Nagdidilim man ang aking paningin pero ramdam ko ang paghila sa akin nang kung sino. Nagagawa ko nang maimulat kahit konti ang mga mata pero nanlalabo ang aking paningin at hindi ko makita ng maayos. Basta isa lang ang nasisigurado ko, may dalawang lalaking hila-hila ako sa sahig habang hawak nila ang magkabila kong kamay. Binitawan nila ako hanggang sa matanaw ko ang tatlong lalaki at dalawang babae sa harapan ko. Nakapalibot sila sa akin at nakatayo sa harapan ko.
Ngunit kahit anong pilit na makita sila, malabo pa rin talaga ang aking paningin. Bakit ba hindi ko agad napansin na bigla na lang may lumitaw sa likuran ko kanina? Nakuha tuloy ako.
"Anong gagawin natin sa kanya, Asti?" boses nang isang babae. Kahit malabo, pamilyar sa akin ang damit niya. Siya yung babae kanina sa tapat namin ni Peoni. Si Skyienna, malamig ang kanyang titig habang kibit-balikat.
"Sasaktan pero hindi pupuruhan," boses ni Asti.
"Bakit, ano bang ginawa sa'yo?" tanong ng isa pa na tinignan siya kaya nagkatinginan sila.
"I like her confidence in attempting to knock me down. Hindi niya ata ako kilala. Kaya hindi natin siya pwedeng tapusin," malabo man pero alam kong siya 'yon na yumuko para tanawin ako, "Dahil gusto kong makilala niya ako ng husto," nakuha pa niyang ngumiti.
"Sigurado ka bang kakayanin niya, Stiff? Mukhang bata pa siya, apo," boses nang isang matandang babae.
"Don't you worry, La. I know what I'm doing. I'm the one and only Alezander Stiff Trescalion," pagmamataas nito.
Sinipa-sipa pa niya ako sa braso gamit ang isang binti nito habang ang dalawa niyang kamay ay nasa bulsa, "Stand up. Dba matapang ka? Ngayon mo pakitaan ang pamilya ko nang tapang mo. Let's have some fun, shall we?" dagdag pa niya.
Ilang beses akong napapikit habang sinusubukan na linawin ang paningin. Hindi pwedeng ganito ang sitwasyon ko hanggang mamaya. Bakit ba kasi napakatanga ko para mahabol pa nila? Bwisit.
Ramdam kong mahigpit na hinawakan nang isang lalaki ang buhok at sapilitan akong pinatayo bago muling binitawan. Dahil na rin sa sitwasyon kong nahihilo, hindi ako makatayo ng maayos. Katulad nang lalaking binugbog nila kanina, para akong papel na lalamya-lamya sa gitna nila. Nakapalibot silang lima ngayon sa akin. Tinignan ko ang paligid at napagtanto na nasa isang outdoor basketball court kami, sa pinakagitna. Yung bata naman na mukhang 3 years old na kasama nila, tanaw kong nakaupo lang sa isa sa mga bench.
Isa-isa ko silang tinignan habang nakapalibot sa akin at seryoso ang tingin nila maliban kay Asti na nginitian ako ng masama nang magtama ang mata namin, "You ready? Let's have some fun, shall we? The rules are simple, beat us and escape or you'll end being tied on my bed later night since I really demand an endless fucking tonight," sabay kindat niya.
Halos masuka na rin ako dahil sa mga sinabi niyang yon. Kadiri ang bwisit. Kumukulo ang dugo ko dahil malabo ang paningin ko. Isa pa tong bwisit na paningin ko, bakit di pa bumalik sa normal? Umayos ka, mata.
At dahil nauurat na ako dito, itinaas ko ang isang kamay sa tapat ng lalaking pinakamatanda sa kanila, "Ano pang hinihintay niyo? Pasko?" at sinenyasan ko siya na umatake na. Masyado nilang pinapatagal, don din naman ang punta.
Sabay-sabay naman silang natawa at nagkatinginan sa sinabi ko, "Ano ba? Huwag niyo nang hintayin ang pasko at baka manigas tayong lahat dito? I'll be watching," nakalagay ang dalawang kamay ni Asti sa bulsa nito at saka ako tinalikuran.
Siya na agad lulusubin ko para pagtumba niya tapos na 'to. Aktong hahabulin ko siya para lusubin, may isa nang humarang sa akin kaya wala na akong ibang choice kundi dumepensa. Buti na lang at nakakatanaw pa rin ang malabo kong paningin kaya nakakaiwas ako kahit papaano. Unang lumusob sa akin ang isang lalaki na halatang mas bata kay Asti. Lumalabas-labas pa nga ang dila niya na tila nagyayabang. Ambwiset, sarap putulin ng dila.
