Chapter 4 - RedStar: 2

NPC.

The known-so-called New Philippine Colony, where mafia organizations reside. I only heard news about it.

Ni minsan, hindi ko naisip na mapupunta ako rito.

Ang dala ko lang...sarili ko at yung damit na suot ko. Pero dibale na, susunod naman sila uncle kaya paniguradong hahanapin nila ako. I don't have to worry about anything at all. Alam ko naman na hindi nila ako pababayaan dahil parang tatay at kuya ko na si Uncle Theodore at Kuya Ronald.

"Excuse me po Miss, we're sorry to say pero kailangan niyo na pong bumaba, I hope you understand since our maintenance team will be here soon for the next flight po," napatingin ako sa nagsalita at natulala ako sa ganda ng stewardess na nasa harapan ko. Bukod pa roon ay napakagalang niyang magsalita. Sana, maganda rin ako tulad niya. Kaso hindi eh, halata namang walang laban yung pagmumukha ko sa mukha niya.

Tumango ako at pilit na ngumiti sabay tayo pero hindi pa rin ako nagsasalita. Lahat ng mga employee na nagtratrabaho sa eroplanong 'to, nakatingin na rin sa akin. Siguro dahil nagtataka sila kung bakit parang patay na damo akong naglalakad pababa ng eroplano lalo na't wala pa akong dala na mga gamit.

Pagbaba ko ay inilibot ko ang tingin. May isang eroplanong kakalapag lang din at mula roon ay nagsisibabaan na ang mga pasaheros. Sila na lang ang sinundan ko para makalabas ako rito sa airport dahil wala naman akong ideya kung saan ang tamang daan. Buhay ko pa nga lang, liku-likong daan na eh. Lahat sila, nakaformal suit at dress samantalang ako...

Walang gana kong tinignan ang sarili at ito pa rin yung suot ko— kung paano ako tumakas... nakashirt at short lang with matching tsinelas pa. Hayyy buhay nga naman. Para tuloy akong takas sa bilibid ngayon but nevermind. Pake ba nila.

Ngunit ang ipinagtataka ko lang, kung bakit parang sinauna yung mga suot nila. Bukod sa formal suit and dress na suot nila, naka trilby hat at flat cap ang karamihan, maski ang disenyo ng kanilang suot. Mabulaklakin ang disenyo ng mga ito lalo na sa suot ng mga babae.

Sa tuwing mapapatingin sa akin ang mga tao, nagbubulungan sila at tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Nakakasabay ko rin kasi ang iilan. Ano bang problema nila? Habang nakasunod ako ay patingin-tingin ako sa paligid. Maski ang buong airport nga ay hindi ganoon ka-developed. Ang ibang parte nito ay ginagawa pa. Hindi nagtagal ay nakita ko na rin ang daan. Nakalabas na pala kami? Di halata.

Natulala ako ng sumalubong sa aking mata ang mga sasakyan. They are actually different types of vintage cars at karamihan sa mga ito ay kulay itim na kasalukuyan pang nangingintab. Sa tapat ko na medyo malayo sa akin ay may isang itim na kotse, meron pang apat na kotse sa likuran nito na tila binabantayan nila ang nasa pinakaharapan. Isang kagalang-galang na matanda ang papalapit doon habang may kasama itong dalawang lalaki sa kanyang likuran. Pormal din ang suot ng mga ito kaya halatang bodyguard niya ang mga 'yon. May suot din na cap ang matanda at may hawak pa na baston.

Bago pa man siya makalapit sa sasakyan ay inunahan na siya ng isa sa mga bodyguard nito. Pinagbuksan nila ang matanda ng pintuan hanggang sa makapasok siya sa loob noon. Isinara ng isang bodyguard ang pintuan at pumasok na rin sa loob. Umandar ang pinakaunang sasakyan kaya sumunod naman ang apat na sasakyan sa likuran nito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang matulala dahil kahit gusto kong mamuhay ng normal, ni hindi ko nga alam kung paano ako magsisimula lalo na't walang-wala ako ngayon. Ni piso wala akong dala. Imagine, kumakain lang ako kahapon pero ngayon, naghihirap na ako. Napunta lang talaga ako dito dala ng takot at pamimilit nina Uncle at Kuya Ronald.

