Chapter 10 - RedStar: 8

Bwisit na Von.

Nilapitan at tinignan ko lang saglit yung lalaki kung patay na ba talaga o humihinga pa pero pagbalik ko ng tingin kay Von, biglang nawala. Kakaibang klasi ang isang yon ah.

Psh. Palibhasa takutin kasi.

Ito naman ako ngayon at naghuhukay dito sa bakuran niya. Nagiging alerto na lang ako dahil baka biglang may lumitaw na trap at masama pa ako sa ililibing ngayon. Wala naman akong maisip na ibang paglilibingan nitong lalaki except dito sa bakuran ni Von.

Bahala siya. Bahay niya naman 'to at hindi naman sa akin kaya ok lang. Siya naman ang mumultuhin at di ako.

Pagkatapos kong ibaon sa hukay ang lalaki, nahagis ko na lang sa kung saan ang hawak na pala at napaupo. Basang-basa na rin ako ng ulan at madumi na ang pareho kong kamay dahil sa putik. Umaambon din kasi kaya mas makalat ngayon dahil basa ang lupa. Itinaas ko ng konti ang dalawang tuhod habang nakapatong dito ang dalawa kong siko at saka nagpakawala nang malalim na buntong hininga.

Simula pa kaninang naghuhukay ako, hindi na ako mapalagay. Paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko lahat nang sinabi nung lalaki kanina.

"Sino kayo para paglaruan ang mga buhay namin at itrato kaming hayop?! Bakit pati pamilya ko nadamay?"

Sino ba ang tinutukoy niyang pinaglaruan sila? At nadamay saan?

"Tandaan mo. Pagsisisihan mo ang gabing to na pinigilan mo ako. Pinatira niya rin kami dito sa mansyon niya. Akala namin... mabait siya. Ang akala namin... iba sila sa tatay nila, pero ngayon isa-isa nila kaming tinatanggalan ng buhay... sa p-pinakamasakit na paraan. At isusunod ka nang mga hayop na yan!"

Si Von ba ang tinutukoy niya? Pero bakit parang maraming tao ang tinutukoy niya? Habang tinitignan ko ang mga mata at kilos ng lalaki kanina, may matindi siyang hinanakit. Pero kung kay Von nga, bakit?

"Magsisisi ka din! Siya ang matagal na nilang hinahanap. Kaya umalis ka na habang maaga pa. Ang mga taong yan ang totoong namamahala sa- "

Napahilamos na lang ako ng mukha. Bwisit talaga. Bakit ba kasi kailangan niya pang mamatay agad? Bakit hindi muna niya natapos ang sasabihin bago nabaril? Nakakainis. Kahit kailan, epal talaga ang mga trap ni Von dito. Sagabal lang. Trap na hindi nakakatulong.

"K-Kahit anong mangyari. H-Huwag na huwag kang magtitiwala sa kanya... h-hindi mo siya kilala."

Bigla na lang akong napatingin sa kawalan habang iniisip ang mga sinabi ng lalaki.

Hindi ko alam ang lugar na pinasok ko. I mean, alam ko kung sino si Von pero hindi ko alam kung ano ang daratnan ko rito. Imposibleng basta-basta na lang silang papasok dito nang walang dahilan. At imposibleng tatapatan niya nang baril si Von nang walang dahilan.

Pero bakit? Unti-unti ko na ring kinakagat ang mga kuko ko sa daliri. May ginagawa ba si Von kaya madilim dito sa mansyon? Halatang may hinanakit ang lalaki sa kanya at yon ang hindi malinaw sa akin.

Kanina ko pa talaga to tinatanong sa sarili ko, as if masasagot ko naman. Isa pa, ano namang pake ko, eh gulo nila yan.

Sa totoo lang, walang malinaw sa akin. Ang naiisip ko lang ngayon, may ginawa si Von kaya ganon na lang magalit ang lalaki sa kanya.