Umatake ang isa nitong kamay kaya umilag ako. Agad ko na siyang sinipa sa likuran nang ulo para makatulog ng mahimbing. Hindi naman ako nagkamali at tumba na siya ngayon sa sahig. Tinignan ko si Asti na nanonood lang sa may bench at nakaupo katabi ang bata kaya tumalikod ako para harapin ang tatlo.
Sunod akong nilusob nang isa pang lalaki na halatang mas matanda kay Asti dahil sa balbas nito. Una niyang tinira ang sikmura ko kaya agad kong naharang ang kamay niya gamit ang isa kong kamay. Sisipain ko sana ang ulo niya pero nahawakan niya ang binti ko. Napangiti siya ng masama, "Hindi mo ba ako kilala?" tulad ni Asti, masama siyang ngumiti.
"Pake ko sayo," sagot ko. Alam ko na ang gantong mga galawan. Aktong bubuhatin niya ako na parang nagwrewrestling kami ay mabilis ko siyang inakyatan at sinakayan sa likod. Pumatong ako sa mga balikat niya kaya nasa pagitan ng hita ko ang ulo nito. Nang magawa yon ay ipinasok ko ang mga daliri sa dalawa nitong mata gamit dahilan para mapasigaw naman siya.
Geh, lusubin mo pa ako.
Ramdam kong bumabaon na ang mga daliri ko sa mata niya kaya mas lumapad ang ngiti ko. Binibwisit mo 'ko, bulag ka sa akin ngayon.
Natigilan ako sa ginagawa nang aktong yuyuko siya pasulong para ihulog ako ay mabilis naman akong nakatalon kaya nag-tumbling na din ako para hindi ako tuluyang mapasalampak sa sahig. Napaluhod ang isa kong tuhod sa sahig pagkatapos mag-tumbling at saka tumingala. Nginitian ko siya ng masama, "Wala akong makita!" saad niya habang nanginginig ang mga kamay at napapahakbang papaatras. Ang mga mata niya, nakapikit pareho.
Bagay sayo.
"Ha? Anong sabi mo?" nanlalaki ang matang saad ni Skyienna. May pake naman pala siya sa kanila, mukha lang wala.
"W-Wala akong makita," pag-iyak pa ng lalaki habang umaatras at hindi mapakali.
Unti-unti siyang napaluhod hanggang sa tumulo ang dugo sa kaliwa niyang mata. Dahil doon ay sinamaan ako ng tingin ni Skyienna, "Anong ginawa mo?" seryoso man ngunit may diin niyang tanong.
"Hindi ko kasalanang mahina kayo," seryosong saad ko sa kanya. Mukhang ako ang sinisisi niya.
Nakakaurat ang ganitong labanan kung mabilis lang silang nakakatulog at natutumba. Hindi ako natutuwa. Nabwibwisit lang ako lalo sa kahinaan nila.
"Let's see," sabay ngiti niya nang masama ngunit naging seryoso din yon kalaunan.
Pagkalapit niya sa akin ay nahawakan ko agad ang isa niyang kamay na pasuntok pa lang sa akin. Nagkatapatan kami at nginitian ko siya nang masama, "Not bad," sambit ko kaya muli siyang umatake. Mabuti na lang at umayos na rin ang paningin ko at ngayo'y malinaw na.
Pinatamaan niya ako gamit ang isang binti kaya agad ko yong napigilan. Sa kanilang tatlo na nakalaban ko, mas marami siyang ginagawang pag-opensa kesa sa pagdedepensa. Mas magaling nga siya kesa sa dalawang lalaki. Mabilis din ang galaw niya habang patuloy lang ako sa pagdepensa. Pero habang tumatagal, mas bumibilis siya at may mga oras na halos matamaan na niya ako.
At katulad ng sinabi ko...
Natamaan niya ako sa tyan kaya napahakbang ako papaatras. Masama siyang ngumiti, "Mahina pa rin ba?"
Umayos kaming dalawa nang tayo at nag-aktong handa nanaman sa isa pang laban, "Okay na, pero mahina pa rin," saad ko na nagpalaho sa ngiti niya. Muli niya akong nilusob at puro depensa pa rin ako. Hindi ko siya matira. Wala akong mahanap na daan para matamaan siya nang hindi niya nalalaman.