Hintayin ko na lang kaya sila na dumating?

Sabi kasi nila susunod rin sila agad sa akin pagkatapos nilang tapusin ang nangyayaring kaguluhan sa bahay. Sana, maihabol pa rin nila sina mom at dad sa hospital. Umaasa ako na makakaligtas pa sila at naniniwala akong matutulungan pa sila nila uncle.

Hindi pa huli ang lahat.

Nakakahiya pa naman ang itsura ko dito, pinagtitinginan ako ng mga tao. Ano bang problema nila sa akin? Hindi siguro sila sanay na makakita ng isang taong nakashirt at short lang na parang pulubi. Palibhasa kasi, araw-araw nakaayos sila na parang bawat minuto, may event silang dadaluhan. May kaya din naman kami pero sa pagkakaalam ko, hindi naman kami maluho. Mom and dad used to value every coin that they have. Maski piso ay pinupulot nila.

Habang lipad ang utak ko na nag-iisip ng maaaring gawin. Bigla ko na lang naramdaman ang isang matigas na bagay sa dibdib ko kaya napatingin ako roon at nakita ang isang brief case na ngayon ay hawak ko na. Para bang biglaan ko na lang itong nasalo.

What? Bakit may hawak akong ganito? Kanino 'to?!

Kahit hindi ko diretsang nakita, napansin kong may lalaking naghagis noon sa akin at tinakbuhan niya ako na parang nagmamadali. Pansin ko na mula sa loob ng airport ay may mga lalaking pormal ang suot ang kasalukuyang papunta sa aking direksyon pero parang may mali.

"Takbo!" may biglaang humawak sa aking kamay at saka hinila ako papalayo. Nang tignan ko siya, isang babae na kakaiba ang suot. May suot siyang peplum dress, wrist-length gloves, cloche hat and chelsie boots. Kulay itim ang kabuuang suot nito kaya hindi ko rin siya gaanong mamukhaan lalo na sa hat na suot niya.

Ano bang problema ng babaeng 'to at bigla-biglang nanghihila?

Napasunod na lang ako sa bilis ng pagtakbo niya dahil hila-hila niya ako at habang tumatakbo kami, napapatingin ako sa likuran. May humahabol ba sa amin?

Kahit hingal na hingal na ako, wala akong magawa dahil wala ata siyang balak na bitawan ako pero okay lang din naman dahil nga hinahabol kami. Baka ano pang mangyari sa akin kapag nahuli kami.

Pero bakit? Anong ginawa ko? Yakap-yakap pa nga ng isa kong kamay ang brief case na inihagis sa akin kanina.

Liko rito, liko roon...ganon lang ang ginagawa namin habang tumatakbo hanggang sa makapagtago kami sa isang eskinita. Idinikit namin ang katawan sa pader habang tahimik na hinihingal at pasulyap-sulyap sa paligid.

Habang nagmamasid ay napansin ko ang mga bahay at building. Sinauna ang mga ito at ang iba ay ginagawa pa lang. Halos gawa sa kahoy at marmol ang mga bahay. Madilim man pero sapat na ang ilaw sa mga poste para makita ko ang itsura ng paligid. Napayuko na lang ako at napahawak sa magkabila kong tuhod.

Kahit sino naman, mapapagod dahil sa layo ng tinakbo namin habang yung kasama ko naman, hinihingal rin. Napaupo ako at itinaas ang dalawang tuhod kaya ganon na rin naman ang ginawa niya. Naipatong ko naman ang dalawang siko sa magkabila kong tuhod at napahawak sa aking ulo.

