May isang lalaki na medyo matanda, isang lalaki na mas bata sa kanya at isa pang binata. May dalaga rin silang kasama at isang matandang babae na kasalukuyang buhat-buhat ang isang batang lalaki. Masasabi kong pamilya nga sila. Pero alam kong may higit pa don. Para kasing may nagbago simula nang pumasok sila rito.
Nag-umpisang magbulungan ang paligid dahil sa sinabi ng lalaking nangunguna sa kanila. Siya yung mas bata sa pinakamatandang lalaki na kasama nila. Ako naman, kunot-noong tinitignan ang mga tao na tila ba hindi mapakali. Halata sa mga mukha nila ang takot at pangamba. Halos manginig at pagpawisan pa nga ang iba eh medyo malamig naman ang panahon. Kung gaano kaingay kanina, ganon naman katahimik ngayon.
Bahagya kong nilapitan si Peoni, "Sino sila?" bulong ko habang sa kanila pa rin ang tingin.
"Trescalions. Isa silang crime family. Halos sila ang nagpapatakbo sa lahat ng business dito. Sabong, sugalan, kainan, tindahan ng mga damit, pati 'tong tavern sa kanila din... well n-not actually sa kanila pero kapag kasi may inoffer sila sa'yo at hindi ka pumayag, patay ka malala," paliwanag niya.
Nilapitan ng lalaking nangunguna ang isa sa mga nakaupong malapit sa kanya at may ibinulong doon. Nakasunod kami ng tingin sa kanila. Kung titignan pa nga ay halatang naghahanap na nang daan ang iba para makatakas pero isa lang kasi ang pintuan at nandon pa rin ang pamilya.
"Hindi naman pala sa kanila ang mga business dito, bakit ang lalakas ng loob nilang gumanyan?" bulong ko pabalik na tinignan siya.
"Ayan," sabay turo niya sa lalaki gamit ang bibig nito kaya doon nabaling ang aking atensyon. Dumukot ang lalaking binulungan sa bulsa nito. Nanginginig niyang ipinatong ang mga gintong barya sa lamesa hanggang sa kunin yon ng nangunguna sa mga Trescalion at nginitian siya, "Salamat ng marami. At dahil dyan, may tip ka," naglapag siya ng isang gintong barya sa lamesa. Ginulo niya pa ang buhok ng lalaki.
"Dati pa sila ganyan. Nakuha nilang yumaman dahil sa pagnanakaw ng buwis, mga kita ng mga business dito at illegal na pangongolekta ng pera sa mga tao. Yang lalaking nangunguna sa kanila, his name's Alezander Stiffoni Trescalion. Pero mas kilala siya sa tawag na Asti. Mas magandang lumayo ka sa pamilyang yan. You don't know how violent they could be," ibinalik ko kay Peoni ang tingin.
"Gaano ba kabayolente?" tanong ko.
"See for yourself," sabay turo ulit niya sa kay Asti kaya sinundan ko ito ng tingin.
May isang matabang lalaki na mabilis lumapit sa may bintana habang may hawak na upuang gawa sa kahoy. Ipinatama niya 'yon doon ng dalawang beses hanggang sa nabasag ang salamin. Mabilis siyang tumuntong sa upuan para umakyat sa bintana at lumabas pero sa isang iglap, may humawak sa likuran nitong damit at nagsalita, "Lumabas ka nang maayos baka masugatan ka."
Pamilyar siguro sa lahat ang boses nung Asti kaya tila binuhusan ng malamig na tubig ang tumatakas at dahan-dahang tumingin sa likuran niya, "Ciao amico mio. Let's have some fun, shall we?" pagngiti ni Asti sabay hila sa lalaki dahilan para bumagsak siya ng malakas sa sahig. Napalayo naman ang lahat sa gawi na yon.
