Chapter 15 - RedStar: 13

"Mr. CEO," binuksan nang isang pulis ang pintuang gawa sa bakal. Bumungad sa akin ang isang mahabang daan kung saan makikita ang mga selda. Kinuha ko ang yosi sa bibig para ibuga ang usok at kasabay noon, kinuha ko ang maliit na puting sobre mula sa coat at patagong binigay sa kanya.

Kinuha niya 'yon at mabilis na ibinulsa. Diretso akong pumasok hanggang sa isara niya ang pintuan. Maayos ko namang tinitignan ang mga selda habang abala sa paghithit ng sigarilyo. Alam ko ang pamamalakad sa mga ganitong lugar, hindi tulad nang sa Pilipinas. Bawat kampo ng pulis, hawak nang mga makakapangyarihang kriminal. Kaya walang mahirap ang nagtatangkang humingi nang tulong sa mga pulis dito, dahil hindi sila kakampihan.

This is how injustice ruins an innocent life, especially in this country.

Bawat selda ay tabi-tabi at napapalibutan lang nang mga rehas pero sa ngayon, wala silang mga laman. May nakita man akong nakakulong, pero isang tao lang. Ang selda sa pinakagitna. Cell number 7. Sandali pa kaming nagkatinginan habang papalapit ako sa kinaroroonan niya bago ako yumuko. Nagbuga ako ng usok pagkatapat ko sa kanya para hindi niya ako gaanong mamukhaan o makilala.

Knowing na may pangalan akong inaalagaan sa bansang 'to, kailangan kong mag-ingat... yun ay kung gusto ko pang mabuhay sa mga kamay niya.

Natigilan ako sa pinakadulo. Yon ang may pinaka-kakaibang selda, hindi rehas kundi purong metal. Hindi rin matatanaw ang tao sa loob. Itinapat ko doon ang fingerprint at pagkatapos ay eye scan. Bumukas naman agad ang pinto kaya pumasok ako. Mainit na hangin ang sumalubong sa akin. Sa pinakagitna nang kwarto, may harang na salamin, tila hinahati noon ang kwarto sa dalawa. May isang lamesa sa gitna at nahahati din ito sa dalawa dahil sa salamin na harang, at sa magkabilang-dulo ng lamesa, parehong may upuan. Madilim din dito sa loob maliban sa kabilang banda na may ilaw sa magkabilang-sulok. Balot na balot sa metal ang buong kwarto kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito ang temperatura. Naupo ako sa bandang gitna at sumandal sa kinauupuan habang ninanamnam ang magandang pakiramdam na nagmumula sa tobaccong hinihithit ko.

Napako ang tingin ko sa orasan na nasa tapat ko lang, nasa kabilang banda yon. Di nagtagal, bumukas ang isa pang pintuan sa kabilang banda. Bumungad ang isang babaeng nakasuot nang kulay itim. Marka na isa siyang preso at kriminal. Sa likod niya ay isang babaeng pulis. Gulu-gulo ang buhok ng babae. Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa gawi ko. Maya-maya ay humakbang siya papasok nang walang kasama hanggang sa isara ng pulis ang pintuan at kami na lang ang matira. Diretso siyang umupo sa tapat ko. Tanging ang salamin naman ngayon ang siyang nagdidistansya sa amin.

Inilapag niya sa harapan ko ang dalang envelope kaya kinuha ko yon. Nakatingin man siya sa gawi ko pero alam kong hindi niya nakikita ang itsura ko dahil madilim sa lugar ko. Natatanaw niya lang ang aking postura ngunit hindi ang mukha. Paniguradong pati ang pagyoyosi ko ay nakikita niya rin maski ang paglabas nang usok. In short, sa aming dalawa, ako nakikita ko siya nang buo, pero ako, hindi niya nakikita nang maayos at tanging anino lang.

Hindi na rin ako nagbalak magsalita katulad nang nasa plano. Ang gusto ko lang, kapag may gusto ako, yun agad ang ibigay nila sa akin.

Binuksan ko ang envelope at isa-isang inilabas para tignan ang mga papel habang nakaipit sa aking daliri ang malaking tobacco. Medyo tumatama naman ang liwanag nang ilaw sa lamesang nasa harapan ko kaya nakikita ko ang mga nakalahad sa papel. Habang ginagawa ko 'yon, nagsalita siya.

