Chapter 17 - RedStar: 15

Napahawak ako sa sariling leeg nang tila sinasakal ito, "A-Ahhhh!" pagdaing ko habang nakaupo. Napagtanto ko na lang na may nakapaikot ditong alambre na may mga tusok kaya nagagawa ring masugatan ang kamay ko.

Sinusubukan kong alisin 'yon pero habang niluluwagan ko, mas lalong humihigpit. Maya-maya pa, may mga yapak akong naririnig na papalapit sa akin. Madilim sa buong lugar hanggang sa tumigil ang isang tao sa mismong harapan ko. Tumingala ako para mamukhaan siya pero madilim sa parte nang mukha niya kaya hindi ko magawang makita.

Unti-unti na rin akong nasasakal at nawawalan nang hininga. Dahan-dahan siyang lumuhod para tapatan ako. Hinawakan nang isa niyang kamay ang pisngi ko at tila yelo ang mga kamay niyang nanlalamig. Malalim akong huminga habang sumisikip ang alambre.

Nagawa kong tanawin ang mga labi niya pero hanggang dun lang yon. Ngumiti siya nang masama, "It's ok. I've been through that, Xeline." Unti-unting tumulo ang mga luha ko na agad naman niyang pinunasan.

"S-Sino ka?" kunot-noong tanong ko. Bakit kilala niya ako?

"I know who you really are. You met me but you don't know me. We are one in purpose," lumapit siya sa akin at itinapat ang bibig sa tainga ko, "I'm your future killer," mas itinutok niya ang bibig sa tainga ko, "And you are my future victim. So... die."

Aktong titignan ko siya ay hawak-hawak na niya ang alambre sa aking leeg at mas sinisikipan pa ito. Nag-umpisa nang lumabo ang paningin ko pero namumukhaan ko siya, lalo na nang magtama ang mata namin. May suot siyang itim na mask at itim na eyepatch sa kanan nitong mata. Isang mata lang ang nakikita ko pero kilalang-kilala ko siya.

"V-Von... " hinawakan ko ang mga kamay niya para alisin 'yon sa akin, "T-Tama na," saad ko pa. Parang wala siyang naririnig at tuluy-tuloy lang sa ginagawa. Naglabas siya nang maliit na kutsilyo at ipinakita 'yon sa akin. Lumabas sa bibig niya ang masamang pagngiti. Itinapat niya 'yon sa leeg ko kaya pilit akong umiling.

"Huwag," naramdaman ko na lang na dumaplis ang kutsilyo sa leeg ko at sumirit ang maraming dugo.

Nagmulat ako nang mata at biglang napaupo. Habul-habol ko ang hininga ko habang pinagpapawisan. Sa lahat naman nang pwedeng mapanaginipan, bakit siya pa? Yon? Papatay? Eh takutin nga.

Napahawak ako sa leeg at naramdaman na parang nakabalot ito at may bandage. Nang igalaw ko ang ulo ay naramdaman kong kumirot ang leeg ko. Ano bang nangyari at masakit to? Napatingin ako sa kung saan habang nag-iisip.

Naalala ko na lang na oo nga pala, hinabol ako nang mga Trescalion at pinalibutan nang alambre sa leeg. Natakasan ko naman sila at dumiretso ako dito. Ang huli ko lang naalala ay nakita ko si Von.

"Matulog ka na. Pagising mo, wala na to. Ako bahala."

Narinig ko ulit ang mga huling salita na binitawan niya. Para ngang napasunod niya pa ako. Iginaya-gaya ko ang leeg sa iba't ibang direksyon para naman ma-exercise kahit konti. Tinignan ko ang paligid at nandito ako sa couch nang library niya. Nakabukas din ang mga ilaw.

"Gising ka na pala," halos malaglag ang puso kong napatingin sa may bintana nang may biglaang magsalita. Nakaapak si Von doon na halatang kakaakyat lang hanggang sa tumalon siya pababa na malapit na lang sa akin. Sumabay pa nga sa kanya ang malamig na simoy na hangin kaya gumaan ang pakiramdam ko.

