Chapter 16 - RedStar: 14

Habang hawak-hawak ko ang tali nang kabayong sinasakyan ko, natigilan kami pareho at napako ang tingin ko sa pinakatuktok nang matanaw sila.

Himala. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, kung kailan pa hindi inaasahan, dun pa sila nandito.

Nakaupo si Maximus sa tabi nang tent habang suot ang salamin at nagbabasa. Nagtaka pa nga ako dahil hindi naman ata sapat ang bonfire para makapagbasa siya. Napailing ako. Sa sobrang talino nang taong yan, kahit wala sa lugar eh nag-aaral siya.

Bahagya kong hinila ang tali para maglakad papaakyat ang sinasakyan kong kabayo. Mabait naman siya kaya agad akong sinusunod. Pagkaakyat ko sa pinakatuktok nang bundok, doon ko na rin nakita ang dalawa pang kapatid ni Maximus.

Nakaupo sina Maxcord at Axton sa tapat nang bonfire. Magkatabi din sila at parehong nakadekwatro. May nginunguya nga sila na di ko alam kung ano. Sa likuran nila ay may tatlong tent. Sabay napatingin sa akin ang dalawa hanggang sa lumapad ang ngiti ni Maxcord at tumayo sa kinauupuan niya.

Sinalubong niya ako kasabay nang pagbaba ko sa kabayo, "Naks, marunong ka na pala mangabayo ngayon," masama siyang ngumiti na tinignan pa ang kabayo ko. Pinagpag ko rin ang mala cow-girl kong suot na outfit. Inalis ko ang malaking cap sa ulo at inabot sa kanya bago ko siya lagpasan. Buti naman at nasalo niya 'yon.

"Himala, nandito kayo ngayon," kinuha ko ang tali ni Sony at itinali ang kabilang dulo sa isang puno. Baka kasi takasan niya ako...

Parang ikaw, tinakasan.

Mahigpit ko yong tinali sa puno bago hinarapan si Maxcord, sinuot niya naman ang cap at bahagyang yumuko, "Long time no see, Senyora," tumingala siya at ngumisi kaya sinamaan ko ng tingin. Eto nanaman po tayo sa kayabangan nang ungas na to.

"Nakita ko nanaman ang mahangin mong mukha," kinuha ko ang cap sa ulo niya at nilagpasan. Sumunod naman siya sa akin.

"Whoaaa, sadyang mahangin lang talaga dito dahil nasa taas tayo ng bundok," depensa niya, "Pero mamaya iinit na, iinit dahil sa presensya ko," at napahawak pa siya sa baba niya. Tumigil ako at hinarapan siya. Mapait akong ngumiti na para bang natatawa ako kahit hindi naman,

"Ah talaga ba?" sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran. Kaya ayaw kong nandito to, ang lakas na ng hangin dito sa taas, nakikidagdag pa siya. Baka nga maya-maya, tangayin na ako nang hipu-hipo dito.

Lumapit ako sa dalawa kaya pansin kong buto ng pakwan pala ang kinakain ni Axton habang busy siyang nakatitig sa bonfire. Ang seryoso nga ng mukha eh, "Ax, andito ka rin pala," bati ko. Si Maximus lang naman kasi yung nakita ko kanina, given na rin na pinakamaskulado at malaki siya sa kanilang tatlo.

"Yeah, biglaan lang, Vesp. Nag-aya si Kuya Maximus, matagal na rin kaming hindi lumalabas sa office so we came up with the idea na pumunta dito." -Axton

Tinanguan ko siya at ngumiti, "Oo ayos yan at nang hindi puro laro ang inaatupag mo. Kamusta ka pala?"

Sa sobrang hilig niya maglaro, hindi na siya nag-aral. Hindi raw makapag-concentrate. Pero bilib naman ako sa kanya dahil naging matalino siya sa pamamagitan lang nang paglalaro.

Akalain mo yon. Sinubukan ko ring maglaro pero wala akong natutunan, lalo lang akong nabobo. Siguro depende talaga sa tao kung paano ihahandle ang mga ganitong bagay. Halos magkatulad nang galaw at utak si Maximus at Axton. Ewan ko lang kay Maxcord, parang napag-iwanan nang panahon ang utak. Ampon ata to eh.

"I'm doing good naman sa company, Vesp," sagot niya kaya nginitian ko na lang.

Napansin na rin kami ni Maximus nang tignan ko siya, "Oh, buhay ka pa pala, Maximus? Ano yan ha?" sabay hawak ko sa salamin na suot niya. Hindi kasi yon ang natural niyang salamin... parang shades.

Aktong hahawakan ko, iniiwas niya ang kamay ko, "Shuta ano yan? Haha! Walang araw oh tapos naka-shades ka?" natatawang tanong ko, "Nakikita mo ba yan?" tinuro ko ang buwan, "Buwan yan, hindi yan araw. Huwag mong sabihing nasisilaw ka sa buwan?" hindi makapaniwalang tanong ko. Natatawa talaga ako sa isang to. Hindi ko expect na makikita ko siyang ganyan.