"Masyadong malawak ang seguridad sa Estrella. Marami tayong lalagpasan na department bago natin marating ang main headquarters nila. Ang mga departamentong 'yon ang nagsisilbi ding proteksyon nang head nila. Ibig sabihin, hindi lang sila basta-basta nagtratrabaho para sa Red Star, pinoprotektahan din nila ang kung sinumang namumuno sa kanila," paliwanag niya. Tumigil ako sa paglilipat nang papel at napatingin sa gawi niya.

At dahil maski ang boses ko ay hindi nila pwedeng makilala, I started doing my hand code as a form of questioning her. Sa pamamagitan nang paggalaw nang mga daliri ko sa kanang kamay na para bang nagpi-piano ako... maiintindihan na niya ang mga gusto kong marinig. Nakatingin siya sa kamay ko hanggang sa tumigil ako sa pagcocode at ibinalik niya sa akin ang tingin.

"Hanggang ngayon, wala pa rin akong makalap na impormasyon tungkol sa pagkatao nang mga boss nila," nagsalubong ang kilay ko sa sagot niya, "Tama. Mga boss. Sa Red Star, tatlo ang namamahala sa kanila. Hindi ko alam kung magkakapatid ba sila o business partners lang pero isa lang ang nasisigurado ko... malakas ang koneksyon nila sa isa't isa. Kahit minsan na akong nagtrabaho doon, maski ang pinakamataas na departamento ay hindi pa nakikita o nakakausap ang tatlong boss," umiling siya, "Hindi sila nagpapakita o nagpapakilala. Katulad mo ay hindi rin alam nang mga board members nila ang itsura o pangalan ng mga namamahala. Nagtatago rin ang mga ito sa dilim... " natigilan ako at napatingin sa kawalan.

"Kung may nakakausap man ang tatlo, either ang right hand nila o ang pinsan nilang babae."

Ginalaw ko ulit ang mga daliri para sa susunod na tanong habang nakatingin sa kung saan. Dahil sa ginagawa ko, nakakagawa na rin ng konting ingay ang lamesa.

Umiling siya, "Nagtatago rin nang identity ang pinsan nilang babae. Pero sa pagkakaalam ko, nakikisalamuha siya sa mga tao bilang isang normal citizen. Hindi siya kasing-delikado nang tatlong boss pero tinutulungan niya sila. Maliban doon, nagkakaroon lang nang koneksyon ang tatlong boss at ang kumpanya nito dahil sa isang batang lalaki. Sa batang yon dadaan ang lahat. Sa kanya sasabihin ang utos at ipapadala sa mga departments. Sa kanya rin magsasabi ang mga nasa baba at ipapaalam niya sa mga nasa taas."

Kung ganon, kailangan kong puntiryahin ang right hand, ang batang 'yon at ang pinsan nang tatlo? Paggalaw ko sa mga darili.

Tumango siya, "Ganon na nga. Kapag nawala ang tatlong 'yon, mapipilitan silang magpakilala at ilabas ang identity nila sa mismong kumpanya nila at maski sa mga tao."

Napaisip ako hanggang sa muling humithit sa sigarilyo at naglabas nang usok. Ibinalik ko ang mga papel sa envelope at tumayo na. Tinalikuran ko siya para lumabas.

"Sandali lang," tumigil ako at tinignan siya na magsalita ito. Tumayo siya, "Kahit malaman natin ang lahat tungkol sa kanila, hindi madali ang pabagsakin sila. Marami sila. Mag-isa ka lang," kusang napakuyom ang kamay ko.

At sinong nagsabi na ako lang mag-isa? If it were not because of that psycho, hindi ko kailangang labanan ang mga malalakas. Wala akong balak na labanan sila, siya lang ang nagpupumilit at wala akong magawa kundi sumunod sa utos niya.

Tuluyan ko siyang tinalikuran at pabagsak na isinara ang pinto. Tinungo ko ang mahabang daanan at muling nagpakawala nang usok pagkadaan ko sa tapat nang isang lalaking nasa selda. Itinulak ko papalabas ang pintuan para bumukas. Agad na napayuko ang pulis at halos lahat nang makakasalubong kong staff nila dito sa loob.

Malamig na hangin ang bumungad sa akin sa paglabas ko. Dumiretso ako sa sasakyan at mabilis na pinaharurot.

"10 minutes, Mr. CEO."

"Sampung minuto lang ang hinihingi ko."

"Ayaw ko nang naghihintay, naiintindihan mo ba?"