"I'm sorry because of what happened," saad nito na tinanggal ang suot niyang cap kaya hinarap ko siya at mas nakita pa ito ng maayos. Mahaba ang kanyang itim na buhok. Bukod pa doon ay may kaunti rin siyang make up sa mukha nito. Dark eyeshadows and dark red lipstick? Matapang man ang dating ng ayos nito ngunit pansin ko ang ganda niya nang ngitian niya ako.

"Bakit ba nila tayo hinahabol?" wala sa sarili kong tanong. Kinuha niya sa akin yung dala kong brief case at ipinakita sa akin, "Because of this," saad niya sabay ngiti nito na siyang ikinasalubong ng aking kilay.

"Bakit? Ano bang meron dyan?"

"Hindi ba obvious? Pera," sagot niya na ikinalaki ng aking mata. Don't tell me kaya kami hinahabol dahil....

Napatakip na lang ako ng bibig gamit ang kamay at muli itong ibinaba para magsalita. Lumapit na rin ako ng bahagya sa kanya, "Huwag mong sabihing...ninakaw mo 'ya— " bigla niyang tinakpan ang aking bibig at saka tumingin sa paligid bago ako ulit hinarapan.

"Huwag kang maingay," bulong niya.

"You're right but correction, ninakaw namin," taas-noo pa niyang sabe. Ibinaba na rin nito ang kamay niya.

"No way," napailing kong saad sa mahinang paraan, "Alam niyo bang masama ang magnakaw?"

"Excuse me, for your information, pagdating sa bansang 'to, walang bawal at walang masama," dagdag pa niya na mas lalong nakapag-pagulo sa akin. Anong ibig sabihin noon? So ibig sabihin, tama ang mga naririnig ko tungkol sa lugar na 'to?

"Is that even possible?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nanatili lang itong nakatingin sa akin habang may pagkasarkastiko ang paraan ng pagngiti niya. Kusa akong natigilan at napaisip dahil sa ginawa nilang pagnanakaw. Ibig sabihin ba noon...

"H-Hindi naman siguro ako madadamay sa ginawa niyo dba?" halos tumigil ang tibok ng puso ko para lang maghintay sa sagot niya.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya na siyang nakapagbigay kaba sa akin, "Sabihin mo sa akin na hindi ako nadamay," tinapatan ko siya at hinawakan ang magkabilang-balikat nito.

"I apologize for what my colleagues did to you," inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya, "Pero mukhang damay ka na nga sa nangyari."

Napailing na lang ako, "No, that can't be real. Wala akong alam sa nangyari— "

Natahimik ako nang takpan niya ulit ang aking bibig dahil halos mapasigaw na rin ako. Pareho kaming napatingin sa paligid para tignan kung may nakarinig ba. Muli niya akong hinarapan kaya napatingin ako sa kanya, "Shut up, would you?" saad niya bago ibinaba ang kamay nito.

"Shut up? How will I shut up knowing na damay ako sa kalokohan niyo?!"

"Hindi namin ginusto 'yon okay?"

"What?!" halos mapasigaw na rin ako.

"Gagawan ko ng paraan pero sa ngayon, mahirap."

"Anong mahirap?!"

"Mahirap na ilabas ka sa sitwasyong damay ka na," sabay iling niya, "Especially in this country, and our target," nagsalubong ang aking kilay.

"Anong target?"

Diretso ang tingin niya sa akin na parang ayaw magsalita kaya napasandal na lang ako sa pader at napabuntong hininga, "Hindi mo masabi sa akin kasi natatakot ka sa target na sinasabi mo?" sabay balik ko ng tingin sa kanya.

"Yung mga humahabol sa atin, sino sila? Pulis ba?" tanong ko pa.

"I see," saad nito sabay tango niya, "Bago ka lang dito no?"

Muli namang kumunot ang aking noo, "Eh ano naman?"

"Kase wala kang alam kung paano ang buhay dito."

"Yeah, sabe kasi nila bago raw ang bansang 'to," pagtango ko, "At hindi ko pinangarap na mapadpad dito kelan man."