Napatingin ako sa malayo at nagkuyom ng kamay. Mabilis akong tumayo at tinungo ang loob ng mansyon. Basang-basa na rin ako ng ulan at mas lalong nadudumihan ng putik pero wala lang sa akin to.

Kapag napatunayan kong tama ang hinala ko, ngayun-ngayon din aalis ako sa lugar na to.

Pabagsak kong binuksan ang pintuan at isa-isang hinalughog ang bawat kwarto. Hindi ko alam kung saan ang eksaktong kwarto niya kaya kung kinakailangan mang sipain ang lahat ng pinto, sisirain ko lahat hanggang sa mahanap ko siya. Umakyat na rin ako sa second floor dahil wala siya sa baba. Hindi ko pa nga nabuksan lahat ng kwarto dahil naka-lock at kahit anong sipa ko, sadyang matibay ang mga 'yon.

Kapag minamalas ka nga naman.

Kakasipa ko sa mga pinto ay may isang bumukas hanggang sa tumambad sa akin ang isang lalaking nakatalukbong at nakaharap sa pc nito. Siya lang naman ang may suot na hoody hanggang sa loob ng pamamahay niya.

Natigilan ako at napatingin sa paligid. May mga kulay bughaw na led lights ang nakadikit sa bawat sulok ng pader. Maski ang pc niya ay may mga ilaw. Abala naman siyang nakaharap doon habang nakasuot ang headset sa tainga nito. Pansin ko pa na puro letra at numero ang tinatype niya. Akala ko naglalaro pero wala akong pake.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang braso nito para sapilitang itayo at iharap sa akin. Inalis ko agad ang headset niya at inihagis nang bahagya sa tabi ng pc nito, "Oh, bakit di ka nagsabi na gusto mo pala akong makita?" sabay ngisi niya kaya marahas ko siyang hinila papunta sa isang pader. Tumama doon ang likod niya at tinapatan ko siya gamit ang matatalim na tingin.

"Huwag mong pinapakita sa akin ang ngiting yan dahil kumukulo ang dugo ko sayo," may pagbabanta kong saad.

"Oh chill. Ano bang problema mo?" sabay ngiti ulit niya nang malapad.

"Ano yung mga sinabi niya sa akin?"

Kumunot ang noo nito, "Anong sinabi?"

"Hindi magagalit ang taong yon sayo kung wala kang ginawa," diin ko sa bawat salita. Diretso ang tingin ko sa kanya.

Naging seryoso naman ang mga mata niya at naglaho ang ngiti, "Kung anuman ang sinabi niya sayo. Hindi ko alam kung anuman yon dahil hindi niya naman sa akin sinabi."

Bwisit na sagot yan.

Agad akong naglabas ng baril at itinapat pataas sa baba niya dahilan para mapatingala siya, "Sasagutin mo 'ko ng matino o pasasabugin ko yang bungo mo?"

"Kumalma ka pwede ba? Kung anuman ang sinabi niya s-sayo, wala akong alam don. T-Tsaka ano bang sinabi niya?"

"Wala ka na don.. Sagutin mo 'ko," mas tinapatan ko siya, "Bakit galit na galit siya at gusto ka niyang patayin?"

"H-Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, parati silang lumulusob dito tuwing gabi," depensa niya. Halata rin sa mga mata niya na nagpapapanic siya. Sabi ko na, takutin ang isang to. Ts, kalalaking tao, duwag.

Kumunot ang noo ko, "Sila? Sinong sila?"

"Hindi ko sila kilala. Walang gabing lilipas na hindi sila manghihimasok dito sa mansyon. Kaya puro tago at takbo ang ginagawa ko. Ako na tong nananahimik at nilusob nila ako pa itong pagbibintangan mo?!"