Napatingin naman ako sa kasamahang dalaga ng mga Trescalions nang lumapit siya dito sa counter at sa tapat ko pa. Pagkaupo pa lang niya ay nagkakanda-ugaga na si Peoni na maghanap nang bote at iabot yon sa babae kasama ang isang baso. Isang upuan ang pagitan naming dalawa. Nang kunin ng babae ang bote ay pansin niyang may takip pa yon kaya seryoso niyang binalingan ng tingin si Peoni.
Bahagya naman itong napayuko, "S-Sorry po Miss Skyienna," aktong kukunin niya pa ang bote para buksan ay inilayo sa kanya nang babae. Dahil doon ay napatingin ako sa kabuuan nito. Nakaskirt siya nang itim hanggang taas ng tuhod at nakaboots na ganon din ang kulay. Medyo mataas din ang heels non. Nakablack long sleeves turtle neck din siya na may kasamang brown checkered na coat. Dahil mukha naman silang pera, hindi mawawala ang mga gintong alahas niya at trilby cap nito. Maganda siya at pulang-pula ang labi.
Kinagat niya ang takip ng bote at sa isang iglap ay biglang nahulog amg takip sa sahig. Mabuti at hindi nasugat ang bibig niya. Sinalinan niya nang wine ang baso at uminom doon na parang walang pakielam sa paligid.
"Ahhhh! T-Tama na pooo! Patawad!" maagap kong ibinalik ang tingin kay Asti at sa lalaking nagtangkang tumakas at ngayon ay pinagsisipa na nila siya sa sahig kaya napapasigaw ito. Maski mismo ang mga ibang nag-iinuman lang kanina ay sinamahan si Asti na bugbugin siya.
Sa pagkakatanda ko, kasamahan sila nung lalaking tumakas pero bakit pati sila nakikibugbog?
"Kapag inutusan ka ng Trescalions, wala nang kaibi-kaibigan," bulong ni Peoni na umayos din ng tayo. Nailagay niya pa ang dalawang kamay nito sa likuran niya at humarap dun sa Skyienna na abala pa rin sa pag-inom. Halatang naghihintay si Peoni ng utos mula sa babae.
Mahigpit na hinawakan nung Asti ang buhok ng lalaki at sapilitang itinayo na ngayon ay may pasa na sa mukha. Namamaga na rin 'yon at basa na rin ang mukha bunga ng pagmamakaawa at pag-iyak, "T-Tama na po... h-hindi na mauulit," saad pa niya.
"Hindi na mauulit?" -Asti
Tumango ng maraming beses ang lalaki, "Hindi na po— ahhhh!" hindi pa man natatapos sa pagsasalita ay paulit-ulit na ipinukpok ang ulo nito sa lamesa. Hindi lang yon sampong beses kundi marami. Ang sigaw at pag-iyak nang lalaki ang tanging ingay na meron dito sa loob. Napabalikwas na lang ng tingin ang iba nang mag-umpisang dumugo ang kanyang mukha na halos maligo na siya. Namamaga na rin iyon at parang hindi na siya makilala.
Dahan-dahan pang humahakbang ang iba papalabas ng pintuan pero hinarangan sila ng iba pang kasama ni Asti kaya natigilan sila at agarang umatras.
Pansin kong napatingin na rin doon si Skyienna habang nag-iinom pa rin. Hinawakan nung Asti ang likurang leeg ng lalaki at dahil nasa likuran siya nito, itinapat niya ang bibig sa likod na tainga ng lalaki at may ibinulong.
Halos manlumo ang lalaki nang bitawan siya ni Asti. Hindi siya makalakad ng maayos at napapahawak sa mga lamesa para lang kumuha ng balanse. Halatang hilung-hilo siya dahil aktong lalabas siya ngunit paiba-iba ang direksyon nang mga paa nito. Bago pa man malagpasan ang pinto ay tumabi na ang mga nakaharang doon hanggang sa akbayan siya ni Asti at bumulong ulit.