"And this country is not for innocents, nor a place for losers," sagot niya.

"Sinasabi mo bang loser ako?"

"No," sabay iling nito, "But you will be a total loser soon kung hindi mo aalamin ang pamamalakad dito. You know the red stars?"

Nagsalubong ang kilay ko, "Ano yon?"

Dumukot siya ng lollipop sa bulsa at saka yon binalatan. Inilahad niya sa akin na siyang ikinailing ko kaya isinubo niya yon, "I don't know the perfect definition but they are like human robots. Malalaman mong kasama sila sa organisasyon kapag may umilaw na kulay pula dito," sabay turo niya sa kaliwanang leeg nito kaya napatingin ako roon, "Iwasan mong makalaban sila. If you can, mas magandang kampihan mo sila. If di mo kaya, kampihan mo ang kalaban nila. So easy," nagtaas siya ng kilay at napangiti pa.

Red Star?

Mas lalo naman akong nagtaka, "Ano bang pinagsasab— "

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapatingin sa likuran ko hanggang sa bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa kamay at hinila papasunod sa kanya, "Takbo!!!" sigaw niya kaya napasunod nanaman ako.

Tumingin ako sa likuran namin at napansin ang grupo ng mga lalaki. Anim silang lahat. Katulad sila ng mga humahabol sa amin kanina. May suot rin silang trilby cap. Sa kanang kamay ay may hawak silang baril. Kung hindi ako nagkakamali ay revolver ang tawag doon. Ang kaliwang kamay ng iba ay may hawak na sigarilyo. Ang iba naman ay nasa bibig nila ang mga sigarilyo. Kahit sa malayo ay natatanaw ko 'yon, maski ang paglabas ng usok mula sa kanilang bibig.

Napatingin ako sa harapan nang muntikan pa akong matisod. Buti na lang at nakahawak sa akin ang kasama kong babae. Kusa kaming natigilan nang mapansin sa harap namin ang tatlong lalaki na katulad ng mga nasa likuran namin, "Anong gagawin natin?" halos nanginginig kong tanong.

Napatingin siya sa paligid hanggang sa tahakin namin ang nag-iisang daan sa kanan. Muli akong napatingin sa likuran. Mabilis na naglalakad ang mga lalaki at alam kong kami ang pakay nila. Habang nakatingin ako sa kanila ay muli kaming lumiko ng daan. Napatingin ako sa harapan nang matigilan ang aking kasama.

"Ow shit!" mahinang saad niya.

Napatingala ako nang matanaw ang isang mataas na pader. Doomed. We're in a dead end.

Hinarapan niya ako at biglang ibinigay ang brief case sa akin kaya napahawak ako dito, "Anong gagawin mo?" tanong ko. Pareho na rin kaming hinihingal at pinagpapawisan.

"Kailangan nating akyatin 'to."

"What?!" medyo mataas 'yon.

"Wala tayong choice. Ako mauuna tapos tutulungan kitang makaakyat, ok?" tinalikuran niya ako at naglakad ng konti papalayo. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa pader. Kinakabahan man pero hindi ko maiwasang mamangha dahil nakahawak siya sa tuktok noon at mabilis na nakaakyat.

Lumapit ako sa pader habang nakatingala sa kanya at saka iniabot ang brief case, "Oh kunin mo na, ako naman," saad ko na itinaas ang aking hawak.

Hinihintay kong kunin niya 'yon pero wala namang nangyayari kaya tinignan ko siya, "Ano ba? Kunin mo na 'to, baka maabutan pa nila tayo."

Napatingin ako sa likuran nang makarinig ako ng mga yapak, halatang papaliko na sila at papalapit sa kinaroroonan amin. Wala pa namang katao-tao sa lugar na to. Hinarapan ko ang aking kasama pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Ang mga mata niya, parang may gusto siyang sabihin hanggang sa mapailing ito, "I'm sorry. Pero kailangan kong gawin 'to."