Hahawakan ko sana ulit yung salamin pero iniiwas niya, "It's a night reading glass," sagot niya. Umupo si Maxcord sa pwesto niya kanina at ngayon ay pareho silang kumakain ng bunso na si Axton. Napaka-seryoso nga nilang nagbabalat eh. Parang mga bata. Mamaya may gagawing kababalaghan ang dalawang yan.

Antayin mo lang, kung di ka makapaghintay, lumayas ka dito. Di naman ako apektado.

"Night reading glass?" kunot-noo kong tinignan ang dalawa, "Ano yun?"

"Try mo," sagot ni Maxcord. Eto nanaman tayo sa mga imbensyon nila. Pare-pareho silang tatlo na mahilig sa imbensyon. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit kakaiba ang seguridad at mga gamit sa Estrella.

Hinarapan ko si Maximus na busy sa pagbabasa, "Patingin nga."

Inalis niya ang suot na salamin at inabot sa akin. Agad ko namang sinuot at inilibot ang tingin, "Anong meron dito? Madilim naman," reklamo ko. Wala akong makita eh.

Ibinalik ko kay Maximus ang tingin at wala sa interes niyang inilahad ang hawak na libro sa akin. Kinuha ko yon at sumandal naman siya sa kinauupuan. Nagbuntong-hininga pa nga siya na parang sumasakit ang ulo sa akin pero di ko na lang pinansin.

Tinignan ko yung libro at kung kanina madilim ang paligid, ganon pa din naman ngayon pero ang pinagkaiba, umiilaw yung mga letra sa libro kaya nababasa ko nang maayos. Parang glow in the dark yung letters.

"Whoa! Pano to?!" masayang tanong ko na hindi pinansin ni Maximus.

"Bagong imbensyon ni kuya yan. It's rechargable," seryosong sagot ni Axton.

"Weh?!" di makapaniwalang tanong ko na hinarapan si Maximus, "Legit ba?" irita niya akong tinignan at agad hinila ang salamin pati ang libro para kunin agad. Tinuloy niya ang pagbabasa.

"Damot, titignan lang eh!" sinamaan ko siya nang tingin. Edi sayo na.

"Himala at nandito pala kayong tatlo? Akala ko bang busy sa red star ngayon?" agad akong tinignan ni Maximus kaya nagtaas ako ng dalawang kamay, "O sorry na, nadulas lang," pahayag ko. Ayaw na ayaw niya kasing basta-basta binabanggit ang org nila kung saan-saan.

Edi sorry, madaldal kasi ako.

"Wanted to take a deep breath," diretsong sagot niya habang nagbabasa pa rin. Ganito talaga tong isang to, parang walang paki sa paligid pero laging nag-iisip yan. Iba talaga kapag Mandelio. Napatingin ako sa gawi ni Maxcord at parang gusto ko na lang bawiin yung sinabi ko.

Mandelio ba talaga ang isang 'to?

Nakiupo na rin ako sa tapat nang dalawa dahil wala naman akong mapapala kay Maximus. Nandito nga, nasa libro naman ang atensyon, "Akala ko hindi na kayo makakapunta dito. Eh simula nung kayo yung naging boss, wala na akong makasama dito. Nasanay akong mag-isa," kumuha na rin ako ng marshmallow na kinakain nang dalawa. May stick pa nga 'yon at bahagya nilang tinatapat sa bonfire bago kainin. By the ways, hindi ko talaga akalain na makikita ko pa sila ulit dito.

"Tampo ka insan?" pang-aasar ni Maxcord kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Hindi, mas masaya nga at tahimik ang buhay ko dahil wala ka. Walang maingay na bubuyog."

"Ang sama mo naman sa akin," napahawak siya sa dibdib niya na parang nasasaktan. Tignan mo nga, parang tanga.

"Ewan ko sayo, hulog kita dyan eh," kusa akong napatingin sa baba na mala-bangin at nasa likuran ko. Nasa taas kasi kami ng bundok kaya mula rito ay kitang-kita namin ang mga nasa baba. Pero kung date ay puro ilaw at sasakyan ang natatanaw namin, ngayon naman ay may mga parte na nasusunog. Pansin kong napatingin na rin si Maxcord doon.

"What's happening?" nagkatinginan kami, "Sa baba. Dumaan kami kanina, nagkakagulo. Akala ko sa Pilipinas lang may kilos protesta, pati pala dito," dagdag pa niya.

"The Disaster Family is back I guess," sagot ko. Sabay-sabay silang napatingin sa akin na natanaw ko habang pinapainit ang mallows sa bonfire, "Trescalions are here. You know the drill kung paano sila mamalakad, they use violence to extort money from people at yon ang pinagmamalaki nilang yaman nila."

Nagkatinginan silang tatlo na siyang ipinagtaka ko, "Haven't you heard them yet? Sikat sila dahil sa pang-aabuso at pagiging bayolente. They will make you an offer you can't refuse. Once you say no," umiling ako habang isa-isa silang tinitignan, "You're dead."

"Trescalions... " kusang nabanggit ni Axton na parang nag-iisip nang malalim at saka kami tinignan, "They seem familiar to me. Like I heard their name before."

