"P-Please, wag," nanginginig kong pagmamakaawa sa isang lalaki. Nakasalampak ako sa harapan nito habang nakaupo siya sa harapan ko. Kita ko pa ang suot nitong itim na long sleeves. Nakatupi yon hanggang sa kanyang siko habang may hawak itong baso ng alak sa isang kamay. Maayos din ang pagkakasandal niya sa upuan habang nakapatong ang isang hita sa kabila.
Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng aking luha habang pinagpapawisan. Madilim sa paligid at iisang ilaw ang nasa likuran niya kaya halos anino lang nito ang natatanaw ko. Umuusok din sa kanyang likuran, "Anong iniutos namin sayo?" tanong niya na uminom.
"Ginagawa ko ang lahat para matapos ang misyon na 'to. Kailangan ko lang ng sapat na oras," tumingin siya sa gilid para tanawin ang bodyguard nito. Nakasuot yon ng itim na shades at pormal na damit, "Hindi madali a-ang pinapagawa niyo sa akin k-kay— ," may hawak na remote ang bodyguard hanggang sa pindutin niya ito dahilan para mapadaing ako sa sakit.
"Ahhhhh!" tuluyan akong napahiga sa sahig habang namamalipit. Biglang humigpit ang pulang belt sa aking kanang hita. Sa sobrang higpit ay bumabaon sa aking balat dahilan para dumugo 'yon. Pinisil ko ang kanang hita para hindi gaanong maramdaman ang sakit. Ang luha ko ay tumutulo sa sahig.
"P-Please, bigyan niyo pa ako ng... p-pagkakataon," pagpupumilit kong magsalita.
Biglang lumuwag ang belt kaya tuluyan akong napahiga habang naghahabol ng hininga. Tila isa akong lantang gulay sa sahig. Napayuko ang lalaki para mas tapatan ako. Kita ko ang pigura nang kanyang mukha pero nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko siya mamukhaan. May hikaw rin itong itim na bituin sa kanang tainga.
"Kill him... or else he'll be the one to kill you," pagkatapos niyang sabihin yon, mas lalong humigpit ang belt at tila unti-unti na nitong tutunawin ang balat ko. Halos maputol na ang aking binti dahil sa tuluy-tuloy nitong pagsikip. Hinihigop din nito ang aking lakas.
"Ahhhhh!" bigla akong napaupo at kasabay noon ay ang pagdagundong ng kalangitang madilim. Tinignan ko ang paligid habang pinagpapawisan at hinihingal. Bahagyang nagliliwanag dahil sa kidlat kaya't napagtanto ko na nasa library pa rin ako kung saan ako dinala ni Von. Malamang ay nakatulog ako habang nagbabasa ng libro kanina.
Buti na lang at panaginip lang 'yon. Akala ko pa naman ay totoo at tuluyan akong mawawalan ng binti.
Dahil mabilis pa rin ang pintig ng puso ko, napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang kamay. Bahagya akong gumalaw hanggang sa mahulog ang isang bagay mula sa aking hita. Napatingin ako sa sahig at natanaw ang isang libro na kasalukuyang nakabukas.
Kinuha ko 'yon at tinignan, ito nga pala yung binabasa ko kanina. Palace Series ang title, kaso natulugan ko. Ipinatong ko ito sa aking tabi hanggang sa may nahulog sa sahig kaya doon ako napatingin. Isang picture. Dahan-dahan ko yong kinuha at iniharap sa akin. May isang matandang lalaki at tatlong lalaki. Para itong family picture, yun lang ay wala ang nanay. Sila lang apat. Halatang magkakapatid ang tatlo dahil sa hawig ang kanilang mga mukha kahit magkakaiba ang edad. Ganon din ang tatay. Nasa gitna ang matanda, sa kanan niya ay dalawa lalaki habang ang isa naman ay nasa kaliwa. Parang masaya silang apat sa picture na 'to.
Maya-maya ay kumulo ang tyan ko kaya napatingin ako rito. Hindi pa pala ako kumakain magmula kagabi. Plus, pansin ko rin ang mga tuyong sugat na natamo ko kagabi dahil sa mga trap. Hindi ko pa pala nagagamot kaya tuyo na ang mga dugo. Naadik kasi ako magbasa kaya nalimutan ko na at nakatulog.
Ibinalik ko ang hawak na picture sa libro at isinara yon. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Tinignan ko ng maagi ang pintuan at sandaling natigilan. Hinawakan ko ito at sibukang ikutin na siyang nangyari.
Akala ko pa naman, tuluyan na niya akong ikinulong dito. Tatakas naman talaga ako kung mangyari yon.