Natulala na lang ako habang nakatingin sa kanya hanggang sa mapailing ako at hindi makapaniwalang mapangiti, "No, you can't do that to me. Hindi mo 'ko pwedeng iwan dito."

"I'm sorry. Babawi ako next time. Please, survive," saad niya hanggang sa talunin nito ang kabilang daan.

"Seriously?!" hindi makapaniwalang saad ko na lang at halos mapasigaw pa. What the hell! Did she just left me?

Napako ang tingin ko sa pader nang makarinig ng mga yapak sa aking likuran na papalapit sa gawi ko. Nang marinig kong wala ng yapak, yun na ang babala para isipin kong nandito na sila sa mismong likuran ko at mas lalo naman akong nakaramdam ng panginginig. Napahigpit na lang ang pagkakahawak ko sa brief case hanggang sa mapayakap ako rito.

Malalim akong huminga at napalunok bago dahan-dahang tumalikod para harapin sila. Katulad ng inaasahan ko, sila ang mga humahabol sa amin. Kasalukuyan silang nakapalibot sa akin kaya kahit anong paghahanap ko ng madaraanan ay paniguradong mahuhuli nila ako. May mga baril rin silang hawak kaya wala akong laban.

"Cosa faremo con questa donna?" (What shall we do with this woman?) saad ng isa sa mga kasamahan nito. Halos lahat rin sila ay may mga yosi sa kanilang bibig.

"Dovremmo aspettare il capo," (We should wait for the boss.) Saad ng isa na sinundan pa ng kasama nila.

"Sarà qui da un momento all'altro." (He'll be here any moment.)

Maya-maya ay napatingin ang isa sa kanila sa likuran nito at saka nagsalita, "Guarda, è qui." (Look, he's here.)

Sabay-sabay kaming napatingin sa itinuro niyang direksyon hanggang sa marinig ko ang pagtakbo ng isang kabayo. Sa kalayuan ay may isang lalaking nakasakay sa kabayo habang papalapit sa aming direksyon. Natigilan siya pagkalapit sa amin at saka bumaba sa kanyang sinasakyan.

"Is she the one?" tanong niya pagkababa nito na ikinatango nila. Katulad nila ay naka-cap din ito at may yosi sa bibig, tobacco pa nga ang gamit niya na mas malaki kumpara sa normal. At sa lahat ng nagsalita, siya lang ang naintindihan ko dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng mga lalaki kanina.

Tinignan niya ako bago lumapit sa aking kinatatayuan at matigilan sa tapat ko. Inilahad niya ang kanyang kamay sa gilid nito kaya nag-abot sila ng isang baril at bala sa kanya. Inilagay niya ang bala ng revolver at pinaikot ang concave noon habang nakatingin sa akin. Hindi ko rin siya gaanong mamukhaan dahil katulad ng iba ay may suot siyang cap.

Dahil sa sobrang takot at panginginig ay hindi ko nagawang makapagsalita. Kusa na lang akong napahakbang paatras at dahil medyo maputik ang kinatatayuan ko ay ang siyang pagkadulas ko at aksidenteng napaupo sa putikan. Maski ang brief case na hawak ay nabitawan ko na rin. Ang dalawang kamay ko ay napahawak sa magkabilang gilid para kumuha ng balanse. Halos maiyak na rin ako dahil sa sobrang sakit ng balakang ko.

Kusa akong napatingala nang humakbang papalapit ang lalaki at natigilan sa aking harapan. Nagtama pa ang mata naming dalawa. Dahil sa posisyon ko ngayon ay nakuha ko nang makita ang mukha nito. Ngunit saglit lang yon dahil naglabas siya ng usok at tinakpan noon ang kanyang mukha. Unti-unti niyang itinaas ang kamay at itinapat sa akin ang baril kasabay ng pagkasa niya roon. Napatitig ako sa dulo ng revolver— nakarinig na lang ako ng malakas na pagputok ng baril hanggang sa magdilim ang paligid.

To be continued...