Pagewang-gewang na tumalikod ang lalaki at lumapit sa bintanang sinira niya kanina. Tumuntong ulit siya sa upuan doon. Isiniksik niya ang sarili sa bintana at hindi maikakailang makapagtamo siya ng sugat dahil may iilang bubog ng salamin ang natira. Dinig pa namin ang pagbagsak niya sa labas. Hindi naman yon gaanong mataas magmula sa bintana.
Maya-maya ay naglabas si Asti nang revolver mula sa gilid nito. Dinig pa namin ang pagkasa niya doon at saka lumabas. Sumunod na rin ang mga kapamilya niya. Para ngang wala din silang pakialem kung anong nangyayari sa paligid dahil nanonood lang sila.
Hindi na naging maganda ang pakiramdam ko kaya tumayo ako para lumabas pero hinawakan ako ni Peoni sa braso. Nagkatinginan kami at saka siya umiling, "Huwag ka munang lumabas. Delikado," kung makatingin siya, parang isang kaibigan na nag-aalala.
Napano ba siya? Di naman kami close.
Inialis ko naman ang pagkakahawak niya sa akin, "Ano namang pake mo dun. Uuwi na ako," sagot ko sa kanya.
"Pero paniguradong magulo sa labas," saad niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano naman? Sanay naman ako sa gulo.
Napatingin pa sa gawi namin si Skyienna na nakakapagtaka lang kung bakit hindi sumunod kila Asti eh kasama nila siya. Pake ko naman.
"Sige kung yan ang gusto mo. Mag-iingat ka," saad pa ni Peoni at hindi ko na lang siya pinansin. Binitawan niya ako at naglakad na papalabas. Hindi ko rin alam kung bakit halos hindi na makagalaw ang mga tao dito. Para silang naging estatwa dahil lang sa mga Trescalions. Wala na naman ang mga kinatatakutan nila pero parang nanigas sila sa kinatatayuan.
Hindi nasabi ni Peoni na may kapangyarihan din pala ang mga Trescalion na magpatigas ng tao, psh.
Binuksan ko ang pintuan at ilang beses pa lang akong napahakbang pasulong, masasabi kong kasama na rin ako sa mga napatigas nila. Kung gaano kaayos ang estado sa labas kanina, ganon kagulo ngayon. May iilan sa mga Trescalion na may hawak na bote habang nagliliyab ang dulo non. Isa-isa nilang yong hinahagis sa harap ng mga tindahan kaya nagtatakbuhan ang lahat ngayon. Mukhang natutuwa pa nga sila habang ginagawa yon. May mga ilang parte na rin ng lugar na nasusunog.
Ilang beses na rin akong napapaatras dahil nababangga ako ng mga nagsisitakbuhan. Pabaling-baling naman ako ng tingin. Kailangan ba talagang mangyari ang lahat ng to? Halos nakakulong ako sa loob nang poder nang Estrella, kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang totoong mukha ng bansang to. At ngayon ko lang napagtanto ang mga sinasabi ng batang 'yon sa akin. Totoong delikado, at hindi ko to makikita kundi dahil kay Von. Kasalanan nang isang 'yon kung bakit nandito ako.
At dahil naalala ko nanaman ang bwisit na yon, ramdam kong literal na kumukulo ang dugo ko. Psh. Badtrip nanaman.
Nag-umpisa na akong maglakad papabalik nang mansyon niya. Wala lang akong choice kaya ako babalik. Mahirap nang madamay sa gulo. Binilisan ko na lang nang konti ang paglalakad habang kasabay ang mga nagsisitakbuhan. Ang ilan pa nga, may hawak na bata. Inilagay ko ang dalawang kamay sa mga bulsa. Di kalaunan ay nakarinig ako nang pagputok ng baril kaya napatingin ako sa gilid kung nasaan ang isang eskinita. Likuran man niya ang tanaw ko pero kilala ko na siya.
Si Asti.