Mabilis kong itinigil ang sasakyan sa gilid dahil sa paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa isip ko. Nahihilo rin ako at pinagpapawisan. D*mn! Bakit ba hindi mo 'ko tantanan? Kahit saan ako magpunta, nakasunod ka.

"Oh, why did you stop? Start driving. Bilisan mo, Mr. CEO," bulong niya sa likuran ko at humalakhak. Napapikit ulit ako habang pilit siyang inaalis sa isip ko. Walang araw, gabi, oras o lugar na hindi ko siya nakikita o naririnig.

"Time is ticking. Tick tock... Tick tock... Tick tock," itinapat pa niya ang bibig sa tainga ko. Gumising ka, hindi to totoo. Hindi totoo ang lahat nang to. Hindi ka pa ba nasanay? Umayos ka, Kashtopher! Kailangan mo siyang alisin sa utak mo!

"Ano pang hinihintay mo?" bulong pa niya. May oras na nakikita ko siya sa likod ko, pero minsan wala. Kahit na ganon, alam ko sa sarili ko na wala talaga siya dito. I've always been hallucinating dahil sa kanya.

"You piece of sh*t! Tigilan mo 'ko!" sigaw ko sa salamin. Nagkatinginan kami doon at masama niya akong nginitian. Sumandal ito sa likuran habang masama ang ngiting nakatingin sa akin at nagkibit-balikat.

Tuluyan ko nang inumpisahan at binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan habang paulit-ulit ko siyang tinitignan sa likuran, "Yari ka sakin kapag nahuli ka nang dating," saad pa niya.

"Yan lang ba ang bilis na kaya mo? Tsk tsk tsk."

"Siguro kulang ka pa sa sipa at palo?" tumingin ako sa gilid at nandon siya ngayon. Nag-umpisa nang manginig ang paa at kamay ko. Wala sa plano akong natigilan sa pagda-drive at isinubsob ang ulo sa manibela. Lumalalim ang paghinga ko bawat takbo nang oras.

"Konti na lang, Kash. Konti na lang at makakarating ka na. Yuhoooo," itinapat niya ang bibig sa tainga ko. Ang pawis ko ay tuluy-tuloy sa pagpatak at halos basa na ang buo kong katawan.

Mahina siyang tumawa, "Tsk tsk tsk. Tick tock, tick tock, tick tock," bulong pa niya nang pulit-ulit.

Hindi na ako nakapagpigil at paulit-ulit na pinagsusuntok ang manibela habang umaapoy na ako sa inis at galit, "F*cking piece of shit, kailan mo ba ako titigilan?!" sigaw ko.

Tuluyan akong pumikit at malalim na huminga. Tumingala ako at mahigpit na humawak sa manibela. Sinagad ko ang bilis noon kaya halos makipag-karera na ako sa mga sasakyan dito. Sumingit-singit ako at nag-overtake kaya binubusinahan ako ng karamihan.

Bahala ka kung anong gusto mong sabihin. Hindi kita papansinin hanggang sa matigil na ang lahat nang to.

Tumigil ako sa malawak na baseball field. Lumabas ako habang hawak ang envelope at tinungo ang dressing room. Katulad noon, madilim ang buong lugar, may mga ilaw lang ang poste sa paligid kaya nakikita ko nang maayos ang daan. Habang papalapit, dinukot ko ang isang bagay mula sa bulsa nang coat. Napatingin ako sa sariling kamay na may hawak na gold na susi.

Pumasok ako sa dressing room at nadaanan ang maraming locker. Sa pinaka-gitnang locker, numero 503. Binuksan ko yon gamit ang susi at inilagay sa loob ang envelope. Muli kong nilock ang locker, "Tsk tsk tsk, isang minuto, Kash. Let's have some fun, shall we?" natigilan ako at tila nanigas sa kinatatayuan. Alam na alam ko ang presensya niya.

Dahan-dahan ko siyang hinarap at bago ko pa man makita nang tuluyan ang mukha niya, namatay na ang ilaw. Ngayon ay tanaw ko siyang nakasandal sa pader. Ang mas lalo pang nakapagpatigas sa akin sa kinatatayuan, ay nung napatingin ako sa anino niya mula ulo hanggang paa. May hawak siyang baseball bat sa isang kamay at nakatukod pa ang dulo nito sa sahig. Pumikit ako para kumalma.

Hindi siya totoo! You're just hallucinating!

Kailangan ko nang umalis dito.

Binuksan ko ang mga mata hanggang sa mapagtanto na mali pala ako ng akala.

To be continued...