Nakaramdam ako ng konting konsensya sa sinabi niya kaya lumuwag ang pagkakahawak ko rito. Sandali ko siyang tinititigan habang binabasa ang kanyang mata at ang mukha nitong halos takip na takip na, "Siguraduhin mong totoo lahat ng sinasabi mo dahil sa susunod, hindi ako magdadalawang-isip na barilin ka," tuluyan ko siyang binitawan. Napayuko ito at napahawak sa magkabilang-tuhod habang hinihingal.

"Tuwing gabi may nakakapasok dito- kahit may trap," sabay tingin niya sa akin habang hinihingal.

"Baka kasi may ginawa ka?" tugon ko na seryoso pa rin ang tingin sa kanya. Alerto pa rin ako dahil baka totoo nga ang sinasabi ng lalaki at bigla niya akong lusubin o atakihin.

"Kung may ginawa man ang ama ko, di ko 'yon kasalanan. Siya ang puno't dulo ng lahat ng pasakit sa buhay ko," maayos siyang tumayo at sumandal sa pader, "Simula nang mawala siya. Hindi na ako makalabas sa lugar na 'to. Tuluyan niya akong ikinulong sa mga kasalanan niya," sa malayo ang tingin niya habang seryosong nagsasalita.

"Bakit?" tanong ko.

Tinignan niya ako at mapait na ngumiti, "Pinagbibintangan nila ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Pakiramdam ko ako yung nagbayad sa mga kasalanan niya. Ano pa bang gusto nila? Di na nga ako lumalabas ng mansyon. Bakit nagpapapasok pa rin sila ng mga tao para lang patayin ako? Kasalanan ko bang nabuhay ako? Lahat na lang ng bintang sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama," nangingintab rin ang mga mata niya.

Hindi naputol ang tinginan namin, "Sabihin mo nga sa akin, wala naman kayong proweba pero bakit ako pa rin ang pinagbibintangan niyo? Dahil ba ako ang nakitang huli niyang kasama? Bullsh*t. Napaka-unfair ng hustisya," isang mata lang ang nakikita ko pero halatang may hinanakit yon.

"Kung wala ka talagang kasalanan, hindi ka dapat magtago," sagot ko.

Mapait siyang ngumiti, "Kung ikaw binabato ng mga tao kahit na alam mong wala ka namang ginagawang masama, itutuloy mo pa rin bang maglakad? Hindi ba magtatago ka kasi masakit?" hindi ako nakasagot hanggang sa matawa siya.

Bigla ko na lang naisip, hindi pwedeng magtatagumpay silang patayin siya, dahil di ko matatapos ang misyon na to kapag nawala agad si Von.

"Then from now on, we have to stick together," napako ang tingin niya sa akin, "Para di ka nila mahawakan."

"Ano?" muli siyang natawa.

Nakakapagtaka lang, muntikan na siyang patayin pero nagagawa pa niyang tumawa ng ganyan. Anong klasing nilalang ba siya? Masyado siyang masayahin.

"Obvious naman na di ka makalaban dahil mas nauuna pa yang takot mo. In short, duwag ka," sabay tingin ko sa kamay niyang nanginginig.

"Grabe ka sakin ah?" sagot niya.

Itinago ko naman sa likuran ang hawak na baril. Humarap ako sa ibang direksyon at nagkibit-balikat, "Ni hindi ko nga alam kung paano ka nabuhay ng matagal kung takutin ka naman."

Maraming pumapasok sa mansyon tuwing gabi pero buti buhay pa siya?

"Huwag mong sabihin na puro tago lang ang ginagawa mo kaya buhay ka pa?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Natawa ulit siya at yumuko. Psh, duwag na bata.

"We have to stick together para di nila ako mahawakan? Ayoko, di na ko bata para bantayan," sagot niya na tinalikuran ako at lumabas kaya sinundan ko siya.

Ah yeah, muntik ko nang makalimutan na mas bata siya ng isang taon sa akin.