Wala talagang makakatalo sa magandang boses ng hangin.

"Bat dyan ka dumaan?" kunot-noong tanong ko. As usual, nakahood pa rin siya, may suot na mask at eyepatch.

Naupo siya sa couch na malapit sa bintana at saka sumandal, "Bakit? Bawal ba? Bahay ko naman to."

"May pintuan naman," katwiran ko. Ano pang silbi nang pintuan kung sa bintana siya dadaan?

"May bintana naman," katwiran niya.

"Edi sana hindi ka na lang naglagay nang pintuan."

"Pake mo ba, bahay ko naman 'to," pahabol niya.

Palibhasa ano bang pake ko kung anong gusto niyang gawin sa buhay. Kahit pakamatay pa siya, pake ko naman.

Itinuro niya ang maliit na lamesa sa harap ko kaya tinignan ko yon, "Ayan gamot, inumin mo. Kunin mo na lang, may kamay ka pa naman."

Pansin kong may nakapatong na maliit na bote ng tabletas at baso nang tubig sa lamesa. Sinamaan ko siya nang tingin habang kinukuha 'yon, "Bakit, posible bang babalik ako na putol ang kamay?" binuksan ko ang gamot at kumuha nang isa. Parang gusto pa ata talaga niyang bumalik ako dito na kulang-kulang ang parte nang katawan.

"Oo, muntikan na ngang maputol yang ulo mo. Sabagay, wala namang mawawala," ininom ko ang gamot at sinamaan siya nang tingin.

"Ano nanamang pinapalabas mo ha?" magmula kanina, imbis na manahimik siya, ginugulo lang ang buhay ko. Itulak ko pa siya papalabas nang bintana.

"Di ka naman pala mawawalan nang ulo dahil wala ka talagang ulo," mabilis kong inihagis ang baso papunta sa kanya at himala dahil nahawakan niya 'yon agad. Tinitira ko talaga ang ulo niya. Kagising-gising ko, binibwisit niya ako.

"Ohhh, bilis ah," mapang-asar siyang ngumiti. Kumukulo nanaman ang dugo ko sa isang to. Kung hindi lang dahil sa misyon ko, matagal na akong lumayas dito.

"Lumayas ka dito, pinapainit mo ulo ko," bulong ko na sumandal at napapikit.

"Pinapalayas mo ako sa sarili kong bahay?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Pake ko," walang ganang sagot ko. Ramdam ko sa katawan ko na nanghihina pa ako. Hindi ako makakalaban nang maayos kung sakaling may pumasok nanaman dito sa mansyon niya.

Bigla ko na lang ulit naalala kung paano ako halos lagutan nang hininga kagabi. Hindi ko talaga maalis ang alambre kahit anong pigtas ang gawin ko. Nagmulat ako nang mata at tinignan siya. Busy naman ang taeng Von na tumitingin sa paligid hanggang sa mapansin niyang nakatingin ako.

"Ano? Tinitingin-tingin mo dyan? Napopogian ka ata saken?"

Asa ka.

"Paano mo natanggal yung alambre sa leeg ko?" nakakapagtaka lang, hindi ko nga maalis pero siya nagawa niya. May ginamit siguro siya para pigtasin yon.

Umiwas siya nang tingin, "Wala ka na don," tumayo siya at nilagpasan ako na aktong aalis na. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at sapilitang iniharap sa akin, kasabay noon ay tumayo ako kaya nagkatapatan kami.

Tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya. Diretso ko siyang tinignan sa mata, "Wala kang dalang kahit na anong gamit nung nakita mo 'ko, Von," kahit malabo ang paningin ko, alam ko pa rin kung ano ang nangyari, "Sumilip ka pa sa labas bago mo ako nilapitan— "

"Eh ano naman sayo kung may ginamit ako o wala?" sagot niya. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at itinaas ang palad nito para tignan. Sa palad niya, halos hindi na makita ang mga guhit noon dahil puno nang sugat at pasa.