Binuksan ko ang pintuan at kahit madilim, maliwanag naman dahil sa kidlat kaya tinungo ko ang direksyon papunta sa kusina. Nangalitu-lito pa ako ng pinupuntahan dahil hindi ko alam kung saang direksyon pupunta. Madilim kasi nang dalhin niya ako sa library kaya hindi ko natanaw nang maigi ang daan. Ngunit tulad kagabi ay medyo maliwanag sa isang parte nang mansyon kaya doon ako nagpunta. Nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ang kusina sa tapat ko. Actually, ito nga lang kusina ang maliwanag.
Dumiretso ako sa ref at pagkabukas ko ay napahawak na lang ako sa magkabilang-baywang. Right, walang laman ang ref at tanging tatlong lata lang ng beer. Nag-ikot ako ng mata at napalakas pa ang pagsasara ko sa ref.
Mula sa tagiliran ng mata ko, parang may natanaw akong pigura nang isang tao. Tumatakbo siya. Mabilis akong napatingin sa pintuan nang may isa pang dumaan. Dalawa sila? Hindi ko man nakita nang maigi pero obvious naman na magkasunod sila at tila tumatakbo ang mga ito. Kusang nagsalubong ang kilay ko.
Dahil doon ay kinutuban na ako. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at tumingin sa labas. Muling kumidlat at natanaw ko silang dalawa sa bandang dulo. Anino lang nila ang aking natanaw.
Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan nila at agad ring nagtago. Ramdam ko pa ang lamig nang pader kung saan ako sumandal. Sumilip ako sa isang kwarto kung saan sila pumasok. Bahagya pa yong nakabukas. Lumapit ako doon at bahagyang sumilip. Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Pasalamat na lang ako at kumikidlat kaya nakikita ko ang nangyayari sa paligid. Hindi pa kasi ako pamilyar sa mansyon lalo na't malaki ito at kakarating ko lang din.
Mabilis akong pumasok sa kwarto at muling nagtago sa sulok kung saan madilim. Tanaw ko ang dalawang tao na kasalukuyang magkatapat ngayon. Halatang nakatakip ang mukha ng isa na siyang nasa tapat ko ngayon. Para bang nakataklob ang mukha nito para hindi makilala. Madilim lang talaga sa kinatatayuan ko kaya hindi niya ako makita ngunit hindi ko naman makita ng maayos ang nasa tapat niya dahil madilim din sa kinatatayuan noon. Hindi rin magkalayo ang distansya nila sa isa't isa.
Anong ginagawa nila? Magnanakaw ba sila?
Maya-maya ay biglang lumapit at inipit ng lalaki sa tapat ko ang leeg ng nasa harapan niya. Doon ko lang napagtanto na nakatalikod pala ang lalaki sa tapat niya. Pumiglas naman ito at napahawak sa isa niyang kamay.
"Huli ka sa akin ngayon," nakangising saad ng lalaki sa tapat ko. Hindi nagtagal ay nasiko siya nang isa kaya napahakbang siya papaatras hanggang sa magkatinginan silang dalawa.
"Ano bang kailangan mo?" tanong nang katapat niya na pamilyar naman sa akin ang boses.
"Huwag kang magtanga-tangahan. Tayo lang namang dalawa rito. Ikaw ang huli sa akin ngayon," sabay punas nito sa bibig niya. Sa isang iglap ay agad niyang sinipa sa sikmura ang kausap at sinabayan pa nang isang suntok. Napaupo ang lalaki sa sahig habang nakatayo naman sa harap niya ang isa.
Si Von ba ang isa sa mga to? Pero sino?
"Totoo nga pala ang sinasabi nila na kapag kalmado ka, literal na walang kang laban," saad nang nakatayo sabay labas nito ng baril mula sa kanyang bulsa, "Kabaligtaran naman kapag nawalan ka ng kontrol. Halos hindi ka na makilala," ikinasa niya ang baril at itinutok sa nakaupo.
Maayos kong tinignan ang nakaupong lalaki hanggang sa sunud-sunod na kumidlat. Nakatingala rin siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang mukha nito. Nakasuot ito ng blackhood at itim na mask kaya hindi ko rin nakita ang mukha.
Pero kung iisipin ko. Hindi ko man nakita ang mukha ni Von kagabi pero nakasuot siya ng black hood. Kung ganon, siya ba yung nakaupo ngayon?
"Kaya tatapusin na kita. Para wala na kaming problema sa LaCosa," saad pa nang may hawak ng baril. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis siyang tinira. Bago pa man niya ako makita ay tumama na sa kamay nito ang paa ko kaya nabitawan niya ang baril. Sinabayan ko na rin ng pagsuntok sa mukha nito dahilan para mapasalampak siya sa sahig.
"T*ngina! May kakampi ka pa lang hayop ka," bulong man niya ngunit halatang may bahid ng galit at pagkainis ang boses. Pinunasan niya ang bibig nito. Muling kumidlat hanggang sa tignan ko si Von, nakatingala siya sa akin habang nakaupo pa rin siya.