"Well, I just heard it now." -Maxcord

"Sila ang namamahala date sa lugar na to but three years had passed, they were gone for a long time. But now, nagbalik na sila kaya kawawa yung mga walang kaya, wala silang laban sa mga Trescalions," sagot ko pa.

Kung pwede lang akong tumulong, matagal ko nang ginawa. Hindi mo gugustuhing makabangga sila. Ibang klasi silang kaaway. Bukod sa pamilya silang gumagalaw, kaya kang talikuran nang kahit na sino, maski ang bestfriend mo pa once na nabulungan siya nang pamilyang yon. Trescalions are known for their silent whispers na kaya kang pasunurin.

"They are really good at threatening and blackmailing," saad ko pa.

"Bakit nawala sila nang three years?" pagtataka ni Maxcord kaya sandali akong napaisip kahit wala ako noon. Oo inaamin ko bat ba?

Wala tayo noon... kasama ka rin don noh.

"Ummm, I'm not really sure pero ang sabi, may nawala daw silang isang family member kaya sinubukan nilang hanapin," saad ko.

"Did they find that person?"

Inilingan ko si Maxcord, "Parang hindi. Kasi kulang pa rin sila ngayon eh. Originally there were four men, two women at isang batang lalaki. Yung tatay nung batang lalaki, yun yung nawawala." Base lang yun sa chismis na nakalap ko, geh magreklamo ka. As if hindi ka nakikichismis pwe.

"Eh nasaan daw?"

Tignan mo nga naman tong si Maxcord, ako pa ininterview. Bat hindi kaya sila yung tanungin niya.

"Hindi ko na alam ang tungkol don. Either he was kidnapped, or killed? Ewan, bastat," napakamot ako ng ulo.

"I think they deserve it," sabi ni Axton, "Given that they extorted money from people. It could be their karma."

"Yeah, I agree," pagtango ko.

In every bad thing you do, karma always follow. Hindi man ngayon, but time will surely come. Which is why revenge is never considerable, mas malala raw kasi kung mismo ang mundo ang maghihiganti para sayo. So instead of wasting time for revenge, better to be one of karma's audience once it assaults your enemies.

"But may I ask... " humarang si Maximus kaya napatingin kami sa kanya, "Any news from LaCosa's new boss?"

Masama akong ngumiti. Oh, I knew it. Tumayo ako sa harapan nilang tatlo, "Sabi ko na eh. You wouldn't just come here nang basta-basta.... " isa-isa ko silang tinignan, "You need something from me, isn't it?"

"Nope," tinignan ko si Axton, "Just like what I said earlier, biglaan— "

Tinaas ko ang isang kamay para patigilin siya, "Okay na, okay na. Whether you really came in purpose or not, may plano naman akong magreport sa inyo." Ako naman talaga reporter sa kanilang tatlo eh.

Humawak ako sa magkabilang-baywang at malalim na huminga, "As for the hidden boss of LaCosa Vysta, wala pa rin akong balita— but... " parang bubuka kasi ang bibig ni Maxcord kaya sinundan ko na agad.

May dinukot ako sa bulsa at iniabot yon kay Maximus. Buti na lang at dala ko to palagi. Good job, Vespie. Napakaganda mong nilalang. Kinuha niya yon at maiging tinignan. Kunot noo pa nga siya eh.

"Nobody still knows his face. Whenever they see him, palaging may suot na trilby cap at nakatakip ang mukha. He loves to smoke too kaya lalong natatakpan ang mukha niya dahil sa usok," pinasa niya kina Maxcord ang picture kaya siya naman ang tumingin, "Everyone in their company knows his posture, but not his face," si Axton naman ang nakatingin at may hawak ng picture ngayon.

"At bakit nagtatago pa rin siya?" tanong ni Maxcord kaya nginitian ko siya nang masama.

"You yourselves, alam niyo ang sagot," isa-isa ko silang tinignan, "Bakit kayo, nagtatago rin?" tanong ko pabalik. Ang problema lang talaga nang mga tao dito, kahit anong klasing pagpapabagsak ang gawin nila sa mga makakapangyarihang organisasyon, hindi nila magawa dahil hindi nila kilala ang mga tunay na namamahala.

Lahat ng boss, nagtatago... at nakatago.

Sa totoo lang, maswerte na ako dahil ako lang ang nakakaalam kung sino ngayon ang tatlo sa harapan ko. At walang ibang makakadaan directly sa kanila not unless dadaanan muna nang lahat ang batang yon bago ako marating papunta sa tatlo. That's how high the status of these Mandelio brothers is.

"How about the woman we sent into Von's house?" tanong ni Maximus. Inalis na rin niya ang suot na salamin habang nakatingin sa akin.

"Si Xeline? Base sa sinabi ni Bry, nakapasok na daw siya sa mansyon ni Von. She was able to dodge the traps. Ang galing nga niya eh. In fairness, napabilib niya ako ha? Pero sinabihan ko na rin si Bry na sabihan si Xeline. She has to make it quick bago pa man malaman nang LaCosa kung sino talaga siya or else they'll kill her. Probably baka si Von pa ang pumatay sa kanya kapag nalaman ng taong 'yon ang totoo."

To be continued...