Nang tignan ko ang binaril niya, yung lalaking nagtangkang tumakas kanina. Nakahandusay na ito at walang buhay sa sahig. Nasa tapat siya nang bintana ngayon kung saan lumabas ang lalaki. Maya-maya ay ibinulsa ni Asti ang baril nito kaya itinuloy ko na ang paglalakad, "Wait," natigilan ako nang maramdaman na nakatingin siya sa akin ngayon.
Bwisit na buhay. Kapag minamalas nga naman.
Napapikit ako at hindi nagdalawang-isip na harapin siya. Sumilay ang ngiti sa labi nito at lumapit sa akin. Pagkatigil niya sa mismong harapan ko, napapahawak pa siya sa ilong nito na pasulyap-sulyap sa lalaking binaril niya kaya ganon na rin ang ginawa ko at sandaling sinilip ang lalaking wala ng buhay, "Wag kang mag-alala. Wala akong nakita," seryosong sagot ko at saka siya tinalikuran.
Wala akong oras makipag-ngitian sa kanya ng masama.
"Pinaalis ba kita?" sabay hawak niya nang mahigpit sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya. Ano ba problema nito?
"Kailangan ko ba ng permiso?" sagot ko pabalik. Dahil doon ay hindi siya mapakaniwalang natawa nang mahina hanggang sa diretso niya akong tignan.
"Nakita mo yung ginawa ko but looking into your eyes," mas inilapit niya ang mukha sa akin habang nakatitig sa mata ko, "Mukhang wala kang pakielam at kinatatakutan," lumapad ang ngiti niya.
"Dapat ba meron?" sagot ko pabalik.
Muli siyang natawa hanggang sa naituro niya ako, "I'm starting to like you, come on, patikim naman," pinihit niya ang baywang ko gamit ang isang kamay sabay halik sa akin. Hindi pa ako nahalikan ni isang beses pero alam kong halik to. Nag-umpisa na ring lumibot ang kabilang kamay niya sa hita ko at dahil doon ay malakas ko siyang itinulak at sinampal.
"Huwag na huwag mo 'kong hahawakan," banta ko.
Ibinalik niya ang tingin sa akin at hindi mapakaniwalang napahawak sa pisngi. Muli kong nasilayan ang masamang niyang ngiti, "You're really something, aren't you? Let me try once again," aktong lalapit siya ay muli ko itong sinapak sa mukha kaya napaatras siya at napayuko.
Bwisit to. May bago nanaman akong kabwibwisitan.
Nagpunas siya ng bibig gamit ang kamay at saka yon tinignan na ngayon ay may dugo. Muli niya akong nginitian at maya-maya ay ipinasok niya nang bahagya ang parehong hintuturo at hinlalaki sa bibig bago pumito. Medyo malakas yon, sapat na upang mapatingin ako sa likuran at makitang natigilan ang mga kapamilya niyang abala sa paghahagis ng bote. Napatingin sila sa gawi namin hanggang sa harapan ko siyang muli, "Now, you can't escape, baby," pagngisi niya.
Binalikan ko sila ng tingin na ngayon at patakbong papalapit sa akin kaya tumakbo na rin ako. Bwiset, uuwi na nga lang makikipag-habulan pa ako ng wala sa oras. Bwisit na buhay. Nakakabwisit ang mga bwisit.
Binilisan ko na lang sa pagtakbo habang pabaling-baling ng tingin sa likod. Sabay-sabay nila akong hinahabol ngayon. Pamilya nga sila dahil sama-sama. Ilang kanto na rin ang nadaanan namin at konti na lang, malapit na ako sa mansyon. Tumingin ako sa likod at nawala sila kaya natigilan ako.
May mali.
Palipat-lipat ako ng tingin sa paligid. Unti-unti akong napapahakbang pasulong at halos umikot na ang ulo ko dahil hindi ako mapakali. Pakiramdam ko kapag itinuloy ko ang pagtakbo, mas delikado, pero kapag tumigil ako delikado rin. Bigla na lang akong nakaramdam nang isang matigas na bagay sa ulo ko hanggang sa magdilim ang aking paningin.
To be continued...