Hindi ko alam kung bakit pero napatitig ako sa kanya at bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita siya sa unang beses. Alam kong ganon din siya sa akin. Takip na takip ang kalahati ng mukha niya at kanang-mata lang ang kita. Pero ang nakakuha ng pansin ko ay ang isa niyang mata na may takip. May suot siyang eyepatch sa kaliwa kaya kanang mata niya lang talaga ang kita.
Pansin ko rin na nanginginig ang mga kamay nito sa sahig kaya pinutol ko ang titigan namin at nilapitan ang lalaki sa tabi. Sapilitan ko siyang hinila papatayo at hindi na bago sa akin kung nahihilo siya sa isang sipa at suntok ko pa lang. Gawain ko na yan, konti lang kasi ang lakas na meron ako kaya umpisa pa lang, nilalakasan ko na talaga dahil hindi ko kaya ang matagal na labanan.
"Dyan ka lang, ako na bahala dito," saad ko kay Von na tila naputulan ng dila.
Ano ba nangyari sa kanya? Psh, pake ko.
Mahigpit kong hinawakan ang likurang kwelyo nang lalaki at hinila papalayo sa lugar na yon. Hindi ko man alam kung saan kami papunta pero nang makarating sa dulo, nasa pintuan na pala kami kaya nagpasya akong lumabas. Nang makalabas kami sa pintuan ay malakas ko siyang itinulak kaya nadapa siya. Nagkibit-balikat ako habang nakatayo sa harapan nito.
"What do you want?" tanong ko habang seryoso ang tingin sa kanya.
Timingala siya kaya nagtama ang tinginan namin, "I could have killed him! Bakit moko pinigilan?!" gigil at nanginginig nitong saad.
"Sino ka ba?"
"Ahh, siguro magkasabwat talaga kayo? Bakit? Nagpapasok ba ang demonyo nang ibang tao sa impyernong to para ipagtanggol siya?" nakangisi niyang saad hanggang sa humalakhak ito ng malakas.
Nagsalubong ang kilay ko, "Ano bang pinagsasabi mo?"
Tumigil siya sa pagtawa at dahan-dahang tumayo habang binabatuhan ako ng matatalim na tingin. Nanginig ang mga kamay nitong napakuyom, "Mga wala kayong awa," unti-unting tumulo ang kanyang luha habang dinidiin ang bawat salita.
"Sino kayo para paglaruan ang mga buhay namin at itrato kaming hayop?!" mas lalong kumunot ang noo ko, "Bakit pati kami ng pamilya ko... " nanginginig nitong itinuro ang sarili at tuluyang naiyak, "Nadamay?" halos hindi na rin siya makapagsalita.
"Hindi kita maintindihan," pag-iling ko, "Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit pumasok ka sa lugar na 'to at nagtangkang pumatay nang isang tao," paliwanag ko.
Humakbang siya papalapit sa akin habang idinuduro ako, "Tandaan mo. Pagsisisihan mo ang gabing to na pinigilan mo ako. Pinatira niya rin kami dito sa mansyon niya. Akala namin... " muli siyang naiyak, "Mabait siya. Ang akala namin... iba sila sa tatay nila, pero ngayon isa-isa nila kaming tinatanggalan ng buhay... sa p-pinakamasakit na paraan. At isusunod ka nang mga hayop na yan!" sabay turo niya sa loob habang nanginginig pa rin ang mga kamay.
"Magsisisi ka din! Siya ang matagal na nilang hinahanap. Kaya umalis ka na habang maaga pa. Ang mga taong yan ang totoong namamahala sa— " sabay kaming napatingin sa gilid nang may mahulog na isang baril ngunit hindi yon diretsang tumama sa lupa dahil may tali. Kusang nagkasa yon hanggang sa tumama sa direksyon niya.
Dahan-dahan akong napatingin sa gawi niya at ganon din siya. Unti-unting lumabas ang dugo sa dibdib nito. Nang tignan niya ako ay naglabas na rin siya nang dugo sa bibig nito. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong senaryo dahil sinanay nila ako. Wala akong maramdaman na takot o kaba.
"K-Kahit anong mangyari," inilingan niya ako, "H-Huwag na huwag kang magtitiwala sa kanya... h-hindi mo siya kilala," napaluhod siya at unti-unting napahiga sa sahig. Nagkalat naman ang dugo doon.
Naramdaman ko na lang ang presensya nang isang tao. Dahan-dahan akong napatingin sa likuran hanggang sa makita ko si Von. Nakita niya ang lalaking nakahandusay sa harapan ko. Unti-unti siyang napayuko hanggang sa makita ko ang mga kamay niyang nanginginig.
At sa tingin ko, may mga bagay pa na kailangan kong malaman habang nandito ako.
Pero ano bang pake ko. Wala naman akong alam sa nangyari.
To be continued...