tanong ko.

"She was sold to us by her uncle," pagtingin niya sa harap.

Mas lalo akong nagtaka, "Ha? Bakit?" What the hell, uso pa pala ang bentahan nang pamilya ngayon.

"Theodore Laciero. An old friend of Estrella. May utang sila sa red star. Hindi pa nababayaran, kaya pinadala siya rito as a payment."

Sandali naman akong napaisip, "Makes sense. Kaya ba nakumbinsi mo ang mga nasa taas na kunin si Xeline sa org?"

Tumango siya, "Yes."

Tanda ko pa nga noong umpisa, ayaw siyang kunin nina Maximus pero nung binanggit ko yung Theodore, bigla silang pumayag.

"Since then, the Lacieros and Estrella never had connections."

Tinignan ko si Bry at napangiti ako, "Tignan mo nga naman, mukhang mas marami ka pang alam sa akin," kung ako papipiliin, gusto ko siyang maging baby brother. Wala lang, gusto ko lang nang kapatid na lalaki. Matalino din naman siya, at masunurin.

"No, napansin ko lang na wala nang pinapagawa ang mga boss sa akin na may koneksyon sa mga Laciero."

Tumango naman ako, "Kaya pala. Pero kahit na," sumandal ako sa bench at nagkibit-balikat. Tinignan ko siya, "At least you were able to find out about that dba?"

Muli siyang natahimik pagkatapos noon. Kaya kadalasan talaga, nauurat akong kausap 'to eh, para akong kumakausap ng robot. Sabagay, may red star nga pala siya kaya di malayo.

Tinignan ko ang kabuuan niya at napansin ang red belt niya sa kanang braso. Parang may sugat siya pero hindi ko gaanong makita, "Anyare dyan, Bry?" sabay turo ko rito.

Tinignan niya rin yon at ibinalik ang tingin sa harap, "Wala."

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at tinignan pa 'yon nang maayos at mas malapit, may sugat siya at halatang halos kainin na ng belt sa braso nito ang balat niya, "Napano to?" sabay tingin sa kanya.

Iniiwas niya ang kamay kaya nabitawan ko, "Natamaan lang." Obvious naman na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito.

"Sure ka ba?" halos hindi nga ako maniwala eh. Hindi ganon gumagana ang gofer kung natamaan lang.

Naalala ko na lang na konektado ang belt niya at nung kay Xeline, "Huwag kong sabihing may nangyari kay Xeline kaya pati ikaw nasugatan?" kung maninikip ang gofer sa hita ni Xeline, pati yung kay Bry maninikip. Konektado ang sa kanila.

"Inaalam ko pa," wala sa interes niyang sagot.

Tumayo ako at tumigil sa harapan niya. Yumuko ako para tapatan siya at saka ko ginulo ang buhok nito. Nginitian ko siya, "Kaya bantayan mo palagi si Xeline, kasi kapag nagkamali siya, putol ang binti niya. Putol din ang braso mo," ani ko at tumayo nang maayos, "Tara, gamutin kita." Syempre di ko naman siya matitiis. Binalaan ko lang para mag-ingat sa susunod. Di ko naman gugustuhin na mangyari 'yon sa kanya.

Parang kapatid ko na si Bry eh.

To be continued...