"Sh*t!" bulong ko na napaluhod sa kanang binti. Pinigilan kong ipakitang napapadaing ako dahil natamaan niya ang hita ko kung nasaan ang belt. Kapag kasi natatamaan to ng malakas, kusang sumisikip, dahilan para bumaon ang belt sa balat ko na parang unti-unti itong kinakain.
Bwisit naman.
Nag-umpisa siyang ikutan ako, "Ano? Kaya pa ba?" lumuhod siya kaya nagkatapatan kami. Seryoso ang tingin ko habang nakangiti siya nang masama, "Akala mo ba hindi ko napansin? Iniiwas mo lagi yang kanang hita mo sa akin. So I assume may kahinaan ka dyan," tumaas ang gilid ng labi niya at sandaling tinignan ang hita ko bago siya tumayo.
"Sila talaga pinauna kong kalabanin ka para mahanap ko kung saan ka mahina," saad niya na tumalikod at may kinuhang baseball bat sa sulok at lumapit sa akin.
Ramdam kong humapdi ang hita ko kaya napatingin ako dito. Unti-unting kumakalat ang dugo sa pants ko.
"At hindi ako nagkamali," pagkatapos sabihin yon ay hindi ko nalang napansin na agad niyang hinampas ang likuran ko kaya kusa akong napahiga sa sahig. Sinabayan niya yon nang palo sa aking hita kaya muling natamaan ang belt dahilan para mas lalong sumikip.
Hindi ko na natiis at tuluyan akong napahiga sa sahig habang pinipigilang gumawa nang ingay. Bumabaon na yung belt sa hita ko at alam kong kinakain nanaman ang laman ko. Mas namasa ang binti ko at alam kong mas maraming dugo ang lumabas.
"Andyan pala kahinaan mo ah?" natanaw ko ang matandang lalaki na nakalaban ko kanina. Dumudugo pa rin ang isa niyang mata at ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Inilahad niya ang kamay kay Skyienna kaya iniabot sa kanya ang baseball bat.
Nag-umpisa na akong gumapang papalayo dahil alam kong sa punto na 'to, wala akong laban. Kung patuloy na matatamaan ang belt, sisikip ng sisikip at mapuputulan ako ng binti, "Awww!" biglaang sigaw ko nang hampasin nang malakas ang aking likod. Muli akong napahiga at halos halikan ko na ang lupa. Kulang na lang din ay hilain ko na ang binti ko papalayo sa lugar na 'to. Nagsitawanan naman sila.
"Masakit ba? Ha?" lumapit ang unang lalaki na nakalaban ko at nasa harap ko ngayon na humarang sa aking daraanan.
Tiningala ko siya, "Buti gising ka pa? Ikaw pinakamahina dba?" tanong ko kahit hinihingal. Inagaw niya ang hawak nang matanda at tatlong beses akong sunud-sunod na pinagpapalo sa tyan. Napalupot ko na ang sarili ko dahil sa sakit. Hindi ko alam kung alin ang mas lamang, yung pagpalo ba nila o yung pagsikip nang belt sa hita ko.
Maya-maya ay napahawak ako sa leeg ko nang may iniikot sila dito. Ramdam ko pa ang pagbaon nang kung anong mga tusok sa dito. Hinawakan ko yon at tila isang alambre na may tusok. Nagsisitawanan pa sila, "Wag daw pupuruhan sabi ni Asti," dinig ko pang saad ng matanda sa likuran ko. Nasa likod silang lahat habang hinihigpitan yon at hawak ang alambre na hinihila kaya napapatingala ako. Nag-uumpisa na rin akong mawalan ng hininga dahil kasabay nang pagsikip ng belt sa hita ko, sumisikip na rin ang alambre sa leeg ko. Ang isa sa kanila, ramdam kong nakaupo at nakapatong sa likuran ko.
Bwisit na buhay, maaga ata ako mamatay.
"B-Bwiset," bulong ko habang pilit niluluwagan yon. Pumikit muna ako sandali at hindi gumalaw dahil hindi ko pwedeng kontrahin. May oras lang ang pagsikip ng belt. Naghintay muna ako ng ilang segundo.
"Patay na ba?" dinig kong tanong ni Asti na halatang papalapit.
"Pinatay niyo?!" sigaw niya. Konti na lang. Kumalma ako kahit nakakaramdam ng kirot sa hita at leeg.
"Wala pa man ka- "
"Hindi na gumagalaw oh!" -Asti
Unti-unting lumuwag ang belt at bumalik sa normal pero nanatili pa rin akong walang galaw
"Sinigurado namin na hindi siya mamamatay, Asti."