Hinila niya ang kamay papalayo sa akin. Tinignan ko siya, "Matagal na 'to. Huwag kang OA dyan," katwiran niya.

Sariwa pa ang ibang sugat doon at patuyo pa lang na halatang hindi pa matagal ang mga sugat, "Umamin ka nga sa akin," tinapatan ko siya at nagkibit-balikat ako, "Kamay mo lang ba ang ginamit mo para alisin yung alambre sa leeg ko?"

Unang-una sa lahat, hindi ako tanga para hindi maisip ang ganitong bagay.

"Ano namang pake mo du— "

"Pwede namang gumamit ka nang ibang bagay pamputol!" halos nagtaas na rin ang boses ko. Alam kong wala akong pake sa kanya pero obvious naman na dahil sa akin kaya sugatan ngayon ang kamay niya... higit sa lahat, hindi madaling pigtasin yon. Kaya alam kong nasaktan siya nang husto.

Nasisiraan na ba siya?!

"Kung maghahanap pa ako nang gamit, wala ka nang ulo pagbalik ko," sagot niya. Bigla akong natigilan at parang naputulan nang dila dahil sa sinabi niya.

"So pinigtas mo nga gamit ang kamay mo?" seryosong tanong ko.

"Malamang. Wala naman akong ibang choice."

"Bakit pa?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Anong bakit? Alangan hayaan kitang mamatay. Edi nadagdagan ililibing ko?" bigla siyang natigilan at nagkatitigan kami. Parang binabasa namin ang isa't isa habang kibit-balikat akong nakatingin sa kanya.

"Ansabi mo?"

Tinapatan niya rin ako, "Palagay ko kasi, may magtatangkang pasukin ang kaisa-isa kong mansyon dahil sayo. Kaya marami akong ililibing pag nagkataon kaya hindi na kita hinayaan kagabi para naman mabawasan sila. Ang tanong ba?" humakbang siya isang beses papalapit kaya ako naman ay napaatras.

"Sinong may gawa sayo non?"

"Have you ever heard of Trescalions?" tanong ko na nanliit ang mata.

"Hindi," umiling siya.

"Nakatira ka dito. Di mo sila kilala?"

"Sino ba sila?"

Umiwas ako nang tingin, "Huwag mo na 'yon isipin. Mas magandang huwag ka na lang lumabas para hindi mangyari sayo ang nangyari sa akin," siya naman ang nilagpasan ko. Ibang klasing tao nga ang pamilyang Trescalion. Kung ako na marunong makipaglaban ay nagawa nilang ganunin, eto pa kayang isa na masyadong takutin.

Nakasunod naman si Von sa akin kaya hinarapan ko siya, "Pero nakita mo sila hindi ba?" tanong ko. Sumilip siya sa labas nung nakita niya akong naghihingalo.

Nag-isip pa siya kahit wala naman siya noon, "Hindi."

Nagsalubong ang kilay ko, "Anong hindi?"

"Wala naman akong nakita sa labas."

"Sigurado ka?" tanong ko pa. Sa pagkakaalam ko, nakasunod sila hanggang dito.

"Oo, baka napaatras sila dahil may trap," pagtataka pa niya. Obvious naman na nagsasabi siya nang totoo kaya tumango ako.

"Siguro nga," tinalikuran ko siya at naglakad ulit.

"So wala kang nabiling pagkain?" tanong niya.

Inis ko siyang hinarapan, "Halos mamatay na ako kagabi, iisipin ko pa ba ang pagkain?!" kumukulo nanaman ang dugo ko sa bwisit na 'to.

"Eh wala ngang pagkain sa ref dba sabi mo?" pagkakamot niya nang ulo. Tignan mo nga, parang bata.

"Wala na akong pake dun, edi mamatay tayong gutom. Sa lahat naman kasi nang may mansyon, ikaw ang walang pagkain," nag-ikot ako nang mata at tinalikuran siya. Mag-iikot na muna ako dito sa mansyon, baka-sakaling makahanap ako nang pagkain.