Inunahan ko siya at mahigpit na hinawakan ang damit nitong hood. Muli ko siyang isinandal nang malakas sa pader kaya nagkatapatan kami, "Makinig ka sa akin bata, di ka pa pwedeng mamatay hanggat di ko natatapos ang trabaho ko sayo."

Trabaho lang naman ang pinunta ko dito.

"Edi tapusin mo agad trabaho mo. Problema ba yun?" sabay tulak niya kaya napaatras ako at saka siya naglakad. Inulit ko naman yung ginawa ko kanina at muli siyang napasandal sa pader, "Alisin mo yung mga trap, lalabas ako bukas," utos ko.

Nabigla na lang ako nang pagbaligtarin niya ang pwesto namin. Ako naman ang nakasandal sa pader ngayon habang nasa magkabilang-gilid ko ang mga kamay niya, "Bakit ka lalabas?" sabay ngisi niya ng masama. Nakatakip man ang bibig pero nababasa ko ang reaksyon niya dahil sa mata nito.

"Bibili ng pagkain. Nagugutom ako at wala pang laman ang tyan ko. Ang laki ng bahay mo pero yung ref mo walang laman? Anong kabobohan yon?"

Paano ba siya kumakain kung walang laman ang ref? Ah pake ko.

"Ayoko," lumayo siya at tinalikuran ako, "Di ko naman maaalis ang mga yun," naglalakad siya papalayo kaya sumunod ako.

Bwisit na lalaki.

"Anong di maaalis? Bakit?"

"Dati pa yun nakatanim dito bago mamatay ang tatay ko, kaya di ko alam pano alisin," sagot niya.

Hinawakan ko ang braso niya at sapilitang iniharap sa akin, "Pati ikaw di mo alam kung paano, kelan at saan lalabas yung mga trap?" tanong ko.

"Oo," inalis niya ang pagkakahawak ko at naglakad na pababa sa hagdanan, "Kaya di na rin ako lumalabas."

"Paano ka kumakain?"

Bakit ko pa ba tinanong eh wala nga akong pakielam sa kanya.

"Pakielam mo ba," sagot niya kaya sinipa ko ang paanan nito dahilan para muntikan siyang mahulog sa hagdanan kundi lang napahawak sa gilid.

"Aray ko! Ano ba?! Balak mo din ata akong patayin," inis niyang tingin sa akin habang seryoso lang ang tingin ko sa kanya. Pake ko sayo.

Nilagpasan ko siya at nagkibit-balikat. Nakakailang hakbang pa lang ako ay hinarapan ko ulit ito, "Hindi mo kayang alisin ang mga trap dba? Kung ganon, sasama ka sakin bukas."

Kumunot ang noo niya at napakamot, "Bakit pa?"

Itinuloy ko ang paglalakad pababa, "Unfair naman kung ako lang ang iiwas sa mga trap na yon, dapat pati ikaw. Damay damay na 'to."

"Ayoko ngang lumabas. Ikaw na, kaya mo na yan," irita niya akong nilagpasan.

"Di huwag kang kumain. Di kita bibilhan. Magutom ka hanggang sa mamatay ka," sagot ko. Natigilan siya at tumalikod para samaan ako ng tingin.

"Tsss," sagot niya bago ako tuluyang tinalikuran.

Naglakad na lang din ako pabalik sa library. Bago ako pumasok, sinilip ko ang paligid. Wala na agad siya. Ang bilis niyang nawawala. Multo ba yon? Pagpasok ko sa library, maliwanag. Natigilan ako nang bumungad sa akin ang isang first aid kit na nakapatong sa sahig. Kinuha ko yon at isinara ang pinto.

Umupo ako sa couch at binuksan. May alcohol, bulak, betadine at iba pa. Pansin kong di ko pa pala nagagamot ang mga sugat ko kaya natuyo ang dugo.

Kung sa kanya man galing to, edi salamat. Pake ko naman. Wala naman kasi to kanina dito.

To be continued...