Maya-maya parang nakarinig ako ng sampal, "F*ck it! Hindi na gumagalaw oh! Paanong hindi pa patay?" sigaw pa ni Asti.
"Baka buhay pa, nagkukunwari lang," saad ng mas bata. Nakapikit pa rin ako.
"Icheck mo!" -Asti
Lumapit ang isa sa akin at aktong hahawakan ang gilid ng leeg ko ay hinawakan ko ang kamay niya at malakas siyang sinuntok. Pagkatumba niya ay mabilis akong tumayo at tumakbo papalayo sa lugar na yon.
"Habulin niyo!" sigaw pa niya. Hindi na ako nagbalak pa na tumingin sa likuran at tumakbo lang ako ng mabilis kahit hinihingal. Ang alambre, nakapaikot pa rin sa leeg ko.
Mula rito ay tanaw ko na ang mansyon. Pagkalapit ko doon, buti na lang at di nakalock ang gate kaya agad akong nakapasok. Isasara ko pa sana pero mahahabol nila ako kaya hindi na ako nagtangka.
Pagkapasok ko ay bumukas ang mga laser sa apat na sulok ng lugar. Sinubukan ko silang iwasan kahit nagmamadali ako pero hindi ko nagawa. Nadapa ako sa lupa nang tumama ang laser sa kaliwang braso ko kaya nasugat at dumugo. Tumingin ako sa likuran at natigilan sila nang mapansin ang mga laser. Nakatayo sila sa tapat ng gate habang nakatingin sa akin. Kahit iika ay mabilis akong tumayo at tinungo ang pinto.
Pagkatulak ko roon ay bumukas naman agad hanggang sa tuluyan akong nanlambot at napahiga sa sahig.
"Oh bute buhay ka pang nakauwi?" dinig kong sambit ni Von, "Anyare sayo?" nilapitan niya ako at nakita ang nasa leeg ko hanggang sa manlaki ang mata niya. Hindi ko pa rin kasi natatanggal ang alambre at patuloy na sumisikip lalo na ngayon na sinusubukan kong alisin.
Bakit a-ansakit? Tiisin mo lang, Xeline. Magtiis ka. Kaya mo to.
Lumapit si Von sa pintong nakabukas at tumingin sa labas. Hindi ko alam kung napano siya pero parang hindi niya ako nakita. Sabagay ano bang pake niya sa akin.
Nahihirapan na akong huminga. Kahit anong tanggal ang gawin ko, ayaw matanggal at lumuwag. Basa na rin ang kamay ko dahil sa dugo. Nasusugat kasi ang kamay ko sa talim ng alambre. Si Von, naman nanigas na nakatitig sa labas.
Maya-maya ay isinara niya ang pinto at sinulyapan ako. Ilang segundo niya muna akong tinignan bago siya mabilis na lumapit at lumuhod para tapatan ako. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa alambre.
Hindi ako makalanghap ng hangin. Mas masikip na siya ngayon. Sumabay pa ang pagsikip ng gofer sa hita ko.
"V-Von... " saad ko habang pilit naghahanap ng hangin.
Hinahawakan ko yung alambre pero pilit niyang inaalis sa kamay ko, "Von... di ako... m-makahinga," pilit ko.
"Wag mong hawakan, lalong sisikip," saad niya. Halos sa kanya na lang din ang tingin ko dahil wala, umiikot na ang aking paningin. Ramdam ko ang mga kamay niya na hawak mismo yung alambre.
"M-Masakit... " saad ko pa. Hindi ko alam nung mga oras na yon pero ramdam ko ang isang luha na lumabas sa mata ko.
Sobrang sikip sa pakiramdam. Sobrang init. At nahihirapan ako. Kinailangan kong makipaglaban para sa buhay at kamatayan.
"Alam ko," saad niya. Para ngang kalmado lang siya at hindi nag-aalala, "May tiwala ka naman sa akin dba?" seryosong tanong pa niya.
Diretso lang ang tingin ko at hindi ako makasagot.
Sandali niya akong tinignan, "Kailangan mong magtiwala. Wala namang ibang tao dito kundi tayong dalawa."
Ramdam ko na lumuwag ng konti ang alambre sa leeg ko pero sa kanya pa rin nakapako ang tingin ko habang nagpopokus ako na kumuha ng kahit konting hangin.
"Sige na. Matulog ka na. Paggising mo, wala na 'to. Ako bahala," napasunod na lang ako sa sinabi niya at ipinikit ko ang mga mata. Sa mga oras na yon, ramdam kong medyo kalmado na ako.
To be continued..