Habang nag-iikot ako, nawala na siya sa paningin ko. Buti na lang. Medyo lalamig ang ulo ko dahil wala ang presensya nang bwisit na 'yon. Bumaba na lang ulit ako sa ground floor dahil halos sarado mga kwarto sa second floor. Nag ikut-ikot ulit ako hanggang sa may marating akong parte na hindi pa pamilyar sa akin. Babalik sana ako sa library dahil mukhang wala naman akong mapapala dito pero mukhang naligaw ako ngayon. Laki naman kasi nitong mansyon niya, siya lang naman mag isa.

Sa sobrang inis na naligaw ako nang landas, habang nakatigil ako sa tapat nang isang pinto, napakamot ako sa leeg hanggang sa malimutan kong may sugat pa pala ako doon, "Aww!" mahinang daing ko na napahawak pa sa pintuan pero kung minamalas ka nga naman.

Kusang bumukas yon at may hagdanan pababa kaya diretso akong nahulog, "Bwisit!" mahinang saad ko na napahawak sa balakang. Doble-doble kamalasan ko dahil kay Von.

Medyo malamig na simoy nang hangin ang aking naramdaman at dahan-dahan akong tumayo habang tinitignan ang paligid. May pintuan sa harap ko at mukhang maliwanag sa loob. May malamig na usok din na lumalabas. Sinubukan kong itulak ang pintuan sa tapat ko. Bumukas naman agad 'yon, hanggang sa salubungin ako nang mas malamig na usok.

Ano ba to, snow world?

Tinulak ko pa papabukas lalo ang pinto at tumambad sa akin ang isang malamig na kwarto. Humakbang ako papasok at nagsara ang pintuan kaya sandali akong napatingin sa likuran. May transparent pang kurtina sa harapan kaya hinawi ko 'yon. Nagyeyelo ang paligid at pagdating ko sa gitna nang kwarto. May dalawang mahabang stainless na lamesa. May nakapatong na mga puting tela doon. Dahan-dahan akong humakbang papalapit.

Sabihin mo sa akin na mali ang iniisip ko. Parang may tinatakpan ang mga tela. Huwag mo sabihing morge to? What the...

Hinawakan ko ng dahan-dahan ang tela habang ramdam ang konting kaba at unti-unti itong iniangat. Napalunok pa nga ako hanggang sa makakita ako nang karne. Ano to? Tuluyan kong inalis ang tela at nakita ang sandamakmak na karne at mga isda.

Taeng Von, anong ibig sabihin nito?

"Luh, nandito ka pala?" narinig ko siya sa likuran ko. Hinarapan ko siya at pinanlisikan nang mata. May hawak siyang remote habang nakatingin sa akin. Pinindot niya 'yon at lumapad ang ngiti.

Tinignan ko ang paligid nang gumalaw ang paligid at unti-unting bumukas na parang sliding door ang mga 'yon. Lumitaw ang sandamakmak na isda, karne at gulay. May seafoods pa nga. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nagkuyom nang kamay, "Bakit hindi mo sinabing may malaki kang ref na puno nang pagkain?" gigil kong tanong sa seryosong tono. Dalhin niyo 'yan sa harap ko at gagawin ko siyang karne.

"Hindi ka naman nagtanong," ngumiti pa siya at pinakita sa akin ang kumpleto niyang ngipin. Bwisit na lalaki. Kahit malamig, nagagawa niyang painitin ang ulo ko.

Kumuha ako nang malaking parte nang hita ng baboy sa lamesa at hinabol siya, "Halika dito at hahambalusin kita. Bwisit kang lalaki ka!" tumakbo naman siya papaakyat.

"Ahhh mama!" sigaw pa niya na parang batang nagsusumbong.

Halos mamatay ako dahil lang sa pagbili ng pagkain, meron naman pala siya. Pigilan niyo 'ko dahil kumukulo ang dugo ko sa isang 'to. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya naisasabit pabaligtad sa malaki niyang ref.

To be continued...